A Romance With My Gay Bestfriend (TAGLISH)

A Romance With My Gay Bestfriend (TAGLISH)

last updateTerakhir Diperbarui : 2022-07-08
Oleh:  PseudonymOn going
Bahasa: Filipino
goodnovel16goodnovel
Belum ada penilaian
5Bab
1.6KDibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Sinopsis

Marrying each other is their best choice rather than marrying someone they don't love. Simula pagkabata palang ay matalik ng magkaibigan si Heaven at Ethan. Alam na alam nila ang ayaw at gusto nila, kilalang-kilala na nila ang isat-isa. Parang kapatid na ang turingan nila sa isat-isa. From all the guys that Heaven meets, all she can say is that Ethan is one of a kind. He'd be a perfect match for her kung hindi lang sana sila mag best friend at kung di lang sana ito bakla. Oo, bakla si Ethan at tanging siya lang ang nakakaalam non. Mananatiling kaibigan lang kaya ang tingin nila sa isat-isa kapag nag sama na sila sa iisang bahay? O baka paglalaruan sila ng tadhana at ang tadhana ang gagawa ng paraan para sila ay maging higit pa sa MAGKAIBIGAN?

Lihat lebih banyak

Bab 1

CHAPTER 1

"Oh, kamusta 'yong date mo kanina?" 

"Ang boring niyang kausap, walang sense of humor grabe! Kung siya mapapang-asawa ko wag nalang, kahit lalake pa siya tsk ayoko. Mamamatay yata ako sa sobrang boring niya." Sagot nito at natawa naman ako.

"Sana sinabi mo sa babaeng yon na ang boring niya." Wika ko at humiga sa kama niya.

Nandito kami ngayon sa kwarto niya at siya nakaupo lang sa gilid ng kama.

Nilingon niya ako. "Sinabi ko nga eh." 

"Tapos? Anong reaction niya? Nagalit ba?" Tanong ko at bumangon.

"Oo, nagalit siya sinampal pa nga ako ni gurlalo. Sabi niya napaka rude ko daw pfft! Pero ang sakit talaga nong sampal eh, pasalamat siya nakapag timpi ako kung hindi namumula na pisngi non pag uwi sa bahay nila."

"Aba! Walangya siya ah, sinampal ka niya!? Kawawa naman 'tong bestfriend ko." Nakanguso ko siyang tinignan, hinawakan ko ang pisngi niya at kinurot kaya napadaing siya.

"Sinasabi ko na nga ba eh, yan gagawin mo sa pisngi ko!" Inis niyang saad at hinimas-himas ang pisngi niya.

Napahalakhak nalang ako ng tawa at nagpa gulong-gulong sa kama niya.

"Ikaw, kamusta 'yong sayo?" Napatigil naman ako sa tanong niya.

"Tsk, nag tanong ka pa! Boring din, akalain mo 'yon nag date kami don sa library--" di ko na natapos ang sasabihin ko ng mag salita siya.

"Maganda nga yon diba library, gusto ko nga subukunan don eh, kaso mga lalake  medyo arte parang babae mas gusto sa kama! Ano may ginawa ba kayo??" 

"Oo, may ginawa kami marami! Nag basa lang naman kami ng mga libro at daldal siya ng daldal tungkol sa war noon at tungkol din sa science. Mapapamura ka nalang talaga anong akala niya sakin estudyante niya?!"

"Akala ko ba date, bakit parang gusto pa niyang maging teacher mo."

"Date nga, sabi nga niya library date daw. Kapag talaga nakita ko ang lalaking iyon ipapakain ko sakanya yong mga librong binasa niya! Alam mo gusto ko nang lumayas sa bahay dahil dyan sa mga pinaggagawa ni mommy at daddy!" Inis kong saad.

"Sinabi mo pa!" Pag sang-ayon niya.

"Ang ba-bata pa natin pero parang nag mamadali silang ipakasal tayo sa kung sino-sino lang." Dagdag niya pa.

"Di talaga nila maintindihan na hindi pa tayo handa sa mga ganyan at mas lalo ka na." Bagot kong sabi at napabuntong hininga nalang. 

Masisikmura ba naman nitong bestfriend ko na magpakasal sa babae eh, lalake gusto nito.

"Naniniwala kase sila na mag wo-work ang ganitong klaseng set up, kase nga diba sila noon pinagkasundo rin silang ipakasal sa isat-isa." 

"Yeah, nag work sakanila pero pano kung di mag work iyong sa atin? Pano kung masisira lang buhay natin dahil dyan, di man lang nila naisip na dapat ang mapapang-asawa natin eh, iyong mahal natin!"

Sabi pa nga nila na wag akong mag alala kase kalaunan mamahalin ko din ang mapapang-asawa ko kapag tinagal na kami at may mga anak na. Jusko naman, alam kong matututunan nating gustuhin ang isang tao pero di natin mapipilit itong puso natin na mag mahal!

"Nong isang buwan pa nga tayo naka graduate ng college tapos di man lang natin ma e-enjoy kase gusto na nila tayong magka pamilya kagad!" Humiga siya sa tabi ko.

Tumagilid siya para tignan ako at tumagilid din ako.

"Hay! Kung may magagawa lang sana tayo para pigilan sila kaso wala tayong choice kundi sundin sila..."

"Kase mga magulang natin sila." Dugtong niya sa sinasabi ko.

"Tsk, kawawa ka naman Ethan magiging sunod-sunoran ka na kapag may asawa ka na at mga anak. Kailangan mo ng mag trabaho at may mga responsibilidad ka na bilang asawa." Alam kong mandidiri at maiinis siya pag sinasabi ko to sakanya. 

"Ikaw din naman, baka lagi kang anakan ng magiging asawa mo." Natatawa nitong saad kaya pinitik ko ang noo niya.

"Aray ko naman ah, ang sakit." Boses babaeng sabi nito. Si Ethan hindi siya yong showy na bakla, dahil na nga rin siguro kase ako lang naman ang nakakaalam sa totoong pagkatao niya. Sa akin o don sa mga naka date niya na lalake pinapakita niya ang beke side niya.

"Nagugutom na ako, kumain muna kaya tayo?" Aya ko sakanya. 

Tumayo kaming dalawa at nag tungo sa kusina.

"Ija, nandito ka pala ba't hindi mo sinabi." Nag mano ako sa mom ni Ethan.

"Pasensya na po, dumiretso na kase ako sa kwarto ni Ethan kaya di na ako nakapag sabi hehe." Paliwanag ko.

"Sinabi ng mom mo sakin na may date ka kanina, kamusta pala iyong ka date mo?" Tanong niya. Tinignan ko si Ethan na ngayoy parang natatawa pa.

"Okay lang po." Sagot ko at pilit na ngumiti.

"Mabuti naman at mukhang nagustuhan mo ba ang lalaking iyon??" Tanong niya na ikinakunot ng noo ko.

"Hindi po Tita, di ko siya type." Pagsabi ko ng totoo at natawa siya. "Ija, parang lahat naman na lalaki na ipinakilala ng mom mo, hindi mo gusto."

Mabuti at alam mo yon Tita.

"Mom, sabihin mo nalang kase kay Tita at Tito na tumigil na sila kakahanap ng lalaking ipapakasal kay Heaven." Biglang sabi ni Ethan.

"Hindi pu-pwede yan anak, ang plano namin ay double wedding para sa inyong dalawa ni Heaven. Di ba exciting yon? Sabay kayong ikakasal ng bestfriend mo??" Kita ko sa mga mata ni Tita na masaya siya.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Ethan at pekeng tumawa. "Exiting nga!" 

Grabe, sobrang exiting! Parang gusto ko nalang yatang ilibing sa lupa sa sobrang excited ko.

"Oh, ano ayaw niyo sa mga ipinapakilala sainyong mga babae at lalake. Kung kayo nalang kaya dalawa magpakasal ano? Mas maganda yon?" Pareho naman kaming tumawa ni Ethan sa sinabi ng mom niya.

"Ikaw Tita ah, palabiro ka pala!" Halakhak kung tawa hanggang sa napaubo na ako dahil sumakit bigla lalamunan ko.

"Ayan kase grabe ka makatawa, lumalaki pa yang bunganga mo na parang balak mo yatang lamonin itong bahay." Tawang saad ni Ethan sakin.

"Oo, balak ko nga baka gusto mo lamonin din kita!" Sabi ko sakanya sabay binugahan siya ng hininga.

"Nakalimutan ko pala mag toothbrush sorry bff." Halakhak ko pa.

"Kayong dalawa talaga, halina kayo kumain muna. Tama na yang kabaliwan ninyo." Grabe si Tita kabaliwan talaga.

Pagkatapos naming kumain ay nag paalam na ako at umuwi sa bahay.

_

"Sweetie kamusta yong ka date mo, ayos ba??" Tanong nila pareho sakin.

"No, ayaw ko sakanya!" Napairap ako.

"Tumigil na kase kayong dalawa. Ayaw ko ng makipag date sa kung sino-sino dyan!"

"Okay fine!" Napatingin ako kay dad ng mag salita siya. Ngingiti na sana ako kase akala ko di na niya ako pipilitin pang makipag date o magpakasal sa kung sinong lalaki.

"Walang nang date-date dahil magpapakasal ka na don sa anak ng kakilala ko. Maganda iyong business nila at mas ayos na ayos kung ang anak niya ang makakatuluyan m--"

"What??!" Napatayo ako at pareho silang tinignan ng masama.

"Alam ko namang nag se-set up kayo ng date para sakin dahil kong magustuhan ko man iyong lalaki, siya ang ipapakasal niyo sakin pero ito ang mas worst sa lahat! Kase kayo na mismo ang pumili ng lalaking pakakasalan ko at wala akong choice este wala naman talaga akong choice sa lahat eh, puro kagustuhan niyo nalang ang nasusunod!!" Pasigaw kong wika.

"Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sa buhay ko, sana pala di nalang ako pinanganak! Kung gusto niyo ng anak na sunod-sunoran, pumunta kayo don sa kwarto niyo at gumawa ulit ng bata!" Ramdam ko ang sakit ng lalamunan ko dahil sa pag sigaw ko.

Agad kong pinahiran ang luhang tumulo sa pisngi ko.

"Nawawalan ka na talaga ng respeto samin Heaven!!"

"Respeto? Alam niyo ba ang salitang respeto dad?? I respect you and mom a lot so, how could you say that to me! Eh, kayo ba?! Kelan n'yo ba ako ni-respeto? Kailan niyo  ba ni-respeto ang desisyon ko!!"

"Ginagawa namin ito para sa ikakabuti--"

"No! Ginagawa n'yo ito para sa sarili ninyo mom! Ang se-selfish niyo naman na hindi niyo man lang inisip kung anong nararamdam ko, kung masaya ba ako sa ganito! Naguguluhan tuloy ako kong pinakain at pinalaki niyo lang ako para sa ganitong buhay, kung alam ko lang talaga eh, di sana hiniling ko nalang na hindi mabuhay nong nagkasakit ako!!"

"Sweetie--"

"I hate you! And I hate you too!!" Tumayo at nag simulang mag lakad papalayo sakanila.

"Heaven!!" Tawag ni dad sakin pero tuluyan ko na silang tinalikuran at tumakbo paalis ng bahay.

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

Tidak ada komentar
5 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status