LOGINMATAPOS inumin ni Xyza ang isang baso ng tubig na iniabot sa kanya ng kaibigan, ay naramdaman niyang medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sinabayan pa ng pagpaparamdam ng mag-ina ng pag-aalala at pagdamay sa kanya, kaya naman kahit paano ay nakahinga na siya ng maluwag.Pagkatapos ay dinampot niya ang cellphone at walang imik na iniabot iyon sa mag-ina.Para kasing ayaw bumuka ng bibig niya para magsalita kahit na medyo ayos naman na ang kanyang pakiramdam.Nakakunot-noo at nagtataka namang inabot iyon ni Cathy.Nakabukas naman iyon kaya madali lang na makikita ang gusto niyang ipakita sa mga ito.Nakidungaw na rin si Cyla sa ina habang tinitingnan nito ang screen ng kanyang cellphone.Ilang segundo lang ang lumipas ay nakita niyang sabay na napatutop sa bibig ang mag-ina kasabay ng malakas na pagsinghap, nanlalaki rin ang mga mata ng dalawa.“B-Besty, i-ito ba ‘yong d-dahilan k-kung b-bakit ka u-umiiyak ng ganyan?” kandautal na tanong sa kanya ni Cyla na para bang hindi makapaniwala
YUMUYUGYOG ng malakas ang mga balikat ni Flint dahil sa pag-iyak.Hindi niya akalaing mas masakit marinig sa pangalawang pagkakataon ang mga hinanakit sa kanya ni Xyza, lalong-lalo na ang pagpapaalam nito.Pero ang ipinagtataka niya, bakit tila galit na galit ito kanina at parang gigil na gigil na hindi niya maintindihan?May nangyayari na naman ba na hindi niya alam?Nawala ang mga bagay na iniisip niya nang bigla siyang dinaluhan ng mag-asawa.“A-anak, Flint. I-I’m so sorry, kung hindi dahil sa ‘kin ay hindi ito mangyayari. Masaya sana kayo ngayon ni Xyza habang magkasama, hindi malungkot at nag-aaway habang magkahiwalay,” malungkot na paghingi sa kanya ng tawad ni Glenda habang umiiyak.“M-mommy, huwag niyo na pong sisihin ang sarili niyo. Nagalit man kayo o hindi sa ‘min noon, mangyayari pa rin po ito dahil may nagawa akong malaking kasalanan sa kanya. Naglihim ako at itinaboy siya palayo na para bang siya pa ang may kasalanan, kaya siguro, deserve ko naman ‘tong sakit na nararamd
“DAD! DAD! MOMMY GLENDA!” malakas na tawag ni Flint sa mag-asawa matapos na makitang tumatawag sa kanya si Xyza.Nagtataka man siya kung bakit bigla itong tumawag sa kanya, ay ipinagsawalang bahala na lang muna niya iyon.Ang importante ay naalala siya nito at gusto siyang kausapin.Patakbo siyang bumalik sa living room habang patuloy sa pagtunog ang kanyang cellphone.Paakyat na kasi sana siya sa kanyang silid para magpahinga, eksaktong nasa kalagitnaan pa lang siya ng hagdan nung tumawag si Xyza.“Ano kamo? Tumatawag si Xyza?!” pag-uulit ng ama niya sa sinabi niya, bakas ang katuwaan sa mukha.“Mabuti naman at tumawag siya! Naku, sagutin mo na, anak! Baka gusto na niyang umuwi at nami-miss na niya tayo!” excited naman na sambit ni Glenda.Maging siya ay excited na rin, hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya kapag narinig niya ang boses ng babaeng matagal na niyang nami-miss na mayakap at mahalikan.Mabilis niyang binuksan ang tawag at ini-on pa ang speaker para marinig
“ANO BA ANG BALAK mong gawin sa ngayon, honey?” tanong ng kanyang ama sa katabi nitong si Glenda na hanggang ngayon ay yakap-yakap pa rin nito.“S-sa totoo lang, hindi ko alam…” malamlam ang mga matang sagot nito, may tumakas pang isang butil ng luha sa kabila niyon nung pumikit ito.“Dumito ka na lang, honey. Bumalik ka na, para magkasama na ulit tayo. Nang sa ganoon, mas mapapadali ang paghahanap natin kay Xyza kapag magkakasama tayo rito. At kahit magpumilit ka pa na umuwi ng mansion, hindi na kita papayagan. Kung puwede lang, ikukulong talaga kita roon sa silid natin para hindi ka na makalabas pa rito,” ani ng ama niya.“K-kung okay lang sa inyong dalawa nitong si Flint na bumalik ako rito, sige,” sagot naman ni Glenda at tumingin pa ito sa kanya.“Aba’y oo naman po, mommy Glenda! Sino ba ang aayaw na bumalik ka rito? Eh, pagkakataon na natin muli na mabuo ang pamilyang ito!” masayang sambit niya.“At dahil diyan, sasamahan kita mamaya sa pagpunta mo ng mansion para muling dalhin
“NAKU, HONEY. Kahit kailan, simula nung umalis kayo rito at bumalik ng mansion, ay hindi pa ‘yon nagagawi rito si Xyza. Baka sa ibang mga kamag-anak ninyo siya nanuluyan?” komento ng ama niya sa sinabi ni Glenda.“Nasasabi ko ‘yon dahil simula nung umalis kayo, hindi na ako lumalabas ng bahay, naghihintay sa muli ninyong pagbabalik,” dugtong pa nito, hindi maitago ang lungkot sa mukha.Malungkot din na napayuko si Glenda. Pero hindi niya matukoy kung para saan ba ang lungkot na nakarehistro sa mukha nito.Dahil ba sa nabigo ito sa pag-aakalang naroroon sa kanila si Xyza?O, dahil sa emosyonal na sinabi ng ama niya rito?Kung alin man sa dalawa, ay hindi niya matiyak.“Sa totoo lang, natatakot ako para sa kaligtasan ng anak ko, lalo na at wala pa siyang masyadong alam sa pag-iisa. At alam kong wala siya ni isa man sa mga kamag-anak namin ang gusto niyang makipanuluyan, dahil lahat sila ay galit sa ‘min, dahil sa tagumpay noon ni Geronimo sa negosyo, doon nagsimula ang inggit nila,” an
PAGPASOK ni Flint sa kanilang bahay ay nadatnan niya ang kanyang amang nakaupo sa sofa sa living room.Walang binabasang magazine.Hindi nanonood ng TV.Kundi nakatulala ito sa kawalan na kahit ang presensiya niya ay hindi man lang napansin o naramdaman.Dahan-dahan niya itong nilapitan bago tinawag.“D-dad.”Mabilis itong napatingin sa direksyon niya, pero hindi niya alam kung tunay ba ang nakita niyang mga luha na tumulo sa mga mata nito, at wala siyang ideya kung para saan iyon.Sa biglaan ba niyang pag-uwi?O, dahil sa lungkot na bumabalot dito dahil sa pag-iisa?Nakangiti itong tumayo at lumapit sa kanya kasabay ng pagyakap ng mahigpit.“Sa wakas anak, naisipan mo ring umuwi. Alam mo ba na palagi kong ipinagdarasal na sana, ay matulog ka rito kahit isang gabi lang? Para naman maibsan ang kalungkutan ko sa pag-iisa,” sambit nito.Dahil doon ay hindi niya napigilang lumuha.“I-I’m sorry, dad. Hindi ko man lang naisip na naisasantabi na pala kita…” lumuluha niyang paliwanag.“Son, h







