Share

Chapter 108

Penulis: Serene Hope
last update Terakhir Diperbarui: 2025-11-05 20:29:03

INIANGAT ni Xyza ang kanyang ulo at idinako sa binata ang kanyang mga matang magang-maga na dahil sa pag-iyak.

“B-bakit? B-bakit nga ba?” humihikbi niyang tanong.

“Siguro, tama naman ang desisyon ni mommy Glenda na paghiwalayin muna tayo. Kasi kung kokontrahin natin siya, mas lalo lang na gugulo ang sitwasyon.”

“What? Pumapayag ka na magkahiwalay tayo? Hindi naman ganyan ang ipinangako natin sa isa ‘t isa, ‘di ba? Akala ko ba mahal mo ako?” sunud-sunod niyang tanong sa binata habang nag-uunahan na naman sa pagragasa ang kanyang mga luha.

“Oo, mahal kita, Xyza. Mahal na mahal, pero may mga bagay kasing mahirap ipilit lalo na at—"

“Mahal mo ako pero gusto mo akong mahiwalay sa ‘yo? Anong klaseng lalaki, ha, Flint? Ni hindi mo na nga ako tinulungang ipagtanggol kanina ang relasyon natin sa harap ng galit na galit na si mommy, pagkatapos ngayon, itinataboy mo naman ako palayo na parang hindi tayo nagkaroon ng magandang pinagsamahan?!

Doon na biglang lumapit sa kanya si Flint at itinayo si
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • A Stepbrother's Burning Desire   Chapter 109

    WALANG MAINTINDIHAN si Flint sa kanyang kasalukuyang nararamdaman.Kanina, habang pinapanood niya mula sa bintana ng kanyang silid sa maliit na siwang ng kurtina niyon ang pag-alis ng mag-ina, ay halos gusto niyang takbuhin ang dalaga palabas para pigilan ito sa pag-alis.Pero pinigilan niya ang sarili at tahimik na lamang na lumuha. May pakiramdam siyang tama ang pagkakataong ito para sa magulong relasyon nila ng dalaga.Kailangan muna nila ng sapat na space at panahon para gumaan ang mabigat nilang mga pakiramdam, magulong isipan, at nasasaktang mga puso.At isa pa, ito na rin ang tamang pagkakataon para maayos na rin niya ang problema niya kay Jaela. Buo na ang desisyon niya na ang bata lang ang tatanggapin niya at paglalaanan ng oras at panahon.Iyon nga lang, hindi siya sigurado kung matatanggap ba ni Xyza na may anak siya sa ibang babae.“Aaaah!” naisigaw na lamang niya dahil sa dami ng gumugulo sa kanyang isipan.Paroo’t parito siya sa loob ng kanyang silid. Nang mapagod siya ay

  • A Stepbrother's Burning Desire   Chapter 108

    INIANGAT ni Xyza ang kanyang ulo at idinako sa binata ang kanyang mga matang magang-maga na dahil sa pag-iyak.“B-bakit? B-bakit nga ba?” humihikbi niyang tanong.“Siguro, tama naman ang desisyon ni mommy Glenda na paghiwalayin muna tayo. Kasi kung kokontrahin natin siya, mas lalo lang na gugulo ang sitwasyon.”“What? Pumapayag ka na magkahiwalay tayo? Hindi naman ganyan ang ipinangako natin sa isa ‘t isa, ‘di ba? Akala ko ba mahal mo ako?” sunud-sunod niyang tanong sa binata habang nag-uunahan na naman sa pagragasa ang kanyang mga luha.“Oo, mahal kita, Xyza. Mahal na mahal, pero may mga bagay kasing mahirap ipilit lalo na at—"“Mahal mo ako pero gusto mo akong mahiwalay sa ‘yo? Anong klaseng lalaki, ha, Flint? Ni hindi mo na nga ako tinulungang ipagtanggol kanina ang relasyon natin sa harap ng galit na galit na si mommy, pagkatapos ngayon, itinataboy mo naman ako palayo na parang hindi tayo nagkaroon ng magandang pinagsamahan?!Doon na biglang lumapit sa kanya si Flint at itinayo si

  • A Stepbrother's Burning Desire   Chapter 107

    HALOS HINDI MAKAPANIWALA si Xyza na nasaktan siya ng pisikal ng kanyang ina.Sa buong buhay niya, kahit gaano man ito kagalit sa kanya, kahit kailan ay hindi siya nito napagbuhatan ng kamay. Puro pangaral lang ito at madalas ay pinagagalitan lang siya.Kaya naman ngayon ay bago sa kanya ang ginawang pananakit nito. Sapo pa rin niya ang magkabilaang pisngi dahil sa lakas ng pagsampal nito sa kanya. Pakiramdam nga niya ay namamaga na ang kanyang mukha.Ngayon lang din niya ito nakitang nagalit na halos ubusin na ang boses sa pagsigaw, ni ayaw makinig sa magiging paliwanag nila ng binata.Ibig sabihin, kinamumuhian at tinututulan nito ng sobra ang relasyon nila ni Flint.Dito na ba magtatapos ang kanilang relasyon?Hanggang dito na lang ba talaga sila?Ito na nga ang pinangangambahan niyang mangyari noong una, ang magiging pagtutol ng kanilang mga magulang sakaling malaman ng mga ito ang kanilang lihim na relasyon.At dumating na nga ang kinatatakutan nila.Nabunyag ang kanilang lihim na

  • A Stepbrother's Burning Desire   Chapter 106

    NANG MAGPAALAM sa kanya ang binata na aakyat ito papuntang silid dahil may kukunin daw itong mahalagang bagay, ay agad niyang pinuntahan ang kanyang asawa sa kanilang silid para ipagbigay alam dito na dumating na ang binata.Pero bago siya pumasok kanina sa kanilang silid, ay nakita pa niya ang ginawang pagsunod ni Xyza sa binata hanggang sa silid nito na ipinagsawalang bahala na lang niya.“Honey, dumating na ang anak mo. Hayon, inaway pa nga ang bisitang kaibigan at sapilitang pinaalis. Mukhang masama ang timpla ng mood. At saka, nagpaalam siya sa ‘kin na may kukunin lang daw siya sa kanyang silid na mahalagang bagay, aalis din daw siya pagkatapos,” ani niya sa asawang abala sa panonood ng TV habang prenteng nakaupo sa pang-isahang sofa.“Aba’y mabuti naman at naisipan niya rin na umuwi sa wakas. Pero bakit niya naman itinaboy ang kaibigan niya? Baka may hindi sila pagkakaintindihan?” komento naman nito.“Siguro,” kibit-balikat naman niyang tugon.“Ang mabuti pa ay samahan mo ako sa

  • A Stepbrother's Burning Desire   Chapter 105

    SABAY-SABAY na napalingon sa kanyang direksyon ang tatlo matapos niyang magsalita ng malakas. Nakarehistro sa mga mukha ng mga ito ang pagkagulat.Wala siyang ideya kung saan ba nagulat ang mga ito. Dahil ba sa pagsigaw niya o sa biglaan niyang pagdating?“B-bro, salamat naman at naisipan mo nang umuwi rito sa inyo. Pumunta talaga ako rito dahil nagbakasakali akong naririto ka para maka-usap ka. Saktong-sakto, naisipan mong umuwi—”“Don’t call me that way because were not friends anymore. Sinabi ko na sa ‘yo kahapon ‘yan, ‘di ba? Hindi mo ba narinig o hindi mo naintidihan? I think both,” sarkastikong sambit niya sa kaibigan na ngayon ay punong-puno ng pagkagulat sa mukha.“T-teka, bakit nag-aaway kayong dalawa?” nagtataka namang tanong ni Xyza sa kanilang dalawa ni Jared. Nagpalipat-lipat pa ang tingin nito sa kanila.Samantalang si Glenda ay nakamasid lang sa kanila habang nakaupo. Palipat-lipat din ang tingin sa kanilang magkaibigan.“Umalis ka na, Jared! Hindi ka na dapat nagpunta

  • A Stepbrother's Burning Desire   Chapter 104

    “ABOUT YOU AND JAELA,” diretsong sagot sa kanya ng kaibigan.Napangisi na lang siya kasabay ng pag-iling na para bang kaharap lang niya si Jared.Pakiramdam niya ay gusto siyang paglaruan ng magkapatid. Kaya bakit pa siya mag-aaksaya ng panahon na makipagkita rito dahil may mahalagang sasabihin kuno? Hindi pa ba sapat na napikot na siya ng kapatid nito?At ang pinaka-worst pa sa lahat, ay magkakaroon siya ng anak sa babaeng kahit kailan ay hindi niya kayang mahalin o paglaanan ng pag-ibig.“Tama na ang pinikot ako ng kapatid mo, Jared. And from now on, tinatapos ko na rin ang pagkakaibigan natin!” malakas na sambit niya rito bago pinatay ang tawag at tuluyang ini-off ang kanyang cellphone.Naihagis pa niya iyon ng malakas sa ibabaw ng lamesa dahil sa matinding inis at galit.Ngayon lang niya nakitang lumabas ang tunay na kulay at ugali ng kaibigan. Kahit pala mali, basta kapatid o pamilya nito ay kakampihan talaga nito.Kaya pakiramdam niya, ay nawalan na siya ng karamay ngayon. Tila

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status