Share

Chapter 161

Author: Serene Hope
last update Huling Na-update: 2026-02-16 16:24:17

“HUWAG KA namang sumigaw dahil hindi naman ako nakikipag-away sa ‘yo,” mahinahong sambit ni Flint, pilit pinapakalma ang dalaga.

“Wala kang karapatang sabihin ‘yan sa ‘kin dahil choice mo ‘to, ikaw mismo ang lumapit sa ‘kin para guluhin ang pananahimik ko!” muling pasigaw na sambit nito.

Luminga-linga siya at tiningnan ang mga kasama, mukhang hindi pa napapansin o naririnig ng mga ito ang malakas na boses ni Xyza.

“Please, Xyza. Kahit ngayon lang, mag-usap tayo,” paki-usap niya, may halong pags
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jannett Padernilla
thank you sa update......
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • A Stepbrother's Burning Desire   Chapter 161

    “HUWAG KA namang sumigaw dahil hindi naman ako nakikipag-away sa ‘yo,” mahinahong sambit ni Flint, pilit pinapakalma ang dalaga.“Wala kang karapatang sabihin ‘yan sa ‘kin dahil choice mo ‘to, ikaw mismo ang lumapit sa ‘kin para guluhin ang pananahimik ko!” muling pasigaw na sambit nito.Luminga-linga siya at tiningnan ang mga kasama, mukhang hindi pa napapansin o naririnig ng mga ito ang malakas na boses ni Xyza.“Please, Xyza. Kahit ngayon lang, mag-usap tayo,” paki-usap niya, may halong pagsusumamo.Akmang hahawakan niya ulit ito pero mabilis itong pumiksi at umatras.“Huwag na huwag kang magkakamaling muling ihawak sa ‘kin ‘yang marurumi mong mga kamay,” may pagbabanta sa tonong sambit nito.Nasaktan siya sa sinabi nito.Ganoon ba talaga karumi ang tingin nito sa kanya dahil sa malaking pagkakamaling nagawa niya rito?Huminga siya ng malalim at muling nakiusap sa dalaga.“Please, hindi naman tungkol sa nakaraan natin ang pag-uusapan natin. Kundi tungkol sa pamilya natin, kay mommy

  • A Stepbrother's Burning Desire   Chapter 160

    PALIHIM na nagngingisihan sina Xyza, Cyla at Zayn dahil sa ginawang pagdadabog ni Flint.Kahit tingnan man nila o hindi ang mga santol na patapon nitong isinisilid sa sako ay alam nilang lamog na lamog na ang mga iyon.Ibig sabihin ay epektibo ang ginawa nilang pagpapaselos kay Flint dahil apektadong-apektado ito.Nang may bumagsak na santol sa kanyang paa kahit hindi naman kalakasan ang pagkakabagsak niyon ay umarte siya na parang nasaktan ng todo dahil iyon kaagad ang naisip niyang gawing daan para maisakatuparan ang plano nila.Pakiramdam kasi niya ay hindi sapat na basta na lang palaging nakaalalay at nakakapit sa kanya si Zayn, kailangan din na may emotional attachment sila sa isa ‘t isa na parang totoong magkasintahan lalo na kapag nasa paligid lang si Flint.Katulad ngayon, sobra siyang natuwa sa ginawang pag-acting ni Zayn. Akmang-akma kasi ang reaksyon at mababasang emosyon sa mga mata nito sa mga sinasabi.“Not bad, huh?” nakangising sambit niya kay Zayn.“Talagang not bad.

  • A Stepbrother's Burning Desire   Chapter 159

    “BESTY, ZAYN, natatanaw ko na si Flint kasama sina kuya Jared at kuya Ronan. Magsimula na kayong mag-isip ng puwede ninyong i-acting…” mahinang sambit sa kanila ni Cyla, iniiwasan kasi nitong marinig ang sinasabi ng kasama nilang si Wilma.Mabuti na lang at medyo may distansiya ito sa kanila.“Oo nga, papalapit na sila,” ani Zayn. “Xy, gusto kong isipin mo na palabas lang natin itong gagawin natin, okay? Gusto ko kasi na maging kumportable ka sa ‘kin habang ginagawa natin ang pagpapanggap. And don’t worry, hindi ako lalagpas sa limit,” nakangiting dugtong pa nito.“I know, Zayn. Ramdam ko naman na hindi ka ganoong klase ng lalaki,” nakangiting sagot niya rito."So, since palapit na sila, kunwari ay hahawakan kita sa baywang, okay?” sambit nito na tila humihingi ng permiso.“Okay,” sagot niya.***MALAYO pa lang ay tanaw na niya ang mga kababaihan, maliban sa isang halimaw at namumukod-tanging lalaki na nakapulupot na naman ang isang braso sa maliit na baywang ni Xyza.Dahil doon ay um

  • A Stepbrother's Burning Desire   Chapter 158

    “WOW, THAT’S A GOOD IDEA, ZAYN!” pagsang-ayon ni Cyla sa sinabi ng pinsan.“What do you think, Xy?” baling sa kanya ni Zayn.“Well, I think maganda nga ‘yang idea mo!” bigla ang excitement na naramdaman niya dahil doon niya masusubukan kung talagang may natitira pang pagmamahal sa kanya si Flint.“So, ano pa ang hinihintay mo? Tumayo ka na riyan at pupunta na tayo roon sa likod! For sure naman ay pupunta rin ‘yon dahil yayayain ‘yon ni kuya Ronan!” ani Cyla na hindi maitago ang excitement sa gagawin nilang plano.“At isa pa, gusto ko rin malaman o makita mismo ng dalawa kong mga mata kung talaga bang mahal ka pa ng manlolokong ex mong ‘yon. O, baka naman ikaw ang may feelings pa sa kanya sa pagdaan ng panahon?” ani Zayn.“Sa ginawa niyang panloloko at pananaboy sa ‘kin noon ay mamahalin ko pa siya?! Walang kasing sakit ang ginawa niyang pananakit sa damdamin ko noon…” bigla na lang siyang naging emosyonal ng sabihin niya iyon.Parang gusto niyang umiyak, pero dahil gusto niyang patuna

  • A Stepbrother's Burning Desire   Chapter 157

    KINABUKASAN, ayaw sana ni Xyza na lumabas ng kubo dahil ayaw niyang magkita sila ni Flint.Baka kasi bigla na lang sila nitong magkasalubong, kaya ang balak niya sana, hangga’t naroroon sila ay magmumukmok na lang talaga siya sa loob.Pero ito kasing sina Cyla at Zayn ay sadyang makulit, pinipilit talaga siya ng dalawa na lumabas at pumunta sa likod ng kubo dahil marami raw hinog na santol, mangunguha raw sila.“Ang kulit niyo, eh! Sinabi ng ayaw ko ngang lumabas dito!” naiinis na sambit niya sa dalawa dahil wala talagang balak ang mga ito na tumigil sa pangungulit sa kanya.“Aba! Ano, sumama ka rito para magmukmok lang?!” nakapamaywang na sermon sa kanya ng kaibigan. “Tumayo ka na riyan! Kaya nga tayo nandirito para ma-exercise ang katawan at pagod na isipan natin! Naririto tayo para sa adventure! Hanggang dito ba naman ay gusto mong magmukmok sa loob ng kwarto?!” nanlalaki ang mga matang sambit pa nito.“Besty, pagbigyan mo na ‘ko, please!” paki-usap niya sa kaibigan. “Di ba kahapon

  • A Stepbrother's Burning Desire   Chapter 156

    SOBRANG nag-enjoy si Xyza sa kanilang paliligo sa ilog.Kanina habang nagkakasiyahan sila nina Cyla at Zayn sa gitna ng pagsasabuyan nila ng tubig, ay nakita niya sa kanyang peripheral vision na padabog na umahon sa tubig si Flint at basta na lang na iniwan si Jared.Napangisi siya ng lihim dahil alam niya na siya ang dahilan kaya umaasta ng ganoon ang binata. Paano niya nasasabi?Simple lang naman.Kanina nang magtama ang kanilang mga mata, nakita niya mula roon ang isang nagsusumigaw na damdamin na noon pa man ay palagi na niyang nababasa sa tuwing titingnan siya nito.Tingin ng isang lalaking punung-puno ng pagmamahal para sa babaeng itinatangi nito. Pero bigla na lang nag-iba ang timpla ng ekspresyon nito nang makita nito na nakapulupot sa kanyang baywang ang braso ni Zayn at ang pagkukunwari niya na hindi siya apektado sa presensiya nito.Isa lang ang ibig sabihin niyon at hindi siya puwedeng magkamali.Mahal pa siya nito, sigurado.Pero bakit? Bakit iyon ang nakikita at narara

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status