LOGINGood evening. Pa-comment naman po ako guys doon sa may ratings, TY.
TAWANG-TAWA si Xyza habang pinapanood ang paghihirap ni Jaela sa paglilinis ng kanyang opisina, lalo na sa mga hallways at comfort rooms.Nagpapalagay siya ng hidden cameras kay Cherry kapag oras na ng paglilinis ni Jaela para panoorin ito at kung paano ito magre-react.Sa hitsura pa lang at sa kilos nito, parang hirap na hirap na ito. Pagdating naman sa paglilinis ng comfort rooms ay diring-diri naman ito.At ngayon nga ay pinapanood niya ito habang siya ay nakahiga pa sa kanyang malambot na kama, dinadama ang preskong lamig ng aircon sa kanyang katawan.Maya-maya ay may namataan siyang tatlong babae na papasok ng CR, kaya naman nilakasan niya ang volume ng camera para marinig niya ang sasabihin ng mga ito.“Oh, ma’am Jaela! Kaya pala wala ka na roon sa production kasi nandito ka na? Ano ba ang nangyari at naging janitress ka na lang? Ano may nagsumbong ba sa ‘yo sa management na katrabaho natin kaya ka naparusahan ngayon?” gulat at nagtatakang tanong nung isang babae.Nakita rin niy
“HELLO, MOMMY CATHY?” sambit niya nang marinig na sinagot na nito ang tawag niya mula sa kabilang linya.“Yes, sweetheart? May kailangan ka ba at napatawag ka? Puwede mo naman akong puntahan dito sa bahay, bukas kasi ay flight ko na pabalik ng U.S,” sagot nito.“Ganoon po ba? Gusto niyo po ba na samahan ko kayo sa pagpunta sa airport?” tanong niya.“Naku sweetheart, huwag na! Alam kong sobrang busy mo rin ngayon diyan sa bago mong kompanya! So, bakit ka nga ba napatawag?”“Hindi pa rin po kasi sinasagot ni Cyla ang mga tawag ko sa kanya, nag-aalala na po ako.”“Ganoon ba? Naku, hindi ko rin siya magawang matawagan dahil alam mo naman, sobrang busy ko rin kaya nga biglaan din ang naging pag-uwi ko rito sa Pilipinas para asikasuhin ang kompanya ko rito.”“Kaya nga po, eh. Nabigla nga ako pagpunta ko riyan nung makalawa dahil ikaw ‘yong naabutan ko. Wala naman po kasing nabanggit sa ‘kin noon si Cyla na uuwi po kayo dahil nga hindi na siya sa ‘kin kumu-contact. Hindi na rin po kita natan
KANINA pa napapansin ni Flint ang hindi masyadong pag-imik ni Jared. Magsasalita lang ito kapag tinatanong niya, madalas din itong tulala at lutang.Isang linggo na itong palaging ganoon, kaya naman hindi na siya nakatiis na magtanong dito.“Bro are you okay?” tanong niya rito na may kalakip na pag-aalala.Kasalukuyan itong tumutungga ng hard liquor kahit umaga pa lang. Sa tuwing magagawi ito sa kanyang opisina ay palaging sa lounge area ang diretso nito para uminom.Kilala niya ang kaibigan, alam niyang kapag ganoon na ang palaging ginagawa nito ay may mabigat itong dinadalang problema.Sumagot naman ito sa kanya pero nanatiling nakatutok ang mga mata sa ibaba.“Si Jaela, naglayas. One-week na siyang hindi namin kasama,” sagot nito na parang wala sa sarili.“Bakit? Anong dahilan?” tanong niya, hindi maiwasang hindi mabigla sa sinabi ng kaibigan.“Hayon, dating dahilan, nagkasagutan na naman kami,” sagot nito sabay tungga sa bote.“Simula ba noong nabuking natin siya ay hindi pa rin k
“A-ANO raw po bang trabaho ‘yon, Ms. Cherry?” tanong niya sa babae. “Kahit ano, gagawin ko! Ito na siguro ang tamang pagkakataon para umangat ako!” excited pa niyang sambit.“Here,” iniabot nito sa kanya ang isang kulay puting sobre. “Nariyan lahat ng mga gusto niyang ipatrabaho sa ‘yo. Kapag nabasa mo na ‘yan at nagustuhan mo ang offer, puntahan mo na lang ako rito sa opisina,” sabi pa nito.Dahil sa pagkaalala niya sa puting sobre ay muli siyang bumangon para kunin iyon sa kanyang bag at muling bumalik sa kama, pero this time ay nakaupo na siya habang excited na nakangiting binubuksan ang sobre.Napanganga siya nang mabasa ang mga nakasulat doon.Seriously?Anong klaseng tao ba ang owner nang kompanyang pinapasukan niya?Hindi niya alam kung nagkamali lang ba si Ms. Cherry sa inabot sa kanyang sulat, o ginawa talaga iyon exclusively para sa kanya?But why?Hindi siya makapaniwala sa mga nakasulat doon.Nakalagay lang naman doon na sa loob ng one month ay siya ang maglilinis ng offic
KAKAIBANG mga ngiti ang nakaukit sa mga labi ni Xyza habang pabalik siya sa sariling opisina.Personal niyang pinuntahan si Cherry sa opisina nito para sabihin ang binabalak niya para kay Jaela. Ikinuwento niya ang lahat dito kung bakit gumawa siya ng ganoong plano.Alam niyang mapagkakatiwalaan niya ito pagdating sa ganoong bagay, kaya pinili niyang huwag nang maglihim pa rito.Sa wakas ay makakaganti na rin siya sa walanghiya at malanding si Jaela. Akala niya ay ipapaubaya na lang niya sa tadhana ang karma nito, pero mas gusto niya pala ang paglaruan ang buhay nito ngayon.Kinuha niya ang kanyang cellphone para ibalita sa kaibigan ang maganda at kapana-panabik na balak niya para sa babaeng sumira sa kanya dati.Agad niyang ini-dial ang numero nito, pero nagtaka siya dahil hindi ito sumasagot.Kadalasan naman, kahit sobrang busy nito ay nagagawa namang sagutin ang tawag niya.Ano kaya ang nangyari?Dahil hindi ito sumasagot sa tawag niya kahit nakatatlong dial na siya sa numero nito,
“BAKIT BA ang babagal ninyong kumilos, ha?! Bilis-bilisan niyo naman dahil may hinahabol tayong quota! Baka mamaya ako na naman ang mapagsabihan or worse mapagalitan ng quality control imbes na kayo dahil diyan sa kabagalan ninyo!” malakas na sambit ni Jaela sa mga taong nagmamaniobra ng makina habang naglilibot siya sa production.Bilang production coordinator, tinitiyak niya na matatapos kaagad ang mga tinatahing damit sa itinakdang deadline.At dahil gusto niyang magpa-impress sa management, ay hinihigpitan niya ang mga tao sa ginagawa para mas maagang matapos kaysa sa deadline ang mga produkto.Sa pamamagitan nito ay alam niyang hindi malayong mangyaring ma-promote siya sa mas mataas na posisyon.Iyon na lang kasi ang pag-asa niya dahil hindi naman niya natapos ang kursong fashion designer, kaya doon na lang siya sa posibilidad na iyon kumakapit.“Binibilisan naman po namin, ma’am Jaela. At saka, hindi pa naman tayo bumabagsak sa quota kahit kailan,” sagot sa kanya ng isang lalaki
TINANGHALI ng gising si Flint kaya naman makirot ang kanyang sentido.Siguro dahil napuyat siya kagabi sa kakaisip sa nangyaring pag-aaway nila ni Xyza kahapon. At isa pa, kung anu-anong plano ang ginagawa niya sa kanyang utak kagabi kung paano niya mapapaamo ang dalaga para makausap na niya ito ng
DAHIL SA NANGYARING matinding pag-aaway sa pagitan nila ng binata, ay napagdesisyunan niyang umuwi na lang at mas mabuti pang asikasuhin na lang niya ang bagong tayo niyang kompanya kaysa ang mamalagi sa isang lugar na hindi naman napapalagay ang kanyang utak.Ayaw pa sana nina Cyla at Wilma ang id
DAHIL hindi na siya nakaramdam pa ng antok kanina mula nung magising siya, ay naisipan na lang niyang lumabas at maglakad-lakad, at doon siya dinala ng mga paa sa may sapa hindi kalayuan sa tinutuluyan nilang kubo.Hindi niya maintindihan kung bakit tila napakasarap sa kanyang pandinig ang mahinang
SOBRANG nag-enjoy si Xyza sa kanilang paliligo sa ilog.Kanina habang nagkakasiyahan sila nina Cyla at Zayn sa gitna ng pagsasabuyan nila ng tubig, ay nakita niya sa kanyang peripheral vision na padabog na umahon sa tubig si Flint at basta na lang na iniwan si Jared.Napangisi siya ng lihim dahil a







