Good afternoon...
KINABUKASAN, maaga pa lang ay nag-aayos na ng sarili si Xyza. Ganoon siya kapag gala ang pupuntahan, kahit siguro madaling araw ay kaya niyang bumangon.Nakasuot siya ng maikling high-waisted shorts na kulay itim na siyang mas lalong nagpa-expose ng mahahaba, mabibilog, at makikinis niyang mga binti. Pinaresan naman niya ito ng kulay putting fitted crop top na labas ang isang balikat, kaya’t nagsusumigaw ang magandang kurba ng kanyang nineteen inches waistline.Ang pinakapaborito naman niyang kulay putting sneakers ang isinuot niya, at isang kulay itim na shoulder bag na magkakasya lang ang kanyang cellphone at wallet.Naglalagay na lang siya ng manipis at kulay beige na foundation sa mukha dahil maputi naman na siya, hindi na kailangang paputiin pa. At sa kanyang mga labi naman, kulay pink na lip gloss ang napili niyang ilagay doon.Pagkatapos niyang mag-ayos ay pinagmasdan niya ang kabuuan sa harapan ng salamin. Napangisi na lang siya, dahil kahit siya ay na-a-amaze sa sariling kaga
RAMDAM ni Flint ang pagbaon ng kanyang mga daliri sa makinis at malambot na mga braso ni Xyza habang binibigyan niya ito ng nagbabagang mga tingin.Sobra talaga ang katigasan ng ulo at kamalditahan nito. At hindi na niya kayang magtimpi pa. Magpupumiglas pa sana ito pero idiniin niya ang kanyang katawan sa katawan nito para hindi ito makakilos, pagkatapos ay bigla na lamang niyang sinunggaban ang mga labi nito at binigyan ng mapagparusang halik.May diin at may panggigigil ang bawat mga halik na ibinibigay niya rito. Pagkatapos ay ipinasok niya ang isang kamay sa maikling damit na suot nito at pinisil ng mariin ang isa nitong bundok, kaya napadaing ito.Para siyang nalulunod sa kailaliman ng damdamin na hindi niya matukoy habang hinahalikan niya ito. Halos sakupin na ng mga labi niya ang kabuuan ng labi nito sa sobrang sarap at tamis ng lasa niyon, sabayan pa ng napakabango nitong hininga.Nang hindi na ito gumagalaw o nagpupumiglas, ay saka lamang niya itinigil ang ginagawang pagha
“MERRY, pakipuntahan mo naman si Xyza sa kanyang silid, sabihin mong kakain na,” kalmadong utos niya sa isang katulong.Agad naman itong sumunod. “Sige po, Sir,” sagot nito.Nakahanda na kasi ang hapunan, at mukhang walang balak na bumaba si Xyza kahit na alam naman nito ang kadalasan na oras ng kanilang pagkain sa gabi, kaya nagdesisyon siyang papuntahan ito sa katulong.Ilang saglit lang ay bumalik na sa kusina ang katulong, pero hindi niya nakitang nakasunod dito si Xyza.“Si Xyza?” tanong niya rito pagkalapit na pagkalapit nito.“Magpapahatid na lang daw po siya roon ng pagkain, Sir. Ayaw niya raw pong bumaba, doon niya raw gustong kumain sa kanyang kwarto,” sagot ng katulong.“What? No! Hindi mo siya dadalhan doon ng pagkain! Kailangan niyang bumaba rito dahil ito ang tamang lugar para sa pagkain, hindi roon sa silid,” mariing sambit niya.“P-pero, Sir, baka po magalit si Ma’am Xyza sa ‘kin, hihintayin niya raw po na ihatid ko ang pagkain niya roon. Baka po awayin o tarayan niya n
HINDI MAIWASANG hindi matakot ni Xyza sa pagkaseryosong nakikita niya sa mukha ni Flint. Nararamdaman niyang kapag hindi siya rito sumunod, ay may hindi magandang mangyayari, lalo na at wala na ang kanyang ina at tito Alfredo niya na siyang magsasaway sa kanila kapag nag-away na naman sila.Pero dahil maldita siya, ay nakipagmatigasan siya rito. Alam naman niyang hindi naman nito kayang gawin ang mga sinabi. Parang wala lang siyang narinig habang tinitingnan ang mahahabang kuko sa kanyang mga kamay na may matingkad na kulay pulang nail polish.Ngunit nagulat siya nang bigla na lamang siya nitong hawakan ng mahigpit sa isang braso at pwersahang pinalalabas ng sasakyan.“Ang sabi ko, lumabas ka riyan at doon ka sa unahan! Ang hirap mo ring pagsabihan! Para kang batang mahirap paintindihin!” ramdam niya ang panggigigil nito sa bawat salitang binibitiwan."A-aray! Flint, ano ba?! Bitiwan mo nga ako! Eh, sa ayaw ko ngang tumabi sa ‘yo, eh! Ikaw ang mahirap pagsabihan at paintindihin sa ati
DUMATING na nga ang araw ng pag-alis ng mag-asawa. Ginawa ni Xyza ang lahat ng pagmamakaawa para isama siya ng dalawa, pero wala ring nagawa ang pagmamakaawa niya dahil kahit anong gawin niya, ay hindi talaga pumayag ang mga ito.Lulan sila ng sasakyan ni Flint na ito rin ang nagmamaneho. Hindi ito pumasok para lang ihatid sa airport ang mag-asawa dahil ito na mismo ang nag-insist na maghahatid. Katabi siya nito sa passengers’ seat, at magkatabi naman sa likod ang mag-asawa.Pagdating nila sa airport, isang oras pa ang hinintay nila bago makasakay sa eroplano ang mag-asawa. Niyakap niya ng mahigpit ang kanyang ina nang magpaalam sila sa isa ‘t isa, pati ang tito Alfredo niya ay niyakap niya na rin.“Mag-iingat po kayo roon, Mom. Huwag niyo po akong kalimutang tawagan palagi, ha?” maluha-luhang bilin niya sa ina. Pagkatapos, ay ang tito Alfredo naman niya ang binalingan niya. “Mag-iingat po kayo roon, tito. Kayong dalawa ni Mommy. And…I’m sorry…” bukal sa loob na sambit niya.Hindi man
SA SILID NG MAG-ASAWA.“Hon, gusto kong ipaalam sa ‘yo na magbabakasyon tayo sa U.S, at lilipad na tayo patungo roon this coming week. Matagal ko nang naayos ang mga papel natin, regalo ko talaga sa ‘yo ang bakasyon na ‘to bilang asawa ko. Kaya ihanda mo ang iyong sarili sa mga gusto mong puntahan o pasyalan na mga lugar doon,” masayang pagbabalita ni Alfredo sa kanyang asawa.“Ta-talaga?!” gulat na sagot ni Glenda, hindi maitago ang excitement sa tinig. “Ikaw, ha? may pasurpresa ka pang nalalaman! Hindi halatang mahal na mahal mo ako,” nakangiting sambit nito, may himig biro sa tono.“Syempre, kailangan din nating mag-bonding ng tayong dalawa lang. Kailangan nating sulitin ang mga oras at panahon na magkasama tayo habang nag-eenjoy,” madamdaming saad ni Alfredo.“P-pero, paano ang mga anak natin? Iiwan natin sila sa ganitong sitwasyon? Alam mo naman ang ibig kong sabihin. Ngayon nga na kasama pa nila tayo ay hindi na sila magkasundo, paano pa pag-umalis na tayo rito?” may pag-aalala