LOGINNAKARATING ng bahay sina Kai at Blessie na hindi nababasag ang katahimikang namamagitan sa kanilang dalawa. Iyon ang ibinigay ni Kai kay Blessie dahil alam niyang iyon ang kailangan nito lalo na masyado itong naguguluhan sa mga nangyayari lalopa’t ang katauhang meron ito ay ang walong taong gulang na bata walang kaalam-alam sa gaanong mga bagay. Muling napatiim-bagang si Kai sa tuwing nananariwa sa kanyang isipan ang nangyari kani-kanina lang. Gusto nitong patayin si Trey ngunit hindi niya maaaring ilagay ang dahas sa kanyang mga kamay. Hindi niya hahayaang madungisan ang kanyang mga kamay dahil sa isang baliw na tulad ni Trey. Pinagmasdan ni Kai si Blessie na tahimik na naglalakad papasok ng bahay ngunit bigla siyang napatakbo papalapit sa dalaga na babangga sa poste ng bahay.
‘Shit!’
Napalingon sa kanya ang dalaga na parang wala sa sarili nitong katinuan dahilan para mabilis niya itong niyakap. “You don’t have to try…”
“Janine, dito mo ilagay,” utos ni Ana sa kan’yang tauhan. Lumingon ito at nakita si Marco. “Marco, naayos mo na ba ‘yong lights? Naitanong mo na rin ba ‘yong sounds si Fr. Pabillo natawagan mo na ba? 6pm dapat nandito na siya,” ani Ana.“Nasabihan ko na po, Ma’am Ana. Okay na po ang lahat. Sakura petals na lang po ‘yong kulang. Hinihintay ko lang po si Henry at pinakuha ko po sa kan&rsquo
Isang sunod-sunod na pagtawa ang narinig kay Blessie dahilan para matuon lahat ng atensyon sa kan’ya. Umalis sa pagkakayakap ni Kai ang dalaga at hinarap si Mrs. Tanteo na may kakaibang ngisi sa kan’yang labi.“Kaya ba madali lang sa ‘yo na patayin ang mga magulang ko? Pati isang musmos na tulad ko na walang kamalay-malay sa nangyayari ay nagawa mong idamay,” nakangising saad ng dalaga. Lahat ay nagulat sa malaking pa
“Bumalik na ba ang alaala mo?” diretsahang tanong ni Kai kay Blessie na umaasang sana ito na nga ang tunay na Blessie at hindi ang batang si Blessie.Umiling ito. “May ilang alaala akong biglang naalala pero hindi ko pa maalala lahat,” sagot ni Blessie na patuloy pa rin sa pagbuhos ng kan’yang mga luha.
“Wow!” manghang bulalas ni Blessie nang tumambad sa kan’ya ang malaking signage ng Hollywood habang binabagtas nila ang kahabaan ng Griffith Park. “First time kong makita ‘yan in person! Lagi ko lang ‘yan nakikita sa Looney Tunes, ‘yong dumaan si Road runner kasi hinahabol siya ni Taz.”Natawa si Kai sa kan’yang narinig. “Hi 8-year old Blessie,” panunuksong bati ni Kai sa dalaga.
Sa kabilang banda habang abala ang lahat na malaman ang katotohanan, pinuno naman ng kaba at pag-aalala si Robert.Philippines,
Nilamon ng dilim ang liwanag ng araw at binalot ito ng kadiliman at katahimikan. Isang hithit sabay buga ang nagbibigay ng kaunting init kay Trey sa madilim na paligid na balot ng lamig dulot ng simoy na nagmumula sa dagat na hindi kalayuan doon. Muling hinithit ni Trey ang sigarilyong hawak-hawak niya hanggang sa marating ang dulo nito bago tuluyang itinapon. Dahan-dahan nitong ibinuga ang usok sa kan’yang bibig kasabay ng kan’yang mga agam-agam. Tinignan niya ang relo at gumuhit ang ngiti sa kan’yang mga labi. “It’s showtime!”







