Share

Kabanata 15

Kanina pa ako inip na inip habang nakatayo sa gilid ng pool at mabagal na sumisimsim sa alak na kinuha ko mula sa waiter. Naiinis ako kung bakit pa ako isinama rito ni Rafael gayong wala naman akong makausap na matinong tao sa party na ito. Lahat puro business ang mga pinag-uusapan lalo na kung ang kaharap ay isang negosyante.

Saglit akong iniwan ni Rafael kanina matapos niya akong ipakilala sa mga kaibigan at kakilala niyang naroon sa party. Ipapakilala sana niya ako bilang asawa niya ngunit inunahan ko siya sa pagpapakilala sa aking sarili. Ang sabi ko ay malapit na kaibigan lamang ako ng pamilya ni Rafael. Maghihiwalay naman na kami after this night so why bother introducing myself as his wife? Sa inis yata ni Rafael ay bigla niya akong iniwan at hindi na binalikan.

Dahil hindi na ako binalikan ng masungit na lalaking iyon ay inasikaso ko na lamang ang sarili ko. Kumain ako sa buffet table at pagkatapos ay kumuha ng wine para simsimin.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status