Share

Kabanata 3

Ang dalawang pangungusap na lumabas sa bibig ng lalaking bagong dating ay tila bumingi sa akin. Ako? May asawa na? At asawa ko ang lalaking kaharap ko ngayon?

"Iiwan ko muna kayo para makapag-usap kayong mag-asawa. Bibili lang ako ng pagkain ni Feelin, Rafael," mataktikang paalam ng babaeng nagsasabi na kanyang ina. Or maybe it's true, but not her mother but the mother of this woman's body.

"Ano ang sabi mo sa akin? You are my husband?" tanong ko sa lalaki nang makalabas na ang mama ng babaeng nagmamay-ari ng katawang nakita ko sa salamin.

"Wala na ang mama mo kaya puwede bang huwag ka nang magpanggap," naiiritang pahayag nito. Mukhang hindi ito masaya na nagising siya, este, iyong babaeng nagmamay-ari pala ng kanyang katawan. Nang tinangka siyang lapitan ng lalaki ay bigla siyang napatili.

"Huwag kang lalapit sa akin dahil kung hindi ay sisigaw ako ng malakas," natatarantang banta ko sa lalaki nang magsimula siyang lumapit sa akin.

"Puwede ba, Feelin? Huwag ka ngang mag-inarte at wala akong oras para sa kaartehan mo. Pasalamat ka na lamang at dinalaw kita rito," madilim ang mukha na niya sa akin. Kahit naman hindi ako si Feelin ay nag-init pa rin ang ulo ko nang marinig ko ang sinabi niya sa akin. Kahit sinong pasyente ay gugustuhing makarinig nang ganyang klaseng salita.

"Umalis ka kung gusto mo. Hindi kita kailangan dito," sigaw ko sa kanya. Dinampot ko ang unan na nasa tabi ko at ibinato sa kanya. Kahit guwapo siya at mukhang Hollywood actor ay hindi ko hahayaan na pagsalitaan niya ako ng ganyan. The people around me likes me so much. I'm not used to this kind of treatment kaya naman talagang nag-init ang ulo ko nang marinig ko ang mga sinabi niya. Kung sino man ang Feelin na asawa nito ay napakamalas naman niya at ang lalaking ito pa ang naging asawa niya. Walang concern sa sariling asawa.

"Talaga? Gusto mo akong paalisin? Don't you remember na halos maglumuhod ka sa harapan ko para lamang sa aking atensiyon? But you know that it will never happen. Because I will hate you for the rest of my life."

Pagkatapos magsalita ng lalaking   Rafael ang pangalan ay basta na lamang itong ng kuwarto at iniwan ako. Nafu-frustrate na inihilamos ko ang aking mga palad sa aking mukha. Bakit ba nangyari sa akin ang bagay na ito? Nakaligtas nga ako s aksidente ngunit tila napunta nan ako sa ibang dimension. Muli kong tiningnan ang mukha ko sa salamin nang maalala kong ibang mukha ang nakita ko kanina. Baka namalikmata lamang ako kaya hindi ang sariling kong mukha ang nakita ko. Ngunit ganoon na lamang ang aking pagkadismaya nang makita ibang mukha talaga ang aking nakikita sa salamin. Ano ba ang hiwaga na nangyayari sa akin? Bakit ako napunta sa ibang katawan ang aking kaluluwa? Nagkapalit ba kami ng kaluluwa nang babaeng may-ari ng katawang kong ito ngayon?

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla kong maalala ang nangyaring pag-uusap namin at mahiwagang tinig. Sinabi nga pala niya na sa ibang katawan ako muling mabubuhay dahil abo na ang aking katawan sa lupa. Ibig sabihin ay na-creamate na ang katawan ko kaya talagang hindi na ako makakabalik sa dati kong katawan. At ang katawan ng babaeng ito ang magiging katawan ko magmula ngayon. Pero nasaan na ang kaluluwa ni Feelin kung ang kaluluwa ko ang nasa katawan niya ngayon? Is it possible that she's already dead? Hindi naman kasi ako makakapasok sa katawan niya kung buhay pa siya.

Napatitig ako sa mukha ni Feelin. May pagkakahawig kami sa mata na medyo singkit, ilong na matangos ngunit cute lamang at mga labing manipis na bahagyang namumutla pa. Pareho rin kami na maliit ang mukha ngunit sa tingin ko ay mas maganda ako kaysa sa kanya. Naisip ko na kaya siguro sa katawan niya ako ibinalik ng mahiwagang tinig ay dahil may pagkakahawig kaming dalawa. Napabuntong-hininga na lamang ako. Nabuhay nga ako ngunit sa ibang katawan naman. Natigil ang pag-iisip ko nang muling pumasok sa loob ng kuwarto ang  mama ni Feelin at ngayon ay mama ko na rin. Bigla tuloy akong nagkaroon ng ina. Siguradong maninibago ako.

"O bakit nag-iisa ka na lang? Nasaan na si Rafael?" nakakunot ang noo na tanong niya sa akin. Lumapit siya sa maliit na mesa at inilapag ang pagkaing binili at mga prutas. Nagbalat ito ng mansanas at inilapag sa tabi ko. "Kumain ka kahit prutas man lang. Sabi ng doktor ay prutas lang muna ang kainin mo ngayon. Mamaya ka pa puwedeng kumain ng kanin kapag kapag nakainom ka na ng gamot."

Dumampot muna ako"Umalis na siya. May importante pa raw siyang gagawin," pagsisinungaling ko. Alangan namang sabihin ko na pinaalis ko ang rude at walang concern na asawa ko. Gusto kong matawa sa sarili ko. Malapit na akong ikasal nang mamatay ako at ngayong nabuhay akong muli ay may asawa naman na ako. Hindi nga lang sa lalaking dapat kong pakasalan.

"Intindihin mo na lamang siya, Feelin. Hanggang ngayon ay galit pa rin siya sa'yo dahil sa ginawa mo sa kanya."

Natigil ako sa pagsubo nang marinig ko ang sinabi niya. "He's mad at me? Why? Ano ba ang nagawa ko sa kanya?"

"Nakalimutan mo na bang pinikot mo lamang si Rafael para mapakasalan ka niya?" nakakunot ang noo na tanong niya sa akin.

Napaawang ang bibig ko at nanlaki ang aking mga mata nang marinig ko ang sinabi ng mama ni Feelin. What the heck! So ngayon ay isa akong babaeng namikot ng lalaki para maging asawa. Damn it! Kaya pala ganoon na lamang ka-cold ang treatment ng Rafael na iyon sa akin kanina. It's because he really hates me just like what he said to me earlier.

***

Dalawang araw pa bago ako tuluyang pinayagan ng doktor na makalabas sa ospital. Napansin ko na maliban sa mama ni Feelin ay walang ibang kamag-anakan na dumalaw sa akin sa ospital. Kahit kaibigan ay wala. At ang Rafael na iyon ay hindi na muling nagbalik ng ospital para dalawin ako.

Pabor sa akin na tila walang malalapit na kamag-anak at kaibigan ang may-ari ng katawang pinasukan ng aking kaluluwa. Wala akong masyadong intindihin na baka mahalata nila na iba ang mga kilos ko at pananalita. Ngunit hindi ko maiwasang mag-isip kung anong klaseng buhay ba mayroon si Feelin at tila wala itong mga kaibigan at malalapit na kamag-anak maliban sa mama nito?

"Gusto mo bang ipagluto kita ng makakain, Feelin?" tanong ng mama ni Feelin matapos nitong ilapag sa ibabaw ng kama ang mga gamit ko.

"Huwag na po. Ako na ang bahala sa sarili ko at puwede n'yo na akong iwan," magalang na pagtataboy ko sa kanya. Mas makakakilos ako kung walang ibang tao sa paligid ko.

"Pero hindi ka pa magaling. Baka mabinat ka kapag iniwan kita," may pag-aalala sa tonong boses na tutol niya. Kahit paano ay may nag-iisang taong nag-aalala sa kanya.

"Huwag kayong mag-alala at kaya na ang sarili ko, 'Ma," nakangiting sabi ko sa kanya para hindi na siya mag-alala sa akin. At saka gusto kong mapag-isa para mapag-isipan ko kung ano ang mga hakbang na dapat kong gawin sa hinaharap. Iba na ang buhay ko ngayon kaya tiyak na maraming pagbabago ang dapat kong makasanayan.

"S-Sigurado ka ba na magiging okay ka lang?" nag-aalangang tanong niya sa akin. "Mag-isa ka lang dito dahil madalas ay wala si Rafael. Palagi kasing may misyon ang asawa mo dahil isa siyang pulis."

So, that rude husband of mine is a police. Sabagay, sa built ng katawan niya na mukhang batak at sanay makipagbugbugan ay bagay lamang sa kanya ang maging police. Pero dapat bawas-bawasan niya ang pagiging masungit at seryoso ang anyo dahil sa halip na humingi ng tulong sa kanya ang isang civilian ay baka hindi na lang dahil matatakot sa kanyang anyo. Hindi kasi approachable ang hitsura ni Rafael at nakaka-intimidate ang dating niya. Or maybe he is only rude to me because he hated me for what I've done to him. Hindi pala ako kundi si Feelin ang kinamumuhian niya. But because my soul is inside Feelin's body so I will be the one to bear Rafael's hatred from now on.

"Okay lang ako, Mama. Don't worry about me. Kaya ko ang sarili ko. And besides, sanay na akong wala rito sa bahay si Rafael. Kailangan mo rin magpahinga dahil alam kong pagod na rin kayo dahil sa pagbabantay sa akin sa ospital, "Nagtaka ako nang bigla niya akong titigan ng matagal. "Why are you staring at me like that, Mama?"

"Wala naman. Naninibago lang ako sa paraan ng pagkilos at pananalita mo. Pero baka epekto lamang ng aksidente kaya tila nagbago ka," anang mama niya na bahagyang napapailing.

Saglit na hindi ako nakapagsalita. Talagang maninibago ito sa aking kilos at pananalita dahil hindi naman ako si Feelin. Pero mabuti na lamang at may maidadahilan ako kung bakit tila nagbago ako sa kanyang paningin.

"Tama po kayo, Mama. Dahil ito sa aksidente kaya bigla akong nagbago. Nakabuti yata ang pagkaka-aksidente ko para ako magbago. At tiyak sa mga susunod na araw ay marami pang mga pagbabago ang magaganap sa aking buhay. Nagkaroon ako ng pangalawang at panibagong buhay kung kaya dapat lamang na magbago na rin ako, Mama," paliwanag ko sa kanya. Para kahit anong makita niyang pagbabago sa akin ay hindi na siya magtataka ng labis dahil ako na mismo ang nagsabi sa kanya na babaguhin ko ang aking sarili.

"O siya, sige. Aalis na ako. Kung may kailangan ka ay tawagan mo lamang ako," nakangiting sabi niya sa akin. Tinanguan ko lamang siya bilang tugon sa kanyang sinabi.

Pagkaalis ng ina ni Feelin ay tiningnan ko ang mga kagamitan niya. Mula sa mga damit at personal na gamit. Napansin kong mahilig si Feelin sa maiiksing damit at short na halos kakapiranggot naa lamang.  Kailangan kong mag-shopping para bumili ng mga gamit ko dahil magkaiba kami ng mga ginagamit sa lahat ng bagay. Ultimo toothpaste at toothbrush ay magkaiba rin kami ng gusto.

May nakita akong album sa ilamin ng maliit na mesa. Agad ko itong kinuha at binusisi. Maliban sa babaeng maganda na kasama ni Feelin sa mga pictures ay wala na itong litrato na may kasama itong ibang mga tao. Hindi ko alam kong unfriendly lang ba si Feelin o ayaw makipagkaibigan sa kanya ng mga tao sa paligid niya. At halos lahat ng mga pictures nito ay puro maiikli ang suot nitong bestida at shorts. Napailing na lamang ako. Talagang malaking pagbabago sa buhay ni Feelin ang magaganap dahil babaguhin ko ang nakasanayan niyang buhay.

Habang binubuklat ko ang album ay may nalaglag na isang maliit na itim na bagay. Nang pinulot at sinuri ko ay natuklasan kong isang maliit na usb pala ito. Na-curious ako kung bakit nasa loob ng album ang usb na iyon kaya isinalang ko sa laptop ni Feelin na nakapatong s study table. Habang pinapanuod ko ang nilalaman ng usb ay hindi ko maiwasang mapailing at makadama ng awa sa babae. Video na Feelin ang laman ng nasabing usb. Kinuhanan niya ang video habang ikinukuwento niya kung paano niya pinikot ang si Rafael para maging asawa nito. Dahil sa sobrang pagmamahal niya kay Rafael kaya niya ito nagawang pikutin. Ngunit sa loob ng isang Linggong pagsasama nilang  dalawa ni Rafael ay puro sakit ng loob lamang ang kanyang naranasan.

Ang video ay nagtapos sa pasasabi ni Feelin na gagawin nito ang lahat para mahalin lamang ito ng asawa. Hindi ko mabilang kung ilang beses akong napahugot ng malalim na buntong-hininga habang nanunuod sa video ni Feelin. Nakaramdam din ako ng munting kirot sa aking dibdib. Siguro dahil naaawa ako sa kanya. Nang dahil sa pag-ibig ay nakagawa ito ng maling desisyon.

Dahil sa video na napanuod ko ay natuklasan kong isang Linggo palang kasal sina Feelin at Rafael bago naaksidente ang sinasakyang kotse ni Feelin. At natuklasan ko rin na sa ibang bansa ikinasal ang dalawa kaya posible ang divorce. Pagdating ni Rafael ay agad akong makikipag-divorce sa kanya. Tiyakna papayag siya dahil hindi naman niya gusto si Feelin.

Pagkatapos kong tingnan ang mga album at iba pang mga gamit ni Feelin ay nakaramdam ako ng antok at bahagyang pagkahilo kaya ipinasya kong matulog muna. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog basta nagising na lamang ako na parang may gumagalaw sa kusina dahil may mga ingay akong naririnig na tila nagluluto.  Naisip kong si Rafael na ito kaya agad akong bumangon sa kama para kausapin siya tungkol sa divorce.

"Nakalabas ka na pala sa ospital," malamig ang boses na sabi niya sa akin. Ni hindi man lang siya nangumusta kung mabuti na ba ang pakiramdam ng kanyang asawa. Kung ako lamang si Feelin ay masasaktan ako ngunit dahil hindi ako siya kaya balewala lamang sa akin ang malamig niyang pakikitungo. Ang nararamdaman ko lamang ay awa para kay Feelin. Dahil nagkamali ito ng lalaking minahal at pinikot. Sa nakita kong galit sa mga mata ni Rafael noong dinalaw niya ako sa ospital ay masasabi kong malabong matutunan nitong mahalin si Feelin.

"Kanina lang," sagot ko. "Nga pala, dahil sa aksidenteng nangyari ay bigla akong natauhan. I think that our marriage won't work. You hates me so much because of what I did. So naisip ko na mag-divorce na lang tayo," suhestiyon ko sa kanya. Ini-expect kong matutuwa si Rafael sa mga sinabi ko ngunit biglang dumilim ang mukha niya at galit na lumapit sa akin pagkatapos ay hinawakan ng mahigpit ang aking dalawang balikat.

"Ganoon kabilis mo akong pinikot at ngayon naman ganoon kabilis kung makipag-divorce ka sa akin. Talaga bang laro lamang para sa iyo ang lahat?" nag-iigting sa galit ang mga ugat sa leeg nito habang nagsasalita.

"Bitiwan mo nga ako! Hindi ba't ito naman ang gusto mo? Pinikot lamang kita kaya pinakakawalan na kita ngayon. Hindi ba dapat ay matuwa ka pa na humihingi ako sa'yo ng divorce?" inis kong tanong sa kanya. Malakas kong ipinagpag ang mga kamay ko para maalis ang mga kamay niyang nakahawak sa akin.

"Lumayas ka ngayon din sa pamamahay ko!" galit na sigaw niya sa akin. Muli niya akong hinawakan sa braso at kinaladkad palabas ng bahay. "Lumayas ka at huwag na huwag ka nang babalik pa rito! Naiintindihan mo?"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status