Share

Kabanata 2

"Aahh!! Help me!" malakas kong sigaw habang inihaharang ko ang aking mga braso sa aking mukha para maprotektahan ko ang mukha sa mga nagliliparang basag na bahagi ng salamin nang aking kotse. Wala akong tigil sa kakasigaw nang bigla akong matigilan. Tila walang nakakapa ang mga kamay ko at hindi na rin umiikot ang pakiramdam ko. Nagtaka ako kung bakit hindi ko na maramdaman ang sakit ng ulo ko na dulot ng pagkakauntog sa gilid na salamin ng aking kotse.

Anong nangyayari? Bakit tila ayos lang ang pakiramdam ko? naguguluhan kong tanong sa aking isip. Para masagot ko ang aking tanong ay dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. At ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko nang matuklasan kong wala na ako sa loob ng aking kotse kundi nasa isang lugar na pawang kaputian lamang ang aking nakikita. At hindi na ako nakaupo kundi nakahiga sa isang puting sahig.

"Where Am I?" sambit ko. Agad akong tumayo sa pagkakahiga at mabilis na nagpalinga-linga sa aking paligid. Wala man lang akong nakikita na kahit isang tao  sa paligid ko na maaari kong mapagtanungan kung nasaan ako.

"Farina..."

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang tinig na iyon ng isang lalaki. Nagpalinga-linga ako sa paligid para alamin kung nasaan siya ngunit wala naman akong nakitang tao sa paligid ko.

"Sino ka? Nasaan ka? Nasaan ako? At paano ako napunta sa lugar na ito?" magkakasunud-sunod kong tanong sa lalaking hindi ko nakikita at tanging boses lamang ang aking naririnig.

"Nandito ka sa pagitan ng  buhay at kamatayan," sagot ng mahiwagang tinig.

"Buhay at kamatayan? Ibig mong sabihin ay patay na ako? Namatay ba ako sa aksidente?" hindi makapaniwalang tanong ko. Hindi. Hindi ako puwedeng mamatay agad. I'm only twenty-four years old. I'm too young to die. At saka may isang bagay pa ako na hindi ko pa natatapos gawin. Ang bagay na iyon ay sobrang napakahalaga sa akin.

"Oo at hindi. Patay na buhay. Dahil namatay ka sa aksidente ngunit buhay pa ang kaluluwa at hindi ka pa maaaring umakyat sa langit."

Naguluhan ako sa kanyang sinabi. Buhay ako ngunit patay na? Anong ibig niyang sabihin?

"Can you please explain it to me? I don't understand. Paanong hindi pa ako maaaring umakyat sa langit? Meaning, I can go back to my human body?" tanong ko. Gusto kong maintindihan ang lahat ng mga sinasabi mahiwagang tinig.

"Makinig ka dahil isang beses ko lamang ito sasabihin sa'yo, Farina. Namatay ka sa aksidente isang buwan na ang nakalilipas. Ngunit hindi mo pa oras kaya ibabalik kita sa mundo ng mga buhay. Pero dahil naging abo na ang katawang lupa mo ay sa ibang katawan ka mabubuhay hanggang sa araw ng iyong kamatayan."

"Isang buwan? Paano nangyaā€”" Hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil bigla akong bumulusok paibaba na tila ba nahuhulog ako sa isang napakataas na building. Tuluy-tuloy ako sa pagbulusok at hindi ko alam kung hanggang kailan ako bubulusok.

***

Isang mahabang paghugot ng hininga ang ginawa ko kasabay ng pagmulat ng aking mga mata. Uhaw na uhaw ang pakiramdam ko na para bang tumakbo ako sa isang napakalayong running marathon.

"Feelin! Diyos ko maraming salamat at gising ka na, anak ko!" umiiyak na sabi ng may edad na babaeng nasa tabi ko pagmulat ng aking mga mata. Gusto ko siyang itulak nang bigla niya akong niyakap ng mahigpit ngunit nanghihina ang aking katawan at uhaw na uhaw ako. Kaya sa halip na usisahin ko kung sino ang may edad na babaeng nakayakap sa akin at kung bakit tinawag niya ako sa pangalang Feelin gayong hindi naman iyon ang pangalan ko ay tubig ang kaagad na namutawi sa aking mga labi.

"Water. I need water, Please, give  me water," mahina ang boses na pakiusap ko sa kanya.

"Tubig? Oo. Sandali lang at tatawagin ko ang doktor. Kukuha rin ako ng tubig," natatarantang sabi niya sa akin. Nagmamadaling lumabas siya sa kuwartong hula ko ay isa sa mga kuwarto sa loob ng ospital. Pagbalik nito ay may kasama na itong doktor at isang baso ng malamig na tubig na agad niyang ipinainom sa akin.

Sinaid ko ang laman ng baso. Hindi ko alam kung bakit uhaw na uhaw ako. Kaagad namang napawi ang uhaw na nararamdaman ko matapos kong maubos ang isang basong tubig. Pagkatapos ay sinuri na ako ng doktor. Inilawan ang aking mga mata pati ang aking lalamunan.

"Kamusta na ang pakiramdam mo, Feelin? May masakit ka bang nararamdaman?" nakangiting tanong sa akin ng doktor.

That name again. The doctor is the second person who called me   the name of Feelin. Who is Feelin? Gusto ko silang tanungin kung bakit nila ako tinatawag sa ibang pangalan. Ngunit nanghihina pa ako at hindi ko pa kayang magsalita ng matagal kaya nanahimik na lamang ako. Mayamaya lamang ay biglang namigat ang mga talukap ko hanggang sa tuluyan akong nakatulog muli.

Nang muli akong magising ay mas maayos na ang pakiramdam ko. Kahit paano ay hindi na ako masyadong nanghihina katulad nang una akong magising. At katulad din nang una akong magising ay nasa tabi ko pa rin ang may edad na babaeng una kong nakita pagmulat ko ng mga mata kanina.

"Kumusta na ang pakiramdam mo, anak? Nagugutom ka na ba?," magkasunod nitong sa akin. "Ang sabi ng doktor ay wala namang masyadong pinsala na tinamo ang katawan mo maliban sa sugat mo sa noo. At himala nga raw na nakaligtas ka sa nangyaring aksidente."

"Anak? Bakit mo ako tinawag na anak? Who are you? And why did you called me Feelin when I first woke up? My name is not Feelin but Farina," Finally, nasabi ko na rin sa kanya ang nais kong itanong kanina pa.

Halatadong nabigla ang babaeng may edad sa itinanong ko. Bigla kasing nanlaki ang mga mata nito at pagkatapos ay tila maiiyak na nagtanong sa akin.

"H-hindi mo a-ako nakikilala? A-ako ang iyong Mama. At ikaw ang anak k-kong si Feelin," gumagaralgal ang boses na sabi niya sa akin.

Napanganga ako nang marinig ko ang sinabi niya. Since when did I have a mother? Lumaki ako  sa bahay-ampunan dahil iniwan ako roon ng aking ina. Iyon ang sabi sa akin ng madre na siyang nagpalaki sa akin. I was fifteen years old when my grandfather adopted me. Wala na kasing pamilya si Don Manolo Solomon kaya ipinasyang mag-ampon ng bata sa bahay-ampunan kung saan ako nakatira. Wala naman itong apo dahil ito nagkaroon ng asawa matapos mabigo sa unang pag-ibig. Itinutok na lamang nito ang buong atensiyon sa pagpapayaman. Isinunod ni Don Manolo sa apelyido niya ang apelyido ko kaya Solomon ang gamit kong apelyido ngayon.

Bilang nag-iisang apo niya ay sa akin niya ipinamana ang lahat ng kanyang mga ariarian. Kaya mabubuhay ako sa karangyaan kahit hindi na ako magpakahirap pa sa pagtatrabaho. But I do modelling. Nagustuhan ko kasi ang napanuod ko sa cable tv na mga babaeng rumarampa at nagmomodelo ng mga damit kaya ako naging ramp model.

Nang mamatay ang adopted grandfather ko four years ago ay nasanay akong mag-isa. I don't have parents but I have a lot of friends. Pero masaya pa rin ako dahil may boyfriend akong mapagmahal at maaruga. Kaya wala man akong pamilya ay masaya pa rin ako. Ngunit bakit sa isang iglap ay may magki-claim na ina ko siya? I don't have a mother.

"Baka nagkakamali lang po kayo, Ale. Wala na po akong nanay dahil matagal na siyang patay."

Magmula kasi nang iwan ako ng nanay ko sa bahay-ampunan noong baby pa ako ay itinuring ko nang patay kung sino man amg nagluwal sa akin.

"Feelin, ano ba ang nangyayari sa'yo? Bakit hindi mo ako maalala?" tuluyan na itong napaiyak sa tabi ko.

"I am not Feelin. My name is Farina," muli kong pakilala sa kanya sa pangalan ko. "Mukha ba ng anak mo ang nakikita mo kung kaya't tinatawag mo akong Feelin?"

Sa halip na sagutin ang tanong ko ay tumayo ang may edad na babae sa kanyang kinauupuan at saglit na pumasok sa loob ng banyo. Paglabas ay may dala na itong kuwadradong salamin na hindi naman gaanong kalakihan. Hindi siya nagsalita't basta na lamang iniabot sa akin ang salamin. Nagtatakang tinanggap ko ang salamin at tiningnan ang sarili. Kasabay ng panlalaki ng aking mga mata ay ang pagkawala ng malakas na tili sa aking lalamunan nang makita kong hindi ang aking mukha ang nakikita ko sa harapan ng salamin kundi mukha ng ibang tao.

"Nandito ka sa loob ng ospital kaya puwede bang tumahimik ka?" ang mariing saway sa aking ng isang guwapo at matangkad na lalaking bigla na lamang pumasok sa loob ng kuwartong kinaroroonan ko. Napahinto ako sa pagtili at napatingin sa kanya ang aking nagtatanong na mga mata.

"Who are you?" malakas kong tanong.

Tiningnan muna ako ng masama ng lalaki bago mariin niyang sinagot ang tanong ko. " I am your husband. Don't you remember me?"

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Franz Valley
Ang husband ba ni Feelin ay ang lalaking nakabungguan sa restaurant bago siya namatay? Let us see...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status