Share

Kabanata 5

Masakit na masakit ang dibdib ko dahil sa natuklasan kong panloloko sa akin ng dalawang taong itinuring ko na siyang pinakamalapit sa akin. Wala akong kaalam-alam na isinusuka na pala ako ni Ted. Na habang ginagawa namin ang ginagawa ng mga mag-asawa ay ibang babae pala ang iniisip niyang kasiping. At ang matalik ko pang kaibigan. Nagsisisi ako kung bakit ipinagkatiwala ko pa sa kanya ang aking sarili. Kung bakit ko pa siya nakilala at minahal.

Dahil sa sakit ng dibdib ay ipinasya kong magtungo sa isang bar. Gusto kong magpakalunod sa alak. Gusto kong lunurin ang sarili ko sa alak para kahit paano ay pansamantala kong makalimutan ang sakit na dulot ng mga natuklasan ko.

"Miss, saan ang punta mo?" tanong sa akin ng driver na puno ng pagtataka ang mukha. Marahil ay nagtataka ito kung bakit siya umiiyak.

"Dalhin mo ako sa pinakamalapit na bar," sagot ko habang sumisinghot.

"Sa tingin ko ay dapat na umuwi ka na lang sa bahay ninyo, Miss. Hindi maganda ang magpakalasing dahil sa may problema ka," payo sa akin ng driver.

"Kung ayaw mo akong ihatid ay sabihin mo lang para bumaba ako at maghanap na lamang ng ibang driver na maghahatid sa akin sa pupuntahan ko," masungit kong sagot sa driver na biglang napakamot sa batok habang napapailing. Alam kong concern lamang siya sa akin dahil babae ako lalo pa at gabi na. Maraming mga loko-loko sa panahon ngayon at maaari akong mapahamak. Ngunit wala na akong pakialam pa. Basta ang gusto ko lamang ay magpakalango sa alak ngayong gabi dahil bukas ay hinding-hindi na ako iiyak dahil sa kanya. Ngayon ang una at huling beses na iiyakan no si Ted.

"Nandito na tayo, Miss," sabi ng driver sa akin nang huminto na siya sa gilid ng isang bar.

Mabilis kong iniabot sa kanya ang bayad at hindi ko na kinuha ang sukli ko. It is my compensation for my rude behavior towards him. Mainit ang ulo ko dahil brokenhearted ako kaya nadamay siya sa galit ko kina Ted at Maggie.

"Thank you," mahinang pasasalamat ko nang bumaba ako sa taxi. Pinahid ko muna ang mga luha ko at inayos ang aking sarili bago naglakad papunta sa entrance ng bar.

"Mag-ingat ka, Miss!" narinig kong sigaw ng taxi driver ngunit hindi ko na lamang ito pinansin. Nagtuloy-tuloy ako sa loob ng bar at agad na naupo sa bar counter.

"One bottle of Martini, please," sabi ko sa bartender.

"Right away, Ma'am," nakangiting sagot sa akin ng bartender. Saglit na umalis sa harapan ko ang bartender para kumuha ng order kong inumin. Pagbalik ay may dala na itong isang bote ng Martini, wine glass at isang maliit na bucket na naglalaman ng maliliit na cube ice.

"Thanks," mahina kong sagot. Agad kong binuksan ang bote ng alak at nagsalin ng laman sa aking wine glass pagkatapos ay agad kong tinungga. Kahit sanay akong uminom ng alak ay hindi ko pa ring naiwasang masamid. Pa-konti-konti lang naman kasi kung uminon ako ng alak at hindi tulad ngayon na parang tubig na ininom ko ang alak.

Wala akong pakialam kahit na tinitingnan ako ng dalawang bartender. Marahil ay iniisip nila na napakalaki ng problema ko kaya halos parang tubig kung inumin ko ang alak. Eh ano naman ngayon? Paki ba nila. I wants to get drunk. I wants to forget that bastard. Kaya para mangyari ito ay kailangan kong magpakalasing ngayon. At ipinapangako ko bukas na hindi na ako magiging ganito. Because he is not worth it para iyakan ko ng matagal. I hate him! I hate her! I hate them!

Hindi ko alam kung gaano na karami ang nainom kong alak ngunit pakiramdam ko ay umiikot na ang paligid ko. Ngunit gusto ko pa ring uminom. Iinom ako hanggang sa hindi na ako makagulapay sa sobrang kalasingan. Akmang iinumin ko na ang panghuling baso ng alak na nasa kamay ko tapos mag-oorder ako ng isa pa nang bigla na lamang may pumigil na kamay sa aking kamay na nakahawak ng baso.

"Sino ka? Bitiwan mo nga ako! Bakit ka ba nakikialam?" galit kong sita sa taong pumigil sa tangka kong pag-inom.

Bilib ako sa sarili ko. Kahit marami na akong nainom ay straight pa rin akong magsalita. Hindi ako katulad ng marami na kapag nalalasing ay hindi na tama ang mga salitang pinagsasasabi.

"Stop it. Lasing ka na masyado. Iuuwi na kita sa bahay," sabi sa akin ng lalaki matapos agawin sa akin ang alak at ibinaba sa counter top. Dumukot ito ng pera at iniabot sa bartender. Marahil ay bayad iyon sa nainom kong Martini. Hindi pa pala kasi ako nagbabayad at sige lamang ako sa pag-inom.

"Handsome," nakangiting kong sabi sa lalaki nang hawakan ng aking mga kamay ang ulo ng lalaki at iniharap sa akin. Sa malas ay hindi ko nakikilala ang lalaking nasa harapan ko ngunit sa medyo nanlalabo kong mga paningin ay masasabi kong guwapo ito. "Handsome men are evil? Betrayer!" galit kong sabi sa kanya pagkatapos ay binitiwan ko ang mukha niya at tinampal ng tatlong beses. Hindi dapat pagkatiwalaan ang mga guwapo. Dahil katulad ni Ted na guwapo at mabait ngunit nasa loob pala ang kulo.

***

"Your wife is totally wasted, Rafael," naiiling na sabi sa akin ng matalik kong kaibigan na si Attorney Clinton Sarmiento. Ito ang tumawag sa akin at nagbalita na narito sa bar na ito ang asawa ko at nagpapakalasing.

Hindi ko sinasadyang palayasin si Feelin kanina. Nagalit lamang ako dahil sa paghingi niya ng divorce sa akin. Ngunit hindi dahil may gusto ako sa kanya kaya ako nagalit kundi dahil pakiramdam ko ay naglalaro lamang siya. Hindi na sana niya ako pinikot kung ganitong hihingi pala siya ng divorce dalawang Linggo pagkatapos ng kasal namin. Hindi lamang ako ang magiging katawa-tawa kundi pati na rin ang mommy ko na botong-boto kay Feelin para sa akin. In fact, kung hindi dahil sa aking mommy ay never kong pinakasalan si Feelin kahit pa tutukan ako ng shotgun ng kanyang daddy. Para ano pa at naging pulis ako kung matatakot ako dahil lamang sa tinutukan ako ng baril? Ilan na bang mga tao ang nakalaban ko na tinutukan ako ng baril? Ngunit kahit isa sa kanila ay hindi ako nakadama ng takot kahit na saglit.

Ngunit iba ang pagpapakasal ko kay Feelin. Dahil ang aking kalaban ay ang aking inang may sakit. Mahina ang puso ng mommy ko kaya hindi puwedeng makaramdam ng sobrang tuwa at sobrang galit. Kaya nang makita nito na pareho kaming walang saplot ni Feelin sa loob ng aking kuwarto ay wala akong choice kundi magsinungaling at sabihin fiancee ko si Feelin at malapit na kaming ikasal. My mom likes Feelin kahit na may pagka-suplada at mataray ang babae. Ewan nga ba kung bakit nagustuhan ni mommy ang ugali nito at naging matalik na kaibigan pa ito ng nag-iisa kong kapatid.

Dalawa lamang kaming magkapatid ni Lei dahil pinagbawalan ang mommy ko na muling mabuntis. Nahirapan ang Mom ko sa panganganak sa akin dahil sa kanyang sakit at muntik nang manganib ang buhay nito samantalang si Lei ay caesarian naman. Hindi na raw kasi kaya ni mommy ang muling umire. I loved my mom so much kaya pinakasalan ko si Feelin. At ngayon na humihingi siya sa akin ng divorce paper ay tiyak na ang mommy ko ang masasaktan.

"Thanks, Clint. Kung hindi mo ako tinawagan ay baka nagkalat pa ang babaeng ito dito," sabi ko sa kaibigan ko. "We're going." Binuhat ko si Feelin palabas ng bar at ipinasok sa loob ng kotse ko.

"Let go of me, you bastard! You betrayed me! Hindi ko akalain na pagtataksilan mo ako kasama ang best friend ko. I hate you! Go to hell with thst bitch!" ani Feelin na itinulak ako ng malakas. Mabuti na lamang at nakahanda ako kung hindi ay nauntog na ako sa kotse.

Sino ang tinutukoy niyang nagtaksil sa kanya kasama ang best friend niya? Who is that man? Did she loved someone else aside from me? No. Itt's impossible. She only loves me kaya nga niya ako nagawang pikutin. Also aren't her best friend is my younger sister? And since when did see learns to drink? Hindi naman siya umiinom ng alak. Kahit noong gabing pinikot niya ako ay nagkunwari lamang siyang lasing. Ngunit ang totoo ay hindi siya umiinom dahil ayon sa kapatid ko ay nasusuka na siya sa amoy pa lang ng alak. Pero bakit ngayon ay isang drum yata ng alak ang nainom niya. I'm confused. I noticed that she is acting strange whe she woke up ftom comatose. She seemed like she is not the Feelin that I used to know.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status