Share

Kabanata 13

"Hindi na kami magtatagal pa, Rafael, Feelin. May flight pa kami  ngayong umaga kaya kailangan na naming umalis," paalam sa amin ng Daddy ni Rafael. Pagkatapos ng limang araw nilang pananatili sa bahay ni Rafael ay aalis na rin sila sa wakas. Hindi naman ako naiinis na nandito ang pamilya ni Rafael dahil mababait ang mga magulang niya. Ang kaso mahirap magpanggap sa harapan nila na in love kami sa isa't isa gayong hindi naman. Nanganganib na mabuko kami kapag napuna nila ang kahit maling kikos namin ni Rafael. At saka gusto ko na ring bumalik na sa aking condo para tuluyan na akong maging malaya.

"Mga anak, kailangan sa pagbabalik namin ay may maliit na kamay na kaming hahawakan," nakangiting sabi naman ng mommy ni Rafael. Hindi mapigilan ang makadama ng awa sa kanya. Traydor ang sakit sa puso kaya anumang oras ay maaaring mawala ito sa mundo. Alam ko na gusto niyang makita ang magiging apo kay Rafael bago siya mamatay kaya minamadali niya kaming magkaroon ng anak ni Rafael
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status