Share

A WONDERFUL MEETING WITH YOU
A WONDERFUL MEETING WITH YOU
Author: MATECA

Kabanata 1

Cozy ambience, couples in every table, steak, wine and candle light dinner with matching mellow music. A perfect place for a perfect date. Ito ang nasa isip ko habang nakaupo ako sa table for two kasama ang aking boyfriend for five years. Perfect kasi siya para sa akin. Guwapo, mayaman, mabait at maalalahanin. Wala na akong mahihiling pa sa kanya. At kaya naman kami nandito sa loob ng nakaka-in love na restaurant na ito ay para i-celebrate ang aming fifth year anniversary as a couple. We've been together for five years at kasal na lang ang kulang sa amin. Ginagawa na kasi namin ang ginagawa ng isang tunay na mag-asawa. We're planning to get married next month. Sa katunayan, nag-aayos na kami ng mga kakailanganin namin para sa kasal namin ni Ted. Hindi dapat simple lamang ang kasal namin dahil tiyak na maraming mga taga-media ang dadalo sa kasal ko. It's because of me. As a ramp model I became well-known in the industry. Kaya maraming nag-aabang kung kailan kami ikakasal ng aking long-time boyfriend.

"Happy anniversary, Love," malambing na bati sa akin ni Ted. Isa iyon sa mga nagustuhan ko sa kanya. Napakalambing niya sa akin. Sa loob ng limang taon naming magkasintahan ay hindi man lang kami nag-away ng matindi. At mas madalas kapag nagkakatampuhan kami ay siya ang nanunuyo at humihingi sa akin ng sorry kahit na ako naman ang mali. In short, spoiled ako sa kanya. Kaya marami tuloy sa mga kaibigan ko ang naiinggit sa akin dahil napaka-suwerte ko raw sa aking nobyo. Well, that's true. Dahil kahit ako ay iniisip ko rin na masuwerte ako sa kanya.

"Happy anniversary too, Love," malambing na tugon ko naman sa kanya. Hiniwa-hiwa niya ang steak na nasa plato niya at pagkatapos ay ipinalit sa steak na nasa plato ko. He's very thoughtful. Sino ba naman ang hindi mai-in love sa kanya kung ganito siya ka-thoughtful palagi sa akin? Kahit matagal na kami ay kinikilig pa rin ako kapag pinagsisilbihan niya ako.

"Hindi na ako makapaghintay na dumating ang araw ng kasal natin para tuluyan ka nang maging akin. Lahat ng sa'yo ay magiging akin din."

"But I'm all yours," matamis ang pagkakangiting sabi ko sa kanya. Hindi ko na pinansin ang huling sinabi niya at baka nagkamali lamang siya ng mga salitang ginamit.

Masayang ipinagpatuloy namin ang aming pagkain. At siyempre, hindi maaaring hindi namin tikman ang mamahaling wine na nasa harapan namin.

"Cheers for our love to blooms forever," nakangiting itinaas ko sa ere ang aking wine glass at hinintay na gayahin niya ang ginawa ko. Hindi naman ako nabigo dahil ginaya nga niya ang ginawa ko.

"Cheers for your life to stay longer," nakangiting sabi naman niya. Napakunot ako ng noo kung bakit iyon ang kanyang sinabi. Puwede namang gayahin na lamang niya ang sinabi ko pero iba ang kanyang sinabi.

"What do you mean?" hindi napigilang tanong ko sa kanya. I feels like he's cursing me.

"A-Ang ibig kong sabihin ay magtagal pa ang buhay mo para mas matagal pa kitang makasama. That's it," mabilis na paliwanag ni Ted at tila bahagya pang nataranta.

Hindi ko mapigilan ang mapangiti. Inisip ko na kaya siya tila nataranta sa pagpapaliwanag ay dahil nag-aalala siya na baka magalit ako. Para iparating sa kanya na ayos lang sa akin na minsan ay nagkakamali siya ng mga salitang ginagamit ay bahagya akong dumukwang at dinampian siya ng mabilis na halik sa mga labi. Napangiti siya ng maluwag pagkatapos ay sabay naming tinungga ang wine na nasa glass namin. Mayamaya lamang ay nagpaalam siya sa akin na pupunta lamang sa rest room.

Pagkaalis ni Ted ay nilagyan ko ng wine ang walang nang lamang kong baso pagkatapos ay agad kong ininom ito na para bang uhaw na uhaw ako. Okay lang naman na malasing ako dahil hindi naman ako ang magmamaneho sa kotse ko kundi si Ted.

Halos napangalahati ko na ang laman ng bote ng alak ngunit hindi pa rin bumabalik si Ted. Nagtaka na ako kaya nagpasya akong sundan siya at hintayin sa labas ng men's room. Medyo naparami ang nainom kung alak kaya medyo nakakaramdam na ako ng pagkahilo. Hindi tuloy sinasadyang nabangga ko ang isang lalaking nakasalubong ko dahil biglang gumewang ang aking paglalakad.

"Shoorry," paumanhin ko sa lalaking nakabangga ko. Lasing na yata ako dahil kahit ang pagsasalita ko ay hindi na rin tama.

"It's okay. Just be careful next time," sagot ng lalaki.

Hindi ko napigilan ang sarili ko na tingnan ang mukha ng lalaking nabangga ko nang marinig ko ang buo at malamig niyang boses. Hula ko ay guwapo siya dahil hindi bagay sa boses niya kung hindi siya guwapo. At tama nga ang hinala ko dahil nang mag-angat ako ng aking mukha ay nakita ko ang pinaka-guwapong lalaki na nakita ko sa buong buhay ko. Malalim at kasing-itim ng kadiliman nang gabi ang mga mata nitong bahagyang nanininggkit sa pagkakatingin sa akin. Matangos at cute ang ilong niya, mamula-mula ang mga labing medyo makapal ang pang-ibaba at ang tangkad niya. Kung hindi lamang ako head-over-heals in-love kay Ted ay baka mag-swoon ako sa kaguwapuhang taglay niya. Pero dahil may mahal na ako kaya parang temang na nginitian ko na lamang ang lalaki bago ko siya iniwan para magtungo sa rest room. Ngunit sa halip na sa rest room ko siya makita ay sa kanto ng emergency exit ko siya nakita. Napakunot ang noo ko nang makita kong makausap siya sa cellphone niya at tila ba galit siya sa kanyang kausap. Masyadong busy ito sa pakikipag-usap sa kung sino mang tao sa kabilang linya kaya hindi niya namalayan ang paglapit ko sa kanya.

"Huwag kang mag-alala dahil malapit nang matupad ang mga plano natin," narinig kong sabi ni Ted sa kausap niya.

"Love, sino ang kausap mo?" tanong ko sa kanya nang tuluyan na akong makalapit sa kanya. Tila bigla siyang nanigas sa kinatatayuan niya dahil ilang segundo siyang nanatili na parang tuod. "Love, ano ang nangyari sa'yo? Are you okay?"

Saka lamang tila biglang natauhan si Ted. Ngumiti siya sa akin ng matamis ay inakbayan ako.

"I'm okay, Love. Medyo nai-stress lang ako sa ka-deal kong businessman. I assured him na malapit nang matupad ang mga plano namin," paliwanag niya matapos makabawi sa tila pagkabigla.

May-ari ng isang real estate si Ted kaya marami siyang ka-deal na mga client. At kung minsan ay makukulit ang mga client kaya talagang nakaka-stress.

"Let's go home, Love. Medyo nahihilo na ako, eh," yaya ko sa kanya. Mukhang hindi matapang ang ininom kong wine ngunit pasimple lang pala na nakalalasing.

"Naku, Love. Hindi kita puwedeng ihatid ngayon dahil iyong ka-business deal ko na kausap ko ngayon ay biglang nag-demand na magkita kami ngayon dahil may emergency raw kaming pag-uusapan. Kaya mag-taxi ka na lang muna. Pupuntahan na lamang kita mamaya sa condo mo. Bye. I love you."

Hindi ko na napigilan si Ted s pag-alis dahil dere-deretso na siyang lumabas ng restaurant. Tila nagmamadali siya kaya baka talagang emergency ang kanilang pag-uusapan. Nagpasya na lamang akong lumabas ng restaurant. At dahil nakainom na ako ay ipinasya kong matulog muna sa loob ng aking sasakyan. Mahirap magmaneho nang wala sa hundred percent ang katinuan. Baka maaksidente lamang ako.

Halos kalahating oras akong nakatulog. At nang magising ako ay mas maayos na ang pakiramdam ko. Saka ko pa lamang minaniobra ang aking kotse paalis sa parking lot ng restaurant. Nasa lansangan na ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Sa pamamagitan ng isang kamay ay binuksan ko ang bag ko para hagilapin ang tumunog kong cellphone. Ngunit kahit anong kapa ng kamay ko ay talagang hindi ko makita ang cellphone ko na patuloy na tumutunog. Itinaktak ko sa upuan ang lahat ng laman nang bag ngunit wala roon.

"Saan napunta ang cellphone ko?" nagtatakang tanong ko sa aking sarili. Pinakinggan kong maigi kung saan nagmumula ang tunog ng aking cellphone. At nagtaka ako nang mapansin ko na nagmumula sa gilid ng upuan ang tunog ng aking cellphone. "Paano naman kaya napunta roon ang cellphone ko?"

Saglit na inihinto ko ang kotse ko sa gilid ng kalsada para kuhanin ang cellphone ko na nasa gilid yata ng upuan na malapit sa pintuan. Dumukwang ako para abutin ang phone ko. Tamang-tama na nakadukwang na ako nang marinig ko ang malakas na busina ng isang truck. At ganoon na lamang ang panlalaki ng aking mga mata nang makita ko ang isang ten wheeler truck na paparating at tila ba wala itong control sa manibela at nagpapa-ekis-ekis s daan. Bago pa ako makabalik sa pagkakaupo at makaiwas sa pasalubong na truck ay mabilis nang bumangga ito sa aking kotse. Napatili na lamang ako ng malakas nang lumipad sa ere ang aking kotse at ilalang beses na nag-tumbling bago nagpaikot-ikot sa kalsada sa sobrang lakas ng impact. Malakas na tumama ang ulo ko sa salamin kaya biglang nagdilim ang aking mga paningin. Bago pa man huminto sa pag-ikot ang kotse ko ay tuluyang nang nagdilim ang aking kamalayan.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Franz Valley
Wow! Interesting story. ...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status