Share

Kabanata 4

Hindi ako makapaniwala. Talagang ipinagtulakan ako ni Rafael palabas ng bahay niya. Ang sama naman ng ugali nang asawa ni Feelin. Hindi naman niya kailangang ipagtulakan pa ako palabas dahil talagang aalis naman ako sa bahay niya kahit hindi niya sabihin. Hindi ako si Feelin kaya bakit pa ako mananatili sa bahay ni Rafael? Pero sa halip na palayasin ako sa bahay niya ay bakit hindi na lang siya pumayag na makipag-divorce sa akin? Dapat pa nga ay matuwa siya dahil nakikipaghiwalay ako sa kanya. Mulha namang wala siyang pag-ibig sa kanyang asawa kaya bakit hindi siya pumayag na makipag-divorce sa akin?

Sa halip na pakaisipin ko ang dahilan kung bakit hindi pumayag na makipag-divorce sa akin si Rafael ay nagpasya akong puntahan sa condo nito si Ted. Ipapaliwanag ko sa kanya ang lahat ng mga nangyari sa akin. Sasabihin ko sa kanya ang mga pinag-usapan namin na tanging kami lamang ang nakakaalam. Tiyak na maniniwala siya sa akin kapag narinig niya ang mga sasabihin ko. Pero teka, paano nga ba ako makakapunta sa condo niya gayong wala akong dalang pera kahit barya man lang?

Kinapa ko ang aking tainga. May butas ngunit walang hikaw. Sinunod ko ang leeg ko ngunit wala naman akong kuwintas na suot at kahit relong pambisig ay wala rin akong suot. Sabagay, kalalabas ko pa lamang sa ospital kaya wala talaga akong mga abubit sa katawan. Malamang ay tinanggal sa katawan ko ng mga doktor o baka hindi lang talaga nagsusuot ng mga alahas ang katawang ito ni Feelin. Bigla akong napasimangot nang maalala ko na kalalabas ko pa lamang sa ospital. Kalalabas ko pa lamang sa ospital ngunit hinayaan ako ni Rafael na magpagabi sa labas ng bahay. Paano na lang kapag nabinat ako? Talagang napakawalang-awa ng asawa ni Feelin este asawa ko pala dahil magmula ngayon ay ako na si Feelin.

Biglang may umilaw sa isip ko nang maisip ko ang salitang asawa. Ikinasal nga pala kami kaya tiyak na may wedding ring akong suot. At ganoon na lamang ang aking tuwa nang pagtingin ko sa aking palasingsingan ay may nakita nga akong gintong singsing. Napangiti ako sa naisip kong ideya.

"Don't blame me, Rafael. Pinalayas mo ako sa bahay mo pero hindi mo man lang ako binigyan ng kahit singkong duling para pamasahe ko man lang. So don't blame me if I am going to pawn this wedding ring. Hindi mo naman mahal ang asawa mo kaya tiyak na wala kang pakialam kung mawala man ito o hindi sa aking daliri."

Sa naisip ko ay pumara ako ng taxi at pagkatapos ay nagpahatid sa isang pawn shop. Pinaghintay ko muna ang taxi driver na willing namang maghintay. Twenty-five thousand din ang halaga ng wedding ring ni Feelin. Kahit paano ay hindi siya tinipid ng kanyang asawa.

"Salamat po, Kuya," nakangiting sabi ko sa driver matapos ko siyang abutan ng bayad. Ginawa ko na lamang na isanlibong pesos ang ibinayad ko sa kanya na pamasahe kahit malapit lamang ang pawn shop na pinagdalhan niya sa akin. Naawa kasi ako sa kanya dahil matagal din siyang naghintay sa akin.

"Salamat din po, Ma'am," malawak ang pagkakangiting sagot niya sa akin bago mabilis na pinaandar ang kanyang taxi.

Nang wala na ang taxi sa harapan ko ay naisipan kong kumain muna sa isang fast food na nakita ko. Nagugutom na ako dahil hindi pa pala ako kumakain. Nalibang kasi ako sa panunuod sa video ni Feelin at pagsisiyasat sa mga gamit nito kaya nakalimutan kong mag-order ng pagkain. Nag-oorder lamang ako ng pagkain sa mga fast food or restaurant kapag kumakain ako o di kaya ay sa labas na ako kumakain. It's because, I don't know how to cook any kinds of foods. My adopted grandfather pampered me too much. Kaya wala tuloy akong natutunang lutuin na kahit anong pagkain dahil hindi niya ako pinapahawak sa kusina.

Pagkatapos kong kumain ay bumili muna ako ng isang piraso ng damit-panlakad. I need to change my clothes. Nakapambahay lamang kasi ako samantalang ang mga nakakasalubong ko ay nakasuot ng magagandang damit. Isang bestidang puti na may halong pink na kulay sa dibdib at mga laylayan ang binili ko. It looks simple but because I'm the one who wears so it becomes elegant. Ngunit bigla akong napasimangot nang maalala kong katawan ni Feelin pala ang gamit ko at hindi ang katawan ko bilang si Farina. Napabuntong-hininga na lamang ako at napailing. If I don't looks elegant so be it.

After I change my clothes ay rides a taxi once again and asks the driver to bring me Elegant Condo, where my boyfriend is living. Siguradong magugulat si Ted kapag narinig nito ang napaka-imposibleng nangyari sa akin. Ngunit dalangin ko na sana ay hindi ako mahirapang magpaliwanag sa kanya at sana ay paniwalaan niya ang mga sasabihin ko sa kanya.

Pagdating ko sa condo ni Ted ay dere-deretso akong umakyat sa ikatlong palapag kung saan naroon ang unit niya. Busy ang guard sa pag-iistima sa isang maarteng babae na guest ng condo kaya nakapuslit ako sa loob.

Mabilis kong narating ang unit ni Ted dahil sanay na ako roo. Ilang beses na rin naman na akong nakapasok sa unit niya at kung minsan ay dito pa ako natutulog. Akmang kakatok na ako sa dahon ng pintuan nang mapansin kong medyo nakaawang ng bahagya ang pintuan. Mukhang nagmamadali si Ted kaya hindi na nagawang maisara ng mabuti ang pintuan ng unit nito. Marahan kong itinulak ang pintuan. Akmang tatawagin ko na ang pangalan ng boyfriend ko nang bigla akong nakarinig ng mga halinghing ng babae at lalaki. Kahit sino ang makakarinig sa mga halinghing na iyon ay tiyak na mahuhulaan na agad kung ano ang ginagawa ng mga ito. Hindi ko mapigilan ang makaramdam ng galit. Isang buwan pa lamang akong namamatay ngunit nagpapakasasa na sa katawan ng ibang babae ang boyfriend ko. Hindi ba dapat ay nagluluksa pa siya ngayon sa pagkawala ko?

"Oh Ted. Make it faster, Baby," ang tila hibang na pakiusap ng babae sa boyfriend ko. Ex-boyfriend na pala dahil magmula ngayon ay hiwalay na kami.

"Yes, Baby. Oh...you're so sweet," hibang na sambit naman ng taksil kong ex-boyfriend.

Gusto ko nang tumakbo palabas ng unit ni Ted ngunit gusto kong makita kung sino ang babaeng ipinalit niya sa akin kaya maingat at dahan-dahan akong sumilip sa dalawang taong nagniig sa couch. Kaya pala hindi na nagawang maisara pa ni Ted ang pintuan ng unit nito dahil nagmamadali na pala ito. Nagmamadaling makipagtalik sa ibang babae. Sa sobrang pagmamadali ay hindi na nakaabot sa kuwarto ang dalawa at doon na lamang sa couch iniraos ang init ng kanilang mga katawan.

Hindi ko makita ang mukha ng babae dahil natatakpan ng ulo ni Ted. Ngunit nang bumaba ang ulo ni Ted papunta sa dibdib ng babae ay saka ko nakita ang nakapikit na mukha ng babaeng kaniig ng aking ex-boyfriend.

Maggie! hiyaw ko sa aking isip nang makita ko ang mukha ng babaeng itinuring kong matalik na kaibigan. Mayamaya ay biglang nagpalit ng puwesto ang dalawa at si Maggie na ang nasa ibabaw at siyang nagtatrabaho.

"Ang galing mo talaga sa kama, Maggie. Kahit kalahati ay hindi man lang umabot si Farina sa galing mong magpaligaya sa akin. At alam mo ba na kapag inaangkin ko siya noong nabubuhay pa siya ay ang mukha mo ang aking nakikita? Iniisip ko na lamang na ikaw ang aking kaniig at katawan mo ang aking inaangkin para ganahan akong makipagtalik sa kanya," pagtatapat ni Ted kay Maggie.

Pakiramdam ko ay gusto ko na silang sugurin. Kalmutin, sabunutan at pagbuhulin para hindi na sila maghiwalay pa. Ngunit nagpakatimpi-timpi ako. Kapag sinugod ko sila ay ako lamang ang talo. Unang-una ay maaari nila akong kasuhan ng trespassing dahil hindi naman nila alam na ako si Farina. Pangalawa ay tiyak na hindi nila ako paniniwalaan kapag sinabi kong ako si Farina. Baka isipin pa nilang nababaliw ako. Kanina ay buo ang loob ko na paniniwalaan ako ni Ted na ako nga si Farina ngunit ngayon ay hindi na. Mukhang mas masaya pa nga ito na nawala ako dahil may bago na pala siyang ipinalit sa akin. At ang aking matalik na kaibigan pa.

"Hindi ka ba natatakot na baka multuhin ka ni Farina kapag narinig niya ang mga pinagsasasabi mong iyan?" nakangising tanong ni Maggie kay Ted habang patuloy na gumagalaw sa ibabaw ng lalaki.

"Hindi. At natuwa nga ako nang mamatay siya dahil hindi natuloy ang kasal namin at sa wakas ay nakakawala rin ako sa kanya," mabilis na sagot ni Ted na sobrang dumurog sa aking puso.

"Aaminin ko sa'yo na masaya rin ako na namatay si Farina. Dahil sa wakas ay naging akin ka na rin," pag-amin naman ni Maggie.

Hindi ko na nakayanan ang mga narinig ko mula sa dalawang taong inisip kong pinakamalapit sa akin. Akala ko ay tunay ang ginawa nilang pagtrato sa akin ngunit hindi pala. Dahil pareho silang mga sinungaling! Pareho nila akong pinaglaruan. Pinaglaruan nila ang damdamin ko!

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status