Share

Kabanata 06

"Helix, bitawan mo ako." Saad ko habang pilit kong inaalis ang kamay niyang nakahawak sa pulsuhan ko ngunit kahit anong pilit kong pagpupumiglas sa kaniya ay hindi pa rin niya akong binibitawan.

Hanggang sa pukaw ng atensyon ko si Vanessa na nasa bandang likuran niya na tila ay hinahanap ako. Kaya agad kong hinigit sa kamay si Helix patungo sa stasyon ng mga chocolates. Nagulat naman ako nang bigla niya akong sinandal sa shelves at kinulong sa mga braso niya.

"Alam kong ayaw mo sa akin pero hindi mo naman ako kailangang iwasan dahil nasasaktan ako, Mari." Aniya pero bumuntong hininga lang ako at niyuko ang aking ulo.

"Helix, puwede bang tumigil ka na? Kasal na ako kay Lemuel at bukod pa roon matalik kayong magkaibigang dalawa hindi ba? Kaya parang kaibigan na rin ang turing ko sa'yo at hanggang doon na lang talaga iyon." Tugon ko sa kaniya nang bigla niyang hawakan ang baba ko gamit ang dulo ng daliri niya at saka inangat ang aking mukha dahilan upang magtama ang mga mata namin sa isa't isa.

"Mahal mo pa rin ba siya kahit niloloko ka lang niya?" Bulong niya at hindi naman ako nakapagsalita kaagad dahil parang minamagnet ng mga titig niya ang mga mata ko.

"Hindi ako titigil sa kakahintay sa'yo, Mari. Kung kinakailangang hintayin kita hanggang sa huling hininga ko ay gagawin ko at maghihintay pa rin ako para sa'yo." Dugtong niya nang mapatingin ako sa gawing kanan namin kung saan huminto sa paglalakad si Vanessa at tipong lilingon na sana siya sa amin pero agad ko namang hinawakan ang mukha ni Helix gamit ang dalawang kamay ko at saka ko siya hinalikan sa labi niya na ikinagulat naman niya.

Alam kong maling-mali ang ginawa kong iyon lalo na't matalik siyang kaibigan ng asawa ko. Pero iyon lang din ang tangging paraan na naisip ko para hindi kami makita ni Vanessa at tiyak na magtataka siya kapag nakita niya kaming magkasamang dalawa ni Helix. Hinarang ko ang mukha ko gamit ang ulo ni Helix habang magkalapat pa rin ang mga labi namin sa isa't isa.

Maya-maya lang ay napansin kong umalis na si Vanessa kaya agad akong lumayo kay Helix at kinusot ang labi ko sa sleeve ng damit ko. Napatingin naman ako sa kaniya at napansin kong namumula ang buong mukha niya habang nakatulala siya sa akin.

Halos napakagat ako sa ibabang labi ko at napakamot sa likod ng aking ulo. 

"Umf... I'm sorry?" Ang tangging nasabi ko lang sa kaniya at pagkatapos non ay kumaripas ako ng takbo palabas ng grocery store sabay kinuha ang mga pinamili ko kanina.

Tumatakbo pa rin ako habang bitbit ko ang dalawang grocery plastic bag sa aking kamay hanggang sa natigilan na lamang ako sa malakas na pagbusinang narinig ko mula sa aking likuran. Kaya natigilan ako at napalingon sa kotse.

"Mari!" Aniya nang maibaba ang wind shield niya. Lumapit naman ako ng kaunti at sinilip siya sa loob. 

"Vanessa?" Napagtanto kong si Vanessa pala iyon at tila ngayon ko lang nalaman na marunong pala siyang magmaneho ng sasakyan.

"Kanina pa kita hinahanap. Okay ka lang ba? Nabili mo na ba yung nakalimutan mong bilhin kanina?" Usisa niya at tumango naman ako sa aking ulo na may ngiti sa aking labi. "Halika na  sumakay ka na at ihahatid na kita sa inyo." Dugtong niya at saglit naman akong napalingon sa ibang direksyon kung saan nakita ko si Helix na kakalabas lamang ng grocery store at mukhang hinahanap ako. Kaya agad naman akong pumasok sa loob ng sasakyan ni Vanessa habang nagtataka siyang nakatingin sa akin.

"Mari, ayos ka lang ba? Bakit parang takot na takot ka diyan? Masama ba ang pakiramdam mo?" Usisa niya. Napahawak naman ako sa noo ko at napagtanto ko na pawis na pawis pala ako. 

"Oo, a-ayos lang ako. Hindi lang maganda ang pakiramdam ng tiyan ko." Ang nirason ko na lang sa kaniya upang paandarin niya kaagad ang sasakyan niya bago kami maabutan ni Helix.

"Ahh, ganoon ba? O sige, mag-seatbelt ka na." Aniya naman kaya nag-seatbelt na ako habang nakasilip ako sa side mirror kung saan nakita kong tumatakbo si Helix patungo sa direksyon ko. Kaya lumingon ako kay Vanessa at kinulbit siya sa braso niya.

"Vanessa, puwede bang pakibilisan mo ang pagmamaneho? Masakit na talaga kasi ang tiyan ko." Pagkasabi ko ay napatingin naman siya sa tiyan ko at agad na pinatakbo ang sasakyan niya ng mabilis dahilan para mahinto si Helix at hingal na hingal na nakasunod ng tingin sa amin.

Nang makalayo-layo na kaming dalawa ay napabuga naman ako ng malalim na paghinga at sinandal ang aking likuran sa upuan.

"Mari, kumusta ang pakiramdam mo? Huwag kang mag-alala malapit na tayo sa bahay mo." Aniya at pilit na lamang akong ngumiti sa aking labi sabay tumingin ako sa side mirror.

Ilang sandali lang ay bumaba na ako sa sasakyan niya at umalis din siya kaagad pagkatapos niya akong maihatid sa bahay ko. Tumalikod na ako at binuksan ang gate. Pagkapasok ko sa loob ay saglit kong binaba sa lupa ang mga hawak at tipong bubuksan ko na sana ang pinto nang mapansin kong nakabukas na ito. Napailing tuloy ako at nagtaka, kung bakit nakabukas ang pintuan namin gayung sinara ko naman ito kanina bago ako umalis ng bahay?

Hindi kaya may magnanakaw na pumasok sa loob? 

Bigla tuloy akong kinabahan at natakot. Napaatras ako at hindi ko alam ang gagawin ko.

Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa ko habang nanginginig ang mga kamay ko. Nang may biglang humawak sa balikat ko at tipong sisigaw na sana ako nang bigla niyang tinakpan ang bibig ko gamit ang kamay niya. Sinubukan kong lumaban sa kaniya at tanggalin ang kamay niyang iyon ngunit bigla siyang bumulong sa tenga ko at sinabing, "Ssh. Ako 'to si Helix." Aniya kaya natahimik ako at dahan-dahan ko siyang nilingon.

"H-Helix, tulungan mo ako." Bulong ko sa kaniya habang mahigpit akong nakahawak sa laylayan ng damit niya. Napatingin naman siya sa kamay kong iyon at muling tumaas ang tingin niya sa mukha ko.

"Please, tulungan mo ako." Dugtong ko habang nakatingin pa rin siya sa akin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status