Share

Kabanata 05

Magmula nang umuwi si Lemuel sa bahay namin ay hindi na namin binalikan pa ang pinag-awayan naming dalawa. Kahit parang nagtataka ako sa kakaibang ikinikilos niya. Para kasing walang nangyari sa amin ng gabing iyon at palagi lang din siyang tahimik. Gayunpaman ay hindi ko binanggit pa sa kaniya ang tungkol sa mga nangyari sa akin ng gabing iyon pati na rin ang tungkol sa sinabi ni Helix sa akin dahil baka magdulot lang iyon hindi pagkakaunawaan sa pagitan naming dalawa.

Makalipas ang dalawang linggo ay muli naman kaming nagkita ni Vanessa sa isang grocery store. Nagkasalubong kaming dalawa at pareho kaming naiilang sa isa't isa.

"Kumusta ka na, Mari?" Aniya kaya tumingin ako sa kaniya at tumugon sa kaniya ng, "Ayos lang. Ikaw? Kumusta ka naman?" Usisa ko na ikinangiti naman niya. Pagkatapos non ay muli kaming naging komportable sa isa't isa at muli kaming nagkakuwentuhang dalawa. 

"I'm sorry." Ang sabi ko habang naglalakad kaming dalawa na may bitbit na plastic bag sa aming mga kamay. Lumingon naman siya sa akin na may bakas ng pagtataka sa kaniyang mukha.

"Para saan?" Usisa niya at yumuko naman ako dahil nahihiya ako sa kaniya. 

"Tungkol sa nakaraang araw." Tugon ko tapos ngumisi naman siya.

"Wala ka dapat na ihingi ng paumanhin sa akin. Ako pa nga dapat ang mag-sorry sa iyo dahil masyado akong nagpadalos-dalos noon sa aking pagsasalita at hindi ko naisip ang mararamdaman mo." Aniya at lumingon naman ako sa kaniya.

"Sa totoo lang, nag-away kami ni Lemuel noong nakaraang gabi. Kinompronta ko siya pero nagdulot lang iyon ng matinding pagtatalo s pagitan naming dalawa. Alam ko nagkamali ako, hindi ko dapat sinabi sa kaniya ang mga salitang iyon." Saad ko at bigla naman siya nahinto sa paglalakad kaya lumingon ako sa kaniya na may pagtatak sa aking mukha.

"Seryoso? Tinanong mo siya tungkol doon?" Aniya sa gulat na ekspresyon ng mukha. Lumapit naman ako sa kaniya at tumango sa aking ulo.

"Pero huwag kang mag-alala ayos na kaming dalawa. Hindi namin pinag-usapan pa ang tungkol doon." Tugon ko sabay bumuga siya ng malalim na paghinga. At muli naming ipinagpatuloy ang aming paglalakad.

"Pasensya ka na talaga. Hindi ko talaga aakalain na masasabi ko rin sa'yo ang tungkol sa bagay na iyon." Aniya at pinili kong itikom na lamang ang aking bibig. Sa kabila ng aming paglalakad ay bigla akong natigilan nang matanaw ko sa hindi kalayuan ang isang pamilyar na mukha.

Si Helix?! 

Nang makita ko siyang tumatawid sa pedestrian lane ay agad naman akong tumalikod habang patingin-tingin ako sa paligid namin. Lumingon naman si Vanessa sa akin at tinapik ako sa balikat ko.

"Mari, okay ka lang ba?" Usisa niya habang nakatalikod pa rin ako.

"Vanessa pasensya ka na kailangan ko kasing bumalik sa grocery store dahil may nakalimutan akong bilhin. Mauna ka ng umuwi, huwag mo na akong hintayin pa." Pagkatapos kong sabihin sa kaniya iyon ay kumaripas agad ako ng takbo at bumalik ako sa dinaanan namin kanina. 

Saka lamang ako nahinto sa aking pagtakbo nang makarating ako sa tapat ng grocery store. Hingal na hingal ako at pawis na pawis. 

"Nakita kaya niya ako?" Bulong ko sa aking sarili at lumingon ako sa likuran ko upang siguraduhing nakalayo na ako kay Helix, pero laking gulat ko na lamang nang makita kong naglalakad siya ngayon sa direksyon ko habang nakayuko ang ulo niya at nakatuon sa cellphone niya. Mas lalo tuloy akong nataranta at nalito sa gagawin ko. Palingon-lingon ako sa paligid ko at naisipan kong pumasok na lang muli sa grocery store. Tumakbo agad ako sa bagged area at iniwan doon ang mga hawak ko, pagkatapos ay pumasok agad ako sa loob at nagtago sa mga shelves. 

Sumandal ako sa mga shelves ng mga diapers at bumuga ng malalim na paghinga habang nakahawak ako sa dibdib ko. Bahagya akong sumilip sa entrance upang tiyakin kung nakalagpas na ba si Helix pero halos lumaki ang mga mata ko sa gulat nang makitang papasok siya ngayon sa grocery store na kinaroroonan ko ngayon. 

Anong gagawin ko? Paano kung makita niya ako rito? Anong sasabihin ko? 

Ang paglalayag ko sa aking isipan habang pinagpapawisan naman ako dahil sa sobrang kaba. 

Lumipat ako ng puwesto ko nang makapasok na si Helix sa loob habang may hinihila siyang basket cart at nakatuon pa rin ang atensyon niya sa cellphone niya habang naka-headset siya.

Ano bang mayroon sa pinapanuod niya at mukhang abalang-abala siya na hindi man lang niya tinitignan ang nilalakaran niya? Bulong ko sa aking sarili habang nakasunod ako ng tingin sa kaniya.

Habang nakatingin ako sa kaniya ay bigla naman akong natigilan nang makita ko ang nakakaakit niyang ngiti sa kaniyang labi. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay biglang bumilis ang pintig ng aking puso at natulala na lang ako sa kaniya. Napansin ko na pati ang ibang babae sa paligid namin ay napapatitig sa kaniya at napapasunod ng tingin sa kaniya. Kaya napangisi na lang ako at napailing sa aking ulo.

Sino ba naman ang hindi mapapalingon sa mga nakakaakit niyang ngiti sa labi? Lalo na ang napakaguwapo niyang mukha na kahit sino yatang babae ay mahuhulog sa kaniya. Pagkatapos non ay tumalikod na ako at naisipang umalis na lang doon dahil mukhang hindi naman niya ako mapapansin sapagkat tutok na tutok siya sa cellphone niya.

Nang makalagpas na ako sa stasyon ng mga tissue ay bigla naman nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang makasalubong ko siya pero nakatingin pa rin siya sa cellphone niya. 

Halos napalunok na lang ako ng malalim at palakas ng palakas ang kabang nararamdaman ko sa aking dibdib habang palapit kami ng papalapit sa isa't isa. Kung tatakbo ako ngayon ay mahahalata niyang iniiwasan ko siya at mababaling ang atensyon niya sa akin. Kaya naglakas-loob ako na lagpasan na lang siya tutal hindi rin naman niya akong mapapansin.

Isang hakbang, dalawang hakbang at sa pangatlong hakbang ay nagkasalubong kaming dalawa ay dumaan ako sa gilid niya na hindi niya napapansin. Doon ako nakahinga ng maluwag at tipong lalabas na sana ako nang bigla niya akong hawakan sa pulsuhan ko na ikinahinto ko sa paghakbang.

"Hanggang kailan mo ako iiwasan at tatakbuhan? Ganoon mo ba ako ka-hate?" Aniya sa malamig na boses at dahan-dahan ko naman siyang nilingon. Hindi ako nakasagot kaagad sa kaniya at bumaba ang tingin ko sa hawak niyang cellphone kung saan wala naman siyang pinapanuod doon at mukhang kanina pa niya alam na nandito ako ngayon. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status