Share

CHAPTER 7

Author: ATE BHIETAT
last update publish date: 2026-07-30 16:36:16

"Miguel, kung gusto mong punain ang isang tulad ko bakit hindi ka muna magpakita ng isang halimbawa kahit papaano sa sarili mo?”

Agad na namutla ang mukha ni Miguel at umigting ang panga.

Wala siyang ideya na wala pang isang buwan mula nang mapirmahan ang kasunduan sa divorce.

Malaki ang hinala niya ngayon na nagkukunwari lang sa harapan niya si Joanne noon pa man.

Wala pang sumubok na sawayin si Miguel noon. Lumabas ang maliit na ugat sa noo nito. At pinipigilan sumabog ang galit.

"Joanne, hindi kita sinisisi noong araw na iyon dahil nauntog mo ang noo mo. Pero ngayon dapat ay tumigil ka na!" sigaw ni Miguel kay Joanne pero hindi man lang kumurap ng isang beses si Jaonne. Hindi siya nagpakita o nagpahalata ng takot dahil sa malakulog na boses ni Miguel.

Nanginig sa takot ang mga taong naroon sa boutique Lalo na si Mr. Lin. Ngunit sa harap ni Miguel nakaramdam siya ng panliliit sa sarili. Naawa si Mr, Lin kay Joanne kaya sumingit na siya sa usapan.

"Sir,baka may hindi ka lang naiintindihan." kinakabahang sabi ni Mr Lin. Agad itong napayuko noong matalim siyang tapunan ng tingin ni Miguel. Dahil sa takot napaatras siya ng kunti.

"Kasama ko si Miss Jo-” Bago pa matapos magsalita si Mr Lin pinutol na agad iyon ni Jasmine.

"Mr, Lin, alam kong isa kang lalaking may mataas na katayuan, ngunit hindi ka dapat nagpakita ng sobrang pagmamahal sa isang babaeng may-asawa.” Tukoy niya kay Joanne na gusto niya talagang ipahiya ito.

"Isa pa, hindi ba at nakakatawang isipin. Sa edad mong iyan para ka lang isang Tatay ni Joanne.” Natatawa nitong sabi

Biglang namutla at namula ang mukha ni Mr Lin dahil sa sinabi ni Jasmine. "Paano...paano mo nagawang magsalita nang ganyan? Ang relasyon ko kay Miss Joanne ay hindi katulad ng iniisip mo! Isa ko siyang kliyente!” Galit na sigaw ni Mr Lin.

"Ah, kaya pala kliyente ka ni Joanne. Sinadya ni Jasmine idiin ang salitang kliyente na iba ang ibigsabihin non sa kanya. Dahilan para mapatingin ang mga taong naroon kay Joanne nang may kakaibang ekspresyon.

Tingin na mayroon pandidiri at pang-iinsulto.

Nagsimula ang mga ito na magbulungan habang nakatingin sa gawi ni Joanne. Mabilis na nanliit ang mga mata ni Joanne. Punong-puno ng galit ang mga mata niya. Dahil sa inis at galit agad niyang itinaas ang kamay para sampalin ito. Kasabay non ay ang mabilis na kilos ni Miguel. Pinrotektahan niya si Jasmine.

Hindi tumama ang sampal kay Jasmine dahil sa mukha ni Miguel ito tumama na nag-iwan ng limang marka ng daliri sa guwapo at maputi nitong mukha. Napasinghap ang lahat ng naroon.

Gulat na gulat si Joanne sa nakakatakot nitong titig kaya umatras aiya ng kunti at bahagyang nanliit ang kanyang mga mata.

“Tsk! Nakakabilib naman, talagang handa kang masaktan para lang sa babae na iyan? Hahaha!” Sabi ni Joanne

“Joanne! Ang kapal ng mukha mo saktan si Miguel! Bweset kang babae ka!” Akmang sasampalin na ni Jasmine si Joanne ng mabilis nitong mahawakan ang palapulsuhan.

Bumaon sa balat ni Jasmine ang mga kuko ni Joanne. Napadaing naman sa sakit si Jasmine dahil doon. Naalala bigla ni Joanne ang mga kasalanan sa kanya ng babae. Kaya naman namula ang mukha niya dahil sa galit.

“Ahh, let me go!” Nasasaktan na sabi ni Jasmine para mas lalong ganahan si Joanne.

Malakas na binitawan ni Joanne ang kamay ni Jasmine. Hindi naman iyon nabantayan agad ng babae Kaya muntik na itong mapasubsob sa sahig.

Galit ang mukha ni Miguel ng tumalikod at naglakad palabas.

Narinig pa ni Joanne ang mga sarkastiko at pangungutya ni jasmine sa kanya para ipahiya sa mga taong naroon. Malamig niyang tiningnan si Jasmine at nginisihan sabay lapit dito saka hinaplos ang buhok ni Jasmine.

“Kakaiba din ang panlasa mo Jasmine pagdating sa lalaki. Isa ka lang kabit ng asawa ko tapos kung kumilos ka ay parang ikaw na ang matinong babae at magaling mangaral sa lahat! Talagang napapahanga mo ako” biglang namutla sa kahihiyan si Jasmine ng marinig iyon.

Bigla na lang din nagbulungan ang iilang mga taong naroon at may pandidiring tiningnan si Jasmine.

Dahil hindi pa sila nakakakuha ng certificate ng divorce , si Miguel ay isang lalaking may asawa pa rin kung tutuusin.

"Joanne , pinapayuhan lang naman kita na huwag masyadong palakihin ang gulo na ito, baka pagsisihan mo ito sa huli.”Kunwari nitong concern at nakuha pang hawakan ang kamay ni Joanne.

Sinadya niya iyon at nagkunwaring mahina upang kuhain naman ang simpatya mula sa iba, habang kunwaring ginagabayan niya si Joanne papunta sa tama.

“Talaga ba Jasmine? Kailan man ay hinding-hindi ako magsisisi.”Matapang niyang sagot at iwinaksi ang kamay ni Jasmine.

Gusto sana niyang turuan ng leksyon si Jasmine leksyon, pero bumalik si Miguel. At sa pagbalik nito ulit sa loob karga-karga r niya ang isang maliit na bata sa kanyang mga bisig, na mukhang mahigit tatlong taong gulang pa lamang. Dahilan para matigilan si Joanne.

"Mama, gusto ko ng yakap~" sabi ng bata.

"Lele, anak ko, inaabala mo na naman si Daddy?” Malambing na tanong ni Jasmine sa anak.

Nang mga oras na iyon pakiramdam ni Joanne ay parang may tumusok sa puso niya, dahilan para manginig siya sa sakit, kasabay nito ay parang nawalan siya ng pag-asa.

Iniisip niyang ang batang dinala ni Jasmine mula sa ibang bansa ay hindi talaga kay Miguel.

“Daddy” tawag ni Lele kay Miguel.

Ang salitang iyon ay parang isang hampas ng martilyo na tumama sa puso ni Joanne.

Minahal ni Miguel ang batang iyon, ang mga mata nito ay puno ng lambing at kasiyahan na hindi pa niya nakita noon.

Habang ang dalawa niyang anak ay kinailangang mamuhay ng walang Ama at magtago simula nang sila ay ipanganak.

Kaya naman naisip niyang wala talagang karapatan na tawaging Daddy ng mga anak niya si Miguel.

Pero ang batang ipinanganak sa ibang babae ay kayang-kaya mahalin ni Miguel.

Lalong tumindi ang sakit na kanina pa namumuo sa dibdib ni Joanne , may kung anong bukol ang bumara sa lalamunan njya, at nanlalabo din ang mga mata niya dahil sa tagpong iyon. Pakiramdam niya doon palang ay talo na siya. Hindi niya mabigyan ng Ama ang mga anak dahil sa sitwasyon niyang mahirap.

Nawala sa malalim na pag iisip si Joanne ng isang matalim na boses ang umalingawngaw sa loob ng botique,

“Ikaw ba yong babae na nanlalait sa asawa ko at kay Miss Jo?” Biglang tanong ng isang babaeng nasa 30’s na ang edad. Halata sa mukha nito na kayang makipag sabayan sa kahit anong gulo ang kanyang matatalim na mga mata ay nakapirme lang kay Jasmine.

"Sino ka?" matapang na tanong ni Jasmine

Akala ni Jasmine ay katulong lamang ang babae sa shop na iyon kaya ganon na lamang kung tingnan niya ito.

"Asawa ko ang lalaking ito” Turo niya kay Mr Lin. “Inimbitahan ko si Miss Joanne ngayon na sumama sa akin para pumili ng damit, pero ikaw nandito ka ag nagkakalat ng tsismis! Gumagawa ng kwentong hindi naman totoo!Sinisiraan mo ang asawa ko at si Miss Jo!”Galit na sabi ni Misis Lin.

Bakas sa mukha ni Jasmine ang pagkapahiya ulit. Umarko lamang ang isa niyang kilay at parang wala sa kanya ang mag sinasabi ni Misis Lin. Hindi niya inaasahan ang gagawin ni Misis Lin bigla niyang nahigit ang hininga ng maglakad si Misis Lin ng paikot sa kanya.

“Hulaan ko, ikaw ang kabit, 'di ba? Asawa ng lalaking ito si Miss Jo. Nagkalat ka ng mga tsismis at paninirang-puri, at malisyosong gumagawa ng mga kuwento para siraan ang reputasyon ng asawa ko at ni Miss Jo. Nakakahiya ang mga intensyon mo!” Matapos iyon sabihin ni Misis Lin tumayo siya ng tuwid sa harapan mismo ni Jasmine.

"Kung wala lang tayo sa Valérie ngayon, malamang pinunit ko na ang bulok mong bibig!" Bigla naman pumagitna si Miguel at hinarap si Misis Lin.

“Misis Lin, sana ay magkaroon ka ng kaunting respeto sa sarili! Sinusubukan lang ni Jamsien na maging matulungin” Pagtatanggol ni Miguel para tumawa ng pagak si Joanne sa tabi.

Pumalakpak naman si Misis Lin ng marinig ang sinabi ni Miguel kasabay ang pagtawa nito na parang may pang iinsulto.

Tiningnan ni Misis Lin si Miguel mula ulo hanggang paa at sarkastiko niyang sinabi, "Naku, hindi ko pala alam na ang pangit ng panlasa mo sa mga babae . Sayang lang ang kagwapuhan mo Mr, Villanueva.” pang aasar ni Misis Lin.

Tiningnan ni Miguel si Joanne na nakatayo sa gilid, na parang sinisisi siya sa nangyayari. Umiigting ang panga nito dahil sa galit at pagkapahiya.

"Joanne , umuwi ka na ngayon din!” Dinig niyang utos ni Miguel.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Lebana Manansala
nxt plzzz,,,
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • ABANDONING US WAS HIS FIRST MISTAKE    CHAPTER 146: KOMPRONTA

    Tahimik ang loob ng kotse, pero parang may bagyong namumuo sa pagitan nina Miguel at Andrea.Sa backseat, tahimik na umiiyak si Milo. Apat na taong gulang pa lamang siya, pero pilit niyang pinipigilan ang paghikbi. Hawak niya ang tuhod niyang may maliit na gasgas na nilagyan ng panyo ni Joanne bago siya tuluyang hilahin ni Andrea palayo sa garden.Hindi naman ganoon kasakit ang sugat niya. Mas masakit para sa kaniya ang nangyari sa birthday party ni Hope.Hindi niya maintindihan kung bakit nagalit si Mama Andrea. Hindi rin niya maintindihan kung bakit sinigawan ni Papa Miguel ang kaniyang ina. Ang alam lang niya, gusto niyang bumalik sa bahay nina Hope para makapaglaro silang muli.Sa driver's seat, mahigpit ang hawak ni Andrea sa manibela. Nanginginig ang mga daliri niya dahil sa galit at sama ng loob na kanina pa niya kinikimkim."Put*ngina talaga, Miguel! Nakita mo ba ang ginawa nila sa akin? Pinahiya nila tayo sa harap ng lahat! Tapos ikaw, ano ang ginawa mo? Kinampihan mo pa sila

  • ABANDONING US WAS HIS FIRST MISTAKE    CHAPTER 145 :ANG PAGPUTOK NG SELOS

    Tahimik na ang buong garden matapos sumigaw ni Andrea. “WAG MONG HAWAKAN ANG ANAK KO!” Napahinto ang lahat ng bisita. Ang dating masayang selebrasyon ng ikalimang kaarawan ni Hope ay napalitan ng tensiyon at takot. Nasa sahig pa rin si Milo, hawak ang kaniyang tuhod na may maliit na gasgas. Hindi naman malalim ang sugat, pero umiiyak ang bata. Hindi lamang dahil sa sakit, kundi dahil sa sigawan ng mga matatanda sa paligid niya. Lumuhod si Joanne sa harap ni Milo. Gusto niya sanang tingnan ang sugat ng bata, pero hindi siya makalapit dahil nakaharang si Andrea. “Andrea, tama na. Bata lang sila. Naglalaro lang naman sila. Gasgas lang 'yan, kaya puwede nating linisin at lagyan ng gamot,” mahinahong paliwanag ni Joanne kahit nangingilid na rin ang luha sa mga mata niya. “Gasgas lang sa paningin mo kasi hindi mo anak!” sigaw ni Andrea. “Anak ko 'yan! Ako ang ina niya! Wala kang karapatang hawakan siya, at wala kang karapatang pagsabihan siya!” Napatayo si Joanne. Hindi siya makapaniw

  • ABANDONING US WAS HIS FIRST MISTAKE    CHAPTER 144: ANG MASAKIT NA SALITA

    Nasa sahig pa rin non si Milo, hawak ang tuhod na may gasgas. At dumudugo nang kaunti, pero hindi naman malala. Hindi siya umiiyak dahil sa sugat, kundi dahil sa takot. Takot siyang makita ni Andrea na may dugo siya at may kalat sa sahig.Kasi sa bahay nila kapag si Andrea lang ang kasama niya, pag may kalat siya pinapagalitan siya. Pag may dumi ang damit niya, sinisigawan siya. Kaya nung nakita niyang may dugo ang tuhod niya at nadumihan ang shorts niya, ang unang pumasok sa isip ng apat na taong gulang na bata, mapapagalitan siya ng Mommy niya. "Wag po... wag po Tita... sorry po..." umiiyak na sabi ni Milo kay Joanne na papalapit na sa kanya, habang nanginginig ang kamay."Milo, anak, hindi kita papagalitan.Hindi kita aawayin. Titingnan lang ni Tita yung sugat mo ha? Konting gasgas lang yan, lagyan natin ng band-aid," malambing na sabi ni Joanne.Lumuhod agad si Joanne sa lupa , hindi alintana na madumihan ang dress niya. Aabutin na sana niya si Milo para tingnan ang sugat.Pero

  • ABANDONING US WAS HIS FIRST MISTAKE    CHAPTER 143: BAGONG KAAWAY

    Si Andrea naman, hindi man lang ngumiti pabalik kay Joanne. Ang mata niya, nasa loob ng bahay. Tinitignan niya ang mga larawan sa pader — family picture nina Joanne, Vince, at ng tatlong bata. Tinitignan niya kung paano kabisado ni Miguel ang bahay na ito, kung paano siya dumiretso sa kusina para kumuha ng plato nang hindi na nagpapaalam. Kung paano siya tawagin nina Yumi at Sky na "Daddy Migs". Para siyang parte pa rin ng pamilyang ito. At doon sumakit ang dibdib ni Andrea. Na malapit pa rin sa puso ng lalaki ang pamilya ni Joanne, bagay na dapat ay sa kanya. "Pasok kayo, Andrea. Kumain muna kayo," sabi ni Vince na lumapit at inabutan ng kamay si Miguel para kumustahin. "Pasensya na kayo, Joanne, Vince ha. Biglaan lang, nagpumilit kasing sumama si Andrea. Gusto niya raw makilala si Hope," bulong ni Miguel na halatang hiyang-hiya. Umupo si Andrea sa isang upuan sa pinakagilid, malayo sa handaan. Karga niya pa rin si Milo kahit gusto nang bumaba ni Milo at makipaglaro. Ang mg

  • ABANDONING US WAS HIS FIRST MISTAKE    CHAPTER 142: 5 YEARS LATER

    LIMANG TAON ang lumipas.Kung may himala man na nangyari nung gabing umuulan na yon — nung gabing akala ni Vince ay mawawala na ang mag-ina niya sa ER — ito na yon ang batang si Hope. Nasa ikalimang taon na si Hope Delos Reyes. Ang dating 5 weeks na sanggol na kumapit sa sinapupunan ng ina para lang mabuhay, ngayon ay isang batang babae na malikot, bibo, at ang boses ay parang kampana sa buong bahay. Kamukhang-kamukha ni Joanne ang mukha, bilugan at maputi, pero pag tumawa siya nang malakas, mata at ilong ni Vince ang makikita mo. Spoiled siya, oo, pero sa pagmamahal. Lumaki siyang alam niyang pinagdasal siya.Ang kambal na sina Yumi at Sky, 9 years old na. At nasa Grade 4. Malaki na ang pinagbago nila. Si Yumi, hindi na yung batang umiiyak lang sa gilid. Siya na ang pangalawang nanay ni Hope. Siya ang nag-aayos ng buhok ni Hope tuwing umaga, siya ang nagtuturo kay Hope magsulat ng pangalan. Sobrang protective niya. Si Sky naman, tahimik pa rin pero mas malalim mag-isip. Mahilig pa r

  • ABANDONING US WAS HIS FIRST MISTAKE    CHAPTER 141: ANG BAGONG PAMILYA

    Ang lakas ng ulan nang gabing yon habang mabilis ang pagmamaneho ni Miguel ng kotse.Karga ni Vince sa backseat si Joanne na namimilipit sa sakit ng tiyan . Kabado si Vince habang nakikita ang mukha ng asawa na sobrang nasasaktan. Nag aalala siya sa mag ina ina niya “Ang sakit! Hindi ko na Kaya!” Sabi ni Joanne habang iniinda ang sakit ng tiyan. "Wife, kumapit ka lang. Malapit na tayo sa ospital . Kumapit kayo ni baby," bulong ni Vince sa tenga ni Joanne. Nanginginig ang kamay niya habang hinahaplos ang pawisang noo ng asawa. Hindi niya mapapatawad ang sarili kapag may nangyaring masama sa anak at asawa niya. Hindi niya alam na ganon ang idudulot ng kunti nilang pagtatalo. Sa mag asawa kasi hindi naman talaga maiiwasan ang mag away. Hindi na non sumagot si Joanne. Ang kaninang kirot sa puson niya bigla na lang siyang nakaramdam ng mainit na likido. Pagtingin niya sa palda niya, may bahid na ng dugo. Hindi marami, pero sariwa. Sapat yon para matakot ang isang inang tulad niya. T

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status