Share

Chapter 18 : In Your Arms Once More

PAKIWARI ni Kayden ay huminto ng mahabang sandali ang pagtibok ng kaniyang puso matapos marinig ang balita ni Doc. Hernandez.

Nawawala raw si Raven at hindi ito mahagilap sa loob at labas ng ospital na iyon.

Bumakas ang matinding pagkabahala sa kaanyuan ng ama niya habang nakatitig sa kaniya. Habang sila Amanda at Athena ay tahimik na nakamasid lamang.

Nang makabawi siya ay nagmamadali niyang tinungo ang private room ng ospital kung saan naka-admit si Raven upang tiyakin na hindi mali ang balitang dala ng doktor, at ganoon na lang ang panlulumo niya nang makitang wala nga roon ang asawa at tanging hospital gown na lamang na hinubad nito ang kaniyang nakita.

Tiim bagang niyang kinuyom ang kaniyang mga kamao upang pigilan ang paglukob ng galit, panlulumo, at sakit sa kaniyang pagkatao.

Gusto niyang magsisigaw ngunit sinikap niyang pigilan ang kaniyang sarili. Kinimkim niya iyong lahat dahilan para sumikip ang kaniyang paghinga.

Nasapo niya ang nananakit na dibdib kasabay ang panlalabo n
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Lyn Maghanoy
kaya pla Hindi na kilala si raven Ng family nya KC pinabago n Kayden ung mukha nya
goodnovel comment avatar
Luzminda Pene
hala nkauwi ni si Raven s mga magulang nya
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status