Share

CHAPTER 23 - Meeting Prince Zenon

Namangha si Jade sa ganda ng paligid. Naaamoy niya ang halimuyak ng iba't-ibang uri ng mga bulaklak sa paligid na ngayon lang niya nakita. Mayroon ding malalaking puno sa paligid na may iba't-ibang kulay ang mga dahon. Napakurap-kurap siya sa pag-aakalang namamalikmata lamang siya, pero totoo ang lahat. Katulad ng mga paru-paro na patuloy ang pagdapo sa mga bulaklak, hindi niya napigilang hawakan ang mga bulaklak na nakikita niya. Nang dumungaw siya sa may batis, tila nahipnotismo siya at nakita niya ang isang pangyayari sa mismong kinatatayuan niya.

“Anong ginagawa mo rito?” tanong ng isang tinig. Nagulat siya't napalingon sa tinig ng babae na nagmula sa kanyang likuran. Isang babae na nakasakay sa puting kabayo. Kakaiba ang anyo nito, para itong isang diwata. Taglay nito ang mahaba at mapuputing buhok. Manipis ang kasuotan nitong mahaba kaya kitang-kita ang hubog ng katawan nito. Mala-porselana ang kutis nito na tila kumikinang kapag natatamaan ng sikat ng araw, at nakik
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status