Home / Romance / ACCIDENTALLY IN LOVE / 3.1 ALMOST FAILED

Share

3.1 ALMOST FAILED

Author: Tiwness96
last update Last Updated: 2023-11-28 21:41:20

XYLARA REYNA

As I settled into the bed, an inexplicable sensation enveloped me. My body and the bed seemed irresistibly drawn together like two big magnets. I don't want to get up. I need to lie in. If only I could stay here for one more hour. Pero syempre hindi pwedi!

Pikit mata kong inabot ang aking cellphone sa bedside table. Ayoko talaga sa alarm tone na'to, bat ko ba pinili 'to as alarm tone? Oo nga pala, para mapilitan akong bumangon.

Matapos kong e turn off ang alarm ay sumunod naman ang message tone. I guess its auntie Vanessa. Nagpapaalam ito sa text na mauuna na sya sa shop dahil ihahatid narin niya si Janessa sa school.

Minulat ko ang aking mata,saka tiningnan ang screen ng cellphone.

"Miss Alica."

Napabalikwas ako, umupo ng maayos sa kama at inulit pa ang pagbasa sa pangalan ng nag text. Earlier, I thought it was auntie Vanessa but obviously I was wrong.

"Miss Alica."

Nasapo ko ang aking noo. Nakatitig lang ako sa screen ng phone at hindi pa binubuksan ang mensahe. Si Miss Alica lang naman ang Head ng opisina ng University Sponsors ng Whiz Franklin.

Kung kanina hindi ko pa masyado naramdaman ang kaba, ngayon, parang hindi na ako makahinga. Isang libong daga yata ang naghahabulan sa dibdib ko.

I gulped. Decided na akong buksan ang mensahe. My instinct saying this is something negative.

Good morning, Miss Xylara Reyna Viola. You are invited to come to the University Sponsors office today. You can come from one in the afternoon until five. This is Miss Alica head of office of University Sponsors.

My shoulders slumped after reading the message. Afterwards, my whole body droop on the bed. Distress filled me.

"Isang bagsak pa naman, and graduation is just around the corner, kailangan ko lang bumawi." Kinumbinsi ko nalang ang aking sarili na ayos lang. Ayos lang ang isang bagsak.

WHIZ FRANKLIN UNIVERSITY

Thirty minutes pa at mag-uumpisa na ang first period. Binagalan ko lang ang paglalakad total, nandidito na ako sa loob ng university campus. My face crumpled when I saw Marco's face from afar. Oh c’mon, I avoided this jerk like a plague!

I paused. I didn't take my eyes off Marco. Staring at him, I realized he was heading in my direction. I immediately think of a way to avoid him.

I turned left. This is the farthest way to the classroom. I just need to speed up so I won't be late.

Marco is my ex-boyfriend; the insensitive jerk, cheater, and most of all arrogant. Apart from being good at basketball, there is nothing commendable about him. Nang mag break kami, tinanong ko talaga ang sarili ko kung bakit naging boyfriend ko ang idiot nayon.

"Ay kabayo!" I exclaimed.

Napahinto ako sa paglalakad ng sumulpot saaking harapan ang isang pumpon ng rosas. Ew! kailan pa ako na attract sa pulang rosas?!

Nang ilipat ko ang aking tingin sa kamay ng humahawak, "Marco?" hindi maipinta ang aking mukha.

"Good morning babe," he brought the roses even closer to my face, "Flowers." he asked smiling from ear to ear.

Napahakbang ako paatras, "Marco ang aga-aga please lang. Marami akong iniisip wag mo na dagdagan!" Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad nang humarang siya.

Sa lahat ng mga araw na kinukulit niya ako, ngayon ang pinaka ayaw ko sa lahat, dahil may dala siyang bulaklak.

"Babe please, give me a chance. Isang linggo na akong nag titiis na mapansin mo," his pleading.

"Isang linggo?" I asked lifting my both brows, "Isang linggo ka palang nagpapapansin tapos pagod kana? Kung noon madali mo akong na uto pwes hindi na ngayon, Marco! Isa pa, hindi kita pinapaasa. To make things clear, matagal na tayong tapos, di mo na maibabalik pa kasi ayo'ko na. Tigilan mo nayang panunuyo mo dahil walang patutunguhan yan," I said glaring at him.

I didn't waste a second after I spoke. I turned away and left him behind.

Ala una na ng hapon. Nandidito ako nakatayo sa labas ng opisina ni Miss Alica. "University Sponsors Office," binasa ko pa ang naka paskil sa labas ng pinto. Hinawakan ko ang doorknob, pinihit iyon upang magbukas ang pintupintuan. "Good afternoon Miss Alica," bati ko. Napalingo naman siya sa akin.

She gave me a genuine smile, "Good afternoon Miss Viola, have a seat."

I sat in the visitors chair across from Miss's table. "Uhm, Miss Alica, why did you call me? Is there a problem?" I know there is but I asked anyway.

Ibinaba ni Miss Alica ang ballpen na kanyang hawak, saka binigyan ako ng seryosong mukha. "Yes, I'm sorry but there is Miss Viola."

Nag-umpisa ng kumabog ang aking dibdib. "It's all about my grade on Miss Pia's subject, tama po ba?"

Miss Alica nodded seriously. "Yes, mababa ang grades mo sa kanya. Pinaka mababa in the history of your grades. Ano ba ng nangyari Miss Viola, may problema ka ba?"

My lips formed O shape hearing the word mababa. "Po? You mean hindi ako bagsak?"

Miss Alica shook her head. "Hindi naman, mababa lang. Sakto lang ang ibinigay niya para hindi ka bumaba sa candidates for cum laude."

Lord Thank You! I screamed out of my mind. "Babawi nalang po ako ngayong finals Miss Alica."

"Apart from that may isa pa akong inaalala Miss Viola."

Sa tono palang ng kanyang pagkakasabi, dama ko ng may isa nanamang problema, Mas lalo tuloy bumilis ang tibok saaking dibdib. Napalunok ako. "Ano po yun?"

"May problema sa sponsor mo this year."

"What about Jhudwung Company?"

"Base sa contract ng Whiz Franklin at ng University Sponsors, kailangan ng Sponsors na bayaran ang University para sa mga tuition and other obligations ng mga scholars nila bago paman mag-umpisa ang school year.

This year, Fujisawa Group of Companies , V Group of Companies, and other sponsors paid their obligations before the school year started, pero hindi nagbayad ang Jhudwung at nangako na sa gitna ng school year nalang sila magbabayad.

Whiz Franklin University set an agreement with Jhudwung Company stating na kapag hindi sila nakabayad in the middle of the school year ay mapipilitan silang tanggalin sa school ang mga scholars nila. Mid school year came at nakabagbayad ng kaunti ang Jhudwung kaya dina masyadong umalma ang directors ng University.

Until the other day lumabas sa media ang napakaraming financial problem ng Jhudwung at na alarma ang directors dahil hindi panga sila nakapagbayad. Whiz Franklin came up to the solution na ilipat ang scholars nila sa ibang sponsors, yun ay kung tatangap pa ang ibang sponsors."

My mind is about to explode from everything I heard. "What about us? The Jhudwung scholars?" I think anytime soon, I'm going to go haywire!

"I can help. Maghahanap ako ng paraan, kaunti lang naman ang scholars ng Jhudwung compare sa ibang kumpanya. Matataas ang grades ng scholars this semester kaya no doubt madali akong makahanap for them."

"But, me," Napayuko ako," May mababa akong grade this semi-final."

Lumiwanag ang mukha ni miss Alica. “Miss Viola you have V Company."

"No," I said in an instant, "I'm sorry Miss Alica, please, wag sa V Company," I begged.

Miss viola smiled while nodding. "I see. Sige gagawin ko ang makakaya ko Miss Viola, pero kung hindi ako makahanap dalawa lang ang solution natin.Una, V Company. Pangalawa you'll pay cash or cheque for all the obligations."

Tumango ako, "Okay Miss Alica.”

"Tutulungan kita like other scholars. I'll do my best." Nakangiti pang sabi niya saakin.

"Salamat Miss Alica. Mula noon hanggang ngayon ikaw ang pinaka tumulong saakin dito sa University Scholars."

"Anything para sa heridera ng V Group of Companies," she winked.

Napangisi nalang rin ako. Miss Alica knew everything."Salamat."

It's seven o'clock in the evening and I'm here at Janessa's Coffee Shop. I mustered up my courage to tell auntie about my dilemma.

"Ano?! "

Bulalas niya matapos kong sabihin lahat. Magkatapat kaming nakaupo ngayon.

I nod and took a sip of my steaming long black coffee. "Sana mahanapan ako ng sponsor kahit may mababa akong grade dahil kung hindi, mapipilitan akong bayaran ang school, o di naman kaya," Napa irap ako sa kawalan, "V Company stands as my final option."

"That's the answer! V Company!" she's almost shouting.

"Auntie!" I strongly disagree.

" Reyn-"

“Auntie." I immediately cut off what she was going to say. I know what she's thinking. “Auntie, you know I don't want anything associates with that company."

Bakas sa mga mata ni auntie ang magkahalong lungkot at awa saakin.

"Reyna, it’s almost four years. " Hinawakan niya ang mga kamay ko at hinimas iyon.

"Yun nanga auntie, malapit na akong matapos sa pag-aaral. I can stand proud in front of my dad. Malapit ko na mapatunayan that I can stand on my own, kahit wala ang tulong niya."

"Ikaw ang bahala Reyn, malaki kana at alam kong kaya mo na mag desisyon para sa sarili mo. Kahit noon paman, nung dumating kana sa poder ko, nakikita kong nagbago kana talaga.From a brat to a self-reliant young lady."

"Thank you auntie." Napangiti ako sa papuring ibinigay niya saakin.

"Reyn, may isa pa akong sasabihin sa'yo"

"Po? "

"Please, wag mong isara ang puso mo para sa daddy mo. Kahit anong gawin natin, daddy mo parin siya. Nagkamali siya, pero ikaw lang ang nag iisang anak niya Reyn, wala ng iba."

"Mommy, I want to go home and sleep. I'm so tired." Pareho kaming napalingon ni auntie. Pakamot-kamot pa sa ulo si Janessa na lumapit saamin. Agad na kinarga ni auntie si Janessa. "Reyn, aasikasuhin ko muna si Janessa ha."

"Okay."

Nakatitig ako sa hawak kong kape habang iniisip ang huling sinabi ni auntie. Naalala ko tuloy yun huli kaming nagkita. Umuwi ako noon sa mansion at nagkataong nandoon siya. Tinawag niya ako pero hindi ko siya pinansin. Hindi ko pa siya kayang harapin, kumukulo parin ang dugo ko kapag naaalala ko ang nakita ko noon.

Alas otso ng gabi nang magpaalam sa akin si Auntie. Mauuna naraw sila ni Janessa sa bahay. Hindi puweding lumalim ang tulog ni Janessa dito sa coffee shop dahil may pasok pa siya bukas.

I'm currently polishing table two when I noticed that it's raining cats and dogs outside. A luxury car parked outside caught my attention.

I sigh. I remembered daddy. I was in Senior High School then, grade twelve, when daddy taught me how to drive. I haven't held a steering wheel in a long time. I don't even own a cheap car right now.

Nagbukas ang pintuan ng driver sa luxury car na tinititigan ko. Lumabas mula doon ang lalaking naka jacket. Lakad takbo ang lalaki patungo dito sa pintuan ng coffee shop dahil sa lakas ng ulan.

Agad akong bumalik sa pwesto ko sa counter. Narinig ko pang tumunog ang decoration sa pintuan.

"Good ev-"

Napipilan ako. Hindi ako kumurap. Bumalik siya, ang lalaking nag order ng beer. Nung drama naman kaya dala nito ngayon?

"Good evening sir," napaka lousy ko sa tonong iyon.

Lumapit siya sa counter. "Good evening."

Malamig nga ang panahon. Kasing lamig ng boses niya. He's wet. I mean, basang basa siya sa ulan. Hinubad pa niya ang kanyang jacket at isinablay iyon sa braso.

Nihimas himas niya rin ang kanyang basang buhok. Yeah, he did that in front of me.

"We don't serve beer here sir," minabuti ko nang mag direct to the point, ayaw ko na naman maulit ang nangyari last time.

He stared at me, of course I stared at him too. Let's see who look back first. Hell! I'm half Aussie after all, siya lang ba ang may magandang mata? Syempre hindi!

"Long Black.” Tanging lumabas sa kaniyang bibig.

Habang nakaharap ako sa coffee maker at ginagawa ang kape, sinilip ko si Mr. Beer. Nakaupo siya sa table two, naka side view siya mula dito, nakapatong ang dalawa niyang siko sa table at nasa likod palad niya ang kanyang baba.

Kung titingnan mo siya halata na marami siyang iniisip.Kailangan yata talaga niya ng peace of mind, lucky for him walang ibang costumer, makakapag-isip nga siya dito.

I pour the coffee in the takeaway cup and put a lid on it. A black vertical line on the cup catches my gaze. It's where I can put the customer’s name. I am so hesitant to ask him, his face is serious, he might even eat me if I bother.

A brilliant idea pop into my mind. Kinuha ko ang marker at sinulatan ang blankong linya. BEER.

"Long black coffee," sabi ko sabay lapag sa kape.

"I don't want anyone inside. Name your price."

Alam ko na kung ano ang ibig sabihin niya. Okay fine! magbabayad naman daw siya e'.

EXCLUSIVE.

Binaliktad ko ang sign na nasa pintuan.

Hindi ko na kailangan magbantay, maghihintay nalang ako ng oras kaya naman umupo nalang ako malapit sa counter.

Nagbabasa lang ako ng libro, paminsan minsan sinisilip ko si Mr. Beer. Dalawang oras na and lumipas, pero mula kanina 'gang ngayon ganun parin ang posisyon niya. Humihinga pa kaya'to?

I rose from my seat upon hearing the noise generated by the ornament hanging on the door. Was someone entering?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • ACCIDENTALLY IN LOVE   19.1 THE END

    XYLARA REYNA One....two.....three... JUMP!Sabay kaming tatlo na napatalon sa swimming pool. Nikki, Mhina and I celebrates because finally tapos na ang OJT namin dito sa Australia. May graduation na naghihintay saamin sa Pinas! Hindi na ako makapaghintay!We spent a month in one big condo unit, kaya mas lalo pa naming nakilala ang isat-isa. Nasa iisang kumpanya lang din ang pinapasukan namin kaya umaga hanggang gabi ay magkasama kami.Kinabukasan departure date.Maaga naming inihanda sa sala ang aming mga luggage, kapwa hinihintay nalang namin ang aming mga sundo. Plano ni Nikki na umuwi agad ng Pilipinas para makahabol pa sa birthday ng daddy niya, si Mhina naman ay didiretso ng France para sa kasal ng kamag-anak."Ahhhh!!!!" Tili ni Nikki at Mhina nang sabihin ko sa kanila na susunduin ako ni Kanji para dumiretso sa Japan to meet his parents for the third time, wedding anniversary din kasi ng parents niya."Sana all!!" dagdag ni Nikki.DING! DONG!Dumating ang sundo ni Nikki, sumunod

  • ACCIDENTALLY IN LOVE   18.2 Answered

    XYLARA REYNA "Ah!!" I scream in pain. Inagaw ko ang kamay ko sa pagkakahawak ni Ammadeus, pero imbis na makawala ay kabaliktaran ang nangyari, hinatak pa niya ako ng buo niyang lakas para hindi makatakas sa kamay niya."Ulitin mo'pang pumalag mapipilitan akong daplisan ka nito!" banta niya matapos nilabas ang baril.Pagkababa namin ng hagdanan nakita ko ang mga armadong lalaki kasama si Varonica, nakatututok ang kanilang armas sa labas.Napagtanto kong isang malaking lumang bahay na yari sa kahoy ang pinagdalhan nila saakin."Ammadeus bakit nariyan sila sa labas?!" bulyaw ni Veronica. Pinanlilisikan pa niya ng mata si Ammedeus."Hindi ko alam! Mag kanya-kanya na tayo Veronica, tatakas na kami nasan ang pera?!"Imbis na sumagot, sinipa ng isa sa mga tauhan ni Veronica ang kamay ni Ammadeus kaya tumilapon ang baril sa ere, alertong lumaban si Ammadeus kaya nagkaroon ako ng pagkakataong tumakbo."Ahh!!" napapikit ako sa sakit nang hilahin ng kung sino mula sa likod ang aking buhok."Saa

  • ACCIDENTALLY IN LOVE   18.1 Abducted

    XYLARA REYNA Ang hiringgilya na nakapatong sa mesa ang una kong nakita nang imulat ko ang aking mga mata. Ang bigat-bigat ng buong katawan ko na ni pag-angat ng aking kamay ay hirap akong gawin.Sinuyod ko ng tingin ang lugar kung nasan ako. Isang silid na yari sa kahoy ang buong paligid. Sinikap kong umupo mula sa higaan kung saan ako nakatulog. Sa unang banta ko ng pagbangon ay hindi ko nagawa dahil sobrang manhid ng balikat ko. Naalala kong bago ako nawalan ng malay ay may kung anong matalim na bagay ang bumaon saaking balikat, nang kinapa ko 'yon, wala naman akong nakapa na sugat kaya napagtanto kong ang hiringgilya na nasa mesa ang dahilan kung bakit nawalan ako ng malay kanina.Sinikap ko uling bumangon at sa pagkakataong ito ay maayos akong naka upo. Nakita ko ang aking kaliwang paa na naka kadena sa kanto ng kama. Sino ang gagawa saakin nito?! Gusto ko mang balikan ng lahat ng mga nagawan ko ng kasalanan ay hindi ko na ginawa, mas uunahin ko munang mag-isip kung paano makatak

  • ACCIDENTALLY IN LOVE   17.6 The Islands Next Owner

    XYLARA REYNA Pagkarating sa reception hall sinalubong ko ni Tita Margarette kasama ang ibang staff ng charity. Nagpaiwan naman si Ammadeus sa upuan ng mga guest kung saan giniya siya ng isa sa mga event staff.Habang ginigiya din ako ng isang staff papunta sa table kung saan ako uupo ay nadaanan ko si daddy kasama ang ibang mga kaibigan niya sa business industry. Nakangiti akong lumapit kay daddy saka niyakap siya mula sa likod. Ramdam ko ang talim ng tingin ni Veronica saakin pero umasta akong parang wala siya sa paligid."Kailan ka dumating?" tanong ni daddy nang humarap siya saakin."Kagabi pa dad.""Iyan na ba ang unika ija mo Eduard?"Sabay kaming napalingon ni daddy sa kaibigan niyang kanina pa pala kami pinagmamasdan.Ipinakilala ako ni daddy sa kanyang mga kaibigan na of course humanga sa ganda ko. Charot! Syempre sabi ko saan pa ba ako magmamana edi sa mommy ko. Nagtitiim bagang naman si Veronica dahil na eechapwera siya sa usapan. Habang papalapit ako sa mesa kung saan ak

  • ACCIDENTALLY IN LOVE   17.5 Charity Event

    XYLARA REYNASunset with cloudy skies brilliant red color facinates my eyes.I sigh. Sana lahat ng bagay sa sundo ay tulad ng sunset na tanaw ko ngayon na magtatapos ng maganda."Miss Viola iyon na po ang White Island."Napalingon ako sa tinuro ng babaing staff na isa sa sumalubong saakin kanina sa port.OH, THIS IS INSANE! It's a spectacular paradise Island! The Relen's White Sand Island boasts tropical rainforest interior and exquisite sugar-white sand beaches, fringed by coconut palms. The Relen's five mansions stand tall at differents sides of the island. Tita Margarette indeed transformed this island into shangri la."Oh Ija, hindi mo ako binigo." Sinalubong ako ng mahigpit na yakap at halik sa pisngi ni Tita Margarette nang dumating ako sa isla. "Tita I cant say no for the charity," sabi ko nang dumistansya siya."The beneficiaries and charity personnel are so excited so meet you."Napangiti ako dahil bakas din ang excitement sa kilos Tita Margarette. "Ako din excited, nandi

  • ACCIDENTALLY IN LOVE   17.4 White Island

    KANJI FUJISAWA Gusto ko sanang umabot sa Viola mansion before lunch pero dahil sa mga nangyari ay nakarating ako sa lugar ng late. Pagkarating sa mansion pinapasok agad ako ng guard matapos kong sabihin ang pakay ko. Hindi naman sila naghigpit dahil pamilyar na sa kanila ang sasakyan ko. "Good afternoon ser!" May malapad na ngiti na bati saakin ng kanilang kasambahay. Sa naalala ko ay Manang Jiji ang tawag ni Reyna sa kanya. "Si Reyna? Kanina ko pa kasi siya tinatawagan pero hindi siya sumasagot." "Ahh..halika ka ser pasok..pasok. Nasa swimming pool po si señorita naglalaro po kasama si Piwi." Tahak namin ang daan palabas sa ibang dako ng mansyon. Mula sa malayo, nasilayan ko ang babaing hindi nagmimintis na patigilin ang aking mundo. Umahon siya sa pool saka binato ng bola ng aso sa gitna ng tubig. "Ako nalang ang lalapit. Mukhang hindi ka niya naririnig," sabi ko kay manang. "Sige po." Habang humahakbang ako papalapit sa kanya, hindi ko inaalis ang aking tingin sa kulay a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status