Share

CHAPTER 2: BAYAD

Author: dylankai17
last update publish date: 2026-10-25 17:59:49

"Maawa ka, baka magising 'yang tao at marinig ang mga pinagsasabi niyo!" pabulong kong pagmamakaawa habang mabilis na inilapat ang basang bimpo sa noo nung lalaki.

"O sya, sya, magluluto ka na," pilyong bilin ni Lola habang dahan-dahang naglalakad palabas ng kwarto, at sinundan ko siya para makapagluto na.

"Lola naman, eh! Alam ko naman na gwapo siya, pero kahit isang hibla man lang ng buhok sa katawan niya, wala akong nagustuhan!" reklamo ko habang padabog na naghihiwa ng kamatis sa kusina.

Pass sa kanya, mas bet ko 'yung AFAM na kayang dalhin ako sa snow.

Agad akong nagluto ng hapunan habang binabantayan ang lalaking ipinasok sa silid ko. Ilang oras ang nakalipas, nagising na rin siya sa wakas. Dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa aming maliit na kainan habang kumakain kami.

Feel at home, Mr. Shrek?

Pero kahit ganun ang panggugulo niya sa araw ko, inaya pa rin siya ni Lola Tisay na sumalo sa amin. At syempre, ang makapal ang mukha, hindi man lang pinalampas ang libreng kain!

"Wala na nga tayong sapat na bigas at ulam, nag-aya ka pa, Lola," mahina kong bulong sabay bigay ng plastik na ngiti habang pinagmamasdan siyang kumakain

nang walang kaabog-abog.

Bigla siyang huminto sa pagnguya at tumingin kay Lola Tisay. "Ang alat naman nito, Lola... Siguro walang ligo ang nagluto nito."

Tumawa lang si Lola Tisay, samantalang ako ay halos maputulan na ng ugat sa leeg sa sobrang irita.

"Ano naman ang kinalaman ng ligo sa pagluluto, aber?!" gigil kong tanong sa kanya.

"Your sweat drips into the food while you're cooking, making it salty," malamig at pa English-English pa niyang sagot habang nakataas ang isang kilay.

"Ayaw kaon!" galit kong sagot sabay hablot sana sa plato niya, pero mabilis akong pinigilan ni Lola.

(TRANSLATION: Wag kang kumain!)

"Tama na 'yan," awat ni Lola.

"Siya nga pala, siya si Amaia, apo ko. Kahit ganyan ang ugali niyan, maganda siya at walang asawa." Seryoso ba si Lola?

Hindi niya ba alam na pinagbintangan ako ng lalaking 'to na gold digger kanina?!

Tumingin sa akin ang lalaki sabay ngiti nang nakaloloko. "Swap ko po siya ng manok at butil ng bigas, Lola."

Agad na umakyat ang dugo ko sa ulo.

"Sa akong ka gwapa, dili kabayloan ug bugas ug manok!" singit ko sa usapan nilang dalawa habang nagpapalit sila ng makahulugang tingin.

(TRANSLATION: Sa ganda kong 'to? Hindi mapapalitan ng manok at bigas!)

Hindi man lang siya natinag, kumuha siya ng baso ng tubig at patuloy na kumain sa harap ko habang patingin-tingin at pangiti-ngiti.

"Isang daang piso kada baso 'yang tubig," saad ko. Pwes, tinawag niya akong gold digger kanina, 'di ba?

Gampanan na natin 'yan!

Muntik na siyang mabilaukan sa sinabi ko, na ikinatawa ko naman nang malakas.

"Galing ba sa ibang mundo ang tubig niyo para maging ganun kamahal?" tanong niya habang ngumuya na parang kambing.

"Oo!" sagot ko agad.

"Made from rich unknown minerals from dinosaurs from hollow earth, at limited edition 'yan!" paliwanag ko sabay hair flip, cause why not?

I feel like I'm a diva.

"Galing lang sa balon ang tubig namin, 'wag kang maniwala kay Amaia. Ganyan lang talaga 'yan," biglang basag ni Lola Tisay sa bluff ko sabay yakap pa sa braso nung lalaki.

Agad kong sinamaan ng tingin si Lola Tisay. "Magsama na nga kayong dalawa!"

Padabog akong umalis sa upuan, at bago pa makalayo sa kanila, lumingon ako at sinigawan si Kuya Pogi. "Limang daan at anim na pung piso 'yang ulam, at ang bigas anim na daan!"

"Magbayad ka!"

Lumabas ako papunta sa punong mangga sa bakuran para nagmuni-muni at palamigin ang ulo ko. Nakakagigil talaga siya! Dapat pala hinayaan ko na lang siyang mahimatay sa kalsada kanina.

Habang nakatayo ako roon, biglang may bumulong sa kaliwang tainga ko.

"Do you accept Mastercard?" malambing na tanong nito.

Hindi ko maiwasang maamoy ang taong bumulong sa akin. Paano ba naman, amoy strawberry!

As in legit na strawberry scent.

"Hindi... Mister lang," pabulong ko ring sagot bago dahan-dahang lumingon sa likod.

"Huy!" sigaw ko sa gulat at automatic na humampas ang kamao ko diretso sa mukha niya!

"Stop hitting me like a mad gorilla!" sigaw din niya habang pinupunasan ang nagdurugo niyang labi.

"I don't have any cash right now, just visit me at my house—"

Hindi ko na siya pinatapos magsalita. Lumaki ang mga mata ko at agad kong tinakpan ang bibig niya. "Visit at your house?!"

"Mag-unsa man ko adto, aber? Imong ibayad kanang imong puros bukog na lawas?!" stress kong tanong sabay hawak sa bewang ko.

(TRANSLATION: Ano ang gagawin ko roon, aber? Ang ibayad mo sa akin ay iyong katawan na puro buto?!)

"Let me finish, Amaia!" sigaw din niya habang nakahawak na rin sa sarili niyang bewang.

"Fine!" gigil kong sagot sabay upo ulit sa tsinelas na ginawa kong upuan sa ilalim ng puno.

"Tomorrow morning, pumunta ka sa address na 'to tapos sabihin mo sa kanila na asawa kita," sabi niya sabay abot sa akin ng isang mamahaling calling card.

Nakasimangot kong tinanggap 'yun habang binabasa ang pangalan, pero naputol ang pag-iisip ko nung nagsalita siya ulit.

"Then, see you tomorrow, gold digger," hirit niya sabay flying kiss sa akin.

Dahil pinaglihi ako sa ampalaya, mabilis kong iniwasan ang papuntang kiss niya.

Kinabukasan, maaga akong nakatayo sa labas ng isang napakalaki at sobrang taas na gintong gate. Bahay ba talaga niya 'to? Baka naman gardener lang siya rito tapos nagpapanggap lang na mayaman?

Tama, Amaia! Katulong lang siya rito at makapal lang talaga ang mukha niya!

Biglang bumukas ang gate at nagpakita siya sa akin habang may pa-ngiti-ngiti pa.

"Nasaan na ang bayad mo?" tanong ko agad sabay latag ng palad ko sa harap niya.

"Close eyes muna," malambing na sabi nito habang nagpapa-cute.

Ew, yuck!

"Paano kung ayoko?" tanong ko, 'tas bigla siyang nag-pout.

"Wala kang pera," pang-aasar niya.

Ouch! Ang sakit naman nitong magsalita, akala mo naman siya ang may-ari ng buong subdivision!

"Wag mong dibdibin, Amaia... wala ka naman kasi 'non," dagdag pa niya sabay tingin sa dibdib ko.

Nilakihan ko siya ng mata at inihanda ko na sana ang aking mala-Manny Pacquiao na kamao nang may biglang nagsalita sa likod ko.

"Apo, mabuti naman at nandito ka na! Tulungan mo akong maghilot sa customer natin," biglang sulpot ni Lola Tisay sa likuran ko.

"Sige po, Lola Tisay," malambing kong sagot at sumunod sa kanya sa paglalakad habang binibigyan ng masamang tingin si Kuya Pogi.

Nang makapasok na kami sa loob ng mansyon, napanganga ako. Ang ganda ng paligid! Ang yaman, ang bango, at higit sa lahat, nakakahiyang tumayo sa kintab ng sahig. Para kaming mga hampaslupa tulad ng mga karakter sa teleserye.

"Nice to see you again, mare!" sigaw ng isang matandang babaeng papalapit sa amin sabay yakap kay Lola Tisay.

Based on my observations, pareho lang sila ng edad pero mas lamang pa rin si Lola Tisay sa ganda.

"Is this your apo na? Ang gandang dalaga nito, mars!" pambobola niya sa akin sabay beso. Nahihiya naman akong ngumiti sa kanya.

"Magandang araw po," bati ko.

Tumawa lang siya at nagkatinginan sila ni Lola na para bang may malaking sikretong tinatago.

"I want you to meet my one and only apo," sabi nung matandang mayaman habang may naririnig kaming yabag ng sapatos na papalapit mula sa aking likuran.

"Meet my grandson, Leonardo Miguel Talaueño."

Agad nawala ang ngiti ko sa mukha nang makita ko kung sino ang lumabas mula sa p***o.

"IKAW?!"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • ACCUSED AS A GOLD DIGGER BY A TRILLIONARE    CHAPTER 5: OPERATION CANCEL THE WEDDING

    Dalawang araw na ang nakalipas simula nang mangyari ang matinding trahedya sa buhay ko. Walang gabing makatulog ako nang maayos—hindi ko talaga matanggap na magpapakasal ako sa lalaking 'yun!Paano kaya kapag nakita nilang hindi ako deserving maging granddaughter-in-law at asawa?Sigurado akong sila mismo ang magca-cancel ng kasal kapag nakita nila kung gaano ako kadumi at walang modo.Gagawin ko ang lahat, 'wag lang maikasal sa taong hindi ko mahal!Kasalukuyan akong naglalakad papasok sa magarbong mansyon nila habang nakasuot ng white floral dress. Sabi kasi ni Lola Tisay, bagay daw 'to sa akin lalo na't kutis-porselana ako, may ash brown na buhok, at kulay-tsokolate na mga mata.Nakita ko si Leonardo na nakaupo sa mamahaling sofa nila habang umiinom ng kape.Ang init-init ng panahon, kape ang iniisip!"Magandang araw, Leonardo!" pa-cute kong bati sa kanya kahit napilitan lang naman ako."Good afternoon. Would you like to drink some tea?" tanong nito sa akin habang nakatitig. Ngumit

  • ACCUSED AS A GOLD DIGGER BY A TRILLIONARE    CHAPTER 4: DEATH WISH

    Wala talaga ako sa mood makipag-usap kahit kanino sa kanila ngayon, lalo na rito kay Leonardo na nanggagalaiti pa rin sa galit sa aming tatlo kahit na wala naman talaga akong kinalaman at kasalanan sa biglaang kasal-kasalan na 'yan!"Mamita! I don't want to get married to this girl!" galit na galit na sigaw ni Leonardo habang nakatayo sa gitna ng mamahaling sala nila.Ako naman, patingin-tingin lang sa paligid habang patay-malisya na nakiinom ng malamig na orange juice sa baso ko. Masarap 'yung juice nila, amoy mayaman at ramdam mong mayaman ang gumawa, kaya bakit ko naman sasayangin ang pagkakataong 'to na uminom habang nag-aaway sila?"Pakasalan mo siya o wala kang matatanggap na kahit anong mana mula sa pamilya natin! Tatanggalan kita ng lahat ng ari-arian!" sigaw din ng Mamita niya sabay malakas na hampas ng makapal na libro sa ibabaw ng glass table."Why her out of all people?!" galit at frustrated na tanong nito sabay turo sa akin nang matalim at seryosong-seryoso ang mukha.Nap

  • ACCUSED AS A GOLD DIGGER BY A TRILLIONARE    CHAPTER 3: FAKE GIRLFRIEND

    Based on my observations, pareho lang naman sila ng edad nitong matandang mayaman, pero syempre mas lamang pa rin si Lola Tisay sa ganda."Is this your apo na? Ang gandang dalaga nito, mars!" pambobola niya sa akin sabay beso-beso sa magkabilang pisngi ko. Nahihiya naman akong ngumiti sa kanya habang nakahawak sa laylayan ng damit ko."Magandang araw po," bati ko sa kanya nang buong paggalang, sinusubukang magpakabait sa harap ng may-ari ng mansyon.Tumawa lang siya nang malakas at nagkatinginan sila ni Lola Tisay na para bang may malaki, nakakaintriga, at pilyong sekretong pinag-uusapan sa pagitan nilang dalawa."I want you to meet my one and only apo," banggit nito habang nakatingin sa malaking hallway sa likod namin."Meet my grandson, Leonardo Miguel Talaueño."Agad nawala ang pilit na ngiti sa mukha ko nang makilala ang lalaking lumabas mula sa pinto. Nakasuot siya ng malinis na polo pero ang mukha niya, 'yun pa rin 'yung mukha nung lalaking tinulungan ko sa kalsada!"IKAW?!" sab

  • ACCUSED AS A GOLD DIGGER BY A TRILLIONARE    CHAPTER 2: BAYAD

    "Maawa ka, baka magising 'yang tao at marinig ang mga pinagsasabi niyo!" pabulong kong pagmamakaawa habang mabilis na inilapat ang basang bimpo sa noo nung lalaki."O sya, sya, magluluto ka na," pilyong bilin ni Lola habang dahan-dahang naglalakad palabas ng kwarto, at sinundan ko siya para makapagluto na."Lola naman, eh! Alam ko naman na gwapo siya, pero kahit isang hibla man lang ng buhok sa katawan niya, wala akong nagustuhan!" reklamo ko habang padabog na naghihiwa ng kamatis sa kusina.Pass sa kanya, mas bet ko 'yung AFAM na kayang dalhin ako sa snow.Agad akong nagluto ng hapunan habang binabantayan ang lalaking ipinasok sa silid ko. Ilang oras ang nakalipas, nagising na rin siya sa wakas. Dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa aming maliit na kainan habang kumakain kami.Feel at home, Mr. Shrek?Pero kahit ganun ang panggugulo niya sa araw ko, inaya pa rin siya ni Lola Tisay na sumalo sa amin. At syempre, ang makapal ang mukha, hindi man lang pinalampas ang libreng kain!"Wa

  • ACCUSED AS A GOLD DIGGER BY A TRILLIONARE    CHAPTER 1: PAMASAHE

    AMAIA POV:Tahimik akong nakaupo sa umaandar na jeep habang pauwi sa amin. Galing ako sa palengke para bumili ng gulay dahil hiling ni Lola Tisay na magluto ako ng utan Bisaya. At syempre, bilang kanyang maganda at mabait na apo, gagawin natin 'yun—mahal natin, eh.Nung magbabayad na sana ako ng pamasahe, kumapa ako sa bulsa ng aking shorts. Unang kapag, tela lang ang nararamdaman ko. Pangalawang kapag, parang may matigas na parihaba. Mabilis kong inilabas ang kamay ko para tingnan kung pera ba 'yun...Tsaka...Bakit ako may dalang remote control ng TV?!Napakagat ako sa kuko dahil sa labis na kaba, lalo na't malapit na ang destinasyon ko papuntang USA (Unahan Sa Amoa).Pinagpawisan ako nang malamig habang hawak-hawak ang remote ng TV namin. Anong gagawin ko dito sa jeep?Itatapat ko ba 'to kay Manong Driver para i-pause ang biyahe?

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status