LOGINWala talaga ako sa mood makipag-usap kahit kanino sa kanila ngayon, lalo na rito kay Leonardo na nanggagalaiti pa rin sa galit sa aming tatlo kahit na wala naman talaga akong kinalaman at kasalanan sa biglaang kasal-kasalan na 'yan!
"Mamita! I don't want to get married to this girl!" galit na galit na sigaw ni Leonardo habang nakatayo sa gitna ng mamahaling sala nila. Ako naman, patingin-tingin lang sa paligid habang patay-malisya na nakiinom ng malamig na orange juice sa baso ko. Masarap 'yung juice nila, amoy mayaman at ramdam mong mayaman ang gumawa, kaya bakit ko naman sasayangin ang pagkakataong 'to na uminom habang nag-aaway sila? "Pakasalan mo siya o wala kang matatanggap na kahit anong mana mula sa pamilya natin! Tatanggalan kita ng lahat ng ari-arian!" sigaw din ng Mamita niya sabay malakas na hampas ng makapal na libro sa ibabaw ng glass table. "Why her out of all people?!" galit at frustrated na tanong nito sabay turo sa akin nang matalim at seryosong-seryoso ang mukha. Napaigtad ako sa gulat nang maikumpas niya ang daliri niya sa mukha ko. Agad akong bumulong at tumingin kay Lola Tisay na katabi ko lang sa sofa. "Ano raw, Lola? Bakit turo nang turo 'yang unggoy sa'kin?" tanong ko. Medyo nabingi kasi ako sa lakas ng sigawan at away nilang dalawa kanina. "Wala daw kay buhok... In Tagalog, sinasabi niya na wala kang buhok," pabulong na gawa-gawang salin ni Lola Tisay sa akin habang seryosong-seryoso ang mukha niya. Seryoso ba 'tong si Lola?! Hairless agad?! Naka-ash brown kaya ang buhok ko at napakaganda! "Pero Lola Tisay, ano ba kasi ang pumasok diyan sa isip mo para ipamigay at ipakasal niyo ako sa matangkad na 'yan?!" reklamo ko sa kanya sa mababang boses. Imbes na sumagot nang maayos at matino, piningot lang niya ang pisngi ko at pilit na itinuro ang mukha ko pabalik kay Leonardo na halos lumabas na ang mga ugat sa leeg sa sobrang galit. "Titigan mo nang mabuti, apo. Gwapo siya, matangkad, makisig, at higit sa lahat, malaki ang kanyang—" Enough, I can't deal with her dirty talks! Mabilis kong itinakip ang buo kong palad sa bibig ni Lola Tisay! Diyos ko po! Wala pa namang preno ang bibig ng matandang 'to tuwing nagsasalita! "Lola! Ano ba!" awat ko sa kanya habang namumula ang mukha sa kahihiyan at kaba. Natawa lang siya at tinanggal ang kamay ko sa bibig niya. "Ano? G ka ba sa kanya, apo?" tanong niya sabay pa-thumbs up pa sa akin nang may kasamang panunukso. "Ayoko! Marriage is sacred, hindi 'yan dapat pinaglalaruan o ginagawang negosyo! At isa pa..." Lumingon ako kay Leonardo sabay bigay ng tinging puno ng matinding panlalait mula ulo hanggang paa. "Ayoko sa lalaking sobrang tangkad, para siyang kapre! And he looks like..." Napatigil ako nang ilang segundo. Bushet! Wala akong maisip na maipintas sa itsura niya! Masyadong perpekto ang buong katawan niya mula sa matangos na ilong, makapal na kilay, hanggang sa maayos na panga. Ten over ten for me! "Your future husband," singit bigla ng Mamita niya sabay ngiti sa akin nang napakalakas. "Amaia!" singit din bigla ni Leonardo, nanginginig ang boses sa matinding gigil. "Hindi pa ba sapat ang isang milyong piso sa'yo para pumayag ka sa lintek na kasalang 'to?!" Oops, wala akong kinalaman d'yan, nadamay lang ang aking magandang mukha. Napakuyom ang dalawa niyang kamay sa galit. Agad na uminit ang ulo ko sa paulit-ulit niyang pambibintang at pambabastos sa akin. "Leonardo, wala akong natanggap kahit na isang piso mula sa Mamita mo!" galit kong sagot habang matapang na nakatitig sa dalawang mata niya. "At para malaman mo, ayaw rin kitang pakasalan!" "Liar!" sigaw niya pabalik. "You want money? Name your price! Sabagay, mukha ka namang pera at mukhang ginagawa mo 'to para yumaman!" Sa sobrang inis, galit, at sakit ng pananalita niya, hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Agad na lumipad ang kamay ko sa ere at malakas na lumagapak ang palad ko sa maganda niyang pisngi! PAKS! Rinig ang tunog ng sampal sa buong sala. "Oo, mukha akong pera!" sigaw ko habang nanginginig ang buong boses at katawan ko sa galit. "Pero kahit ganun ang buhay namin, hindi ako manggagamit ng ibang tao para lang yumaman! Kainin mo 'yang pera mo!" Bago pa siya makabawi o makapagsalita mula sa pagkabigla, hinablot ko ang makapal na libro sa mesa at buong lakas na hinampas din 'yun sa mukha niya! "Tumigil na kayong dalawa!" biglang sigaw ni Lola Tisay mula sa tabi. Paglingon namin ni Leonardo, hawak na niya ang isang lumang baril—ewan ko ba kung saan at kanino niya 'yun nahukay sa bahay na 'to! "Magpapakamatay kami kapag hindi kayo nagkasundo!" sigaw din ng Mamita ni Leonardo habang may hawak nang matalim na kutsilyo na itinatapat sa sarili niyang leeg. "LOLA!" sabay naming sigaw ni Leonardo. Nataranta kaming dalawa at patakbong lumapit sa kanila para agawin ang mga hawak nilang mamatay-taong gamit at sandata. "Lumayo kayo sa amin!" pagbabanta ni Lola Tisay habang dahan-dahan na umaatras papuntang pintuan ng villa. "Mamita, stop! Please put that down!" kinakabahang sigaw ni Leonardo habang nakataas ang dalawang kamay. "Lola Tisay! Unsaon na lang ninyong manok na pang-sabong ug ang kanding kung mamatay ka?!" naiiyak kong sigaw sa kanya. (TRANSLATION: Anong mangyayari sa manok mong panabong at sa kambing mo kapag namatay ka?!) Bigla niyang hinubad ang tsinelas sa paa niya at mabilis na binato ako sa mismong mukha! "Pag-hilom dira, Amaia!" sigaw ni Lola Tisay sabay bato ulit ng isa pang piraso ng tsinelas. (TRANSLATION: Tumahimik ka diyan, Amaia!) Aba! Mukha ba akong lata ng sardinas para pagpraktisan mo ng tumbang-preso 'tong mukha ko sa gitna ng emergency na 'to?! "Mamita, please don't hurt yourself," nanginginig na sabi ni Leonardo habang dahan-dahang lumalapit sa lola niya. "Tell me what you want and I will do everything to give it to you right now." Dahil alam kong mas mahal pa ni Lola Tisay ang mga alaga niyang hayop sa bahay-kubo kaysa sa akin, sinubukan ko siyang guluhin at takutin. "La! Gagawin kong tinola 'yung paborito mong manok, tapos 'yung kambing ipa-kaldereta ko tutal mamatay ka rin naman ngayon!" sigaw ko sa kanya. "Marry her... I want the both of you to get married immediately!" sigaw ng Mamita ni Leonardo sabay tingin kay Lola Tisay na para bang may palihim at mabilis silang hudyat na dalawa. "Fine! We'll get married! Just put those down!" mabilis na pagsuko ni Leonardo dahil sa takot sa lola niya. "Hindi pa rin ako pumapayag!" hirit ko pa rin habang nakayuko. "Ayaw mo?" banta ni Lola Tisay sabay ikasa ang baril na hawak niya. "Mas gusto ko pang mamatay na lang ngayon din!" "Oo na! Magpapakasal na kami! 'Wag niyo lang itutuloy 'yan!" mabilis kong bawi sa sobrang takot at taranta. Mabilis nilang ibinaba ang baril at kutsilyo sa sahig, sabay nagyakapan at naghalakhakan nang napakalakas ang dalawang matanda na para bang nanalo sa lotto. "Salamat Lord! Pumayag din sa wakas!" masayang sigaw nilang dalawa habang kami ni Leonardo ay naiwang nakatunganga sa gitna ng sala.Dalawang araw na ang nakalipas simula nang mangyari ang matinding trahedya sa buhay ko. Walang gabing makatulog ako nang maayos—hindi ko talaga matanggap na magpapakasal ako sa lalaking 'yun!Paano kaya kapag nakita nilang hindi ako deserving maging granddaughter-in-law at asawa?Sigurado akong sila mismo ang magca-cancel ng kasal kapag nakita nila kung gaano ako kadumi at walang modo.Gagawin ko ang lahat, 'wag lang maikasal sa taong hindi ko mahal!Kasalukuyan akong naglalakad papasok sa magarbong mansyon nila habang nakasuot ng white floral dress. Sabi kasi ni Lola Tisay, bagay daw 'to sa akin lalo na't kutis-porselana ako, may ash brown na buhok, at kulay-tsokolate na mga mata.Nakita ko si Leonardo na nakaupo sa mamahaling sofa nila habang umiinom ng kape.Ang init-init ng panahon, kape ang iniisip!"Magandang araw, Leonardo!" pa-cute kong bati sa kanya kahit napilitan lang naman ako."Good afternoon. Would you like to drink some tea?" tanong nito sa akin habang nakatitig. Ngumit
Wala talaga ako sa mood makipag-usap kahit kanino sa kanila ngayon, lalo na rito kay Leonardo na nanggagalaiti pa rin sa galit sa aming tatlo kahit na wala naman talaga akong kinalaman at kasalanan sa biglaang kasal-kasalan na 'yan!"Mamita! I don't want to get married to this girl!" galit na galit na sigaw ni Leonardo habang nakatayo sa gitna ng mamahaling sala nila.Ako naman, patingin-tingin lang sa paligid habang patay-malisya na nakiinom ng malamig na orange juice sa baso ko. Masarap 'yung juice nila, amoy mayaman at ramdam mong mayaman ang gumawa, kaya bakit ko naman sasayangin ang pagkakataong 'to na uminom habang nag-aaway sila?"Pakasalan mo siya o wala kang matatanggap na kahit anong mana mula sa pamilya natin! Tatanggalan kita ng lahat ng ari-arian!" sigaw din ng Mamita niya sabay malakas na hampas ng makapal na libro sa ibabaw ng glass table."Why her out of all people?!" galit at frustrated na tanong nito sabay turo sa akin nang matalim at seryosong-seryoso ang mukha.Nap
Based on my observations, pareho lang naman sila ng edad nitong matandang mayaman, pero syempre mas lamang pa rin si Lola Tisay sa ganda."Is this your apo na? Ang gandang dalaga nito, mars!" pambobola niya sa akin sabay beso-beso sa magkabilang pisngi ko. Nahihiya naman akong ngumiti sa kanya habang nakahawak sa laylayan ng damit ko."Magandang araw po," bati ko sa kanya nang buong paggalang, sinusubukang magpakabait sa harap ng may-ari ng mansyon.Tumawa lang siya nang malakas at nagkatinginan sila ni Lola Tisay na para bang may malaki, nakakaintriga, at pilyong sekretong pinag-uusapan sa pagitan nilang dalawa."I want you to meet my one and only apo," banggit nito habang nakatingin sa malaking hallway sa likod namin."Meet my grandson, Leonardo Miguel Talaueño."Agad nawala ang pilit na ngiti sa mukha ko nang makilala ang lalaking lumabas mula sa pinto. Nakasuot siya ng malinis na polo pero ang mukha niya, 'yun pa rin 'yung mukha nung lalaking tinulungan ko sa kalsada!"IKAW?!" sab
"Maawa ka, baka magising 'yang tao at marinig ang mga pinagsasabi niyo!" pabulong kong pagmamakaawa habang mabilis na inilapat ang basang bimpo sa noo nung lalaki."O sya, sya, magluluto ka na," pilyong bilin ni Lola habang dahan-dahang naglalakad palabas ng kwarto, at sinundan ko siya para makapagluto na."Lola naman, eh! Alam ko naman na gwapo siya, pero kahit isang hibla man lang ng buhok sa katawan niya, wala akong nagustuhan!" reklamo ko habang padabog na naghihiwa ng kamatis sa kusina.Pass sa kanya, mas bet ko 'yung AFAM na kayang dalhin ako sa snow.Agad akong nagluto ng hapunan habang binabantayan ang lalaking ipinasok sa silid ko. Ilang oras ang nakalipas, nagising na rin siya sa wakas. Dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa aming maliit na kainan habang kumakain kami.Feel at home, Mr. Shrek?Pero kahit ganun ang panggugulo niya sa araw ko, inaya pa rin siya ni Lola Tisay na sumalo sa amin. At syempre, ang makapal ang mukha, hindi man lang pinalampas ang libreng kain!"Wa
AMAIA POV:Tahimik akong nakaupo sa umaandar na jeep habang pauwi sa amin. Galing ako sa palengke para bumili ng gulay dahil hiling ni Lola Tisay na magluto ako ng utan Bisaya. At syempre, bilang kanyang maganda at mabait na apo, gagawin natin 'yun—mahal natin, eh.Nung magbabayad na sana ako ng pamasahe, kumapa ako sa bulsa ng aking shorts. Unang kapag, tela lang ang nararamdaman ko. Pangalawang kapag, parang may matigas na parihaba. Mabilis kong inilabas ang kamay ko para tingnan kung pera ba 'yun...Tsaka...Bakit ako may dalang remote control ng TV?!Napakagat ako sa kuko dahil sa labis na kaba, lalo na't malapit na ang destinasyon ko papuntang USA (Unahan Sa Amoa).Pinagpawisan ako nang malamig habang hawak-hawak ang remote ng TV namin. Anong gagawin ko dito sa jeep?Itatapat ko ba 'to kay Manong Driver para i-pause ang biyahe?







