Share

BAD DREAMS

C-6: MARY ANGELINE ALQUIZA

_

5 YEARS LATER...

"Hindi! Hindi nila ako dapat maabutan." 

Mabilis siyang tumatakbo kahit pa nakayapak at ramdam na niya ang hapdi ng kanyang mga paa at binti. Ngunit sadyang kailangan pa rin niyang magpatuloy sa pagtakbol.

Dahil...

"Papatayin nila ako!"  Muling sigaw ng isip niya.

Kung may ibibilis pa ang kanyang mga paa, gagawin niya ito! Huwag lang siyang abutan ng mga taong humahabol sa kanya.

"Diyos ko tulungan n'yo po ako!"

Hah! 

Hah! 

Hah!

Halos hindi na siya makahinga ngunit, kailangan pa niyang bilisan ang pagtakbo..

Takbo....

Takbo!

"Malapit na sila..." 

Dahil naririnig na niya ang mga yabag. 

Palapit na ito ng palapit...

Hindi!

Muling napuno ng takot ang kanyang dibdib, kasabay ng tanong...

"Ito na ba ang aking katapusan?!"

Hindi ito maaari, Diyos ko po!

Bakiiit?

Ilang sandali pa ang lumipas ng makarinig siya ng sunod sunod na pagputok ng baril. Maging ng papalapit na mga boses na hindi niya mawari kung saan ba nagmumula? 

Ngunit sa kabila ng dilim batid niyang ito ay nasa malapit lang.

Hanggang sa... 

Bang!

Tila may malakas na p'wersa na bumato sa taas na bahagi ng kanyang likod. Dahilan kung bakit naging mabuway ang kanyang pagtayo.

Subalit may mas nakayayanig pa palang sandali siyang haharapin. Kung p'wede lang niyang baguhin ang kanyang kapalaran, subalit huli na, paano pa niya ito gagawin? 

Kung nakaharap siya ngayon sa parehong kamatayan.

"Huh'?" "Bangin!"

Mahuhulog ako...

Ahhhhhhhh!

________

"Mama! Mama gising.. Mama ko!" 

"Ahhh!" Huh! Panaginip isa na namang masamang panaginip. 

"Mama' nanaginip ka ba ulit?" Tanong ni VJ ang maglilimang taong gulang niyang anak. Marahil sanay na rin ito sa kanya, hindi lang naman kasi ngayon siya nanaginip ng ganito. 

Kung tutuusin sa limang taong nakalipas, maraming beses na. Pero hanggang ngayon hindi pa rin niya maintindihan kung bakit lagi na lang niyang napapanaginipan ang mga pangyayaring iyon.

"VJ! Anak ko.." Niyakap niya ito ng mahigpit, dahil dito siya kumukuha ng lakas sa bawat umagang gumigising siya. Pagkatapos ng isang masamang panaginip. 

"Mama! Nandito na ako huwag ka na umiyak, hindi kita iiwan.. Dito lang ako sa tabi mo." 

Mga katagang pumupuno ng kaligayahan sa puso niya. Mula sa isang paslit na naging bahagi ng buhay niya sa loob ng limang taon sa bahay na ito.

"Good morning! Hey! Hey! May problema ba? Bakit nagdadrama pa yata kayong mag-ina?" Sabay silang napalingon ni VJ sa pinto. Si Joseph ang acting brother at bestfriend niya in one.

"Si Mama Tito Joseph, sisigaw na naman siya kanina." Agad na sumbong ni VJ.

"Bad dreams again? Iniinom mo ba 'yong gamot mo." Joseph asked her with concern feelings.

"Oo naman, Okay lang ako huwag kang mag-alala. Saka nandito naman palagi ang baby ko, kaya okay na ako." Muli niyang niyakap si VJ na gumanti rin ng yakap sa kanya. Ang mahal niyang anak na ubod ng lambing. 

Then she heard Joseph sighed. Batid niyang nag-aalala na naman ito sa kanya.

"Paano kapag umalis ka, mag-isa ka lang doon kaya mo ba talaga?" Muling tanong nito sa kanya sa tonong nag-aalala.

"Kaya ko naman, sayang 'yon kung palalagpasin ko. Mas makakatulong 'yon sa akin. Marami akong matutunan doon. Ayoko namang umalis talaga! Mamimiss ko kaya itong baby VJ ko. Kung p'wede lang isama itong makulit na'to." Sabay pindot sa maliit na ilong ng gwapo niyang anak na kamukha daw ng Daddy nito.

A man that she never ever met not even at once.

"Mama hindi ba ako talaga p'wedeng sumama?" Sandaling napatingin pa siya kay Joseph, bago pa ito nasagot.

"Anak! Gustong-gusto kitang isama, kaya lang hindi talaga p'wede kasi mag-aaral ako doon. Magkikita at mag-uusap naman tayo palagi sa video call hindi ba?" Paliwanag niya dito, alam niya maiintindihan siya ni VJ. Matalino ang bata kahit siya napapabilib nito.

"Tama si Mama mo, mag-aaral siya at hindi p'wede ang bata doon. Pag-uwi ni Mama mo, magtatayo na siya ng Bakeshop at gagawa ng maraming cupcakes." Dagdag pang paliwanag ni Joseph sa makulit niyang anak.

"Sige hindi na ako mangungulit, sabi naman ni lolo pag-uwi ni Mama pupunta kami sa Disneyland. Ako, si Mama at Lolo mamasyal kami." Masaya nitong pahayag na pinagdikit pa ang kamay habang lumulundag. Parang kailan lang baby pa ito ngayon maglilimang taong gulang na, buti na lang makakauwi na siya bago pa ito mag-birthday.

"Aba sandali! Kasama ako diyan ha?" Joseph said.

"S'yempre naman po, kasi sabi ni Lolo ikaw ang manlilibre!" Humahagikgik na saad ng kanyang Anak.

"Pambihira mukhang maiisahan na naman ako ni Papa ah'!" Napakamot sa ulong tugon naman ni Joseph.

Napangiti na lang siya sa mga ito, nang bigla niyang maalala...

"Nasaan nga pala si lolo mo?"

"Nasa farm, nakalimutan mo ba? Sabado ngayon sa farm tayo mag-aalmusal." Paalala naman ni Joseph.

"Naku' oo nga pala nakalimutan ko. Sandali nga, hintayin niyo ako magbibihis na lang ako!" 

Muntik na niyang makalimutan sa farm nga pala sila nag-aalmusal tuwing sabado kasalo ang mga trabahador. 

Bakit ba niya nakalimutan?

Papasok na siya ng banyo, nang muling magsalita si Joseph.

"Sa ibaba' na kami maghihintay okay?"

"Okay!"

"Mama bilisan mo ha!" 

"Opo!" Biro pa niya dito at tuloy tuloy na siyang pumasok ng banyo upang mag-ayos na nang sarili. Naghilamos lang siya, nag-toothbrush at agad na ring nagbihis. 

Isang bulaklaking bestida na kulay peach at lagpas tuhod ang haba ang napili niyang isuot. Tumingin muna siya sa alarm clock sa side table ng kama 6:30 na ng umaga. Hindi pa naman huli para sa almusal. Pagkatapos magbihis bumaba na rin siya agad. Habang pababa ng hagdan hindi niya naiwasang isipin, ang mga kaganapan sa kanyang buhay..

Siya na ngayon si Mary Angeline Alquiza, panganay na anak ni Liandro at Adriana Alquiza. Simula ng manggaling siya sa Ospital at tuluyang kupkupin ni Liandro. Dito na rin siya nakatira sa San Luis Batangas. 

Siya ang tumayong ina ni Vincent Jared Alquiza. Ang maglilimang taong gulang niyang anak. 

Kasalukuyan din siyang nag-aaral sa Saint Louise University, dito rin sa Batangas. Graduating sa kursong HRM. Ito ang pagkakakilala ng lahat sa kanya sa nakalipas na limang taon. Kahit batid pa ng lahat ang tunay niyang panagmulan.

Dahil naman sa magandang performance niya sa school. Isa siya sa napiling kumuha ng on the job training(OJT) sa abroad. 

Dahil sila rin ang pipili ng lugar. Pinili ng Daddy niya na gawin ang training sa isang Hotel sa San Marco Venice, Italy at bukas na ang flight niya.

Wala na siguro siyang mahihiling pa.. Nasa kanya na ang lahat pera, edukasyon, pamilya at magandang buhay.

Subalit hanggang kailan? Paano kung isang araw mawala ang lahat, magbago bumalik sa dati? Ito ang buhay na hindi naman talaga para sa kanya.

Sino ba ang makapagsasabi na hindi siya kabilang sa pamilya sa pananamit, kilos at pananalita. Lahat ito inaral niya. Para lang masanay sa buhay na ito.

Labis niyang ipinagpapasalamat ang lahat. Dahil kung hindi sa pamilyang ito wala siyang pagkakilalan. Naging napakabuti ng lahat sa kanya sa loob ng limang taon, hindi siya itinuring na iba. Bukod pa sa napakasaya niya sa bawat araw ng pananatili niya dito. Kung p'wede nga lang sana.. Huwag ng matapos ang lahat. Kung panaginip ito sana hindi na siya magising pa. Pero alam niyang isang araw kailangan niyang bumalik kung saan siya nagmula.

Ngunit kung kailan mangyayari ang araw na iyon. Ayaw na muna niyang isipin. Bahala na ang bukas. Sinungaling siya kung sasabihin niyang hindi niya gusto ang lahat ng ito. Hindi siya ipokrita para tumanggi. Dahil ang totoo gusto niya ito. Kahit alam niyang maaring mawala ang lahat at magbago.

Ilang sandali ang lumipas pababa na rin siya ng hagdanan. Nakita niya si Joseph at VJ na tila naiinip na sa paghihintay.

"Yehey! Tapos na si Mama!" Patakbong salubong sa kanya ni VJ na tumatalon pa sa tuwa ng makita siyang nasa ibaba na.

"Paano let's go na?" Si Joseph na nakangiti pa rin. Hay! Buti na lang matiyaga silang maghintay. Sino ba ang hindi gugustuhin ito. 

Bigla tuloy niyang naitanong sa sarili. Anong pamilya kaya meron ako dati? Kinurap-kurap niya ang mga mata habang nag-iisip. Ahhh, hindi ko talaga maalala.. 

After a minute, agad na rin silang umalis.

Pagdating nila sa Farm. Naghihintay na ang lahat. Sandaling inilibot muna niya ang paningin sa paligid. Nakahanda na ang lahat, sa ilalim ng malaking puno nakalagay ang isang pahabang mesa na puno ng iba't ibang klase ng pagkain na boodle fight ang style. Narito na rin ang lahat ng trabahador at si Papa Liandro.

Patakbo itong nilapitan ni VJ at niyakap.

"Lolo! Nandito na kami.. Magandang umaga po." Masayang pagbati ni VJ sa kanyang abuelo.

Ang lugar na ito ang naging buhay niya, ang farm, ang plantasyon, ang mga tao, ang Resort at ang bahay. Dito umikot ang buhay niya sa loob ng limang taon at ngayon lang siya malalayo sa lugar na ito. Kaya naman may konting kaba siyang nararamdaman.

Sa malawak na lupaing ito ng mga Alquiza, muli siyang nabuhay. Kinupkop siya  ni Liandro, matapos siyang matagpuan na halos wala nang buhay sa tabing dagat sa loob ng Resort na pag-aari ng pamilya. Si Liandro ang tumulong at nag-alaga sa kanya.

Sabi nila tatlong linggo daw siyang comatose at hindi agad nagkamalay. Nang magising wala na siyang maalalang ano man..

Maging ang kanyang pangalan.

Hanggang lumipas ang mga araw tuluyan na siyang ipinagsama sa bahay.

"Oh! hija bakit ngayon lang kayo?" Bungad na tanong ni Liandro sa kanya ng makalapit na sila.

"Good morning po, pasensya na hindi ako agad nagising. Hindi ko po namalayan ang oras." Agad niyang paliwanag. Kasabay ng paghalik niya sa pisngi nito.

"Good morning Pà, ang aga n'yo umalis kanina." Si Joseph na humalik at umakbay kay Liandro.

"Lolo nanaginip ulit si Mama, sisigaw ulit siya kanina." Biglang singit ni VJ.

"Ha! Bakit anong nangyari?" Tanong nito na nag-aalala sabay lingon nito kay Angela.

"Ok lang po ako Pà, huwag na po kayong mag-aalala." Agad niyang sagot, ayaw niyang mag-aalala pa ito.

"Sigurado ka ba hija? Bukas na ang alis mo, kung sumama na lang kaya kami sa'yo." Suhestiyon pa ni Liandro.

"Papa naman h'wag na po kayo mag-alala sa akin, kaya ko naman.. Kapag umalis tayo sino na maiiwan at mag-aasikaso sa lahat? Malapit na ang anihan, nag-aalala nga din ako sa inyo. Mag-isa lang kayong mag-aasikaso sa lahat at mag-aalaga kay VJ." Sabi niya, marami kasing dapat asikasuhin dito. 

Kapag umalis siya si Liandro at si VJ na lang ang maiiwan. Siguradong mapapagod ang kanyang Papa. Si Joseph naman hindi p'wedeng mag-stay dito. Dahil sa klase ng trabaho nito, palipat-lipat kasi ito ng lugar.

"Gusto mo ba ako na lang ang sumama sa'yo?" Tanong ni Joseph na ngumiti pa ng nakakaloko. Madalas itong magbiro at magparamdam moves. Hindi niya lang alam kung seryoso talaga ito. Brother and sister kasi ang turingan nila. Kahit kailan hindi ito nagtake advantage sa kanya. 

Siguro dahil na rin nirerespeto siya nito. Kahit paminsan minsan nagpapahaging ito.

Ang totoo kahit napaka g'wapo nito sa paningin niya. Matangkad, maganda ang mata na medyo singkit, may manipis at mapulang labi at higit sa lahat may katawan na pinagpala.

Subalit hindi pa rin niya ito maramdaman. Mas gusto niyang maging tunay itong kapatid kung p'wede lang sana..

"Oh! Napatulala ka na naman sa kag'wapuhan ko. Siguro may crush ka sa akin no?" Biro pa ni Joseph na lalo pang lumiit ang mata sa pagkakangiti.

"Ano ka? Hindi uy! Assuming ka talaga!hahaha.." Ganting biro niya.

"Hmmm.. Aminin, wala namang kulong 'yon. If I know kinikilig ka palagi kapag nakikita mo na ang kamachohan ko." Mayabang pa nitong ipinakita ang masel nito sa braso.

"Hala! May tama ka na.. Papa oh? Napapraning na si Joseph." Kunwa'y tawag niya kay Liandro sa nagbibirong tono.

"Sagutin mo na kasi para mapakasal ko na kayo agad." Sagot ni Liandro na nakangiti. Kahit alam niyang hindi ito tutol nagulat pa rin siya.

"Papa!" Sagot niya na namamangha! Gugustuhin ba talaga nito na siya'y maging manugang?

"Hahaha! Akala mo hindi ako kakampihan ni Papa ha!" Nagmamalaking saad ni Joseph. 

Nang biglang..

"Yehey! Magpapakasal na si Mama ko at si Tito Joseph. Mama! Ako ang ring bearer ha?" Singit ni VJ na nakikinig pala.

"Ay! Ma'am bagay na bagay po kayo ni Sir Joseph." Singit rin ng isang trabahadora na nakisali sa usapan. Halatang kinikilig pa.

"Oo nga po ma'am!" Sabi ng isang trabahador na nakisali na rin. Hanggang sa sunod sunod na makisali ang iba pa na nagkakatuwaan.

"Paano ba 'yan mahal? Boto na silang lahat sa akin ikaw na lang ang kulang." Pabiro pa siyang inakbayan ni Joseph. Dahilan para lalong mag-ingay ang lahat na nauwi pa sa palakpakan. Pati si VJ at ang mga batang naroon ay nakipalakpak na rin.

Hindi niya alam kung ano ang kaniyang sasabihin. Ang sarap sa pakiramdam 'yung alam mo na tanggap ka ng lahat. Hindi niya tuloy napigilan ang mapaiyak. Naramdaman na lang niya ang mahigpit na yakap ni Joseph.

"Buti pa kumain na tayo at baka bumaha pa dito." Salo ni Liandro kaya tuluyan na siyang napangiti.

Hanggang sa matapos ang salo-salo na napuno ng kasayahan.

______

Hanggang sa lumipas ang oras at nagpasya silang umuwi. Naiwan si Liandro, dahil marami pa daw itong aayusin. Si Joseph naman ay nagpaalam na pupunta ng bayan. Pagkahatid sa kanila sa bahay agad na rin itong umalis. Si VJ naman ay naglaro muna sa playground kasama ng yaya. 

Tuloy-tuloy na siyang pumasok sa kabahayan. Para mag-ayos ng gamit na dadalhin, alas 3:00 naman ng hapon ang flight nila bukas kasabay ng dalawa niyang kaklase.

Papanhik na sana siya ng hagdan ng marinig na tumunog ang telepono sa sala. Sandali siyang luminga sa paligid. Para maghanap ng p'wedeng sumagot na kasambahay. Subalit wala siyang makita kaya agad siyang pumihit pabalik para sagutin na ito.

"Hello! Alquiza's resident. Angela's speaking.. What can I help you?" Pinaganda pa niya ang boses, naisip niyang pagpraktisan ang phone. 

Masaya kasi siya ngayon at magaan ang kanyang pakiramdam, wala naman sigurong masama? Bulong niya sa sarili.

"Hello, who are you again?!!" Tanong ng baritonong boses sa kabilang linya, may diin ang bawat salita nito. Nagtaka man siya sa isinagot nito, muli siyang nagpatuloy..

"I said it's Angeline Alquiza. Who's this calling, please?" Kompiyansa niyang sagot dito na pinaigting pa boses, sa tingin niya may attitude ang nasa kabilang linya at mukhang mayabang.

"WTF! Who the hell are you? Are you fvcking insane, for using my sister's name? Damn it! Did you trying to fooled me ha?" Sigaw nito na halos bumingaw na sa kanyang pandinig.  

Saglit niyang inilayo sa tapat ng kanyang tenga receiver ng phone. Bago pa siya nakasagot. Halatang galit ang kausap niya sa kabilang linya, pero bakit ano bang masama sa sinabi niya?!

Pero? 

"ha! What?" Pagkabigla ang unang rumehistro sa kanya ng maisip ang kahulugan ng sinabi nito. Hindi niya alam kung ano ba ang unang isasagot? 

Bigla na lang siyang nalito at sunod sunod na tanong ang umakto sa kanyang isip..

Sino ba siya?

Naku po, hindi!

Posible bang?!

Biglang nanlaki ang kanyang mga mata sa naisip na sagot...

* * *TY

By: LadyGem25

 GN- 09-10-22

LadyGem25 / eMGie

Hi there, another chapter for you guys! Nagustuhan ninyo ba? P'wedeng magkomento! Dahil marami pa tayong aabangan na tiyak na magpapakilig sa ating mga puso. Kaya add to Library na! Abangan lang ang mga susunod pang kabanata. Need ko rin po ang inyong suporta... MARAMING SALAMAT PO! @LadyGem25

| 1
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Merci Moreno
Unlock please
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status