Share

THE UNEXPECTED THINGS HAPPEN

CHAPTER 5: I'M NOT, THE FATHER

"Maawa? Hindi ka nakakaawa Liscel, wala kang kwenta!" Dapat magpasalamat pa nga ito at napigilan pa siya ni Manang Fe kanina kung hindi baka napatay na niya ito sa sakal.

"Joaquin, patawarin mo'ko hindi ko talaga sinasadya mag-usap muna tayo, please!" Umiiyak na pakiusap ni Liscel. Hindi ito makakapayag na mauuwi rin sa wala ang lahat... Paano na? 

Siguradong malalagot ito sa sariling Ama ng dahil sa kapabayaan nito. Iyon ang nasa isip ni Liscel ng mga oras na iyon. Kaya ginagawa nito ang lahat huwag lang silang maghiwalay.

"Patawarin? Tang***! Ano bang akala mo, nakipaglaro ka lang ng bahay bahayan sa kapitbahay? Pagkatapos mong makipaglaro sa'kin naghanap ka pa ng ibang kalaro mo!

"Joaquin maniwala ka naman sa'kin, hindi ko ito ginusto pinilit niya lang ako! Ikaw talaga ang mahal ko."

"Sinungaling! Kailan mo pa ako niloloko ha', kailan n'yo pa ako ginagago ng hayup na lalaking 'yan ha?!" Malakas niyang sigaw kay Liscel at gigil na hinawakan niya ito sa panga sabay itinulak. 

Ang kapal ng mukha nito para lokohin siya at pagmukhaing tanga. Akala ba nito ganu'n lang kadali niya ito mapapatawad? Hindi! 

Pagkatapos ng lahat ng nakita niya, magpasalamat nga ito at nagagawa pa niyang kontrolin ang sarili. Dahil ang totoo ngani-ngani na niya itong sakalin ulit.

"Joaquin tama na, nasasaktan ako! Please, magpapaliwanag ako makinig ka muna sa akin. Sige na!" Muling pakiusap ni Liscel habang halos nakaluhod na ito sa harap ni Joaquin.

Ang kapal, ano pa ba ang ipaliliwanag nito, malinaw naman hindi ba? Bulong ng isip niya na ayaw nang makinig pa.

"Magpapaliwanag at ano bang akala mo sa akin gago ha'? Damn you! Minahal kita pero ginago mo lang ako! I gave you everything you want. Lahat ng kapritso mo ibinigay ko sa'yo pera, damit, alahas maging ang mga pangarap mo ginawan ko lahat ng paraan para lang makuha mo. Ultimo kotseng ginagamit mo ay galing sa'kin, tapos ito pa ang iginante mo. Tang*** Liscel, simple lang ang naging pagkukulang ko sa'yo iyon ay pagkukulang ko ng oras para lang laging makasama ka. Oras na sinasamantala n'yo naman para gaguhin ako!" Nanginginig ang kanyang kalamnan, nagdidilim rin ang isip niya ng dahil sa galit. Ngunit pilit pa rin niyang kinokontrol ang sarili.

Naghuhumiyaw rin sa galit ang kanyang utak kaya wala na siyang panahon na makinig pa sa babae.

"No! Please Joaquin listen to me, kahit ngayon lang... Please!" Pilit na pakiusap ni Liscel na pinagsasalikop pa ang mga kamay, nakasuot na ito ng roba na ibinigay ni aling Fe.

"Damn you! You're fvcking slut woman. Don't you ever go near me, from now on your nothing mean to me! I don't want to see you, never again, not anymore! Naiintindihan mo?" Mariing sigaw niya sa dating nobya na para bang isa itong nakakadiring babae na pilit niyang binaklas ang mga kamay nito na nakahawak sa kanyang braso at pagkatapos ay patulak niya itong binitiwan. 

Marahas na siyang tumalikod at tuloy tuloy nang umalis para hindi na muling bumalik pa kahit kailan.

"No! Joaquin.. Please nooo!" Malakas na sigaw pa rin ni Liscel, tila sising sisi ito sa nagawa.

Malinaw pa niyang narinig ang mga binitiwan nitong katagang iyon bago pa man siya tuluyang makalayo.

Magmula sa mga oras na iyon wala na siyang pakialam pa kay Liscel. Dahil hindi, hindi niya ito mapapatawad. Ang kapal ng mga mukha nila. Gusto niyang magwala, gusto niyang sakalin pareho ang dating nobya at ang kalaguyo nito hanggang sa maubusan ang mga ito ng hininga. Pero kailangan niyang pigilan ang sarili.

He knows that is useless! Kahit pa patayin niya ang mga ito hindi na rin magbabago pa ang sitwasyon. 

Lalo na ang mga bagay na nangyari na sa pagitan nila, naloko na siya at naisahan at higit sa lahat nakatatak na iyon sa isip niya.

Sasayangin lang niya ang lakas para sa mga taong walang kwenta. Kahit paano matino na ang pag-iisip niya ngayon at sobra talagang pagpipigil sa sarili ang ginagawa niya para lang makapagtimpi.

___

Pagkatapos ng lahat ng nangyari nagpasya siyang bumalik na rin agad sa Australia. Pagkatapos niyang magpakalango sa alak ng gabing iyon, kinabukasan agad na rin siyang nagpabook ng flight pabalik ng Australia.

After a month passed, nalaman niyang buntis si Liscel. Wala na sana siyang pakialam, kaya lang ang sabi nito siya daw ang ama. 

WTF! Damned that woman to tell him that tricks of her. 

Ano bang akala nito, ganu'n lang siya kadaling utuin para maniwalang siya nga ang ama ng bata? Ngayon pa na nalaman niyang matagal na pala siyang niloloko ni Liscel. Ginawa siya nitong tanga! Kaya kahit ano pang sabihin nila tungkol sa bata wala na siyang pakialam dito. 

Dahil sarado na ang isip niya sa mga bagay na may kaugnayan kay Liscel at hindi niya matatanggap ang batang 'yon na marahil bunga rin ng pagtataksil nila sa akin that time! Hindi na siya magpapaloko pa ulit, iyon ang pangako niya sa sarili.

_

Ngunit isang araw...

Nakatanggap siya ng tawag, mula sa kanyang ama para sabihin sa kanya na kinuha nito ang bata at iniuwi sa bahay nila sa Batangas, makalipas lang ang ilang araw after itong maipanganak.

"A-ano itong ginagawa mo Papa? Isauli mo na ang batang 'yan sa ina niya! Bakit ka ba naniniwala sa kanila, kailangan ko bang paulit-ulit na ipaliwanag na sigurado ako na hindi ako ang ama ng batang iyan? Ilang beses ko bang sasabihin na hindi ko anak ang batang iyan, Papa?! Alam mo kung ano ang ginawa nila sa akin, sa atin. Niloko nila tayo, kaya bakit ka ba nagpapauto sa kanila?" Mariin at kompiyansang saad ni Joaquin na puno pa rin ng galit ang tono. 

Gustong manginig ng kanyang kalamnan sa galit. Dahil sa ibinalita ng kanyang ama.

Alam niyang maaaring halos mabingi ito habang kausap niya sa kabilang linya. Dahil sa lakas ba naman ng boses niya, ang totoo sinasadya talaga niya iyon dahil sa nararamdamang inis nang mga oras na iyon. 

Gusto rin niyang magalit, pakiramdam kasi niya tinraydor siya nito. Dahil sa ginawa nito at pagkuha sa batang hindi naman niya Anak. Pakiramdam niya hindi nakikisama sa kanya ang ama.

 Muli na naman ba nagpapauto ang kanyang ama sa mga taong iyon?

"Huminahon ka hijo, alam kong galit ka dahil sa naging desisyon ko. Pero sigurado ako anak mo siya, ayokong basta na lang siya pabayaan ng kanyang ina. Gusto nilang ipaampon na lang ang bata. Ayaw rin ni Warren sa bata, mula noong lumabas ang resulta ng DNA at mapatunayang ikaw ang ama. Pinadala ko naman sa'yo ang result ng DNA test, hindi ba? Alam kong alam mo na, na positibong ikaw nga ang ama ng bata. Ayokong basta na lang nila ipamigay ang bata na parang tuta. Dahil alam kong totoong apo ko siya kaya ako mismo ang aampon sa kanya sa ayaw at gusto mo nakapagdesisyon na ako.. " Paliwanag at giit pa ng kanyang ama ngunit wala pa ring panahong makinig si Joaquin dito.

"Naniwala naman kayo sa kalokohang 'yan! Ano bang malay ko kung napalitan na nila 'yon? Hindi ba nagawa nga nila akong lokohin ng matagal, 'yon pa kayang sandaling oras lang na test? Maaaring ginagamit lang nila ang batang iyan para magkaroon pa rin ng access sa inyo! Alam n'yong kailangan nila ang suporta n'yo Papa. Huwag nga kayong magpakaignorante!" Mataginting niyang salita sa Ama. Kahit pa batid niya na lumalagpas na siya sa tamang asal. 

Sobrang naiinis na talaga siya sa ama sa pagpupumilit pa rin nito sa isang bagay na hindi niya talaga kayang tanggapin.

"Anak nalalabuan ka lang sa ngayon, hindi lang ito tungkol sa resulta ng DNA. Kung makikita mo lang sana siya siguradong maiintindihan mo, kung bakit gusto ko siyang kunin anak. Ang gaan-gaan ng loob ko sa kanya anak at saka wala na akong pakialam sa ano mang motibo nila. Handa naman akong ibigay ano man ang demand nila. Basta masiguro ko lang na mapapasaakin ang apo ko at sa oras na ibigay ko ang gusto nila mawawala na ang lahat ng karapatan nila sa apo ko!" Saad ng kanyang Papa, pero hindi nito makukuha ang loob niya.

"So, kung ganu'n pala talagang may demand sila at huwag n'yong sabihin na talagang ibibigay n'yo 'yun, Papa?" Kung p'wede nga lang sanang lumabas siya sa cellphone ng kanyang Papa upang yugyugin ito para magising at tigilan na ang ginagawa.. Ngunit mas higit siyang nagulat sa naging tugon nito.

"Bakit naman hindi?! Kung tutuusin walang katumbas na halaga o presyo ang aking apo. Pero dahil gusto kong makasiguro na lalayo sila sa bata at hindi na magpapakita pa gaya ng pangako nila. Kaya naman sa ngayon handa akong ibigay ano man ang hingin nilang kapalit."  May katiyakang saad ni Liandro.

"Kaya sana naman anak...'

"Tama na Pa, kung gusto mo siyang kunin at patuloy na magpauto sa mga iyan, bahala ka! Hindi ko na kayo pakikialaman, pero huwag mong asahan na tatanggapin ko ang batang 'yan. Dahil hindi mangyayari 'yon!" Paniniguro rin niya sa Ama.

"Anak! H'wag mo muna sanang isara ang isip mo. Huwag ka sanang magsalita ng.." Hindi na nito natapos ang sasabihin ng biglang may narinig itong pagtawag.

"Sir,  Sir Liandro!" Humahangos na saad ng isa nitong tauhan habol pa nito ang paghinga. Saglit namang natigilan si Liandro habang hawak pa rin nito ang receiver ng telepono. Kasalukuyan kasi itong nasa Resort ng mga oras na iyon.

"A-anong nangyayari sa iyo Dario?" Tanong nito 

"Sir, m-may babae po sa may pampang.. Nakita po nila sa dulong bahagi ng resort, patay na po yata?" 

Nagtaka naman si Joaquin sa biglang pagtahimik ng Ama na nasa kabilang linya. Hindi niya gaanong maintindihan, pero naririnig niyang may nagsasalita na kausap nito.

"Hello Pa, sino 'yong kausap mo d'yan may problema ba? Hello Papa..." Nacurious siyang bigla dahil sa tila seryosong pag-uusap ng mga ito.

"Anak, sa susunod na lang ulit tayo mag-usap ibaba ko na!" Nagmamadali paalam ng kanyang ama. May pakiramdam siyang may nangyayari, pero hindi niya alam at hindi rin niya kayang hulaan. Dahil inuna pa ito ng kanyang Papa imbes na tapusin muna ang pag-uusap nila.

"Ha! Teka lang Papa anong nangyayari d'yan?" Ngunit hindi na siya nasagot pa nito naiwan siyang naguguluhan, nagtataka at puno rin ng pagkabahala. Hindi tuloy niya naiwasang itanong sa isip...

"Ano bang nangyayari?"

____

"Dito ho Sir, nandito siya."

Isang babaeng nakahandusay sa sahig ang kanyang nabungaran. Mukhang bata pa ito at marahil humigit kumulang ay nasa bente pa lang ang idad. Halos natutuyo na rin ang suot nitong damit at sa ayos nito ngayon tila hindi na ito magandang tingnan. Kahit pa nga kung ito'y pagmamasdan mababanaag pa rin ang angkin nitong kagandahan..

Subalit sa oras na iyon makikitang maputla ito, marahil nababad ito ng husto sa tubig at sa itsura nito ngayon tila wala na itong buhay. 

Saglit na nag-alinlangan pa si Liandro kung lalapitan ba ang babae. Ngunit sa bandang huli nagpasya na rin itong lumapit, nang may katiyakan ang bawat kilos. Agad itong lumapit sa babae, ginamit ang dalawang daliri at inilapit sa leeg ng babae upang alamin kung mayroon pa ba itong pulso.

"Huh'? Buhay pa siya, bilisan ninyo tumawag kayo ng Ambulansiya at dadalhin natin siya sa Ospital."

"Po, O-opo Sir!" Agad namang tumalima ang ilan sa mga tao niya.

"Papa, a-ano pong nangyayari dito, huh' sino ang babaing 'yan?!"

"A-anak mabuti naman at narito ka na, halika tulungan mo kami. Dalhin natin siya sa Ospital."

"Ha?!"

*****

By: LadyGem25

      08-28-22

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status