Share

CAUGHT ON THE ACT

CHAPTER 4: The Cheater's

Dahil kilala na si Joaquin ng mga guard, hindi na siya nahirapang makapasok sa loob ng subdivision. Maging sa loob ng bakuran ng bahay nila Liscel, agad siyang pinapasok ng guard. Madalas na kasi siyang nagpupunta sa bahay ng mga Borromeo kaya't kilalang kilala na rin siya sa lugar na iyon. 

Hindi naman nagtagal may nagbukas na rin ng pinto. Ang matagal nang kasambahay ng pamilya Borromeo si Manang Fe. 

Nagulat pa ito at saglit na natulala ng mabungaran si Joaquin sa labas ng pinto. Kaya si Joaquin na ang unang nagsalita at bumati sa matandang babae. 

Bakit ba pakiramdam niya napilitan lang itong ngumiti, ngunit binalewala na lang niya ito.

"Magandang gabi po! Manang Fe' si Liscel po tulog na ba?" Nakangiting pagbati at tanong niya sa matanda. Nanatili lang siyang walang kibo kahit napansin niya ang tila pamumutla nito at halata rin ang pagkabalisa pagkakita sa kanya. O baka naman napaparanoid na siya at nag-oover thinking?

"S-sir! Kayo po pala, ano po ang ginagawa niyo dito? Hindi kayo dapat naparito.." Sagot at tanong nito sa kabila pa rin ng kanyang pagtataka. 

Bakit kaya ganu'n na lang ang pakitungo nito sa kanya gayung dati naman maayos itong humaharap sa kanya palagi. Naibulong na lang niya sa sarili.

Hindi niya maintindihan pero parang nakaramdam rin siya ng bahagyang kaba. May kakaiba kasi sa kilos nito ngayon, idagdag pa na tila ba ayaw siya nitong papasukin sa loob. 

Hanggang ngayon kasi nakaharang pa rin ito sa pinto na parang ayaw nitong buksan. Pero tuloy-tuloy pa rin siyang pumasok sa loob at siya na ang nagbukas ng sliding door. 

Napansin niyang bahagya pa itong napasinghap dahil sa ginawa niyang iyon. Kaya naman hindi na niya napigilang magtanong.

"Hey! May problema po ba tayo Manang, si Liscel po nakauwi na po ba? Magkasama lang po kami kanina Manang, sabi niya uuwi siya dahil maaga ang alis niya bukas. Naiwan po kasi itong organizer niya kaya dinala ko na!" Sunod sunod ang kanyang salita at naging tanong sa pag-asang makakuha ng sagot sa mga tanong na kanina pa gumugulo sa kanyang isip. Ngunit nang mapagmasdan niya ulit si manang Fe parang lalo lang itong namutla.

"G-ganoon ba? Iwan mo na lang sa akin 'yan at ako na ang bahala! Umuwi ka na anak at gabi na!" Saad nito na tila ba ipinagtatabuyan na siya, kaya higit na nadagdagan ang kanyang pagtataka? Ngunit hindi pa rin niya ito pinagtuunan ng pansin sa halip..

Naisip niya na, para naman makasama pa niya kahit ngayong gabi lang ang nobya. Tutal naman narito na siya at maaga rin itong aalis kinabukasan at siguradong matatagalan pa ulit bago sila muling magkita. Ikakasal na sila kaya walang masama kung makasama niya ito ngayon. Hindi naman siguro magagalit ang parents ni Liscel engaged na sila at saka kaya naman niyang panagutan ano man ang mangyari sa kanila ngayon..

"Manang p'wede po bang dito na lang din ako matulog? Tinatamad na kasi akong magdrive pabalik sa condo ko. Tulog na ba sila tito Oscar?" Saad niya, ngunit sa tingin niya ay lalo lang nadagdagan ang gatla nito sa noo. Ngunit dahilan rin ba ito para tuluyan itong takasan ng kulay?

Kapansin pansin rin ang biglang pag-ilap ng mga mata nito at ang madalas na pagtingin sa gawi ng hagdanan, A-at ano ba itong nababasa niya sa mukha nito?

Takot? 

Pero bakit, kanino?

"N-naku anak!! H-hindi ka p'wedeng matulog dito ngayon at saka wala sila sir at ma'am, si ma'am Lizcel lang ang narito at tulog na!" Natatarantang saad nito na kulang na lang hantaran siyang ipagtulakan palabas.

Ano bang nangyayari may problema ba sa kanya? Muli niyang bulong sa sarili kaya imbes na sundin si Manang Fe. Para bang may nagtutulak pa sa kanya na kulitin pa ito.

"Okay lang po manang dati naman po akong natutulog dito. Kahit wala sila Tito hindi ba? Saka ako na po ang bahala. Besides, ikakasal naman na po kami ni Liscel. Kaya huwag na po kayong mag-alala. Saka manang baka inaantok na po kayo, sige na po h'wag niyo na po akong samahan pagpanhik sa itaas." Saad na lang niya at akma na sana siyang papanhik ng pigilan na naman siya nito.

"Naku, huwag sandali lang anak!" Pigil nito at mariin pa siyang hinawakan sa braso at tila ba may ibig ring ipahiwatig ang sunod sunod nitong pag-iling.

"Maaari bang ako na lang muna ang papanhik gigisingin ko muna si Ma'am Liscel." Pangungumbinsi nito, subalit hindi na siya nagpapigil pa. Is it now when he is filled with curiosity?

"Si manang talaga ako na po ang bahala, buti pa magpahinga na rin kayo. Kabisado ko naman po itong bahay kaya okay lang po!" Saad niya at saka tuluyan na siyang pumanhik sa itaas ng kabahayan. 

Pero ang nakapagtataka pilit pa rin siya nitong pinipigilan. Lalo tuloy siyang nabahala. Ang akala yata nito hindi niya nahahalata?

"Sandali lang anak! A-ano kasi, nagbilin siya na h'wag siyang gisingin." 

Damned! Lihim na napamura na siya sa isip, hindi na niya ito nagugustuhan. Parang may nararamdaman siyang hindi maganda. Hindi naman siya tanga para hindi mahalata. 

Dahil kitang kita niya sa mga mata ng matanda ang pagkalito, pagkataranta at pag-aalala. May inililihim ba si Liscel sa kanya? Biglang pumasok sa isip niya ang katanungang iyon, ngunit pilit niyang iwinawaksi at sinisikap pa niyang kalmahin ang sarili.

"Manang hindi po magagalit sa akin 'yon! Hindi naman po ako iba ako po ang fiance niya!" Saad niya sa kasambahay at sinikap na lang na ignorahin ang hindi magandang pakiramdam sa paligid.

"P-pero h-hindi mo naiintindihan anak.." Saad nito. 

Hindi talaga niya maintindihan kung ano ba ang nangyayari? Lalo siyang nakakaramdam ng pagdududa, kakaiba ang kilos nito kanina pa. Lalo lang siyang na-curious na alamin ang dahilan ng pagkabalisa nito. Kaya naman nagpatuloy na siya sa pagpanhik at hindi na niya hinayaan pa na mapigilan pa nito. 

Hanggang sa makarating na sila sa kwarto ni Liscel, nakasunod pa rin ito sa kanya. Ano ba talaga ang meron dito, bakit ganu'n na lang ang pag-aalala ni Manang fe?

Minutes after...

Nasa tapat na siya ng pintuan ng kwarto ni Liscel at kakatukin na sana niya ang pinto ng bigla siyang matigilan.

"Huh?!"

May naririnig siyang mga boses sa loob nito, ang isa ay sigurado siyang kay Liscel. Ngunit ang isa ay hindi pamilyar na boses, tinig ito ng isang lalaki. Saglit muna siyang lumunok dahil parang nagbabara ang kanyang lalamunan.

Gusto sana niyang pabulaanan sa isip ang kahulugan ng mga naririnig, ngunit paano? 

Pakiramdam niya biglang nanlaki ang kanyang ulo marahil dahil sa hangin na tila umakyat sa kanyang utak.

A-ano bang ibig sabihin nito?

Dahil naghuhumiyaw sa isip niya ang katotohanan sa likod ng mga tinig na iyon... 

Lalo na kung hindi naman ito nagmula sa isang kanta na masarap sa pandinig.

"Ay!hihihi.. Ano ka ba Warren nakikiliti ako, huwag diyan ay!" Those words he knows what means for... 

Lalo na kung ang mga tinig na iyon ay nagmula sa dalawang tao na naglalambing sa isa't-isa. Kung sa normal na sitwasyon wala sana siyang pakialam pero hindi, hindi ito normal. 

Dahil kilalang kilala niya ang tinig ng babae na kanina lang siya ang nilalambing nito. 

P-pero bakit, tila iba na ang kalambingan nito ngayon?! 

His mind could clearly see what they were possibly doing now and he started to realize the true meaning of something...

He was shocked for a while and feeling devastated. To think the fact, who came that voice inside the room. 

This is like a bomb dropped down to his head and Boom! Dahil sa mga oras na iyon parang gusto na talaga niyang sumabog!

Hindi! 

What the hell that voices means for, am I hearing wrong? 

No! it's not, nagkakamali ba ako? Tila siya naguguluhan at hindi pa magawang iproseso ng kanyang utak. I need to be sure on it! Sunod-sunod na bulong ng kanyang isip habang pilit iwinawaksi ang nararamdaman. 

While holding both hands on both of his ears, and at the same time in mixed emotions, jealous, confusion, fear and shock.

Saglit na nag-alinlangan pa siya kung ano ba ang dapat niyang unahing gawin.

Hanggang sa hindi na siya nakatiis ubod lakas niyang binalya ang pinto, wala na siyang pakialam pa. Basta kailangan niyang alamin ang katotohanan sa likod nito?

Gusto niyang malaman ang ginagawang kawalanghiyaan ng mga nasa loob ng pintong iyon?!

"BLAAGGG!"

Halata namang nagulat ang mga tao sa loob at hindi agad nakakilos. Tila tinakasan rin ang mga ito ng kulay dahil sa labis na pagkabigla.

Pero mas nagulat siya sa kanyang nakikita at nasasaksihan. Kahit pa nga meron na rin siyang ideya kanina pa, na pilit lang niyang kinakalaban kahit pa ito ay mulat na!

But it's not easy to overcome in any way or aspect...

He is now witnessing the two people he just heard just talking a few minutes ago, now he can see each other hugging and both without any covering on their bodies under the same blanket.

Just like they did just a few hours ago.. WTF?!

Ang mga walanghiya! Hiyaw ng kanyang isip. Agad siyang sumugod at hindi na nag-isip pa... Isang tao lang ang napagtuunan niya ng pansin, ang lalaking katabi ni Liscel sa kama.

"You're asshole and a son of a bitch!" He immediately grabbed his arms and pinned it behind and turned it to face him. Then he punched it once, then another one. Until it fell down to the floor. 

"You're fvck! Damn it." Sigaw niya sa mukha nito! Napaurong itong bigla habang pilit nitong inaampat ang tumutulong dugo mula sa pumutok na labi. Kasabay ng pagtakip nito sa sariling kahubdan.

"Tang***!" Narinig pa niyang bulyaw nito. Habang si Liscel ay gulat na gulat at nagtitili.

Tinangka siyang awatin ni Liscel ng muli na naman siyang susugod. Naging dàhilan tuloy iyon para makalapit sa kanya si Warren at magantihan siya ng suntok. Buti na lamang gumagana ang reflexes niya, nailagan agad niya ang suntok nito. At nang makabawi, muli niya itong sinuntok hanggang sa bumagsak ulit ito sa sahig. 

Hindi na niya ito binigyan ng pagkakataong makabawi. Dahil kinubabawan na niya ito at muling pinagsusuntok wala na siyang pakialam kahit mapatay pa niya ang lalaki! 

His mind clouded by anger and pain, thinking straight is very difficult. Only just he want that time is to kill them both and no one can escape on him.

Namalayan na lang niya na magkatulong na siyang inaawat ni manang Fe' at ni Liscel. Habang si Warren ay nakalugmok na sa sahig at halos duguan na ang mukha.

"Tama na, Joaquin please.. Tumigil ka na, tigilan mo na!" Umiiyak na pakiusap ni Liscel.

Until he found himself felt devastated again. When he see, Liscel's covered herself into that bastard. 'WTF' meaning of this?

This painful moment seemed like raging waves that hit his face little by little maybe to wake him up!.

Until he thinks that he needs to face the truth.. She's no longer loved or was loved and maybe she never love him anymore?

Hindi siya nagmahal para lokohin lang... Ginawa naman niya ang lahat para kay Liscel pero ano ang isinukli nito sa kanya?

Muling bumangon ang galit sa kanyang dibdib. Matalim na tingin ang ipinukol niya kay Liscel na ngayon ay kasalukuyang natataranta at hindi malaman ang gagawin kung paano tutulungan ang lalaking kalaguyo nito na nanatiling pa ring nakahandusay sa sahig. 

Kaya naman lalo pang nadagdagan ang galit na nararamdaman niya. Alam niyang buhay pa ang lalaki pero parang gusto na niya itong alisan ng hininga.

Nang mga sumunod na sandali buo na sa isip ang bawat kilos niya. Walang pasintabing hinila niya si Liscel palayo sa lalaking nakahiga sa sahig.

"Ano 'to ha, hantaran mo na akong niloloko?"

"H-hindi Joaquin, magpapaliwanag ako maki..." Hindi na nagawa pang ituloy ni Liscel ang sasabihin. Dahil ang malalaki niyang kamay na kanina ay nasa braso lang nito, ngayon ay gigil niyang nailapat sa leeg ng babae. Habang unti unti niya itong idinidiin.

"Tang***! Mukha ba akong Gago na makikinig pa sa'yo ha?!"

"Joaquin huwag, tama na maawa ka.... Agh!"

*****

LadyGem25 

08-17-22

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status