LOGINNamayani ang katahimikan sa loob ng sasakyan. Hindi na muling binanggit ni Beatrice ang nangyaring halik. Tila hindi din naman interesado si Ezekiel na tuksuhin pa siya subalit sa kabila ng katahimikang iyon ay pareho nilang alam na may kung anong nagbago sa pagitan nila. Hindi na iyon katulad ng
"That's good." Marahang bumitaw si Ezekiel sa kaniya. Wala nang sinabi pa ang lalaki. Tahimik nitong isinara ang passenger door bago umikot patungo sa driver's seat. Pagkapasok sa loob ng sasakyan ay mahinahon nitong hinubad ang suit jacket at isinampay sa likuran ng upuan. Pagkatapos ay isa-isan
Mula pagkabata ay lumaki si Beatrice sa isang marangal at makapangyarihang angkan. Dahil doon, bawat kilos, bawat titig, at bawat salitang namumutawi sa kaniyang mga labi ay likas na may taglay na dignidad. Marunong siyang maging banayad at elegante kung kinakailangan, ngunit kaya rin niyang maging
Pagsapit ng gabi ay pinatay na ni Beatrice ang kaniyang computer at iniunat ang katawan. Halos lahat ng empleyado ay nakauwi na. Tahimik ang buong koridor. Isinara niya ang pinto ng opisina ngunit paglabas pa lamang niya ay narinig na niya ang isang matamis na boses. "Benedict, you're back now?
Dahil doon ay sinabi niya ang totoo, ngunit ngayong nobya na ni David si Rica ay tila tuluyan nang bumagsak sa negatibo ang dati na nitong mababang IQ. Napailing si Beatrice bago malamig na inirapan ang lalaki. "No comment." Hindi pa rin sumuko si David. Bahagya siyang ngumiti, pilit na ibinabali
Pagdating sa kompanya ay hindi na siya nag-aksaya ng oras. Napirmahan na nila kahapon ang kontrata. Malapit na ring magsimula ang opisyal na kooperasyon. Agad niyang pinatawag si David. "We will inject four billion as a deposit at the end of the month, and the first installment of the project pa



![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)



