Ang isang papel na naglalaman ng divorce agreement ay itinapon sa harap ni Karylle, tumingin siya sa taong gumawa no’n.
“Gising na siya, at nangako ako sa kanya na hangga’t buhay siya ay hindi mapupunta ang position niya bilang asawa ko sa ibang babae,” seryosong sabi ng lalaki. Tinuro niya ang papel na itinapon niya sa lamesa, sa harap ni Karylle. “Pirmahan mo ito, this is our divorce agreement.” Inasahan na ni Karylle na mangyayari ang bagay na ito dahil buwan na ang nakalipas nang magising ang pinsan niya. Itinaas niya ang tingin niya sa lalaki at nagsalita sa mapait na tono. “Hindi ka pa rin naniniwala sa akin ngayon?” Umismid si Harold at umingin kay Karylle na hindi natutuwa. "Simula pa lang noong una hanggang ngayon, you’re a vain woman. Ano pa bang meron sa’yo na paniniwalaan ko?” Huminto siya sa pagsasalita at tumingin ng seryoso kay Karylle. "Huwag mo na akong paulitin, Kar. Sign this paper, and this villa will belong to you. Ito ang huling ibibigay ko para sa dignidad mo!" Sarkastik na tumingin si Karylle sa kanya. Natawa siya sa kanyang isipan dahil sa turan ni Harold. Kung ganoon, ayaw niyang walang matanggap si Karylle, kaya niya ibibigay ang villa? Para kay Karylle ay tila gusto niyang maniwala na nagpakita lang ng malasakit si Harold sa kanya…ngunit alam niyang hindi. Kinuha niya ang divorce agreement sa lamesa, nakita niya na nandoon na ang pangalan at pirma ni Harold, at sa kanya na lang ang kulang. Tila may bumara sa lalamunan ni Karylle, uminit din ang kanyang mata. Ngunit nanatili siyang kalmado Tumingin siya ulit kay Harold. “Papayag ba si Lola?” "Ano bang inaakala mo? Bibigyan ka ng unlimited na suporta ni Grandma?” Tumingin si Harold sa kanya na walang emosyon, "Alam mo kung bakit tayo kinasal, Karylle. Huwag kang sakim at huwag mong hayaan na magalit pa ako lalo sa’yo." Umismid si Karylle, "Ano bang pinagkaiba sa galit ka na sa akin at sa mas galit ka?" Mas lalong tinignan ni Harold ng masama si Karylle at sumigaw. "Karylle!" Kinuha ni Karylle ang ballpen na nasa lamesa lang din, "Okay, I'll sign this para matahimik ka na." Simula nang magising ang pinsan niya, nagpadala na ito ng maraming litrato kasama si Harold. Hanggang ngayon ay kumakapit pa rin siya sa pagmamahal na mali. Kaya ano pang silbi sa kasal na ito kung ipagpatuloy niya. Nilagyan niya ng ekis ang tungkol sa villa na inilagay ni Harold sa agreement at agad iniligay ang sarili niyang pangalan na hindi nagdadalawang isip. Tapos na ang tatlong taon na kasal. At simula rin ngayon, malaya na siya. Ibinigay niya ang agreement paper kay Harold pagkatapos niya itong pirmahan. "Give me an hour, I will pack up and leave." Kumunot ang noo ni Harold, umawang ang kanyang bibig. “Hindi ba ang usapan ay sa’yo ang villa ito. Hindi mo kailangan umalis.” ”No, tingin ko ay ang lugar na ito ay para lang sayo. " Karylle chuckled and said word by word: "It's all dirty." "Karylle!" Hindi pinansin ni Karylle ang galit na si Harold sa gilid niya, ang dating masunurin na asawa at mapagkumbaba ay tila nagbago ang pakikitungo kay Harold. Itinulak niya si Harold palabas ng pinto sa kwarto. Isang oras ang lumipas… Bumalik si Karylle sa ibaba, at wala na roon si Harold. Napatingin siya sa hawak niyang relo, isang Rolex men’s watch. Ito sana ang regalo na hinanda niya para kay Harold sa nalalapit na kaarawan nito. Habang tinitignan niya ito ngayon, mahahalata na kumikinang at mahal. Hindi siya nagdalawang isip na itapon ang relo na iyon sa basurahan. Umabot di kumulang isang daang dolyar na relo. Huminga siya nang malalim. Sa loob ng tatlong taon, trinato niya iyon na parang maamong aso. Simula ngayon, siya na lang mag-isa na kasama ang sarili niya. Nang makalabas siya sa villa, itinigil niya ang kotse niya at dumiretso sa sarili niyang villa. Ang villa na ito ay matagal ng binili, pero dahil nakatira siya sa Sanbuelgo family, hindi na siya nakabalik dito. Gulat naman ang mga katulong nang makita siya, agad silang pumila ng dalawang linya at sabay na binati si Karylle. "Hello, Mrs. Sanbuelgo!" Iniligay ni Karylle ang bagahe niya, at umupo sa sofa. Hinimas niya ang kilay niya at tinama ang sinabi ng mga katulong. “Hindi na Mrs. Sanbuelgo. From now on, you will call me Miss Granle.” Kung dati ay masaya siya sa titulo na meron siya noon bilang “Mrs. Sanbuelgo” ngayon ay tila nawalan na siya ng amor, ayaw niya na ulit marinig na tinatawag siya ng mga tao sa pangalan na iyon. Nang marinig ang sinabi niya, hindi na siya tinanong ng mga katulong pa kundi inulit lang ang pagbati sa kanya sa ibang pagtawag. Sa loob ng kwaro ni Karylle, tinawagan niya ang kanyang assistant na si Layrin. "How are you recently?" Nagulat naman si Layrin sa biglaang pagtawag ni Karylle. "Himala at napatawag ka? Anong nangyari?" "I'm divorced, pinakinggan ko ang sinabi mo. And I will focus on my career from now on." "What?" Layrin's voice exploded directly. "Oh my god, tama ba ang narinig ko?! Sa loob ng tatlong taon, halos naging ulirang asawa ka sa kanya, sinuko mo rin ang trabaho para maging full-time wife. Anong kulog ang tumama sa’yo ngayong araw na ito? Did you really divorce him? Are you kidding me?" Si Layrin ay assistant ni Karylle. Maliban sa kanya at sa isa or dalawang tao na kasama ni Karylle, walang nakakaalam na may pangalawang pagkatao na dinadala si Karylle, and that is… “And the Ace Lawyer Kris is finally back?!” sigaw ni Layrin sa kabilang linya. There is a popular saying on the Internet: Kris is second, no one is first. Ilang abogado ba ang tila kinakabahan sa tuwing naririnig ang pangalan niya. Nasa kalagitnaan pa ng gulat si Layrin sa narinig niya nang biglang nagtanong si Karylle. "Has anyone contacted me recently? Are there any interesting cases? Napakurap si Layrin, at sumagot na may pagka hinayang. “Yes, indeed, mayroong isa. At mataas din ang offer, pero kahit isa ay walang gustong kumuha sa kaso na ito, at ikaw…sa tingin ko rin ay hindi mo kukunin.” "Oh?" Ang boses ni Karylle, na kahit kailan ay hindi nagpapakita ng pagka-interesado sa isang bagay ngunit tila nagbago ito nang marinig ang sinabi ni Layrin. She became more interested.Si Roy ay agad na nagsalita ulit. “This time, hindi talaga ito katulad ng iniisip mo… He really has you in his heart, pero hindi lang niya kayang ipakita, at sobrang taas ng pride niya.”Napangisi si Karylle, halatang hindi naniniwala ni katiting. Napakunot ang labi niya. Grabe, ang galing niya ha! Ilang beses ba siyang nakagawa ng kasalanan para kamuhian siya nang ganito?Napabuntong-hininga si Roy. “Ganito na lang… sa totoo lang, mula pa noong una, hindi talaga ikaw kinamumuhian ni Harold.”Bahagyang nanginig ang pilik-mata ni Karylle, pero mabilis din siyang natauhan. Sa isip niya, halata naman na ang ginagawa ni Roy ay para sa kapakanan ni Harold, parang lobbyist para paniwalaan niya si Harold at baka mapapayag siyang magbalikan. At kung mangyari iyon, magiging mas nakatuon siya sa Sanbuelgo Group at hindi na makikipag-cooperate sa Handel Group, na malinaw na malaking benepisyo para sa Sanbuelgo family.After all… ngayon, may halaga na ako sa paningin nila, naisip niya nang may m
Alexander muling nagtanong, hindi diretsong sinasabi ang pakay, “Are you free tonight?”Napakunot ang noo ni Karylle. “Not tonight.”“Tomorrow?” tanong muli ni Alexander.Naisip ni Karylle ang tungkol sa sitwasyon ng kanyang lola kaya muling sumagot, “Baka hindi rin bukas. Kailangan ba talagang magkita at pag-usapan? May mahalaga kasi akong inaasikaso dito, at baka hindi ako makaalis.”Mahalaga talaga ang tungkol sa kanyang lola, at ipinasa na niya kay Santino ang lahat ng usaping pang-negosyo.“What are you doing?” tanong muli ni Alexander, na tila ayaw pang sabihin ang totoong pakay.Saglit na natahimik si Karylle bago muling magtanong, “Ano ba kasi ang gusto mong pag-usapan? Is it about this jewelry cooperation?”“Yes or no,” tugon ni Alexander, “pero mahirap ipaliwanag sa telepono. I’ll wait for you. Hindi naman ito urgent, kaya hintayin na lang natin na maging free ka, basta within a week.”Nag-isip muna si Karylle bago sumang-ayon, “Okay, that’s fine.”“Good. Kung masyado kang n
Nang nag-iisip pa si Roy kung ano ang dapat sabihin, biglang sumabog ang malamig at nakamamatay na boses ni Harold."How do you want to die?"Nanlaki ang mata ni Roy, agad na ngumiti nang pilit. "Misunderstanding... it's really a misunderstanding," depensa niya habang nagkakamot ng batok.Agad siyang tumalikod, isinara ang pinto, at muling nagsalita nang may pagka-ilang. "I just... ayaw ko lang na mawalan ka ng control. Kung sakali kasing malaman mo kung saan ka nagkukulang, pwede mong ayusin agad. Hindi ko lang talaga inasahan na mahuhuli mo ako. At saka... bakit mo pa siya binitiwan kanina? Kung hindi mo siya pinalaya, edi sana ako na lang ang nadale sa eksenang ‘yon kaysa sa’yo."Napatawa si Harold, pero halatang galit. "Do you still have the face to say that?"Napalunok si Roy. Marami pa sana siyang gustong isumbat sa isip niya, pero hindi niya na pinagsalita. Sa halip, tumikhim na lang siya. "By the way, bro... ang active mo ngayon ah. Naisip mo na bang makipagbalikan?""I’ve sa
Sa ilang salitang binitiwan ni Harold, tila natulala si Karylle.Walang ibang mas angkop na salita, nanghina siya.Hindi niya inakala na masasabi iyon ni Harold, at sa gano’n pa ka-gentle na tono.“Nasiraan ka na ba ng bait?” tanong ni Karylle, matapos ang ilang segundong katahimikan.Tinitigan siya ng lalaki, seryoso ang mukha at malalim ang boses. “Hindi ako nagbibiro.”Hindi agad nakasagot si Karylle. Napalingon na lamang siya palayo sa lalaki, ayaw na siyang tingnan pa, pero napilitan pa rin siyang magsalita sa mahinahon ngunit matatag na tinig.“Harold, hindi tayo bagay. Mali na ang naging relasyon natin noon, at walang dahilan para palawigin pa ang pagkakamaling ‘yon. Ang paghihiwalay ay mas mabuti, para sa ating dalawa.”Pagkasabi niya niyon, hindi na siya naghintay ng sagot mula kay Harold. Ramdam niyang hawak pa rin ng lalaki ang kaniyang pulso. Hindi niya iyon pinilit na alisin, pero napabuntong-hininga siya at muling tumingin sa lalaki.May bahid ng pagkainis sa tono ng bos
Bahagyang napakunot ang noo ni Karylle at hindi napigilang mapatingin kay Harold. Napansin niyang nakatitig ito sa kanya ng malamig kaya’t awtomatikong bumuka ang kanyang bibig para magsalita, ngunit naunahan na siya ng lalaki."Hindi ka pwedeng sumagot," malamig na sabi ni Harold.Napatingin si Karylle sa kanya na may bahid ng pagtataka. “Ha? Bakit naman?” tanong niya, hindi maitago ang gulat sa tono ng kanyang boses.Hindi sumagot si Harold. Sa halip, mahigpit nitong hinawakan ang braso niya, ayaw siyang pakawalan. Kaya naman, mahinahong nagsalita si Karylle.“Kailangan ko pa rin siyang kausapin. Kasama ko pa rin siya sa proyekto. Besides, wala namang kahit anong namamagitan sa atin.”Alam niyang kanina pa siya medyo sumosobra—hindi na dapat niya tinanong pa si Harold tungkol doon. Alam naman niyang kung totoo mang may sakit ito, wala siyang karapatang mag-alala o makialam. Halata namang sawa na ito sa kanya.Huminga siya nang malalim at sinubukang kontrolin ang sarili. Pero bago p
Lahat ng tao ay sabay-sabay na napatingin muli kay Harold. Tahimik itong sumagot, “Nasa sarili kong bahay ako. Anong klaseng parusa ‘yon?”Ibig niyang sabihin, bahay niya ito, kaya hindi niya kailangang makaramdam ng kung ano mang kakaiba o awkward.Pagkasabi niya, sabay-sabay namang napatingin kay Karylle ang lahat.Hindi madaling isama si Karylle sa isang pustahan, kaya't halatang tatlo lang sa kanila ang natira para sa biruang iyon.Bahagyang gumalaw ang mga mata ni Karylle. Tumingin siya kay Lady Jessa at mahinahong nagsabi, “Lola, balak ko pong dito na rin matulog ngayong gabi.”Nagulat si Lady Jessa, may halong tuwa ang tono ng boses nito. “Talaga? Pwede ka bang manatili rin?”