Hello, July!😍
Kasalukuyang nakaupo si Tamara sa assigned seat para sa kaniya katabi si Luwis sa harapan ng runaway. Nagsisimula na ang show, isa-isa nang naglalabasan ang mga modelo na inirarampa nag bagong desinyong underwear ng Yunz at ang twist, nakasuot ng mga pakpak ang mga modelo na para ngang mga anghel na bumaba sa kalangitan. Napapatili ang mga dalagang naroon na mga anak ng mga politiko. Naningkit ang mata ni Tamara dahil iyon ang unang beses na dumalo siya sa men's show at masasabi niyang kinikilabutan siya. Napailing na lamang si Tamara nang makitang nakaawang ang labi ni Luwis kulang na lang maglaway ito habang ang mata nito ay walang kurapan na nakatingin sa mga modelo tila nga nage-enjoy ito. Kinalabit ni Tamara si Luwis dahilan para mabalik ito sa katinuan? “Bakit?” “Matatapos na ang show, hindi ko pa nakikita si Sir Yuri. Hindi ba siya dadalo?” Puno ng pagtatakang tanong ni Tamara. Kanina pa siya palinga-linga sa paligid upang makita si Sir Yuri. Ito ang may-ari ng Yunz na isa
“Gavin. What are you doing?” Bakas ang matinding gulat sa gwapong mukha ni Gavin. Napabalikwas ito ng bangon at naitapon ang hawak na cellphone. “Mommy?!” Mapakurap-kurap si Gavin at napaupo sa gitna ng kama. “How long have you been there?” Pinaningkitan ni Tamara nang mata si Gavin dahil itinaob pa talaga nito ang cellphone ngunit huli na dahil nakita niya ang lalaki sa screen bago pinatay ang tawag. “Sino ang kausap mo?” Dinampot ni Tamara ang cellphone upang kumpirmahin kung tama ang hinala niyang kausap nito na lalaki. Kumunot ang noo ni Tamara nang makita sa recent call ang pangalan ni Galvino. Ang cellphone na ibinigay ni Tamara kay Gavin ay ang lumang cellphone na hindi mat-trace, kaya kahit araw-araw na may tawag na natatanggap mula sa pamilya ni Galvino ay hindi nito nalalaman kung na saan sila. Naka-save pa rin doon ang numero ni Galvino. Kung ganu'n ay hindi pa rin ito nagpapalit ng numero? Lumabas siya ng silid ni Gavin up ang tawagan si Galvino. Ilang beses niya
° ° ° FIVE YEARS LATER ° ° ° Ang malawak na Coliseum ay napuno ng palakpakan pagkatapos magsalita ni Tamara sa itaas ng intablado. Magkasabay na lumabas sa magkabilaang gilid ang dalawang magandang babae na sina Shen at Luwis—ang kasosyo ni Tamara sa negosyo. Maya't maya pa may tatlong tao na nag-abot sa kanila ng bouquet of red roses kasabay ang pag-abot kay Tamara ng parangal bilang nangunguna sa larangan ng clothing brand. Kaliwa't kanan ang kislap ng mga camera at halos lahat ng tao na naroon sa loob ng koloseyo ay mga bigatinh tao, mga mayayaman, modelo, artista, negosyante at politiko upang masaksihan ang mga parangal sa mga sumisikat na clothing brand. Nakamessy-high bun ang buhok ni Tamara at may ilang hibla na nakaharang sa kaniyang harapan na mas lalong nagbibigay ng ganda sa kaniyang mukha na mayroon make-up na napakaganda. Isang kumikislap na eleganteng kulay itim na backless fitted dress ang suot ni Tamara at nakalantad ang kaniyang makinis na maputing likod and there
Dalawang linggo ang nakalipas. . . Ang mag-asawang Gretchen at Victorico ay papasok ng Lorenzo Perfume Company. Sinalubong sila nang magalang at may respetong bati ng mga empleyado. Nagulat si Justin nang makita ang pagdating nang mag-asawang Lorenzo. Aakyat pa sana ito upang abesohan ang amo sa pagdating ng mga magulang nito ngunit nakita na siya nang mga ito. Imbes na bumalik ay bahagyang yumuko upang magbigay galang at pinindot ang elevator. “Na saan ang amo mo?” Malamig na turan ni Victorico. Napalunok si Justin at itinuro ang itaas. “N-nasa opisina ho, Mister Lorenzo.” “Good. Kakausapin namin siya.” Tugon naman ni Gretchen. “I'm sorry, Missis Lorenzo, his not available right now. Ibinilin niya sa akin na huwag tatanggap ng bisita.” Kumunot ang noo ni Victorico, tumaas ang kilay ni Gretchen. “At bakit hindi? Mga magulang niya kami.” Nagkatitigan ang mag-asawa at walang salita na sumakay sa elevator kasama si Justin nang bumukas iyon. Pagdating sa palapag kung na saan ang
╔.★. .═══════════╗ 𝗝𝗔𝗬𝗣𝗘𝗜'𝗦 𝗠𝗘𝗦𝗦𝗔𝗚𝗘 ╚═══════════. .★.╝ My Dearest Readers, Hola! This is your author IAMJAYPEI at kung hindi niyo pa po alam ay ito ang pangalawa kong account kay GoodNovel. Ang main account ko po dito ay @Black_Jaypei. Maari niyo ring bisitahin at HIGHLY RECOMMENDED ko po sa inyo ang aking PENDILTON HEIR SERIES. Kaway-kaway po sa mga readers ko sa Black_Jaypei na nakarating na rin dito! Thank you po ng marami, sobrang solid niyo po.🥹🫶 Marhay na aldaw po kaninyo ngamin! (Magandang araw po sa inyong lahat!) Ang lenguahe pong iyan ay isa lamang sa dialect sa bicol, opo! This writer is from bicol! Kaway-kaway po sa mga taga-bicol na nagbabasa dito! To all Galvino and Tamara silent readers, I appreciate you all! Eyy muna kayo!♡ Thank youuuu. Masaya po ako na matangumpay nating narating ang Kabatana 40 na punong-puno ng sari-saring emosyon. Ramdam niyo po ba iyon? Pormal kong ipapakilala sa inyo ang mga tauhan sa kwento. Ito ay upang mas maging ma
Sa kabilang banda, sa apartment ng mga koleheyala. . . Walang imikan ang mga dalaga, kaniya-kaniyang pwesto sa sulok. Malulungkot sila sa pag-alis nang kanilang Ate Tamara at mas nakakalungkot na hindi ito nakapagpaalam sa kanila. Si Jessie at sa pang dalaga ang nakatuka sa pagluluto ng hapunan. Lumabas si Erla mula sa kaniyang kwarto karga ang kaniyang laptop. “Guys, samahan niyo akong manuod ng fashion show!” Hikayat ni Erla upang mabawasan naman ang lungkot. “Iyong sa famous House Of Lorenzo ba iyan?” “Oo e!” Nanlaki ang mata ni Erla. “Hoy! Paano mo alam?” Umirap ang dalagita. “Hello! May official announcement kaya ang page nila sa lahat ng social media platform, saka, inaabangan kaya ng lahat kung sino si Miss Zivi Via. At kahit dukha papangarapin na makita ang larawan niya 'no!” Inilapag ni Erla ang laptop sa center table at naupo sa carpeted floor. “Ito na nagsisimula na!” Nagsilapitan ang mga dalaga at nagsiksikan ang lima sa mahabang sofa na nasa likod ni Erla upang ma