LOGINMATAPOS ANG maghapong pagshoshopping nila Hyacinth at Annika, dumiretso na sila sa Nocturne Bar. Talagang plinano na lahat ni Annika.
Ang hindi inexpect ni Hyacinth pagkarating sa bar ay ang makita si Leo kasama ang ilang mga kaibigan nito. "Nandito pala ang soon-to-exhusband mo at mga alipores nito. Kainis, ah?" bulong ni Annika. Hindi pa rin nawawala ang pangungutya ng mga 'to kay HyacintH. Talagang pinagtatawanan siya. Dinig na dinig niya iyon sa pwesto nila ni Annika. "Akala siguro ni Hyacinth kaya niyang tapatan 'yung kapatid niya! Ang feeler naman niya!" "Yeah, right! Wala pa sa kalingkingan ng paa ni Jasmine si Hyacinth , 'no!" Kilala ni Hyacinth ang mga kaibigan ni Leo, lalo na ang matalik nitong kaibigan na si Alfred. Noong panahon nina Leo at Jasmine, natatandaan ni Hyacinth kung paano hinahangaan ng mga ito ang kapatid niya. Tinawag pa nga ni Alfred si Jasmine na sister-in-law dahil para bang kapatid na ang turing nila ni Leo. Pero si Hyacinth ? Sa nakalipas na tatlong taon, hindi niya kailanman naramdaman na kabilang siya sa grupo. Halata kasing ayaw ng mga kaibigan ni Leo sa kanya. Para sa kanila, 'replacement' lang siya ng kapatid niya at isang 'ugly duckling.' Nakakainsulto ang ilan sa mga tawag at biro nila sa kanya. At narealized lang ni Hyacinth na minsan, kapag hindi ka mahal ng taong mahal mo, pati ang mga kaibigan nito ay hindi ka rin rerespetuhin. Kampi sila sa kaibigan kahit alam nilang mali ito. "Pigilan mo ako! Bubusalan ko bibig ng mga iyan!" asik bigla ni Annika nang narinig din ang pag uusap ng mga kaibigan ni Leo tungkol kay Hyacinth . "'Wag na. Hayaan mo na lang. Pasasaan pa at magdidivorce lang din naman kami ni Leo. Hindi sila worth it pagtuonan ng atensyon," pigil ni Hyacinth sa kaibigan. Napabuntong hininga na lang si Annika. Kumalma rin naman siya nang nakitang kalmado si Hyacinth . Habang naglalakad na sila, naririnig na nila ang bulungan ng mga tao. "Wow! Ang ganda niya!" "Para siyang dyosa! Damn!" Napangisi si Annika sa mga narinig. "Dinig mo ang mga tao sa paligid natin? Sinasamba ang kagandahan mo! Dahil diyan, tara! Let's party!" Hinila niya si Hyacinth patungo sa gilid. "Tawagan na natin 'yung mga male strippers! Papuntahin natin sila dito!" Samantala, sa grupo ni Leo, masaya pa rin ang lahat at nagtatawanan. Tampulan sa tukso si Hyacinth at naging pulutan na nila. Natigil lang sila nang maramdaman ang malamig na titig ni Leo na seryoso, tahimik, at tila nagbabala. Agad namang natikom ang kanilang mga bibig. Hindi maiwasang magtakha ni Alfred. Naisip niya na baka kahit kaunti, may natitira pa ring pag aalala ni Leo kay Hyacinth , dahil inalagaan pa rin naman siya nito noon, lalo noong coma pa ito. Pero isinawalang bahala na lang niya iyon. Naputol lang ang isip ni Alfred nang marinig niyang lumakas ang bulungan sa paligid nila. "Ang ganda!" "Nasa langit na ba ako?! Ba't may anghel sa harap ko?!" "Gag*! Mukha nga siyang dyosa, eh!" Sinundan ni Alfred ng tingin ang pinagtitinginan ng lahat at nanigas na lang siya. "Sh*t! Ang ganda nga niya!" bulalas niya. "Ngayon ko lang nakita ang ganiyang mukha dito sa bar. Taga dito lang ba siya? Bakit hindi natin siya nakikita noon?" Iyon din ang naisip ni Alfred. Bumaling siya kay Leo at bahagyang tinapik ang balikat nito. "Nakita mo 'yon? Mukhang dyosa, pre!" aniya rito. Hindi interesado si Leo sa totoo lang. Pero sa pwesto nila ay abot tanaw niya ang tiningnan nila Alfred. At ewan niya kung pinaglalaruan siya ng imagination niya pero ang nakikita niya ngayon ay walang iba kundi si Hyacinth ! Hindi suot ni Hyacinth ang eyeglasses nito. Hindi siya mukhang plain at boring at para siyang nagliliwanag dahil mas lumitaw ang kinis at puti ng kutis nito. Ang buhok nito ay malayang nakalaylay sa balikat. Ang ganda nga nito na hindi maiwasang mapatitig ni Leo ng mas matagal. "So... ano sa tingin mo? Ang ganda 'di ba?" excited na tanong ni Alfred. Nagtawanan ang iba at nagsalita ang isa sa mga kaibigan nila. "Alam mo, hindi ganiyan ang mga type ni Leo! Mas gusto niya ng softie at sweet na babae kagaya ni Jasmine. Hindi 'yang mukhang... cold goddess! Maganda iyan, pre pero hindi iyan papasa sa taste ni Leo!" "Pero hindi mo ba nakikita iyang makinis niyang legs?! Parang kay Jasmine lang din, oh! Damn! Nakakasilaw!" Nakasuot si Hyacinth ng maikling skirt na nagpalitaw sa maputi at makinis niyang mga binti. Nakakapanibago ito sa kanya dahil bihira siyang magsuot ng ganitong uri ng damit. Ilang saglit lang, dumating ang mga male strippers na ipinatawag ni Annika, at agad silang lumapit kay Hyacinth . Hindi lang isa o dalawa! Kundi walo! Napangisi na lang si Annika. "Walo silang lahat. Sa iyo lahat iyan!" natatawang sabi niya. Natawa na lang din si Hyacinth sa kalokohan ni Annika. Pero sige na nga, pagbibigyan na niya ito bilang pagcelebrate na rin niya ng divorce kay Leo. "Kayong walo... sa akin nga kayong lahat!" malokong wika ni Hyacinth sa mga naggagwapuhang lalaking strippers. Gulantang sina Alfred habang nakatingin. Narinig nila ang pagtawag ni Hyacinth at Annika sa mga kalalakihan. At hindi lang basta kalalakihan dahil talagang may bayad ang mga ito! Gumastos pa talaga sila. "Gag*! Walo silang lahat diyan?! Binayaran nila?!" manghang bulalas niya. "Sus! Nagsayang pa sila ng pera. Pwede namang maghanap na lang sila dito ng makakasama nila... kagaya natin..." nakangising sambit ng isa sa mga kaibigan ni Leo. Napatingin si Leo sa phone nang mag beep muli. Message transaction na naman ito! Ano na naman kaya ang binili ni Hyacinth gamit ang black card niya? Pero lalong nainis si Leo nang makita niyang galing iyon sa isang agency na nagpapa rent ng mga male strippers! Umabot pa sa ₱250,000 ang lahat ng iyon! Nandilim agad ang ekspresyon ni Leo pagkabasa niya. Napatingin siya sa direksyon ng mga male strippers na nakapalibot kay Hyacinth parang gusto na lang niyang basagin ang mga mukha nila! "Hya, maglaro na lang tayo ng drinking game!" pag aya ni Annika bigla kay Hyacinth . Pumayag naman si Hyacinth . Sa unang round, natalo si Hyacinth kaya naman ang isa sa mga male stripper ay pinainom siya mismo ng wine. "Bakit wine agad ang ininom niya? Pakainin mo muna kaya siya!" mapaglarong sabat pa ng ibang mga lalaki doon. Naoverwhelm si Hyacinth sa sitwasyon nila sa pwesto. Ang ingay ng grupo at ang pagkakapalibot sa kanya ay sobrang lapit pa kaya medyo mainit. Sa tapat nila, nakatingin lang si Leo sa direksyon nila, nakaigting ang panga at tahimik. Mayamaya, bigla siyang tumayo, kaya napatingin si Alfred sa kanya. "Saan ka pupunta, bro?"tanong ni Alfred. Hindi sumagot si Leo. Naglakad lang siya patungo kay Hyacinth at biglang hinila ang pulsuhan nito, kaya napatayo rin ang huli. Para bang papel lang si Hyacinth sa kamay ni Leo, madali lang siyang hilahin. Nanigas si Hyacinth nang makita si Leo sa malapitan. "Bitawan mo ako, Leo!" sigaw niya, sinusubukang makawala. Hindi siya sinagot ni Leo. Nagulat si Hyacinth nang hilahin siya papalayo ng lalaki. Sinubukan pang sumunod si Annika. "Saan mo dadalhin si Hyacinth , Leo?! Bitawan mo nga siya!" Nagsinghapan ang mga kaibigan ni Leo nang marinig iyon. "What?! Si Hyacinth iyon?! 'Yung magandang babae na parang dyosa?!" "Wait, siya ba talaga iyon?! Bakit hindi iyon mukhang manang?!" "Damn, ang ganda talaga!" Hindi napigilan ni Annika si Leo. Talagang hinila niya si Hyacinth palayo sa lugar. Sinubukan pang magpumiglas si Hyacinth , pero malakas talaga ang lalaki. Halos magkandatisod na siya, pero para bang wala lang iyon kay Leo. "Ano ba, Leo?! Sabi ko, bitawan mo ako!" sigaw ni Hyacinth . Hindi pa rin siya pinakinggan ni Leo. Nabigla na lang si Hyacinth nang isandal siya sa malamig na pader. Ipwinesto ni Leo ang mga kamay niya sa magkabilang gilid ng katawan ni Hyacinth para hindi siya makawala. Nanlilisik ang mga mata ni Leo, halatang pinipigil ang sariling inis. "Sinasadya mo ba 'to, Hyacinth ? Umaakto kang parang wala lang ako sa paligid mo! ‘Wag mo akong paglaruan ng ganito!"TULUYAN NG PUMASOK SI LEO. Madami na ngang pagkain ang nakahanda para sa kaniya sa hapag. Patuloy lang ang pananalita ni Soledad. Naikwento na rin niyo na mayaman nga si Leo at nagmamay ari ng malaking kompaniya kaya naman nangislap na rin ang mga mata ng ama nito.Nakaupo ang ama nila sa pinakakabisera ng hapag kainan at sa kanan nito ay si Manuel na tila nahihilo. Ang nakakapagtakha kay Manuel sa mga oras na iyon ay tila wala itong matandaan sa nangyari kagabi at masakit din ang katawan nito. Napahilot tuloy siya sa batok. "Pa, parang nabugbog ako ng sobra kagabi... pero alam mo iyon... parang maganda pa rin naman ang pakiramdam ko kasi parang nakasaksi ako ng magandang dilag...""Magandang dilag ka pang nalalaman diyan, ah?" mapanuksong saad ng ama nito. "'Wag kang mag alala. Hahanapan kita ng magandang dilag para mapangasawa mo. At itong mayaman na lalaking ito ngayon..." Sumulyap ito kay Leo. "Sisiguraduhin ko na mapupunta kay Soledad...""Papa naman! Nandito si Leo, ah!" paalala
"'W-WAG..." BULONG NG pagproprotesta ni Hyacinth habang kunot ang kaniyang noo.Unti unting nagmulat ang kaniyang mga mata at ilang saglit na nag adjust iyon. Agad niyang nabungaran ang mukha ni Leo. Nagtakha pa siya pagkakita sa lalaki. Kasi... bakit siya nandito?Parang nablangko bigla ang isip ni Hyacinth dahil sa gulat sa presenya ni Leo. Ang mga mata ng lalaki ay seryoso at tila may kakaibang apoy doon ngayon na tila nagniningas. Ngayong nakikita na ni Leo na gising na gising na si Hyacinth at may bahid ng pagtatakha sa mukha nito, hindi niya maiwasang kabahan.Umuklo ulit si Leo at tinangkang hinalikan si Hyacinth. Ang kaso, bumaling na sa gilid ng babae upang umiwas. "A-Ano ba, Leo?! Anong ginagawa mo dito? Lumayo ka nga!" agad niyang asik sa lalaki."Paano ako lalayo at titigil kung... ganito ka?" malalim at maaligasgas ang boses na sagot nito.Kumunot ang noo ni Hyacinth. Magulo pa ang isip niya sa mga nangyari dahil sa lagnat. Natatandaan niyang trapped sila ni Alfred sa lug
HANGGANG SA NAPANSIN ni Leo ang tila pasa sa may bandang leeg ng babae. Agad nandilim ang kaniyang ekspresyon."Sino ang may gawa nito sa kaniya?" nakaigting ang pangang tanong ni Leo."Ang Manuel na iyon!" bulalas ni Alfred. "Mabuti na lang at nandito ka na! Halos hindi na kami makasurvive dito. Kapag hindi mo pa kami agad natagpuan baka wala ka ng aabutang buhay dito ngayon."Hinaplos ni Leo ang pisngi ni Hyacinth. Parang may kung anong paninikip sa dibdib niya ngayon habang nakatanaw sa babae. May pakiramdam siya sa loob niya na gustong protektahan na lang ito. Binuhat niya ito kalaunan sa kaniyang bisig at idinikit sa kaniyang dibdib.Binalingan ni Leo si Alfred. "Magpahinga ka muna. Aayusin natin lahat bukas," bilin niya sa kaibigan.Alam ni Leo na parehas na pagod pa rin sina Alfred at Hyacinth. Kaya kung ano man ang plano nilang umalis ngayon ay hindi epektibo. Kailangan nilang maghintay hanggang umaga.Sumang ayon naman si Alfred. Nandito na sa wakas si Leo kaya naman pakiramd
"MALAKAS DIN ANG PAKIRAMDAM ko. Nandiyan nga sila..." saad ni Leo habang pasimpleng iginagala ang tingin sa paligid, nagmamatyag."Pero bakit po kayo tumalikod agad? Suko na po kayo?""Hindi mo ba napansin ang pakikitungo nila sa 'tin?" tanong ni Leo sa mababang boses. "May mga nagmamasid din sa paligid. Mas marami sila kaysa sa atin. Teritoryo rin nila dito. Kung susubok tayo at ipipilit ang gusto, alam mo na kung anong mangyayari."Isa pang dahilan kung bakit tumalikod si Leo ay kung hawak nga ng mga taong ito sina Hyacinth at Alfred, baka gawan nila ang mga ito ng masama. Hostage nila ang dalawa ngayon. Hindi pwedeng irisk iyon ni Leo."Tumawag na po ako ng back up, Sir," saad ni Mila kalaunan.Tumango si Leo. "Good. Pero ngayon, kailangan nating makapasok sa teritoryo nila nang hindi gumagawa ng ingay."Bago pa man makasagot si Mila, may dumating biglang babae na sumalubong sa kanila."Sino kayo?" tanong ng babae.Iyon ay si Soledad Segundo, ang nakababatang kapatid nila Manuel at
MABIGAT NA NAPABUNTONG hininga si Alfred. Kinuha niya ang kumot at ipinalibot sa katawan. Maganda naman ang naging tulong ni Hyacinth. Ang kaso nga lang, habang tumatagal, talagang nilalamig na siya. Napayakap na rin siya sa sariling katawan. Namumutla na ang kaniyang labi at nanginginig sa lamig."A-Ang... lamig..." bulong pa ni Hyacinth sa gitna ng kaniyang tulog.Hindi maiwasang lumapit tuloy ni Alfred at bumulong. "Ano iyon, Hyacinth? May sinasabi ka ba?" tanong niya dahil hindi niya gaanong maintindihan ang sinabi nito kanina."M-Malamig..." sagot naman ng babae.Idinampi ni Alfred ang palad niya sa noo ni Hyacinth at tumaas pa talaga ang temperatura nito. Talagang mainit na ang balat ng babae."A-Ang l-lamig..." tila nagdedeliryong sambit muli ng babae.Hinila ni Alfred ang kumot ng babae para maibsan ang panginginig nito. Ang kaso tila wala namang naging epekto iyon. Hindi iyon napigilan ang panginginig ni Hyacinth sa lamig.Pero may isa pang natitirang option si Alfred. Iyon
BINIGYAN NI HYACINTH ng isang kyuryusong tingin ang lalaki. Gwapo naman si Alfred, sa totoo lang. Tagapagmana rin ito ng mga negosyo nila at tinitingala rin ang pamilya nila sa bansa. Pero ngayon, ibang iba ang itsura nito sa usual na postura nito. Marungis ito at maputla dahil nawalan ito ng dugo. Hindi rin tuwid ang paglalakad dahil sa injury sa paa pero kahit papaano, gwapo pa rin naman ito. Ibang iba sa istilo ni Leo na laging malamig ang aura pero hindi naman ito napang iiwanan."'Wag mong sabihing... nag aalala ka talaga para sa akin? Bakit mo ako sinundan?" mapagbirong tanong ni Hyacinth sa lalaki.Hindi kasi talaga naniniwala si Hyacinth na ginagawa ito ni Alfred para sa ibang bagay. Bakit naman kasi kailangan pa nitong sumunod?Napasimangot agad si Alfred doon. Arogante pa niyang tiningnan si Hyacinth. "'Wag masyadong mataas ang tingin mo sa sarili mo. Ako? Mag aalala sa iyo? Nananaginip ka ba ng gising?"Natawa ng bahagya si Hyacinth. "Biro lang. Alam ko naman na wala ka tal
"SAYANG! WALA man lang masyadong info about sa kaniya! Ano namang ibig sabihin niyang 'H' na iyan?" reklamo ni Alfred at nailing na lang."Malay ko..." walang ganang sagot lang ni Leo."Ifollow mo na lang, dude!"Nagkibit balikat lang si Leo sa sinabi ni Alfred pero kalaunan ay sinunod din naman ni
HINDI MAIWASANG magulat ni Alfred sa sinabi ni Jasmine. Kasi ang totoo niyan, isa sa mga rason kung bakit inaadmire nila si Jasmine ay dahil hindi lang siya basta mukha o pisikal na anyo lang. Matalino rin ito. At sa lahat ng mga babaeng napalapit kay Leo, ito ang pinakanababagay talaga sa kaniya.
NAPASIMANGOT si Hyacinth sa narinig. "Anong pinagsasabi mo? Pinaglalaruan kita?" tanong niya, halatang hindi makapaniwala.Umigting ang panga ni Leo. "Sino ba kasing may nagsabi sa'yo na magsuot ka ng ganito?""Ganito? Wala namang problema sa suot ko, Leo," sagot ni Hyacinth .Bumaba ang tingin ni
"BUMALIK KA DITO ngayon din, Hyacinth !"Natawa lang ng mapakla si Hyacinth nang marinig ang nanggagalaiting boses ni Leo. "Hinding hindi na ako babalik sa iyo, Leo--""Shut it! Wala akong pakialam sa sasabihin mo! Bumalik ka na lang dito!""Hindi, Leo. Sa tingin mo, magkakandarapa akong babalik s







