Share

CHAPTER 05: Dropped

Penulis: YULIANNE
last update Tanggal publikasi: 2026-03-22 08:40:28

NAPASIMANGOT si Hyacinth sa narinig. "Anong pinagsasabi mo? Pinaglalaruan kita?" tanong niya, halatang hindi makapaniwala.

Umigting ang panga ni Leo. "Sino ba kasing may nagsabi sa'yo na magsuot ka ng ganito?"

"Ganito? Wala namang problema sa suot ko, Leo," sagot ni Hyacinth .

Bumaba ang tingin ni Leo sa skirt niya. "Wala? Litaw na litaw ang hita mo! Gustong gusto mo talagang pinagpyepyestahan ng tingin iyon, 'no?"

Napaismid si Hyacinth . Ang skirt niya, mismong si Annika ang pumili. Kanina, nagkaroon siya ng confidence sa mga papuri ni Annika. Sabi pa nito, maganda ang legs niya at biniro pa siya na dapat ipakita para malaman ng lahat kung sino ang may pinakamagandang legs sa buong syudad. Kaya nakakainis at nakakasama ng loob na ganito ang sinasabi ni Leo ngayon. Hindi niya maiwasang mainis dito lalo.

Pero hindi rin nagpapatalo si Hyacinth . Tinaasan niya ang kilay kay Leo. "Bakit ka sobra namang apektado? Kanina ka pa ba nakatingin sa legs ko, 'no?"

Nanigas si Leo, habang si Hyacinth , kabaliktaran, mukhang relax at talagang tinukso siya. Pinataas niya ng bahagya ang hita, at pinadaan ang mata ni Leo mula paa hanggang hita. Kitang kita niya ang paglunok ni Leo, halatang nagpipigil.

Hindi na niya alam kung saan niya hinugot ang lakas ng loob. Para siyang sinaniban bigla ng ibang katauhan kaya ang tapang tapang niya pagdating kay Leo bigla.

"Anong ginagawa mo?" mariing tanong ni Leo.

Ngumisi si Hyacinth , mapaglaro. "Hmm... anong ginagawa ko? Wala naman... sagutin mo na lang ang tanong ko. Kaninong hita ang mas gusto mo? Sa akin ba, o kay… Jasmine?"

Mas lumalim ang titig ni Leo kay Hyacinth . Ayaw man niyang aminin, parang iba na ang anyo at aura ni Hyacinth ngayon. Ibang iba na sa babaeng nakilala niya noon.

"Nagawa na ba ni Jasmine na ibalot ang mga hita niya sa bewang mo, hmm?" mapanuksong tanong ni Hyacinth .

Bumigat ang paghinga ni Leo at unti unti siyang lumapit kay Hyacinth . "Kailan ka ba lumakas ng loob ng ganito, huh? At 'yung kanina... Masyado ka na bang hayok sa lalaki na talagang naghire pa kayo ng ilang lalaki?" balik niya, umiwas sa tanong ni Hyacinth .

"Anong gusto mong gawin ko? Tumunganga na lang? Hayok na kung hayok sa paningin mo, pero hindi mo kayang ibigay ang pangangailangan ko, kaya… sa iba ko na lang hahanapin. Mag divorce na lang tayo, Leo. Kung hindi ko mahanap sa iba, edi subukan ko na lang sa iba para masaya. Mas maraming options..." nakangising wika ni Hyacinth .

Bahagyang pinisil ni Leo ang baba ni Hyacinth . "Talagang sinusubukan mo ako, huh? Talagang gusto mong malaman kung anong kaya kong iparamdam sa'yo?"

Nanigas si Hyacinth nang mas inilapit pa ni Leo ang mukha sa kanya. Halos magkalapat na ang kanilang mga labi nang muling bumulong si Leo. "'Wag mo na pangarapin pa, Hyacinth . Alam mo namang ang babaeng mahal ko ay si Jasmine lang."

Alam naman ni Hyacinth iyon, pero masakit pa rin talaga na marinig iyon nang direkta mula kay Leo.

Hindi nagtagal, may narinig silang malamyos na boses na tumawag.

"Leo…"

Napatingin si Hyacinth sa pinanggalingan ng boses at nakita si Jasmine. As usual, kahanga hanga pa rin ang ganda nito. Eleganteng elegante ang itsura at postura, malinaw na inaalagaan nito ang sarili, marahil dahil na rin sa mga training nito sa ballet.

Mabilis na humiwalay si Leo kay Hyacinth at naglakad papalapit kay Jasmine. Malambing ang tingin na ibinato ni Leo kay Jasmine. Isang tingin na hindi kailanman nakita ni Hyacinth mula sa lalaki. Hindi niya tuloy maiwasang mapangiti ng mapakla.

"Nandito ka na pala," marahang wika ni Leo.

Tumango si Jasmine bago binalingan si Hyacinth . “Sino siya?” tanong nito.

Hindi nito namukhaan si Hyacinth , pero kabaliktaran kay Hyacinth . Kilalang kilala niya si Jasmine. Half sisters nga sila, kaya kahit anong gawin ni Jasmine, alam ni Hyacinth ang bawat galaw at kilos nito.

Masaklap ang lahat nang dumating sina Jasmine at ang ama niya sa buhay nila. Masaya noon si Hyacinth , pero nang mamatay ang tunay niyang ama at dumating sina Ronaldo at ang anak nitong si Jasmine, nagbago ang lahat.

Halatang pinapaboran ng mommy ni Hyacinth si Jasmine. Natatandaan ni Hyacinth na kapag mas mataas ang score niya sa exam kaysa kay Jasmine, pinapagalitan siya ng mommy niya dahil hindi niya hinayaang mas mataas ang kapatid niya.

Noong nakalbo si Jasmine dahil sa chemotherapy, kinalbo rin si Hyacinth ng mommy niya para lang gumaan ang loob ni Jasmine.

Sa gabi naman, kapag natutulog ang mommy niya kasama sina Jasmine at Ronaldo sa iisang kwarto, umiiyak sa labas ng kwarto si Hyacinth .

Hindi pa natapos doon ang kwento. Nang iniwan siya ng mommy niya sa probinsya, umiyak si Hyacinth , umaasang babalikan siya ng ina. Pero umasa lang siya sa wala dahil hindi na bumalik ang mommy niya.

Napabalik sa realidad si Hyacinth nang biglang dumating si Alfred. "Uy, Jasmine! Hindi mo rin ba siya nakilala? Kapatid mo iyan! Si Hyacinth !"

Namilog ang mga mata ni Jasmine. "H-Hyacinth ?" ulit nito, at mas lumapit pa kay Hyacinth . Pinagmasdan niya ito mula ulo hanggang paa. "Hindi ko lang inexpect na... same kami ng style. Ginaya niya pala 'yung akin..." dagdag ni Jasmine at ngumiti pa talaga na parang anghel.

Walang sinabi si Hyacinth . Ngumiti na lang siya sa kapatid at hindi nagpaapekto, kahit nagpatuloy pa si Jasmine sa kanyang mga salita.

"May nabalitaan ako..." ani Hyacinth . "Nalaman kong magdidivorce na kayo ni Leo. Tapos ngayon, naghire ka naman ng mga male stripper bigla. Imbes na iyan ang atupagin mo, dapat maghanap ka na lang ng disenteng trabaho." Bumaling si Jasmine muli kay Leo. "Inalagaan ka naman ni Hyacinth ng ilang taon, 'di ba, Leo?

"Hmm? Ah... yes."

"Mabuti. Baka pwede mo siyang tulungang maghanap man lang ng trabaho, Leo..."

Sumabat bigla si Alfred. "Well, mahihirapan tayo diyan. Sa mga trabaho ngayon, ang hinahanap nila ay mga nakapagtapos at talagang may degree. Ano ba ang natapos mo, Hyacinth ?"

Napahalakhak si Jasmine, tila nang iinsulto pero ang labas no'n ay tila anghel lang siyang natawa. Halatang nagpapanggap lang.

"Paano siya makakahanap ng trabaho, eh nag dropped out pa nga siya sa school nung sixteen palang?" dagdag nito.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 224: Sleepy

    "AT TSAKA... BAKIT HINDI ka agad nakaalis sa yate na iyon? Siguro... may ginawa ka kay Hyacinth, 'no?!" dagdag na pang aakusa pa ni Jasmine.Mabilis siyang nakapag isip ng kwento agad para mabaliktad si Alfred. Planado na niya lahat para magmukhang ang lalaki ang may kasalanan.Agad na umiling si Alfred. "Hindi ko magagawa iyon, Jasmine..." marahan pa ring wika niya sa babae."Oo na. Pero kailangan nating magkampihan, okay? 'Wag mong hahayaan na pumagitna sa atin iyang si Hyacinth."Samantala, si Hyacinth naman ay busy sa pag aayos ng mga gamit niya para makabalik na sila sa Manila. Nang okay na ang lahat, lumabas na siya at hindi sinasadyang magkabanggaan sila ni Jasmine.Halatang hinintay siya ni Jasmine. Hindi naman na nagtakha doon si Hyacinth at magtutuloy tuloy na sana sa paglalakad nang marinig niya ang babae."Hya, mabuti na lang at nakabalik kang safe. Sobrang nag alala ako sa iyo!" sabi ni Jasmine, halata namang peke.Ngumisi si Hyacinth. "Itigil mo na iyang arte mo na iyan,

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 223: Suspicious

    TULUYAN NG PUMASOK SI LEO. Madami na ngang pagkain ang nakahanda para sa kaniya sa hapag. Patuloy lang ang pananalita ni Soledad. Naikwento na rin niyo na mayaman nga si Leo at nagmamay ari ng malaking kompaniya kaya naman nangislap na rin ang mga mata ng ama nito.Nakaupo ang ama nila sa pinakakabisera ng hapag kainan at sa kanan nito ay si Manuel na tila nahihilo. Ang nakakapagtakha kay Manuel sa mga oras na iyon ay tila wala itong matandaan sa nangyari kagabi at masakit din ang katawan nito. Napahilot tuloy siya sa batok. "Pa, parang nabugbog ako ng sobra kagabi... pero alam mo iyon... parang maganda pa rin naman ang pakiramdam ko kasi parang nakasaksi ako ng magandang dilag...""Magandang dilag ka pang nalalaman diyan, ah?" mapanuksong saad ng ama nito. "'Wag kang mag alala. Hahanapan kita ng magandang dilag para mapangasawa mo. At itong mayaman na lalaking ito ngayon..." Sumulyap ito kay Leo. "Sisiguraduhin ko na mapupunta kay Soledad...""Papa naman! Nandito si Leo, ah!" paalala

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 222: Meet

    "'W-WAG..." BULONG NG pagproprotesta ni Hyacinth habang kunot ang kaniyang noo.Unti unting nagmulat ang kaniyang mga mata at ilang saglit na nag adjust iyon. Agad niyang nabungaran ang mukha ni Leo. Nagtakha pa siya pagkakita sa lalaki. Kasi... bakit siya nandito?Parang nablangko bigla ang isip ni Hyacinth dahil sa gulat sa presenya ni Leo. Ang mga mata ng lalaki ay seryoso at tila may kakaibang apoy doon ngayon na tila nagniningas. Ngayong nakikita na ni Leo na gising na gising na si Hyacinth at may bahid ng pagtatakha sa mukha nito, hindi niya maiwasang kabahan.Umuklo ulit si Leo at tinangkang hinalikan si Hyacinth. Ang kaso, bumaling na sa gilid ng babae upang umiwas. "A-Ano ba, Leo?! Anong ginagawa mo dito? Lumayo ka nga!" agad niyang asik sa lalaki."Paano ako lalayo at titigil kung... ganito ka?" malalim at maaligasgas ang boses na sagot nito.Kumunot ang noo ni Hyacinth. Magulo pa ang isip niya sa mga nangyari dahil sa lagnat. Natatandaan niyang trapped sila ni Alfred sa lug

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 221: Warmth

    HANGGANG SA NAPANSIN ni Leo ang tila pasa sa may bandang leeg ng babae. Agad nandilim ang kaniyang ekspresyon."Sino ang may gawa nito sa kaniya?" nakaigting ang pangang tanong ni Leo."Ang Manuel na iyon!" bulalas ni Alfred. "Mabuti na lang at nandito ka na! Halos hindi na kami makasurvive dito. Kapag hindi mo pa kami agad natagpuan baka wala ka ng aabutang buhay dito ngayon."Hinaplos ni Leo ang pisngi ni Hyacinth. Parang may kung anong paninikip sa dibdib niya ngayon habang nakatanaw sa babae. May pakiramdam siya sa loob niya na gustong protektahan na lang ito. Binuhat niya ito kalaunan sa kaniyang bisig at idinikit sa kaniyang dibdib.Binalingan ni Leo si Alfred. "Magpahinga ka muna. Aayusin natin lahat bukas," bilin niya sa kaibigan.Alam ni Leo na parehas na pagod pa rin sina Alfred at Hyacinth. Kaya kung ano man ang plano nilang umalis ngayon ay hindi epektibo. Kailangan nilang maghintay hanggang umaga.Sumang ayon naman si Alfred. Nandito na sa wakas si Leo kaya naman pakiramd

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 220: Shiver

    "MALAKAS DIN ANG PAKIRAMDAM ko. Nandiyan nga sila..." saad ni Leo habang pasimpleng iginagala ang tingin sa paligid, nagmamatyag."Pero bakit po kayo tumalikod agad? Suko na po kayo?""Hindi mo ba napansin ang pakikitungo nila sa 'tin?" tanong ni Leo sa mababang boses. "May mga nagmamasid din sa paligid. Mas marami sila kaysa sa atin. Teritoryo rin nila dito. Kung susubok tayo at ipipilit ang gusto, alam mo na kung anong mangyayari."Isa pang dahilan kung bakit tumalikod si Leo ay kung hawak nga ng mga taong ito sina Hyacinth at Alfred, baka gawan nila ang mga ito ng masama. Hostage nila ang dalawa ngayon. Hindi pwedeng irisk iyon ni Leo."Tumawag na po ako ng back up, Sir," saad ni Mila kalaunan.Tumango si Leo. "Good. Pero ngayon, kailangan nating makapasok sa teritoryo nila nang hindi gumagawa ng ingay."Bago pa man makasagot si Mila, may dumating biglang babae na sumalubong sa kanila."Sino kayo?" tanong ng babae.Iyon ay si Soledad Segundo, ang nakababatang kapatid nila Manuel at

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 219: Village

    MABIGAT NA NAPABUNTONG hininga si Alfred. Kinuha niya ang kumot at ipinalibot sa katawan. Maganda naman ang naging tulong ni Hyacinth. Ang kaso nga lang, habang tumatagal, talagang nilalamig na siya. Napayakap na rin siya sa sariling katawan. Namumutla na ang kaniyang labi at nanginginig sa lamig."A-Ang... lamig..." bulong pa ni Hyacinth sa gitna ng kaniyang tulog.Hindi maiwasang lumapit tuloy ni Alfred at bumulong. "Ano iyon, Hyacinth? May sinasabi ka ba?" tanong niya dahil hindi niya gaanong maintindihan ang sinabi nito kanina."M-Malamig..." sagot naman ng babae.Idinampi ni Alfred ang palad niya sa noo ni Hyacinth at tumaas pa talaga ang temperatura nito. Talagang mainit na ang balat ng babae."A-Ang l-lamig..." tila nagdedeliryong sambit muli ng babae.Hinila ni Alfred ang kumot ng babae para maibsan ang panginginig nito. Ang kaso tila wala namang naging epekto iyon. Hindi iyon napigilan ang panginginig ni Hyacinth sa lamig.Pero may isa pang natitirang option si Alfred. Iyon

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 06: Initial

    HINDI MAIWASANG magulat ni Alfred sa sinabi ni Jasmine. Kasi ang totoo niyan, isa sa mga rason kung bakit inaadmire nila si Jasmine ay dahil hindi lang siya basta mukha o pisikal na anyo lang. Matalino rin ito. At sa lahat ng mga babaeng napalapit kay Leo, ito ang pinakanababagay talaga sa kaniya.

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 04: Pull

    MATAPOS ANG maghapong pagshoshopping nila Hyacinth at Annika, dumiretso na sila sa Nocturne Bar. Talagang plinano na lahat ni Annika.Ang hindi inexpect ni Hyacinth pagkarating sa bar ay ang makita si Leo kasama ang ilang mga kaibigan nito. "Nandito pala ang soon-to-exhusband mo at mga alipores

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 03: Dyosa

    "BUMALIK KA DITO ngayon din, Hyacinth !"Natawa lang ng mapakla si Hyacinth nang marinig ang nanggagalaiting boses ni Leo. "Hinding hindi na ako babalik sa iyo, Leo--""Shut it! Wala akong pakialam sa sasabihin mo! Bumalik ka na lang dito!""Hindi, Leo. Sa tingin mo, magkakandarapa akong babalik s

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 02: Divorce

    "H-HAPPY BIRTHDAY, Leo. 'Yan ang gift ko sa iyo. Nagustuhan mo ba?" Tumingin si Hyacinth kay Leo ng deretso. Samantalang si Leo naman ay tila hindi man lang naapektuhan dahil nakuha pa nitong ngumisi na tila ba malaking katatawanan ang sinabi ni Hyacinth ."Ano? Dahil ba hindi ako nagcelebrate ng

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status