LOGIN"SAYANG! WALA man lang masyadong info about sa kaniya! Ano namang ibig sabihin niyang 'H' na iyan?" reklamo ni Alfred at nailing na lang.
"Malay ko..." walang ganang sagot lang ni Leo. "Ifollow mo na lang, dude!" Nagkibit balikat lang si Leo sa sinabi ni Alfred pero kalaunan ay sinunod din naman niya ang sinabi nito. Hindi naman big deal sa kaniya iyon. "Kapag inaccept ka niya, ipakilala mo siya agad sa 'kin kapag chicks iyan, ah? Alam mo naman na ang tipo ko, dude..." malokong saad pa ni Alfred. Tumikhim si Jasmine kalaunan para kunin ang atensyon ng dalawang lalaking kasama. Ang totoo niyan ay medyo naiinis na siya. Bakit naman kasi masyadong pinagtutuonan nila ng pansin ang account ng kung sino mang nasa likod ng initial na 'H' na iyan? Mabuti na lang at dumating ang sasakyan na susundo sa kanila. Lulan no'n ang driver at ang Secretary ni Leo na si Mila Serneche. Lumabas si Mila sa kotse nang tumigil ito sa harapan nila Leo. "Nandito na ang sasakyan. Tara na, Leo..." aya agad ni Jasmine. "Oh, may sundo na pala kayo! Bye, dude! Bye, Jasmine!" Kumaway pa talaga si Alfred nang makapasok na sina Leo at Jasmine sa loob ng kotse. Sa backseat sila at sa harap si Mila at ang driver. "Saan po tayo, Sir Leo?" tanong ni Mila nang nasa biyahe na sila. "Sa company na lang," sagot ni Leo. Habang umaandar ang sasakyan, hindi maiwasang mapatingin ni Jasmine kay Leo. Kahit side view lang nito, talagang ang gwapo nito. "Leo..." tawag niya dito. "Hmm?" "Tungkol kanina... 'yung kay... Hyacinth..." tila nahihirapang sambit ni Jasmine. "Bakit? Anong meron sa kaniya?" tanong pa ni Leo. "Ngayong nagbago ang itsura niya, may... naramdaman ka ba?" Kumunot ang noo ni Leo. "Anong nararamdaman?" "Alam mo ang ibig kong sabihin, Leo. Nagkaroon ka ba ng kaunting interest sa kaniya gayong binago na niya ang sarili niya?" deretsahang tanong pa ni Jasmine. Tamad na binalingan ni Leo si Jasmine. "Saan ito patungo, Jasmine? Anong interest ang sinasabi mo diyan?" tanong niya rito. "Leo, nakikita ko naman kasi--" "Tigilan mo na iyan. At... kung may interest ako sa kaniya, ano naman? Asawa ko pa rin naman siya. At dahil iyon sa iyo kasi ipinagtulakan mo siya sa 'kin, 'di ba?" balik pa na saad ni Leo na siyang ikinatigil ni Jasmine. Tatlong taon na ang nakaraan, nacomatosed si Leo. Umalis si Jasmine dahil doon at nagpuntanh abroad. Hinayaan niya si Hyacinth na pakasalan si Leo. "L-Leo, hindi ko siya pinagtulakan. Si Hyacinth ang mapilit na gusto kang pakasalan! Wala akong naging choice!" rason pa ni Jasmine. Bumuntong hininga si Leo. "Bakit pakiramdam ko, parang hindi kapani paniwala iyang sinasabi mo?" Nagbago ang ekspresyon ni Jasmine, tila mas nalungkot ito. "Leo, bakit nahihirapan kang paniwalaan ako? Kung ganiyan lang din, mas mabuti pang putulin na lang natin kung anong meron tayo. Hindi mo na yata ako kailangan pa sa buhay mo..." saad nito at binalingan ang driver. "Pakitigil po sa tabi ang sasakyan. Baba na po ako--" "Hindi! Walang bababa!" pigil agad ni Leo lalo pa nang akmang lalayo na si Jasmine. Nahila ni Leo si Jasmine at napabagsak ito sa dibdib niya. Mabilis ang tibok no'n, halatang kabado. Lihim namang napangiti si Jasmine dahil doon. Ang dali dali pa rin para sa kaniyang kunin ang loob ni Leo. Isang paawa niya lang... "Alam na alam mo talaga kung paano ako kunin. Palibhasa, alam mong hindi kita matitiis..." wika ni Leo. Napangiti si Jasmine doon at tinitigan si Leo. "Alam kong hindi mo ako kayang pakawalan, Leo. Hinding hindi mo ako iiwan..." siguradong saad pa nito. Si Leo Cantavieja ang pangarap na lalaki ni Jasmine. Sino namang hindi, eh mayaman at makapangyarihan ito. Ang kaso nga lang, dahil sa isang aksidente, naging rason iyon para macoma ito at ibinalita ng doktor na imposible na itong gumising. Bakit naman sasayangin ni Jasmine ang panahon para hintayin si Leo gayong wala namang kasiguraduhan na makakasurvive pa ito? Kaya umalis siya. Ang hindi lang inaasahan ni Jasmine ay ang pagpasok ni Hyacinth sa buhay ni Leo. At sinong mag aakala na talagang magigising pa si Leo? Milagro na siguro ang nangyari. Pero kahit ano pa man iyon, wala na ring pakialam si Jasmine. Basta ang mahalaga ngayon, nakabalik na siya. Alam niya sa sariling mahal siya ni Leo at hindi siya nito pakakawalan. Namungay bigla ang tingin ni Leo sa kaniya. "Kung... hindi nangyari ang mga nangyari noon... ganito kaya tayo ngayon?" biglang tanong nito. Napalunok si Jasmine. "Hindi ko sigurado..." saad niya. "Pero, Leo... may tanong ako." "Ano iyon?" "May... nangyari na ba sa inyo kay Hyacinth habang hindi pa ako nakabalik?" lakas loob niyang tanong. Kumunot ang noo ni Leo. "Ano sa tingin mo?" nakaigting ang pangang tanong din nito. Bahagyang napangiti si Jasmine. Kasi alam naman niyang wala talaga. Hindi magagawa iyon ni Leo. Loyal ito sa kaniya kaya hindi niya maiwasang matuwa. "Jasmine, alam mong hindi mangyayari iyan..." wika pa ni Leo. "Kasi alam mong ikaw lang..." Nag init ang pisngi ni Jasmine dahil doon. Sinong mag aakala na ang malamig at may untouchable aura na si Leo Cantavieja ay hibang sa kaniya? "Alam ko naman iyan. Binibiro lang kita," wika ni Jasmine. "Hindi ako natutuwa." Humagikhik si Jasmine. Hindi na siya nakatiis pa at talagang siya na ang nagfirst move at gumalaw upang pumaibabaw kay Leo. Ang magkabilang paa ay nasa magkabilang hita ni Leo. "Jasmine," tila warning iyon na tawag ni Leo sa pangalan niya. "Gusto mo bang gawin natin ang bagay na iyon, Leo?" mapang akit na tanong pa ni Jasmine at patudyong gumalaw sa hita ni Leo pataas upang maramdaman ang pagkalalaki nito. Si Mila na nakakarinig sa nangyayari sa backseat ay nagdesisyon nang ibaba ang partition sa pagitan upang hindi madisturbo ang dalawa. Kilala na niya ang boss niya. Baka may mangyaring kababalaghan at masaksihan pa niya. "Ano, Leo? Hmm..." tanong ni Jasmine at napakagat ng ibabang labi at halatang sabik na sabik na kay Leo. Ang dress nito ay tumaas na at nakaexposed na ang makinis at maputi nitong legs. "Gusto mo ba 'to, Leo? Ibibigay ko sa iyo..." Isang oo lang ni Leo, gagawin na talaga nila ang nasimulan ni Jasmine. Pero ewan ba ni Leo pero parang... wala siyang gana. Ang isip niya ay naglakbay sa bar kanina kung saan nakita niya ang makurba at makinis din na hita ni Hyacinth na matagal na panahong nakatago sa pangmanang na damit nito lagi. Hindi alam ni Leo kung bakit si Hyacinth bigla ang nasa isip niya. Marahan niya tuloy naitulak si Jasmine papalayo sa kaniya. "Hindi pa tuluyang naprocessed ang divorce namin ni Hyacinth..." saad na lang niya. Kumunot ang noo ni Jasmine. "So? Ano ngayon?" "Wala akong planong makipagkabit, okay?" mariing sagot ni Leo. Tuluyan nang nawala ang init na nararamdaman ni Jasmine sa katawan. Mabilis siyang umalis sa hita ni Leo at medyo napahiya siya doon. Mas nangibabaw nga lang ang disappointment niya kay Leo. "Kailan kayo magdidivorce ni Hyacinth kung gano'n?" natanong na lang niya. Nagkibit balikat si Leo. "Malapit na..." sagot nito.TULUYAN NG PUMASOK SI LEO. Madami na ngang pagkain ang nakahanda para sa kaniya sa hapag. Patuloy lang ang pananalita ni Soledad. Naikwento na rin niyo na mayaman nga si Leo at nagmamay ari ng malaking kompaniya kaya naman nangislap na rin ang mga mata ng ama nito.Nakaupo ang ama nila sa pinakakabisera ng hapag kainan at sa kanan nito ay si Manuel na tila nahihilo. Ang nakakapagtakha kay Manuel sa mga oras na iyon ay tila wala itong matandaan sa nangyari kagabi at masakit din ang katawan nito. Napahilot tuloy siya sa batok. "Pa, parang nabugbog ako ng sobra kagabi... pero alam mo iyon... parang maganda pa rin naman ang pakiramdam ko kasi parang nakasaksi ako ng magandang dilag...""Magandang dilag ka pang nalalaman diyan, ah?" mapanuksong saad ng ama nito. "'Wag kang mag alala. Hahanapan kita ng magandang dilag para mapangasawa mo. At itong mayaman na lalaking ito ngayon..." Sumulyap ito kay Leo. "Sisiguraduhin ko na mapupunta kay Soledad...""Papa naman! Nandito si Leo, ah!" paalala
"'W-WAG..." BULONG NG pagproprotesta ni Hyacinth habang kunot ang kaniyang noo.Unti unting nagmulat ang kaniyang mga mata at ilang saglit na nag adjust iyon. Agad niyang nabungaran ang mukha ni Leo. Nagtakha pa siya pagkakita sa lalaki. Kasi... bakit siya nandito?Parang nablangko bigla ang isip ni Hyacinth dahil sa gulat sa presenya ni Leo. Ang mga mata ng lalaki ay seryoso at tila may kakaibang apoy doon ngayon na tila nagniningas. Ngayong nakikita na ni Leo na gising na gising na si Hyacinth at may bahid ng pagtatakha sa mukha nito, hindi niya maiwasang kabahan.Umuklo ulit si Leo at tinangkang hinalikan si Hyacinth. Ang kaso, bumaling na sa gilid ng babae upang umiwas. "A-Ano ba, Leo?! Anong ginagawa mo dito? Lumayo ka nga!" agad niyang asik sa lalaki."Paano ako lalayo at titigil kung... ganito ka?" malalim at maaligasgas ang boses na sagot nito.Kumunot ang noo ni Hyacinth. Magulo pa ang isip niya sa mga nangyari dahil sa lagnat. Natatandaan niyang trapped sila ni Alfred sa lug
HANGGANG SA NAPANSIN ni Leo ang tila pasa sa may bandang leeg ng babae. Agad nandilim ang kaniyang ekspresyon."Sino ang may gawa nito sa kaniya?" nakaigting ang pangang tanong ni Leo."Ang Manuel na iyon!" bulalas ni Alfred. "Mabuti na lang at nandito ka na! Halos hindi na kami makasurvive dito. Kapag hindi mo pa kami agad natagpuan baka wala ka ng aabutang buhay dito ngayon."Hinaplos ni Leo ang pisngi ni Hyacinth. Parang may kung anong paninikip sa dibdib niya ngayon habang nakatanaw sa babae. May pakiramdam siya sa loob niya na gustong protektahan na lang ito. Binuhat niya ito kalaunan sa kaniyang bisig at idinikit sa kaniyang dibdib.Binalingan ni Leo si Alfred. "Magpahinga ka muna. Aayusin natin lahat bukas," bilin niya sa kaibigan.Alam ni Leo na parehas na pagod pa rin sina Alfred at Hyacinth. Kaya kung ano man ang plano nilang umalis ngayon ay hindi epektibo. Kailangan nilang maghintay hanggang umaga.Sumang ayon naman si Alfred. Nandito na sa wakas si Leo kaya naman pakiramd
"MALAKAS DIN ANG PAKIRAMDAM ko. Nandiyan nga sila..." saad ni Leo habang pasimpleng iginagala ang tingin sa paligid, nagmamatyag."Pero bakit po kayo tumalikod agad? Suko na po kayo?""Hindi mo ba napansin ang pakikitungo nila sa 'tin?" tanong ni Leo sa mababang boses. "May mga nagmamasid din sa paligid. Mas marami sila kaysa sa atin. Teritoryo rin nila dito. Kung susubok tayo at ipipilit ang gusto, alam mo na kung anong mangyayari."Isa pang dahilan kung bakit tumalikod si Leo ay kung hawak nga ng mga taong ito sina Hyacinth at Alfred, baka gawan nila ang mga ito ng masama. Hostage nila ang dalawa ngayon. Hindi pwedeng irisk iyon ni Leo."Tumawag na po ako ng back up, Sir," saad ni Mila kalaunan.Tumango si Leo. "Good. Pero ngayon, kailangan nating makapasok sa teritoryo nila nang hindi gumagawa ng ingay."Bago pa man makasagot si Mila, may dumating biglang babae na sumalubong sa kanila."Sino kayo?" tanong ng babae.Iyon ay si Soledad Segundo, ang nakababatang kapatid nila Manuel at
MABIGAT NA NAPABUNTONG hininga si Alfred. Kinuha niya ang kumot at ipinalibot sa katawan. Maganda naman ang naging tulong ni Hyacinth. Ang kaso nga lang, habang tumatagal, talagang nilalamig na siya. Napayakap na rin siya sa sariling katawan. Namumutla na ang kaniyang labi at nanginginig sa lamig."A-Ang... lamig..." bulong pa ni Hyacinth sa gitna ng kaniyang tulog.Hindi maiwasang lumapit tuloy ni Alfred at bumulong. "Ano iyon, Hyacinth? May sinasabi ka ba?" tanong niya dahil hindi niya gaanong maintindihan ang sinabi nito kanina."M-Malamig..." sagot naman ng babae.Idinampi ni Alfred ang palad niya sa noo ni Hyacinth at tumaas pa talaga ang temperatura nito. Talagang mainit na ang balat ng babae."A-Ang l-lamig..." tila nagdedeliryong sambit muli ng babae.Hinila ni Alfred ang kumot ng babae para maibsan ang panginginig nito. Ang kaso tila wala namang naging epekto iyon. Hindi iyon napigilan ang panginginig ni Hyacinth sa lamig.Pero may isa pang natitirang option si Alfred. Iyon
BINIGYAN NI HYACINTH ng isang kyuryusong tingin ang lalaki. Gwapo naman si Alfred, sa totoo lang. Tagapagmana rin ito ng mga negosyo nila at tinitingala rin ang pamilya nila sa bansa. Pero ngayon, ibang iba ang itsura nito sa usual na postura nito. Marungis ito at maputla dahil nawalan ito ng dugo. Hindi rin tuwid ang paglalakad dahil sa injury sa paa pero kahit papaano, gwapo pa rin naman ito. Ibang iba sa istilo ni Leo na laging malamig ang aura pero hindi naman ito napang iiwanan."'Wag mong sabihing... nag aalala ka talaga para sa akin? Bakit mo ako sinundan?" mapagbirong tanong ni Hyacinth sa lalaki.Hindi kasi talaga naniniwala si Hyacinth na ginagawa ito ni Alfred para sa ibang bagay. Bakit naman kasi kailangan pa nitong sumunod?Napasimangot agad si Alfred doon. Arogante pa niyang tiningnan si Hyacinth. "'Wag masyadong mataas ang tingin mo sa sarili mo. Ako? Mag aalala sa iyo? Nananaginip ka ba ng gising?"Natawa ng bahagya si Hyacinth. "Biro lang. Alam ko naman na wala ka tal
HINDI MAIWASANG magulat ni Alfred sa sinabi ni Jasmine. Kasi ang totoo niyan, isa sa mga rason kung bakit inaadmire nila si Jasmine ay dahil hindi lang siya basta mukha o pisikal na anyo lang. Matalino rin ito. At sa lahat ng mga babaeng napalapit kay Leo, ito ang pinakanababagay talaga sa kaniya.
"BUMALIK KA DITO ngayon din, Hyacinth !"Natawa lang ng mapakla si Hyacinth nang marinig ang nanggagalaiting boses ni Leo. "Hinding hindi na ako babalik sa iyo, Leo--""Shut it! Wala akong pakialam sa sasabihin mo! Bumalik ka na lang dito!""Hindi, Leo. Sa tingin mo, magkakandarapa akong babalik s
"H-HAPPY BIRTHDAY, Leo. 'Yan ang gift ko sa iyo. Nagustuhan mo ba?" Tumingin si Hyacinth kay Leo ng deretso. Samantalang si Leo naman ay tila hindi man lang naapektuhan dahil nakuha pa nitong ngumisi na tila ba malaking katatawanan ang sinabi ni Hyacinth ."Ano? Dahil ba hindi ako nagcelebrate ng
WALA NG MAS sasakit pa sa katotohanang malaman na ang asawa mo ay may kabit. Mapapatanong ka sa sarili mo kung ano ba ang kulang mo? Ano ba ang meron sa iba na wala ka?Nanginginig si Hyacinth habang pinagmamasdan ang mensahe mula sa kabit ng kaniyang asawa. May picture na kalakip iyon na tila nan







