LOGIN"BUMALIK KA DITO ngayon din, Hyacinth !"
Natawa lang ng mapakla si Hyacinth nang marinig ang nanggagalaiting boses ni Leo. "Hinding hindi na ako babalik sa iyo, Leo--" "Shut it! Wala akong pakialam sa sasabihin mo! Bumalik ka na lang dito!" "Hindi, Leo. Sa tingin mo, magkakandarapa akong babalik sa iyo dahil lang sa sinabi mo? Magdidivorce na tayo. Wala nang taong kayang magtiyaga pa sa 'yo." Umigting ang panga ni Leo. "That's bullsh*t! Palitan mo itong nilagay mong rason ng divorce natin at baka bigyan pa kita ng chance!" "Bakit? Wala akong nakikitang mali do'n, Leo." "Meron! How dare you?! Bakit ganito ang ginawa mong grounds?!" "Nagtakha ka pa, huh? Ilang buwan ka ng nagising mula sa pagkakacoma pero ni hindi mo man lang hinawakan kahit kamay ko. Mahaba ang naging tulog mo. Tatlong taon din iyon. Okay ka naman na ngayon pero paano kung naapektuhan ang ilang bahagi ng katawan mo at hindi na makapagfunction ng maayos ngayon? Ang wish ko na lang talaga sa iyo ay maibalik ang 'kakayahan' mo bilang lalaki," litanya ni Hyacinth . Hindi nakasagot si Leo. Ngunit abot-langit ang inis niya kay Hyacinth ! Lumitaw ang ugat sa kanyang noo sa sobrang galit. Hindi siya makapaniwala sa mga sinasabi nito. "Hyacinth , kung hindi ka titigil, makikita mo talaga kung anong kaya kong gawin!" banta ni Leo. "Pasensya na, pero hindi kita pagbibigyan diyan," tugon ni Hyacinth . "Hyacinth !" sigaw ni Leo. Bigla namang pinatay ni Hyacinth ang tawag. Nakatitig si Leo sa kanyang telepono, hindi makapaniwala. Galit na galit siya, halos sumabog sa inis. Kabaligtaran naman si Hyacinth . Relax lang siya kasama ang kaibigan niyang si Annika De Guzman sa apartment nito. Hindi maiwasang mapangiti si Annika nang marinig ang kwento tungkol kay Hyacinth at Leo, at nagbigay pa siya ng thumbs up bilang tanda ng suporta at approval. "In fairness! Ang savage mo do'n, friend! Mababaliw na siguro sa inis si Leo ngayon!" Nakangiti si Hyacinth , ngunit may bahagyang mapanlinlang na ngiti sa kanyang labi. Napag isip isip niya na noon ay sobra niyang minahal si Leo. Ngunit sabi nga nila, bago ka magmahal ng iba, dapat mahalin mo muna ang sarili mo... at iyon ang nakalimutan ni Hyacinth noon. Biglang nailing iling si Annika. "Three years ago, umalis bigla 'yung kapatid mong impakta nang malaman niyang na coma si Leo. Tapos ngayon, gising na siya, siya pa rin ang hinahanap ng lalaking iyon?! Hays! Buti na lang at binitiwan mo na iyon! Magsama sila ng kapatid mong akala mo santa santita!" "Ikaw talaga... Pero alam mo, Annika... may narealized lang ako." "Hmm? Ano pa ang narealized mo bukod sa dapat mo nang hiwalayan si Leo?" Umirap si Hyacinth . "Tss. Seryoso kasi!" "Joke lang! So, ano nga?" "Wala... narealized ko lang, ang laki pala ng pagkakaiba ng minahal sa hindi minahal. Kapag minahal ka, wala kang kakatakutan. Pero kapag hindi ka minahal... ang dami mong takot. Ang saklap nga talaga ng mundo..." "Hala siya! Nag emote bigla si ateng! Pero korek ka diyan! 'Wag mo na lang masyadong damdamin ang mga kaganapan sa buhay mo ngayon. Mawawalan ka ng asawa pero madami pang iba diyan! Magcelebrate kaya tayo?" "Huh? Kailangan ba iyon?" "Oo naman! Magbar tayo at maghire ng mga male strippers!" Napahagalpak ng tawa si Hyacinth pagkakarinig niyan. Ngunit nagulat siya sa sumunod na ginawa ni Annika. Bigla nitong kinuha ang eyeglasses ni Hyacinth at itinapon sa malapit na basurahan! "Anong ginawa mo sa salamin ko!?" sigaw ni Hyacinth , akmang kukunin iyon, pero pinigilan siya ni Annika. "No no! Hindi mo na kailangan iyan! Nagmumukha ka lang laging seryosong manang na researcher diyan. Oras na para magglow up ka! Tingnan mo si Jasmine?" Nailing si Annika. "Dapat mag ayos ka rin kahit kaunti, Hyacinth !" Natahimik si Hyacinth . Bigla niyang naalala ang laging paalala ng kanilang mga magulang ni Jasmine kung gaano sila nagkakaiba. Si Jasmine… parang swan, habang si Hyacinth naman ay tinawag nilang ugly duckling. Siguro ganoon din ang iniisip ni Leo noon tungkol sa kanya. Kaya grabe na lang ang disgusto nito pagdating kay Hyacinth . Hinila siya ni Annika patungo sa pintuan. "Tara na, magshopping na lang tayo! Magpapa-full makeover ka mula buhok, kuko, damit! Pag nakita ka ni Leo ulit, siguradong malalaglag ang panga niya! Makikita niya ang sinayang niya!" "Kailangan ba talaga no'n?" "Of course! Kapag divorced na kayo, mas marerealized siya lalo na maling sinaktan ka niya. At teka nga, speaking of divorce, wala ka bang idedemand na pera man lang sa kaniya? Pambawi man lang sa mga sakit na idinulot niya sa iyo!" Umiling si Hyacinth . "Hindi ko kailangan ang pera niya. Mayroon ako no'n." Suminghap si Annika. "Ano?! So, hahayaan mo na lang na lahat ng pera niya, mapupunta lang kay Jasmine?! Baka mag thank you pa iyon sa iyo, huh?!" Hindi na lang sinagot ni Hyacinth si Annika. Pero nagpatuloy lang ang huli sa litanya nito. "Pero hindi ba may ibinigay siya sa iyong black card? Hmm..." tanong pa ni Annika. "Parang may naisip ako bigla..." Binigyan ni Leo si Hyacinth noon ng black card nito pero kailanman naman ay hindi niya nagamit iyon. Nagkatinginan sila bigla at tila nagets na nila kung ano ang gustong iparating ng isa't isa. Nag apir sila kalaunan. "Sige na nga. Magshopping na tayo. Pero syempre, sagot ni Leo," nakangising sagot ni Hyacinth at tumingin sa black card. SAMANTALA, sumisigaw ng karangyaan at kapangyarihan ang Nocturne Bar, puno ng mga mayayamang customer. Sa VVIP area, nakaupo si Leo kasama ang ilang kakilala. Kahit simpleng shirt at pants lang ang suot niya, ang dating at kagwapuhan niya ay hindi maikakaila. Pasimpleng sumusulyap sa kaniya ang mga babae sa lugar. "Ano? Gustong makipag divorce ni Hyacinth ? Joke ba iyan?" tanong ni Alfred Benitez, kaibigan ni Leo, na halatang hindi makapaniwala at bahagyang natatawa. Nailing ang ibang nakarinig at hindi maiwasang magkomento. "Ano iyon? Baliw na baliw siya sa’yo noon kahit nasa coma stage ka pa. Tapos ngayon, gusto niyang makipagkalas bigla?" sabi ng isa. "Kaya nga! Mga babae nga naman... paiba iba ng isip!" "Hay naku... alam niyo, what if magpustahan na lang tayo para maentertained naman tayo?" suhestyon ni Nick habang nakangisi. "Sigurado, hindi makakatagal iyang si Hyacinth ng isang araw nang hindi natetext itong si Leo. Baliw iyon dito, eh!" Nagtawanan ang lahat, pero hindi nakangiti si Leo. Binuksan niya ang phone at dumiretso sa chatbox. Ang huling mensahe ni Hyacinth sa kanya ay medyo matagal na, kaya't napabalik siya sa oras na iyon. May naka attach na larawan ng mangkok na may sabaw, at nakalakip ang mensahe ni Hyacinth : [Honey, dapat humigop ka ng sabaw pagkauwi mo. Mabuti ito para sa mga buto mo. Uwi ka ng maaga, ah?] Napascroll pa si Leo. Sa dinami dami ng mga mensahe ni Hyacinth sa kanya, ni isa rito ay wala siyang nasagot. Araw araw noon ay nagtetext si Hyacinth sa kanya, at ngayon lang siya hindi nagpadala ng mensahe. Hindi maiwasan ni Leo ang mairita. Nawala ang kanyang pansin nang mag beep ang phone niya, senyales na may bagong mensahe. "See? Sabi ko na eh! Nagtext na siya!" natatawang sambit ni Nick. Sinundan ito ng ilang notifications na napansin ng lahat, kaya't nagtawanan sila. "Baka nagmamakaawa na iyon ngayon at gusto nang bawiin ang divorce!" biro ng isa. Hindi pinansin ni Leo ang mga tao sa paligid. Nanigas siya sa pwesto nang mabasa ang bagong mensahe. Hindi na napigilan ni Nick ang makiusyuso at nakibasa rin. [Dear valued customer, this is to inform you that your card ending in 0975 was charged 12,000 pesos at David's Salon today.] Katahimikan. Nagpatuloy lang sa pag-scroll si Leo at namilog ang mga mata niya. Hindi lang sa salon nacharge ang card niya. Pati sa mga mamahaling bags tulad ng Gucci, Hermes, at Prada! Lahat branded! Tuluyang nainis si Leo. Alam na niya kung sino ang may gawa nito! Ni wala man lang siyang natanggap na sorry o kahit kaunting pagmamakaawa. At ngayon, winawaldas ni Hyacinth ang pera niya sa pamimili! Nahampas na lang ni Leo ang phone sa mesa, habang nandidilim ang ekspresyon. Hindi lang pera ang ikinaiinis niya, kundi ang katotohanang nagawa ni Hyacinth agad mag shopping matapos nitong ialok ang divorce. Hindi makapaniwala si Leo. Para bang biglang lumitaw ang pangil ng babaeng noon ay tila takot at palaging ilag sa kanya. "Ano 'tong pinaggagagawa niya? Parang ganito rin si Jasmine dati, ah? Natatandaan niyo ba? Ngayon, ganito rin ang ginagawa ni Hyacinth " nakasimangot na tanong ni Nick. "Oh, please! 'Wag mo namang banggitin si Jasmine dito! Eh, ang layo layo ng agwat nilang dalawa! Ugly duckling iyang Hyacinth na iyan at si Jasmine? Siya ang swan!" sagot ng isang kasama nila na nasegundahan ng tawanan. Pero natigilan sila nang may babaeng pumasok sa bar na natanaw nila sa pwesto. Nagsinghapan silang lahat. "Woah! Sino iyang dyosa na iyan?!"SAKTONG LUMABAS DIN si Leo kaya nagkasalubong silang dalawa ni Hyacinth sa hallway.Para kay Hyacinth, hindi na sila gaanong close pa ni Leo para makipag usap pa siya dito. Estranghero na ito sa kaniya at ang gusto na lang niyang gawin ay maglakad ng normal papalayo nang hindi man lang ito binibigyang pansin. Kaya naman iyon ang ginawa niya at tumalikod na.Pero may ibang plano si Leo at humarang talaga sa daraanan niya. "Wala ka bang gustong sabihin sa akin, Hyacinth?" tanong nito."At ano naman iyon?" tanong pabalik ni Hyacinth."Saan mo kinuha ang pambili sa mamahalin mong kotse at iyang unit na tinitirhan mo ngayon, huh? Kaninong pera iyang winawaldas mo?" matalim na tanong ni Leo."Leo, hangga't sa wala naman akong ginagastos ni kahit piso sa pera mo, wala ka na do'n. At wala akong dapat na ipaliwanag sa iyo tungkol sa mga perang ginagamit ko," taas noong sagot ni Hyacinth.Sinubukan niyang lagpasan ulit si Leo pero talagang tila bato ang lalaki at hinarangan lang ulit siya.Isan
ISANG SIMPLENG PROBINSYANA lang naman si Hyacinth. Kaya hindi makapaniwala si Jasmine... paanong naafford nito ang apartment sa Westwood at pagkamahal mahal din na kotse. Anong karapatan nitong mang angkin ng mga iyon?Hindi rin iyon maatim talaga ni Shaina. "Alam mo, Leo, sa totoo lang, okay lang naman na binigyan mo siya ng pera para sa divorce settlement niyo, eh! Pero ang mali, iyong sumobra talaga! Anong palagay ng Hyacinth na iyan? Na parang nakaajackpot pa siyang nakipagdivorce sa iyo?!"Inilabas ni Leo ang kaniyang phone at binuksan ang app kung saan konektado ang kaniyang mga bank accounts. Chineck niya ang mga transaction history no'n at sa gulat niya, ni piso, walang lumabas na notif na nabawasan ang pera niya doon.Natulog lang talaga si Hyacinth sa dorm sa loob ng dalawang araw. Wala talaga siyang ginalaw sa pera ni Leo. Pero ito siya ngayon, ngdadrive ng bagong Roll's Royce at magmomove in na sa bagong luxury apartment nito. Hindi na rin talaga maiwasang magtakha ni Le
BAHAGYANG NATAWA NA LANG SI LEO. Tingnan mo nga naman si Hyacinth kanina. Talagang sinadya pa nitong lumapit sa kaniya at kinausap siya kahit na may naghihintay naman na sa kaniyang luxury car para lang mainis si Jasmine lalo sa kaniya.Talaga namang tumatapang lalo si Hyacinth sa mga araw na dumadaan.Hindi pa man sumasagot si Leo, talaga namang pumasok na sina Jasmine, Shaina at Carla papasok sa loob ng kotse. Si Jasmine ang mabilis na nagtungo talaga sa passenger seat. Sa likod naman sina Shaina at Carla. Ilang saglit lang, pinaandar na papalayo ni Leo ang kaniyang kotse. Binaybay niya ang main road.Sa ilang segundong lumilipas, hindi mapigilang mafrustrate ni Jasmine lalo sa loob loob niya. Hindi niya talaga lubos maisip ang katotohanang pagkakaroon ng luxury car ni Hyacinth. Rolls Royce pa talaga na kagaya ng model kay Leo! Anong karapatan ng babae ng magdrive ng ganoong kamahal na kotse?!Kaya naman, hindi na rin naiwasan pa ni Jasmine na magtanong. "Leo... manghiram ba sa iyo
NAISIP NI HYACINTH NA SIGURO, oras na rin nga para magkaroon siya ng sariling bahay niya talaga pero naisip niya si Cassie sa dorm. Gusto niyang makabonding pa rin naman ito kahit papaano kung kailan niya gusto.Tinanggap ni Hyacinth ang kasulatan tungkol sa titulo ng bahay. Pero bigla namang may ibinato sa kaniyang susi kalaunan si Rico."Tapos ito naman para may masakyan ka," saad ng lalaki.Susi iyon ng isang sasakyan. Na para bang wala lang halaga ang mga ibinigay ni Rico sa kaniya. Na para bang laruang bahay at kotse lang ang ibinigay sa kaniya ng lalaki.Ngumiti si Hyacinth at tinanggap din naman ang susi ng kotse. "Thanks.""Ngayong divorced ka na kay Leo, kailan mo ba balak bumalik sa amin?" kyuryusong tanong ni Rico bigla. Iyon naman kasi talaga ang rason kung bakit siya pumunta ng syudad. Para maliwanagan sa magiging sagot ni Hyacinth.Medyo naghesitate pa si Hyacinth bago sumagot. "May mga kailangan pa akong dapat na asikasuhin dito. Babalik naman ako kapag ayos na lahat."
NAPACHECK SAGLIT SI HYACINTH sa kaniyang phone. Nakita niyang may mensahe sa kaniya si Rico.Kuya Rico: ['Hya, nakabalik ka na ba?']Agad niyang nireply'an iyon.Hyacinth: ['Opo. Nakabalik na ako.']Kuya Rico: ['Sige. Magmeet up tayo, okay lang?']Hyacinth: ['Oo, Kuya. Ayos lang. Kita na lang tayo sa Golden Roots. Ang tagal ko na ring hindi nakapunta doon, eh.']Kuya Rico: ['Kaya nga. Ikaw pa naman ang mismong founder tapos hindi ka pumapasok. Haha!']MADAMI NA ANG TAO sa Golden Roots. Syempre, puro mga empleyado at mga tao ring nag iinquire tungkol sa pinakamalaking pharmaceutical company sa bansa. Nakapasok si Leo doon dahil ginamit nito ang VIP access. Kailangan niya kasing kumuha ng gamot ni Jasmine.Simula nang makabalik sila sa Manila, tila hindi na maganda ang naging pakiramdam ni Jasmine. Lagi rin itong nakadikit lagi kay Leo kaya walang choice ang lalaki dahil baka ikasama pa iyon lalo ng pakiramdam nito. Minsan sumasama na rin sina Shaina at Carla.Si Shaina ang kumuha ng p
"AT TSAKA... BAKIT HINDI ka agad nakaalis sa yate na iyon? Siguro... may ginawa ka kay Hyacinth, 'no?!" dagdag na pang aakusa pa ni Jasmine.Mabilis siyang nakapag isip ng kwento agad para mabaliktad si Alfred. Planado na niya lahat para magmukhang ang lalaki ang may kasalanan.Agad na umiling si Alfred. "Hindi ko magagawa iyon, Jasmine..." marahan pa ring wika niya sa babae."Oo na. Pero kailangan nating magkampihan, okay? 'Wag mong hahayaan na pumagitna sa atin iyang si Hyacinth."Samantala, si Hyacinth naman ay busy sa pag aayos ng mga gamit niya para makabalik na sila sa Manila. Nang okay na ang lahat, lumabas na siya at hindi sinasadyang magkabanggaan sila ni Jasmine.Halatang hinintay siya ni Jasmine. Hindi naman na nagtakha doon si Hyacinth at magtutuloy tuloy na sana sa paglalakad nang marinig niya ang babae."Hya, mabuti na lang at nakabalik kang safe. Sobrang nag alala ako sa iyo!" sabi ni Jasmine, halata namang peke.Ngumisi si Hyacinth. "Itigil mo na iyang arte mo na iyan,
"SAYANG! WALA man lang masyadong info about sa kaniya! Ano namang ibig sabihin niyang 'H' na iyan?" reklamo ni Alfred at nailing na lang."Malay ko..." walang ganang sagot lang ni Leo."Ifollow mo na lang, dude!"Nagkibit balikat lang si Leo sa sinabi ni Alfred pero kalaunan ay sinunod din naman ni
HINDI MAIWASANG magulat ni Alfred sa sinabi ni Jasmine. Kasi ang totoo niyan, isa sa mga rason kung bakit inaadmire nila si Jasmine ay dahil hindi lang siya basta mukha o pisikal na anyo lang. Matalino rin ito. At sa lahat ng mga babaeng napalapit kay Leo, ito ang pinakanababagay talaga sa kaniya.
NAPASIMANGOT si Hyacinth sa narinig. "Anong pinagsasabi mo? Pinaglalaruan kita?" tanong niya, halatang hindi makapaniwala.Umigting ang panga ni Leo. "Sino ba kasing may nagsabi sa'yo na magsuot ka ng ganito?""Ganito? Wala namang problema sa suot ko, Leo," sagot ni Hyacinth .Bumaba ang tingin ni
MATAPOS ANG maghapong pagshoshopping nila Hyacinth at Annika, dumiretso na sila sa Nocturne Bar. Talagang plinano na lahat ni Annika.Ang hindi inexpect ni Hyacinth pagkarating sa bar ay ang makita si Leo kasama ang ilang mga kaibigan nito. "Nandito pala ang soon-to-exhusband mo at mga alipores







