INICIAR SESIÓNHINDI MAIWASANG magulat ni Alfred sa sinabi ni Jasmine.
Kasi ang totoo niyan, isa sa mga rason kung bakit inaadmire nila si Jasmine ay dahil hindi lang siya basta mukha o pisikal na anyo lang. Matalino rin ito. At sa lahat ng mga babaeng napalapit kay Leo, ito ang pinakanababagay talaga sa kaniya. Walang pwedeng pagkumparahan sa talino at kagandahan ni Jasmine. Perfect match talaga sila Jasmine at Leo. Nawalan tuloy ng pagkamangha si Alfred kay Hyacinth. Oo, ang ganda niya. Pero anong silbi ng ganda mo kung wala ka namang pinag aralan? Hindi tuloy maiwasan ni Alfred na insultuhin ito. "Talagang nagdropped ka noong sixteen ka lang, Hyacinth?" tanong pa ni Alfred at may mapang uyam pang ngiti sa labi nito. Hindi naman naapektuhan si Hyacinth doon. Sa katunayan ay kalmado ito kahit na halatang ipinapahiya na siya ni Jasmine. Nakuha pa niyang ngumiti. "Oo. Nagdropped nga ako noon," sagot ni Hyacinth. Natawa si Alfred. "Ah, gano'n ba? Parehas pala kayo ng kapatid ko. Tumigil ito ng pag aaral pero alam mo... hindi siya sumuko. Matalino iyon, eh. Nakakuha pa rin siya ng dalawang master's degree kalaunan. Sa isang sikat pa na school!" saad nito. Tumango tango si Hyacinth. "Ah, ganoon ba..." "Yeah. Tapos ikaw..." Sinadyang hindi tapusin ni Alfred ang sasabihin. Pero halata sa boses nito ang pang iinsulto at napailing pa. Si Leo na nakarinig sa mga pang iinsultong iyon ay wala man lang ginawa. Nanatiling tahimik kahit na alam naman niya kung bakit hindi nakapag aral si Hyacinth noon. Dahil sa loob ng tatlong taon, inalagaan lang siya ni Hyacinth noon. Hindi siya nito iniwan. Sa kaniya umiikot ang mundo ni Hyacinth kaya hindi na nakakapagtakha na hindi ito nakapagtapos. Napakuyom ng kamao si Leo dahil doon. Nang napabaling siya sa direksyon ni Hyacinth, bahagya siyang nagulat dahil kalmado lang din ito. Mukhang hindi pa nga ito nahihiya at nagawa pang ngumiti. "Ang galing naman pala ng kapatid mo..." saad lang ni Hyacinth. Sa hindi malamang dahilan, may tila karayom na tumusok sa puso ni Leo dahil sa pagiging kalmado ni Hyacinth. Nang napatingin siya sa mga mata ng babae, natigilan siya lalo. Ang... ganda ng mga mata ni Hyacinth dahil halatang nagkabuhay iyon. "Hyacinth!" Si Annika iyon na biglang dumating. Agad na napansin nito ang presensya ni Jasmine at sinamaan ito ng tingin. "Bakit nandito ka?! Ano na namang ginawa mo sa kaibigan ko?!" palaban agad na tanong ni Annika. Kalmado si Jasmine at talagang proud pang tiningnan si Annika. "Wala akong ginagawang masama sa kaniya," sagot nito. "Hindi ako naniniwala! Masama pa naman ugali mo!" "Totoo ang sinasabi ko. Tinutulungan pa nga namin siya, eh. " "At anong klaseng tanong naman iyan, aber?!" mataray pa ring tanong ni Annika. "Para makahanap siya ng disenteng trabaho. Tanungin mo pa siya," sagot ni Jasmine. Napabaling tuloy si Jasmine kay Hyacinth na tila nagtatanong gamit ang mga tingin nito kung totoo iyon. "Totoo ba iyan?" tanong ni Annika. Tumango si Jasmine. "Oo nga. Sa tingin mo sa educational background niya, may basta basta na lang maghahire sa kaniya? Hindi nga siya nakatapos, eh." Isang mapang insultong tawa ang kumawala kay Annika. "Madaling sabihin iyan para sa iyo dahil hindi mo alam kung ano ang kakayahan nitong kaibigan ko! Siya lang naman ang--" "Annika, umalis na tayo," ani Hyacinth bigla at hinawakan ang braso ni Annika. Senyales iyon na dapat ng itigil ni Annika ang dapat na sasabihin kaya bumuntong hininga na lang ito kahit napipilitan lang. "Kapag ikaw talaga may binabalak na naman, makakatikim ka na talaga sa 'kin!" banta pa ni Annika kay Jasmine bago tuluyang nahila ni Hyacinth papalayo doon. Napasimangot na lang si Alfred nang makaalis ang magkaibigan. "Tss! Paano niya nagagawang ngumiti na gano'n na para bang proud pa siya sa narating niya? Really? Nagdropped siya tapos parang wala man lang siyang hiya sa katawan niya?" Nginitian lang ni Jasmine si Alfred. "Hayaan mo na lang siya..." marahang wika nito. Nailing si Alfred at binalingan si Leo. "Kung ako sa iyo, dude, ididivorce ko na iyan. Hindi siya nababagay para sa iyo..." saad pa nito. Hindi sumagot si Leo. Nanatiling walang ekspresyon ang mukha nito. "Umalis na lang tayo," malamig na sabi lang ni Leo. Tumango si Jasmine. Sabay sabay silang umalis din doon. Pagkalabas nila sa Nocturne Bar, hindi inaasahan na may makasalubong silang pamilyar, lalo na si Leo. "Leo... Cantavieja?" Kumunot noong una ang noo ni Leo dahil inaalala pa niya kung saan niya unang nakita ang lalaking nasa harapan niya ngayon. Pero namilog ang mga mata niya nang mapagtanto kung sino ang nasa harapan niya ngayon. "Ikaw pala iyan, Prof. Tiamzon..." ani Leo at nangiti nang bahagya. Namilog ang mga mata ni Jasmine pagkarinig sa pangalan na iyon. Prof. Tiamzon... Ito lang naman ang professor na nilolook up niya sa CDVM o Colegio De Velaris Manila, isang paaralan na pangarap na pasukan ni Jasmine pero hindi siya naqualified kahit pa maganda ang grades niya. Si Leo ang nag aral doon noon dahil matalino nga rin naman ito. Magaang ngumiti ang propesor. "Napaka coincidence naman at nakita rin kita dito," wika nito. "Napadpad po kayo dito, Prof.? Ano pong sadya niyo?" tanong ni Leo. "Ah, wala naman. Galing akong seminar tapos, syempre... medyo nastress lang at magliwaliw lang saglit. Tapos alam mo ba, nakita ko rin ang isa sa paboritong estudyante noon! Dalawa kayong nakita ko ngayon! Nakakatuwa nga naman..." pagkuwento ni Prof. Tiamzon. "Sayang nga lang at hindi kayo nagkita kahit noon pa. Maganda sana kung nagsama kayo noon kahit saglit lang dahil alam kong marami kayong matututunan sa isa't isa. Sana makilala mo siya." Hindi maiwasang makyuryuso ni Leo. Kasi rare lang talaga ang moments na parang amazed na amazed ang dati niyang professor. Napagtanto niyang baka sobrang talino ng taong tinutukoy nito. Kasi doon mo talaga makukuha ang kiliti ni Prof. Tiamzon. "Talaga po?" "Oo! Pero sabagay... mas ahead ka nga lang ng ilang taon kaya malabo talagang magkita noon. Gusto mo ba siyang makilala?" "Huh? Ah... sige, po," sagot na lang ni Leo. "Naku, mabuti! Dahil kahit mas bata iyon sa iyo, paniguradong hindi ka mabuburyo doon dahil mataas ang IQ at may double degree na agad kahit sixteen palang siya noon!" excited pang ani Prof. Tiamzon. Hindi maiwasang mamangha ni Alfred na nakikinig lang. "Wow! Ang galing pala talaga niya! Eh, sinong mas magaling sa kanila ni Leo? Aba, may ibubuga naman po itong kaibigan ko!" malokong saad pa nito at inakbayan si Leo. Napahalakhak si Prof. Tiamzon. "Naku, hindi ko mapagkumpara, eh. Parehas lang naman silang matalino at magaling..." Napatango tango si Leo. At nang napatingin sa kaniya si Jasmine, napataas siya ng kilay. Kasi bakit sa ganitong kwento, nakuha na agad ang interest ni Leo? Sino ba kasi itong tinutukoy ni Prof. Tiamzon? "Alam mo, mas mabuting makilala mo siya. Ibigay ko sa iyo itong social media account niya..." saad pa ni Prof. Tiamzon. "Ah, sige po," sagot ni Leo. Ayaw naman niyang tanggihan ang propesor kahit sa utak niya ay parang hindi naman na kailangan iyon. Umalis din naman agad si Prof. Tiamzon. Nang sila na lang tatlo ulit ang naiwan, kinulit na siya ni Alfred agad tungkol sa social media account na ibinigay sa kaniya ni Prof. Tiamzon. "Dude, icheck mo na agad profile niyan! Malay mo, baka maganda! Baka matipuhan ko... paubaya mo na sa 'kin," malokong saad ni Alfred. Napailing si Leo sa kaibigan. Pero para hindi na siya kulitin ng kaibigan, inopen na nga niya ang profile ng social media account na ibinigay ni Prof. Tiamzon. Nang mavisit niya iyon, mas lumalim ang gitla sa noo niya. Walang info masyado doon at wala man lang pictures. Ang tanging info doon ay ang nag iisang letrang nakalagay sa pangalan ng taong may ari ng account. Ang initial ay tanging letter 'H'.NAPAPIKIT NA LANG NG MARIIN si Leo. Nang muli niyang imulat ang mga mata, parang nagdadalawang isip na siya. Pero bago pa man makapagsalita ulit si Jasmine, tinanggal na ni Leo ang pagkakakapit nito sa kaniyang braso na hinawakan nito kanina."Magpahinga ka na lang, Jasmine."Matapos no'n ay tuluyan na siyang umalis. Hindi na ito lumingon pa.SAMANTALA, BUMALIK SI HYACINTH sa ospital. Tinungo niya agad ang private room kung nasaan si Rui. Naabutan niyang may kung ano itong pinipindot sa phone na may kinalaman sa business."Kailangan kong makausap si Leo..." saad ni Rui at idinial na agad ang numero ni Leo.Ang kaso nga lang, walang sumasagot. Inulit na naman iyon ni Rui pero ganoon pa rin. Wala pa ring sumasagot. Hindi tuloy maiwasan ni Rui ang mapasimangot na lang."Nasaan ba kasi iyon? Ba't hindi sumasagot?" kunot noong tanong na lang niya.Tahimik lang noong una si Hyacinth. May prineprepare itong maligamgam na tubig. Hanggang sa hindi na niya natiis pang sagutin si Rui."Busy sig
HINDI PA TALAGA TULUYANG UMALIS si Hyacinth ng gabing iyon. Naglakad lakad lang siya at napunta sa swing sa ilalim ng puno. Natatandaan pa niya ang swing na iyon. Mismong Daddy niya ang nagkabit no'n noong bata palang siya.Kapag umuupo siya doon noon, mismong ang daddy niya ang magtutulak sa swing sa hangin."Lilipad na anak ko!" sigaw pa noong ng Daddy niya at natatawa na lang din sa masayang reaksyon ni Hyacinth.Pero isang alaala na lang talaga iyon. Isa sa mga memorya ni Hyacinth noong bata pa siya na hinding hindi niya makakalimutan.Ngunit natigilan si Hyacinth. Dahil wala na doon ang swing na ikinabit ng Daddy niya.Pinatagal na iyon matagal na ng kaniyang Lola Rebecca. Napatitig na lang doon ng matagal si Hyacinth. Pakiramdam niya, may tumusok sa puso niya at nabura ang isang bagay na nagpapaalala sa kaniya ng Daddy niya.Napakuyom na lang ng kamao si Hyacinth. Parang may puwang sa dibdib niya bigla... walang pinagkaiba sa lugar niya sa pamilya nila. Binura na siya ng tuluyan
NAGKAPALITAN NG MAKAHULUGANG tingin sina Jackie at Wilbert."Ginamit namin ang kompaniya natin as collateral for loan."Nagulat ang lahat doon. Kasi para na rin nilang sinabi na isinakripisyo nila ang buong kumpaniya nila! Kalmado pa rin doon si Seth pero nagsalita rin. "'Wag kayong mag alala. Hangga't ako ang nagmamanage, walang mangyayaring hindi maganda. 'Yung nainvest na pera ay madodoble o matitriple pa nga sa loob ng isang taon," pang aassure din niya. "Ibig sabihin lang no'n, mas yayaman pa si Shaina."Masyadong confident si Seth na talagang kuhang kuha niya ang buong pamilya. Paniwalang paniwala ang mga ito. Syempre naman, hindi na sila magdududa lalo pa at mismong legendary doctor na ang nagsalita. Hindi mo na kailangan pang pagdudahan ito.Naging interesado na rin sina Jasmine. Hindi na rin nito maiwasang mapatanong."Pwede rin ba akong mag invest?" tanong ni Jasmine."May sarili rin naman kaming company. Pwede rin naming gamitin iyon sa collateral for loan para mag invest,
PAKIRAMDAM NI LOLA Rebecca ay nasa pinakatuktok na siya ng mundo. Ang dalawa niyang paboritong apo ay tila nagdala ng malaking karangalan sa kanilang pamilya.Nagkatinginan sina Shaina at Jasmine. Ngumiti na lang sila sa isa't isa habang ang ibang myembro ng pamilya ay hindi na rin maitago ang tuwa.Samantala, si Hyacinth ay nanatili pa rin sa sulok. Wala naman kasi siyang pakialam sa mga nangyayari. Ang mga kasiyahan ng pamilya... ang celebration nila... wala na lang sa kaniya. Dahil ang tanging taong may pakialam lang din sa kaniya noon ay ang kaniyang ama. Pero wala naman na ito. At ang masaklap, tila nakalimutan na ng buong pamilya nila na minsan ng nag exist ito.Hanggang sa ilang saglit lang, naramdaman ni Hyacinth ang pares ng matang nakatingin sa kaniya. Natagpuan niya si Leo na halatang nakatitig, hindi kalayuan sa direksyon niya.Napatanong na lang si Hyacinth sa sarili. Bakit naman ganito makatitig si Leo? Anong tinitingin tingin nito ngayon?Si Jasmine naman kasi ang sinam
NATIGILAN SI HYACINTH. "Anong klaseng tanong iyan, Rui?" tanong na niya lang sa lalaki.Sa loob loob ni Rui, alam naman na niya ang sagot ni Hyacinth kahit na hindi nito direktang sagutin iyon. Halatang halata naman ito."Ang akin lang... kilala ko si Leo. Hindi niya basta basta sisirain ang kung anong meron siya kay Jasmine ngayon..." kalmadong saad niya.Napatingin na lang sa baba si Hyacinth. "Alam ko naman iyon."Ilang saglit lang, nagring bigla ang phone ni Hyacinth. Tumatawag pala si Shaina. Agad niya itong sinagot."Hello, Shaina?""Hyacinth! Bumalik ka sa family house ngayong gabi. May family dinner tayo," mabilis na sagot ni Shaina, halatang excited din. Tatanggi na sana si Hyacinth doon dahil baka gulo na naman ang mapala niya doon at kung anu ano na namang salita ang marinig niya. Pero nang dugtungan ulit iyon ni Shaina, nagbago ang isip ni Hyacinth."Dadalhin ko doon ang legendary doctor. Kailangan mong pumunta."Nanliit ang mata ni Hyacinth bago sumagot. "Sige. Pupunta a
NANG HUMIGA NA SI HYACINTH sa kaniyang kama, kinuha niya ang kaniyang phone at hinanap ang message icon. Binuksan niya ang pangalan ni Leo doon at nagtipa ng mensahe para rito. Nag contemplate pa si Hyacinth kung itutuloy niya o hindi pero itinuloy din niya sa huli.Hyacinth: ['Thank you.']Dalawang salita lang naman iyon pero parang sobrang apektado ni Hyacinth. Pero nagulat naman siya nang ilang segundo lang ay nagtext na rin agad si Leo sa kaniya.Leo: ['Bakit ka nagtethank you?']Tumaas ang kilay ni Hyacinth. Alam naman nito ang tinutukoy niya kaya naman hindi na siya nag abalang reply'an ito. Pinatay na lang niya ang phone at inilagay ang phone sa ilalim ng unan. Kalaunan ay ipinikit na niya ang mga mata at natulog na.SA SUMUNOD NA ARAW, NAGPUNTA si Mona sa Cantavieja Group of Companies. Hindi naman siya nahirapang hanapin agad ang building dahil located iyon sa pinakasentro ng syudad. Matayog ang building na hindi maiwasang malula ni Mona.Naglakad papasok si Mona at tumungo sa
NATAPOS DIN SA WAKAS ang presscon. Bumalik na si Leo sa kaniyang kotse at nag instruct agad sa kaniyang sekretarya. "May ipapagawa ako sa iyo. You make sure na walang lalabas na anong balita tungkol sa nangyari kanina. Ikalat mo iyon sa lahat ng media outlets na nandoon."Tumango si Mila. "Noted po
"HINDI PA TAYO TAPOS."Hindi pa daw tapos pero hinang hina na si Hyacinth. Parang mauubusan na siya ng lakas. Pero tama nga si Leo. Dahil ilang minuto lang, matapos nitong ubusin ang katas doon ni Hyacinth, umibabaw ulit ito at itinutok ang sandata doon."Tinanong kita kanina kung alam mo ba itong
DOON NA TULUYANG naputol ang pasensya ni Leo. Akmang susugurin na niya ang lalaki nang narinig niya bigla ang boses ni Hyacinth."Leo, balik ka na..."Tila doon tuluyang kumalma si Leo. Umigting lang ang panga niya at tinapunan ng huling tingin ang lalaki bago tuluyan nang pumasok muli sa kwarto ni
PARANG DOON palang nagsink in lahat kay Hyacinth nang naramdaman na niya ang init ng coat ni Leo. Talagang pinuntahan siya nito para iligtas.Si Romeo ay nasa lupa pa rin at duguan. Malakas ang pagkakatama niya kanina kaya naman talagang hinang hina na ito ngayon. Nang nakita niya si Leo, alam niya







