LOGINDALAWANG LALAKI. PAREHAS na makapangyarihan at mayaman. Nagtitigan silang dalawa at walang nagtangkang magsalita."Bukas na po ulit ang fitting room," saad bigla ng assistant ng store.Sabay na napatingin ang dalawang lalaki sa direksyon ni Hyacinth pagkalabas nito ng fitting room. Suot na nito ang dress ngayon.Maganda ang hubog ng dress sa balingkinitang katawan ni Hyacinth. May kaunting kinang ang dress na halatang handmade. Ang laylayan nito ay medyo mahaba pero sakto lang naman kay Hyacinth. Bumagay ito lalo sa babae dahil sakto ang simpleng style ng buhok niyang nakalugay. Mas nagmukha itong elegante lalo at sa bawat hakbang nito, kahit sino ay mapapatigil na lang.Ang mga tingin ni Leo ay nanatiling kay Hyacinth lang. Tahimik pa rin siya. Gusto niyang lapitan ang babae. Pero bago pa man niya magawa iyon, naunahan na siya ni Rico at tinakpan ang kaniyang magandang view."Ang ganda mo, Hya..." saad ni Rico, halata ang admirasyon sa tono ng boses nito.Umikot pa si Hyacinth, halat
PARE PAREHAS NA NAESTATWA na lang sina Jasmine, Shaina, Carla at Lola Rebecca nang makita ang lalaki na kararating lang. Hindi sila makapaniwala.Si Jasmine ang may pinakamalakas na pagsinghap. "R-Rico Melendez?!" bulalas pa nito.Lumapit si Rico sa gilid ni Hyacinth at ngumiti. "Sorry, masyado akong natagalan sa pagsagot ng tawag na iyon, Hya. And..." Bumaling ito sa mga babae sa harap nito. "May namiss ba ako? Mukhang sakto lang pala ang dating ko."Mapaglarong ngiti ang namuo sa labi ni Hyacinth. "Ah, wala ka namang namiss. Perfect timing ka nga, eh." Binalingan niya ulit ang apat na babae. "Ito pala ang boyfriend ko, since gusto niyo na siyang makilala." Kumindat si Hyacinth kay Rico na tila may gustong iparating.Agad na gets iyon ni Rico. Kaswal nitong idinantay ang braso sa balikat ni Hyacinth at inakbayan ito. "Sino itong mga kasama mo?""Ah... sina Lola Rebecca, Carla, Jasmine at Shaina pala..." pagpapakilala ni Hyacinth. Hanggang sa bumaling ito kay Leo.Malamig ang ekspresy
PUMASOK NA LANG SA LOOB si Hyacinth at mabilis na nilocked ang pintuan. Naiwan sa labas si Leo na may madilim na ekspresyon. Hindi talaga niya maatim ang katotohanang pinaglilihiman siya ni Hyacinth.Pagsapit ng hapon, nakimeet up nga si Hyacinth kay Rico sa mall. Nagkita sila sa isang department store. Nginitian siya ng malawak ng lalaki at sumenyas sa mga damit sa loob ng store."Sige na, Hya. Pumili ka na ng kung anong gusto mo diyan. Libre ko na..." saad pa ni Rico."Wow. Ang generous mo naman! Salamat ng marami!" tuwang tuwang sambit ni Hyacinth.Ganado tuloy si Hyacinth na natingin tingin sa mga damit. Hanggang sa ilang saglit lang, tumunog bigla ang phone ni Rico."Hya, labas lang ako saglit. Sagutin ko lang itong tawag," paalam ng lalaki. "Sige lang, no problem," sagot naman ni Hyacinth.Pinasadahan ng kamay ni Hyacinth ang isang magandang lacey dress. Hindi niya maiwasang mamangha sa damit na iyon. Nilapitan siya kalaunan ng isa sa mga staff ng store."Ma'am, maganda po ang
SAKTONG LUMABAS DIN si Leo kaya nagkasalubong silang dalawa ni Hyacinth sa hallway.Para kay Hyacinth, hindi na sila gaanong close pa ni Leo para makipag usap pa siya dito. Estranghero na ito sa kaniya at ang gusto na lang niyang gawin ay maglakad ng normal papalayo nang hindi man lang ito binibigyang pansin. Kaya naman iyon ang ginawa niya at tumalikod na.Pero may ibang plano si Leo at humarang talaga sa daraanan niya. "Wala ka bang gustong sabihin sa akin, Hyacinth?" tanong nito."At ano naman iyon?" tanong pabalik ni Hyacinth."Saan mo kinuha ang pambili sa mamahalin mong kotse at iyang unit na tinitirhan mo ngayon, huh? Kaninong pera iyang winawaldas mo?" matalim na tanong ni Leo."Leo, hangga't sa wala naman akong ginagastos ni kahit piso sa pera mo, wala ka na do'n. At wala akong dapat na ipaliwanag sa iyo tungkol sa mga perang ginagamit ko," taas noong sagot ni Hyacinth.Sinubukan niyang lagpasan ulit si Leo pero talagang tila bato ang lalaki at hinarangan lang ulit siya.Isan
ISANG SIMPLENG PROBINSYANA lang naman si Hyacinth. Kaya hindi makapaniwala si Jasmine... paanong naafford nito ang apartment sa Westwood at pagkamahal mahal din na kotse. Anong karapatan nitong mang angkin ng mga iyon?Hindi rin iyon maatim talaga ni Shaina. "Alam mo, Leo, sa totoo lang, okay lang naman na binigyan mo siya ng pera para sa divorce settlement niyo, eh! Pero ang mali, iyong sumobra talaga! Anong palagay ng Hyacinth na iyan? Na parang nakaajackpot pa siyang nakipagdivorce sa iyo?!"Inilabas ni Leo ang kaniyang phone at binuksan ang app kung saan konektado ang kaniyang mga bank accounts. Chineck niya ang mga transaction history no'n at sa gulat niya, ni piso, walang lumabas na notif na nabawasan ang pera niya doon.Natulog lang talaga si Hyacinth sa dorm sa loob ng dalawang araw. Wala talaga siyang ginalaw sa pera ni Leo. Pero ito siya ngayon, ngdadrive ng bagong Roll's Royce at magmomove in na sa bagong luxury apartment nito. Hindi na rin talaga maiwasang magtakha ni Le
BAHAGYANG NATAWA NA LANG SI LEO. Tingnan mo nga naman si Hyacinth kanina. Talagang sinadya pa nitong lumapit sa kaniya at kinausap siya kahit na may naghihintay naman na sa kaniyang luxury car para lang mainis si Jasmine lalo sa kaniya.Talaga namang tumatapang lalo si Hyacinth sa mga araw na dumadaan.Hindi pa man sumasagot si Leo, talaga namang pumasok na sina Jasmine, Shaina at Carla papasok sa loob ng kotse. Si Jasmine ang mabilis na nagtungo talaga sa passenger seat. Sa likod naman sina Shaina at Carla. Ilang saglit lang, pinaandar na papalayo ni Leo ang kaniyang kotse. Binaybay niya ang main road.Sa ilang segundong lumilipas, hindi mapigilang mafrustrate ni Jasmine lalo sa loob loob niya. Hindi niya talaga lubos maisip ang katotohanang pagkakaroon ng luxury car ni Hyacinth. Rolls Royce pa talaga na kagaya ng model kay Leo! Anong karapatan ng babae ng magdrive ng ganoong kamahal na kotse?!Kaya naman, hindi na rin naiwasan pa ni Jasmine na magtanong. "Leo... manghiram ba sa iyo
"SAYANG! WALA man lang masyadong info about sa kaniya! Ano namang ibig sabihin niyang 'H' na iyan?" reklamo ni Alfred at nailing na lang."Malay ko..." walang ganang sagot lang ni Leo."Ifollow mo na lang, dude!"Nagkibit balikat lang si Leo sa sinabi ni Alfred pero kalaunan ay sinunod din naman ni
HINDI MAIWASANG magulat ni Alfred sa sinabi ni Jasmine. Kasi ang totoo niyan, isa sa mga rason kung bakit inaadmire nila si Jasmine ay dahil hindi lang siya basta mukha o pisikal na anyo lang. Matalino rin ito. At sa lahat ng mga babaeng napalapit kay Leo, ito ang pinakanababagay talaga sa kaniya.
NAPASIMANGOT si Hyacinth sa narinig. "Anong pinagsasabi mo? Pinaglalaruan kita?" tanong niya, halatang hindi makapaniwala.Umigting ang panga ni Leo. "Sino ba kasing may nagsabi sa'yo na magsuot ka ng ganito?""Ganito? Wala namang problema sa suot ko, Leo," sagot ni Hyacinth .Bumaba ang tingin ni
MATAPOS ANG maghapong pagshoshopping nila Hyacinth at Annika, dumiretso na sila sa Nocturne Bar. Talagang plinano na lahat ni Annika.Ang hindi inexpect ni Hyacinth pagkarating sa bar ay ang makita si Leo kasama ang ilang mga kaibigan nito. "Nandito pala ang soon-to-exhusband mo at mga alipores







