LOGINMATANGKAD, ATHLETIC, SIKAT. Iyan lang naman ang mga salitang maglalarawan kay Charles. Magaling din ito sa pakikipaglaro ng basketball.Nakaiwas si Charles sa kalaban niyang nagbabantay sa kaniya habang dinidribble ang bola. At sa isang kisapmata, bigla na lang itong tumalon patungo sa basket at shinoot ang bola.Pasok.Ang mga babaeng nanunuod ay mas lalo lang naghiyawan para sa lalaki."Ahhh! Ang galing mo, Charles!""Anakan mo ako, Charles! Akin ka na lang!""Charles, nasa puke ko ang ring!"Sa gitna ng hiyawan, nagtime out saglit at kitang kita ng mga tao doon ang paglapit ni Lira kay Charles at inabutan ito ng bote ng tubig."Here. Inom ka muna," ani Lira."Thanks, Lira..." Kinuha ni Charles ang tubig at mabilis na ininuman iyon. Kasabay no'n ay ang pang aasar na ng mga estudyante sa paligid nila."Ayieeeeh!!""Uy, kayo na ba? Parang may nasesense kaming matamis na pag iibigan dito, ah?!""Ang daming babaeng nag offer kay Charles ng tubig, wala ni isa siyang pinansin! Pero iyong
HUMIKAB BIGLA SI CASSIE. "Inaantok na ako, Hya. Tulog na tayo..."Ngumiti si Hyacinth at tumango. "Okay."Hindi nagtagal, nakatulog na nga silang dalawa. Pero si Leo ay nanatiling gising pa rin. Hindi na siya makatulog matapos pakinggan ang usapan nila Cassie at Hyacinth.Hindi na niya maiwasan pang bumaling kay Hyacinth. Mahimbing na ang tulog nito. Ang magandang mukha ay bahagyang natatakpan ng kumot. Hanggang sa may naalala si Leo kanina.Aksidenteng naitama ni Hyacinth kanina ang hita sa isang bato. Ang tanging nakita lang kanina ni Cassie ay ang isang hita nito na maayos naman. Pero nang lumapit ng bahagya si Leo, napansin niya ang namumulang balat nito sa tumama kanina at namamaga.Naging seryoso bigla ang ekspresyon ni Leo. Hindi siya makapaniwala na itinago ni Hyacinth ang injury na iyon the whole time na magkakasama sila.Hanggang sa napaisip na lang si Leo tungkol sa friendship ni Hyacinth at Cassie. Sobrang close nila sa isa't isa. Ngayon naiintindihan na niya kung bakit. S
"CASSIE... MAY FEELINGS KA PA RIN ba hanggang ngayon kay Charles?" hindi maiwasang tanong ni Hyacinth matapos ng ilang segundo ng katahimikan.Unti unting umiling si Cassie. "Pagkatapos ng ginawa niya... wala na," sagot niya at mapait na lang na napahalakhak. "Akala ko noon na mabait siya at hinding hindi ako sasakyan. Pagpapanggap lang pala ang lahat."Malalim na napabuntong hininga na lang si Hyacinth. Kahit papaano ay nabawasan ang pag aalala niya sa kaibigan. Pero ang totoo niyan, wala siyang gaanong pakialam kay Lira. Ang mas ipinag aalala kasi ni Hyacinth ay baka masyadong napamahal si Cassie kay Charles. Ayaw niyang nasasaktan ito. Pero matapos ng narinig niya sa kaibigan, kahit papaano ay parang may malaking tipak ng bato ang nawala sa dibdib niya.Pero nakakalungkot lang kasi parang nawalan ng kislap ang mga mata ni Cassie. Ang kilalang Cassie ni Hyacinth ay masigla at matatag. Pero ngayon, halatang may nag iba dito.Marahang hinawakan ni Hyacinth ang kamay ng kaibigan. "Nata
"N-NASA AKIN NA ITONG birthmark na ito maliit palang ako. Alam kong naaawa rin minsan sa akin ang mommy at Daddy ko kasi ganito ang itsura ko eh," humihikbing saad ni Cassie. "Lalo na si Daddy... kayang kaya niyang tumulong sa ibang tao. Pero pagdating sa aking anak niya... alam kong sobrang guilty sa akin." Pinunasan ni Cassie ang tumulong luha niya. "Sinusubukan nila akong mahalin lahat. At mahal ko rin sila dahil doon. Pero ayaw kong ako ang maging rason ng kalungkutan nila kaya lagi ko pa ring sinusubukang ngumiti sa harapan nila..." Tumigil ito saglit. "Pero minsan... kapag tinitingnan ko ang sarili ko sa harap ng salamin, nalulungkot din ako, eh." Humigpit ang hawak ni Hyacinth sa kamay ni Cassie dahil doon. "Ang sabi ni Charles, maganda ako. Ako namang si tanga, naniwala..." Mas lumakas ang utak ni Cassie. "Nagsinungaling siya sa akin. Sinabi niyang... p-pangit ako." Tumingin ito ng deretso kay Hyacinth. "Sa tingin mo, Hya, may nagawa kaya akong mali? Mali ba talaga na g
SA ISANG MALAKAS na hila, humiwalay agad si Cassie sa kriminal. Halos matumba na si Cassie doon pero naibalanse niya ang sarili.Nanginig siya lalo, hindi lang dahil sa lamig ng ulan, kundi dahil din sa takot na nararamdaman niya. Unti unting naaninag ni Cassie ang taong nasa harapan niya ngayon. Matangkad ang bulto nito at basa na rin sa tubig ulan.Napaisip tuloy si Cassie... sino itong lalaking nasa harapan niya ngayon? Nakasuot ito ng itim na tshit at itim ding pants. Pero agad rumehistro sa kaniya kung sino ito ngayon.Si Cole Sarmiento.Isa rin sa pinakasikat na lalaki sa university kagaya ni Charles. Pero salungat ito ni Charles na laging nakangiti at maraming mga babaeng naghahabol sa kaniya. Si Cole Sarmiento ay tahimik lagi at mailap. Wala rin itong gaanong kinakausap. Walang babaeng nagkakamaling iapproach ito dahil naiintinidate sila rito. Pero hindi iyon nakapigil upang hindi ito pag usapan ng mga babae sa school.Hindi maiwasang magulat ni Cassie habang nakatitig ngayon
GULAT NA GULAT si Cassie. Hindi niya alam bakit ganito magsalita si Charles sa harapan niya ngayon. Pero masakit malaman na kaya lang naman siya nito pinansin dahil sa kasunduan ng pamilya nila. Na iyon din siguro ang dahilan kaya siya sinabihan ng maganda at pumayag sa engagement noon. Pero ang totoo, iba naman talaga ang nasa isip nito tungkol sa kaniya. Sa mga mata ni Charles, isa lang siyang babaeng pangit, wala ng iba. Hindi maiwasang mamutla ni Cassie sa nalaman niya. "Ayaw ko ng makitang masaktan pa ulit si Lira. Ikaw dapat ang mamatay! Pangit!" asik pa ni Charles, na para bang hindi pa sapat ang mga masasakit na salitang binitawan nito para saktan si Cassie. Matapos no'n ay tumalikod na si Charles at naglakad na papalayo. Halos matumba na si Cassie dahil sa panlalambot ng mga tuhod. Ang luha niya ay nagbabadyang tumulo mula sa kaniyang mga mata. Tinakpan niya ang labi upang pigilan ang hikbing gustong kumawala bago tuluyang nanakbo sa dorm. Malakas pa rin ang ulan sa laba
MAKALIPAS ANG isa't kalahating oras, nakabalik na rin si Leo sa family house nila.Lumalalim na lalo ang gabi. At mas patagal nang patagal ang pag uwi ni Hyacinth. Hindi na maiwasan pang mag overthink ni Leo.Hindi niya naabutan ang sasakyan ni Rui kanina. Hindi na niya alam kung saan ito lumiko o
AGAD NA NAKILALA ni Rui ang sumasayaw sa dance floor. Parang nahigit niya ang sariling hininga saglit.Samantala, si Jasmine naman ay bahagyang natigilan pagkakita kay Hyacinth sa dance floor. Naiinis siya sa sumasayaw na na si Hyacinth na para bang walang tao sa paligid nito kasama si Annika. Para
"SAYANG! WALA man lang masyadong info about sa kaniya! Ano namang ibig sabihin niyang 'H' na iyan?" reklamo ni Alfred at nailing na lang."Malay ko..." walang ganang sagot lang ni Leo."Ifollow mo na lang, dude!"Nagkibit balikat lang si Leo sa sinabi ni Alfred pero kalaunan ay sinunod din naman ni
HINDI MAIWASANG magulat ni Alfred sa sinabi ni Jasmine. Kasi ang totoo niyan, isa sa mga rason kung bakit inaadmire nila si Jasmine ay dahil hindi lang siya basta mukha o pisikal na anyo lang. Matalino rin ito. At sa lahat ng mga babaeng napalapit kay Leo, ito ang pinakanababagay talaga sa kaniya.







