MasukSA ISANG MALAKAS na hila, humiwalay agad si Cassie sa kriminal. Halos matumba na si Cassie doon pero naibalanse niya ang sarili.Nanginig siya lalo, hindi lang dahil sa lamig ng ulan, kundi dahil din sa takot na nararamdaman niya. Unti unting naaninag ni Cassie ang taong nasa harapan niya ngayon. Matangkad ang bulto nito at basa na rin sa tubig ulan.Napaisip tuloy si Cassie... sino itong lalaking nasa harapan niya ngayon? Nakasuot ito ng itim na tshit at itim ding pants. Pero agad rumehistro sa kaniya kung sino ito ngayon.Si Cole Sarmiento.Isa rin sa pinakasikat na lalaki sa university kagaya ni Charles. Pero salungat ito ni Charles na laging nakangiti at maraming mga babaeng naghahabol sa kaniya. Si Cole Sarmiento ay tahimik lagi at mailap. Wala rin itong gaanong kinakausap. Walang babaeng nagkakamaling iapproach ito dahil naiintinidate sila rito. Pero hindi iyon nakapigil upang hindi ito pag usapan ng mga babae sa school.Hindi maiwasang magulat ni Cassie habang nakatitig ngayon
GULAT NA GULAT si Cassie. Hindi niya alam bakit ganito magsalita si Charles sa harapan niya ngayon.Pero masakit malaman na kaya lang naman siya nito pinansin dahil sa kasunduan ng pamilya nila. Na iyon din siguro ang dahilan kaya siya sinabihan ng maganda at pumayag sa engagement noon. Pero ang totoo, iba naman talaga ang nasa isip nito tungkol sa kaniya.Sa mga mata ni Charles, isa lang siyang babaeng pangit, wala ng iba.Hindi maiwasang mamutla ni Cassie sa nalaman niya."Ayaw ko ng makitang masaktan pa ulit si Lira. Ikaw dapat ang mamatay! Pangit!" asik pa ni Charles, na para bang hindi pa sapat ang mga masasakit na salitang binitawan nito para saktan si Cassie.Matapos no'n ay tumalikod na si Charles at naglakad na papalayo. Halos matumba na si Cassie dahil sa panlalambot ng mga tuhod. Ang luha niya ay nagbabadyang tumulo mula sa kaniyang mga mata. Tinakpan niya ang labi upang pigilan ang hikbing gustong kumawala bago tuluyang nanakbo sa dorm.Malakas pa rin ang ulan sa labas. Ti
HINDI MAKAPANIWALA SI Cassie sa narinig. Bakit parang siya pa ang mali dito? Mapakla na lang siyang napatawa."Hindi mo nakalimutan. Nabusy ka lang kay Lira," malamig na saad ni Cassie. "Nagsinungaling ka."Bahagyang nakaramdam ng guilt si Charles, pero syempre, hindi niya aaminin. "Wala kaming ginagawang masama ni Lira," pagtatanggol pa nito sa sarili."Parang... cheating na rin ito, eh. Hindi man physical, pero emotional naman. Hindi lang nakikita ang pagtataksil sa nakikita ng mga mata. Nararamdaman din ito sa ibang sitwasyon," saad pa ni Cassie na siyang ikinatahimik na lang ni Charles.Marahang hinila bigla ni Lira ang sleeve ng damit ni Charles. "Kasalanan ko, Charles..." sambit nito. "Ako ang dahilan kung bakit kayo nag aaway ngayon."Mabilis bumaling si Charles kay Lira at umiling. "Wala kang kasalanan. Wala naman tayong magagawa kung pati ito, bibigyan niya ng ibang kahulugan, eh," sagot nito.Pasikretong tumingin si Lira kay Cassie at lihim na ngumisi dito. Nakita iyon ni Ca
ELEGANTENG TINGNAN si Lira sa suot na sailor style na puti at asul na top na pinaresan niya ng itim na skirt. Para siyang Korean sa suot niya ngayon lalo pa at may matamis itong ngiti sa labi."Charles... tinulungan mo ako kahapon at hindi nagdalawang isip na isakay ako sa kotse mo para hindi ako mabasa ng ulan..." ani Lira. "Kaya naman kahit papaano, gusto kong masuklian ang kabutihan mo. Kahit ito lang. Kaya kwits na tayo..."Mabait na ngumiti lang si Charles. "Wala ka bang pupuntahan, Charles?" tanong ni Lira kalaunan bago ilahad ang payong. "Ito. Kunin mo. Mauuna na ako sa iyo, ah."Tumalikod na si Lira para maglakad na palayo. Pero matapos ang ilang hakbang, napaigik na lang siya sa sakit."Ah!"Natapilok na lang siya bigla at hindi maiwasang maiyak na lang sa sakit."Anong nangyari?" nag aalalang tanong ni Charles at lumapit agad kay Lira.Nanunubig ang gilid ng mga mata ni Lira dahil sa sakit na nararamdaman sa paa. "N-Natapilok ako at... ang sakit!" sagot niya."Dadalhin kita
MAS LALONG NAINIS si Jasmine dahil basang basa na talaga ang damit niya sa ulan. Ilang saglit lang, dumating na ang sasakyan. Bumaba ang bintana sa may driver's seat. "Kayo po ba si Ms. Lira? Pinapasundo po kayo ng boss namin," sabi ng driver. "Boss?" naguguluhang tanong ni Jasmine. Hindi na lang sila nagtanong pa gaano dahil gusto na nilang sumilong. Pumasok sila Lira at Jasmine sa loob ng kotse. Nasa loob si Charles Fajardo, ang pinakasikat na lalaki sa university. Siya lang naman ang captain ng basketball team sa school. Kabilang din ito sa mayamang pamilya. Gwapo ito at athletic. Palakaibigan at marami talagang admirers sa campus. Pero hindi close sa kaniya si Lira. Kasi nga ang gusto talaga ng babae ay si Rui. Pero hindi naman dahil hindi niya gusto si Charles, ipapakita na niya iyon. Syempre, pinapangalagaan pa rin niya ang image sa harap ng mga lalaki. Matamis na ngumiti si Lira. "Salamat, Charles..." saad niya. "No problem," sagot din ng lalaki at ngumiti bago iabot ang
"MGA WALANG KAHIHIYAN!"Umalingawngaw ang boses ni Ysa sa loob ng kabahayan habang masama ang tingin kina Jasmine at Lira.Ilang saglit lang, nagsidatingan na ang mga bodyguards at pinalibutan ang dalawa na gulat na gulat pa rin. Mabilis din silang nagpanic.Kalmado lang si Cassie at nagawa pa nitong daanan ang dalawa at eleganteng naupo sa may sofa. May isa pang maid na lumapit dito at binigyan siya ng isang tasa ng tsaa. Dahan dahan siyang uminom doon at tumingin kina Lira at Jasmine.Hindi pa rin nawawala ang masamang tingin ni Ysa sa mga ito. "Saan ba nanggaling ang dalawang bastos na mga babae na ito? Ininsulto niyo nang paulit ulit ang Señorita! Isa pang masamang salita laban sa kaniya, ipapatapon na kayo papalabas!"Natahimik na lang sina Jasmine at Lira. Ibinaba ni Cassie ang hawak na tasa ng tsaa at ngumiti. "Hindi ba ay hinahanap niyo si Georgina? Congrats..." saad nito. "Natagpuan niyo na rin siya...""... ako si Georgina."Hindi na itinago pa ni Cassie ang totoo. Inamin na
AGAD NA NAKILALA ni Rui ang sumasayaw sa dance floor. Parang nahigit niya ang sariling hininga saglit.Samantala, si Jasmine naman ay bahagyang natigilan pagkakita kay Hyacinth sa dance floor. Naiinis siya sa sumasayaw na na si Hyacinth na para bang walang tao sa paligid nito kasama si Annika. Para
"SAYANG! WALA man lang masyadong info about sa kaniya! Ano namang ibig sabihin niyang 'H' na iyan?" reklamo ni Alfred at nailing na lang."Malay ko..." walang ganang sagot lang ni Leo."Ifollow mo na lang, dude!"Nagkibit balikat lang si Leo sa sinabi ni Alfred pero kalaunan ay sinunod din naman ni
HINDI MAIWASANG magulat ni Alfred sa sinabi ni Jasmine. Kasi ang totoo niyan, isa sa mga rason kung bakit inaadmire nila si Jasmine ay dahil hindi lang siya basta mukha o pisikal na anyo lang. Matalino rin ito. At sa lahat ng mga babaeng napalapit kay Leo, ito ang pinakanababagay talaga sa kaniya.
NAPASIMANGOT si Hyacinth sa narinig. "Anong pinagsasabi mo? Pinaglalaruan kita?" tanong niya, halatang hindi makapaniwala.Umigting ang panga ni Leo. "Sino ba kasing may nagsabi sa'yo na magsuot ka ng ganito?""Ganito? Wala namang problema sa suot ko, Leo," sagot ni Hyacinth .Bumaba ang tingin ni







