Masuk"H-HAPPY BIRTHDAY, Leo. 'Yan ang gift ko sa iyo. Nagustuhan mo ba?" Tumingin si Hyacinth kay Leo ng deretso.
Samantalang si Leo naman ay tila hindi man lang naapektuhan dahil nakuha pa nitong ngumisi na tila ba malaking katatawanan ang sinabi ni Hyacinth . "Ano? Dahil ba hindi ako nagcelebrate ng birthday kasama ka, gusto mo na agad ng divorce? Napakapetty mo naman, Hyacinth ." "Hindi iyon, Leo. Nakabalik na si Jasmine, 'di ba?" Naglakad si Leo patungo sa direksyon ni Hyacinth . "Ah... threatened ka kasi nakabalik na ang kapatid mo..." Si Leo ang tagapagmana ng lahat ng ari-arian ng pamilya Cantavieja. Nakakatakot ang presensya niya-- hindi lamang dahil sa kapangyarihan at kayamanan na taglay niya, kundi dahil may kakaiba sa kanya na kusang nagiging dahilan upang umiwas ang mga taong nakapaligid. Kaya nang papalapit si Leo, hindi napigilan ni Hyacinth ang dahan dahang pag atras. Hanggang sa sumandal na lamang ang likod niya sa malamig na pader. Napatindig ang balahibo ni Hyacinth nang maramdaman ang sobrang lapit ni Leo. Sa isang iglap, naipit siya nito sa pwesto, nakaharang ang kamay ni Leo sa pader na para bang wala na siyang matatakbuhan. Bumaba ang tingin ni Leo sa kaniya at umangat ang sulok ng labi nito na tila nang uuyam. "Alam ng lahat na si Jasmine naman talaga ang dapat na pakakasalan ko noon. Ikaw lang naman itong trying hard na maging asawa ko. Willing kang gawin ang lahat kaya bakit ngayon, ayaw mo na bigla? Bakit nagbago ang isip mo, huh?" Namutla si Hyacinth . Totoo naman iyon. Si Jasmine naman talaga ang dapat na pakakasalan ni Leo, kung hindi lang ito nacoma. Kung hindi nangyari iyon, magkakaroon kaya siya ng chance na mapakasalan ito? Hindi makakalimutan ni Hyacinth ang nangyari nang nagising si Leo. Disappointment ang unang reaksyon nito nang makita si Hyacinth . Simula no'ng araw na iyon, ilag na si Leo sa kaniya. Kailanman nga ay hindi siya sinipingan dahil natutulog sila sa magkahiwalay na kwarto. Hindi naman kaso iyon noong una kay Hyacinth . Pero nasasaktan din naman siya. Kasi mas ramdam niya ang tila pagkadisgusto sa kaniya ng asawa na tila ba may nakakahawa siyang sakit. Nang napatitig si Hyacinth sa mukha ni Leo, napabalik bigla ang isip niya sa nakaraan. Hindi ba talaga nito natatandaan ang memorya nila no'ng mga bata sila? Wala na ba talaga? Mas lalo lang nasaktan si Hyacinth doon. Kasi siya lang pala ang nakakaalala sa espesyal na mga panahong iyon. Siya na lang ang naiwan sa nakaraan. "M-Maghiwalay na lang tayo, Leo. Wala rin lang namang silbi itong marriage natin. Ni wala man lang intimacy sa pagitan natin..." Tumaas ang kilay ni Leo. "No intimacy, huh?" Itinaas nito ang kamay at pinadaan sa baba ni Hyacinth , bahagyang nanunudyo dahil nadaanan din iyon ng labi nito. "Iyan ang rason mo kung bakit ka makikipaghiwalay? Bakit? Umaasa kang hihigit pa ang kaya kong ibigay sa iyo?" Nag init ang pisngi ni Hyacinth at marahas na umiling. "H-Hindi iyon ang ibig kong sabihin!" Ang daliri ni Leo ay nanatili sa baba ni Hyacinth , marahang pumipisil na tila ba nanghahalina. Hindi inakala ni Hyacinth na ginagawa ito ni Leo ngayon sa kaniya. Malamig si Leo, kabaliktaran sa init na namumuo sa pagitan nilang dalawa. Nanatili ang daliri ni Leo sa baba ni Hyacinth , marahang pinipisil iyon na tila nang aakit. Hindi inakala ni Hyacinth na gagawin iyon ni Leo sa kanya. Kilala niyang malamig ang lalaki, kabaligtaran ng init na unti unting namumuo sa pagitan nilang dalawa. Nagtagal ang titig ni Leo sa kanya. Hindi iyon maiwasang mapansin ni Hyacinth , dahil ngayon lang niya naranasan ang ganoong klase ng atensyon mula rito. Madalas kasi siyang nakasuot ng simpleng damit at may suot na salamin, kaya para kay Leo ay tila wala lang siya, plain at hindi kapansin pansin. Ngunit ngayon, tila iba ang tingin nito sa kanya. Ayaw mang umasa ni Hyacinth , pakiramdam niya ay siya ang pinakamaganda sa mga mata ni Leo sa sandaling iyon. At tila siya rin ang babaeng nais nitong halikan... pero mali pala siya. "Ano? Astang conservative ka ngayon? Alam kong may pangangailangan ka rin--" "M-Mali ka ng iniisip, Leo." "Oh, shut it. Kunyari ayaw mo pero ang totoo, nagpapalandi ka sa mga lalaki mo--" Hindi na nito natapos ang sasabihin dahil sinampal na ito ni Hyacinth . Tumabingi ang mukha ni Leo dahil do'n. Nanginig si Hyacinth sa inis. Nainsulto siya sa sinabi ni Leo, sa totoo lang. Mahal niya ito pero hindi niya kayang ganito ang lumalabas sa bibig nito. Inis siyang nagpigil ng luha. Ang sakit na ang lalaking mahal niya ay ganito ang tingin sa kaniya. "A-Alam ko namang may mali rin ako dito. Pero sana... kahit kaunting respeto na lang!" Sabi ni Hyacinth . "At oo na! Si Jasmine lang talaga ang minahal mo. Kaya para matahimik ka, sige! Ibibigay ko na sa kaniya ang pwesto ko bilang totoong asawa mo!" Umigting ang panga ni Leo. Wala pang nagtangkang sumampal sa kaniya noon. Si Hyacinth palang. Malamig niya itong tiningnan. "Ano? Ayon na lang iyon? Hindi naman yata tama na pakakasalan mo ako kung kailan mo gusto tapos ipapamigay at kakalas ka lang din agad kapag ayaw mo na. Anong tingin mo sa 'kin, huh?" pigil ang inis na tanong ni Leo. Mapait na tumawa si Hyacinth . "Anong tingin ko sa iyo? Isang... laruan," sagot niya. "Dahil ganiyan naman talaga ang tingin mo sa 'kin, 'di ba?" "Ano?" tanong pa ni Leo, hindi makapaniwala. "Pinaglaruan mo lang ako simula't sapul! Ngayon, kwits na tayo, Leo. Ibabalik na kita kay Jasmine. Sana maging masaya kayo!" Hindi alam ni Hyacinth kung saan niya nahugot ang tapang upang sabihin iyon. Pakiramdam niya ay napuno na siya bigla! Siguro, ito na ang simula upang tuluyan na nga siyang magising sa kahibangan niya! "Fine! Kung iyan ang gusto mo, pagbibigyan kita! Basta 'wag kang magmamakaawa sa 'kin na balikan kita kalaunan. Pagsisisihan mo rin iyan, Hyacinth !" Matapos iyon, umakyat na si Leo sa itaas at padabog na pumasok sa study. Nang maiwan mag isa si Hyacinth , napayakap na lamang siya sa sarili, tila pinipigilan ang damdaming gustong kumawala. Ipinangako niya sa sarili na hindi na niya hahayaang mahalin pa si Leo. KINABUKASAN, pumasok sa study ang mayordoma ng mansyon na si Nanay Koring at nadatnan doon si Leo na abala na sa pag-aayos ng ilang papeles. "Sir…" tawag ni Nanay Koring upang kunin ang atensyon ng lalaki. "Ginawan po kayo ng kape ni Ma'am kanina," dagdag nito habang inilalapag ang tasa ng kape sa mesa. Sandaling natigilan si Leo. Napagtanto niyang baka iyon na ang paraan ni Hyacinth para humingi ng paumanhin sa naging sagutan nila kagabi. Kahit papaano ay nakahinga siya nang bahagya. Mabuti naman talagang asawa si Hyacinth . Marunong itong magluto, lalo na ng mga paboritong pagkain ni Leo. Halos lahat ay ginagawa nito para sa kanya nang walang reklamo. Nang sumimsim si Leo sa kape, tila nabuhayan siya. Laging masarap magtimpla ng kape si Hyacinth . Ngunit hindi naman siya basta basta mapapalambot ng ganoon lang. May inis pa rin siyang nararamdaman. "Ano? May sinabi ba siya? Narealized na ba niyang mali siya kagabi?" tanong ni Leo, halatang may halong kuryusidad. "Ah… kasi, Sir…" nahihirapang ipaliwanag ni Nanay Koring. "Umalis na po kasi si Ma'am." "Ano?" Sinamaan niya ng tingin ang mayordoma. "Dala po niya 'yung mga gamit niya bago umalis. Pero iniwan po niya ito…" Ibinigay ni Nanay Koring ang dokumento kay Leo. "Ibinilin po niya na dapat pirmahan niyo po iyan kapag natapos niyo na ang kape niyo." Kumunot ang noo ni Leo. Binuksan niya ang dokumento at agad nagulat sa laman nito. Divorce Agreement! Agad na dumilim ang ekspresyon ni Leo. "Kunin mo na iyang kape. Ilabas mo na. Ayaw ko na niyan," utos niya sa mayordoma. Walang sinabi si Nanay Koring at agad na sumunod. Nang maiwan na siya mag isa, binasa ni Leo ang buong agreement. Nakasaad dito na wala namang hinihinging pera si Hyacinth kahit piso, mula sa kanya. Napailing si Leo, hindi makapaniwala. Akala ba niya, kaya iyon ni Hyacinth nang wala ang kanyang kayamanan at koneksyon? Ngunit agad na nahuli ni Leo ang dahilan kung bakit nais ni Hyacinth na makipag divorce sa kanya. [The husband is physically unable to fulfill his marital obligations due to a medical condition resulting in sexual dysfunction.] Laglag ang panga ni Leo pagkabasa niya noon. Ang babaeng iyon! Agad niyang kinuha ang telepono at dinial ang numero ni Hyacinth . Mabilis namang sinagot ito sa kabilang linya. "Hello?"PUMASOK NA LANG SA LOOB si Hyacinth at mabilis na nilocked ang pintuan. Naiwan sa labas si Leo na may madilim na ekspresyon. Hindi talaga niya maatim ang katotohanang pinaglilihiman siya ni Hyacinth.Pagsapit ng hapon, nakimeet up nga si Hyacinth kay Rico sa mall. Nagkita sila sa isang department store. Nginitian siya ng malawak ng lalaki at sumenyas sa mga damit sa loob ng store."Sige na, Hya. Pumili ka na ng kung anong gusto mo diyan. Libre ko na..." saad pa ni Rico."Wow. Ang generous mo naman! Salamat ng marami!" tuwang tuwang sambit ni Hyacinth.Ganado tuloy si Hyacinth na natingin tingin sa mga damit. Hanggang sa ilang saglit lang, tumunog bigla ang phone ni Rico."Hya, labas lang ako saglit. Sagutin ko lang itong tawag," paalam ng lalaki. "Sige lang, no problem," sagot naman ni Hyacinth.Pinasadahan ng kamay ni Hyacinth ang isang magandang lacey dress. Hindi niya maiwasang mamangha sa damit na iyon. Nilapitan siya kalaunan ng isa sa mga staff ng store."Ma'am, maganda po ang
SAKTONG LUMABAS DIN si Leo kaya nagkasalubong silang dalawa ni Hyacinth sa hallway.Para kay Hyacinth, hindi na sila gaanong close pa ni Leo para makipag usap pa siya dito. Estranghero na ito sa kaniya at ang gusto na lang niyang gawin ay maglakad ng normal papalayo nang hindi man lang ito binibigyang pansin. Kaya naman iyon ang ginawa niya at tumalikod na.Pero may ibang plano si Leo at humarang talaga sa daraanan niya. "Wala ka bang gustong sabihin sa akin, Hyacinth?" tanong nito."At ano naman iyon?" tanong pabalik ni Hyacinth."Saan mo kinuha ang pambili sa mamahalin mong kotse at iyang unit na tinitirhan mo ngayon, huh? Kaninong pera iyang winawaldas mo?" matalim na tanong ni Leo."Leo, hangga't sa wala naman akong ginagastos ni kahit piso sa pera mo, wala ka na do'n. At wala akong dapat na ipaliwanag sa iyo tungkol sa mga perang ginagamit ko," taas noong sagot ni Hyacinth.Sinubukan niyang lagpasan ulit si Leo pero talagang tila bato ang lalaki at hinarangan lang ulit siya.Isan
ISANG SIMPLENG PROBINSYANA lang naman si Hyacinth. Kaya hindi makapaniwala si Jasmine... paanong naafford nito ang apartment sa Westwood at pagkamahal mahal din na kotse. Anong karapatan nitong mang angkin ng mga iyon?Hindi rin iyon maatim talaga ni Shaina. "Alam mo, Leo, sa totoo lang, okay lang naman na binigyan mo siya ng pera para sa divorce settlement niyo, eh! Pero ang mali, iyong sumobra talaga! Anong palagay ng Hyacinth na iyan? Na parang nakaajackpot pa siyang nakipagdivorce sa iyo?!"Inilabas ni Leo ang kaniyang phone at binuksan ang app kung saan konektado ang kaniyang mga bank accounts. Chineck niya ang mga transaction history no'n at sa gulat niya, ni piso, walang lumabas na notif na nabawasan ang pera niya doon.Natulog lang talaga si Hyacinth sa dorm sa loob ng dalawang araw. Wala talaga siyang ginalaw sa pera ni Leo. Pero ito siya ngayon, ngdadrive ng bagong Roll's Royce at magmomove in na sa bagong luxury apartment nito. Hindi na rin talaga maiwasang magtakha ni Le
BAHAGYANG NATAWA NA LANG SI LEO. Tingnan mo nga naman si Hyacinth kanina. Talagang sinadya pa nitong lumapit sa kaniya at kinausap siya kahit na may naghihintay naman na sa kaniyang luxury car para lang mainis si Jasmine lalo sa kaniya.Talaga namang tumatapang lalo si Hyacinth sa mga araw na dumadaan.Hindi pa man sumasagot si Leo, talaga namang pumasok na sina Jasmine, Shaina at Carla papasok sa loob ng kotse. Si Jasmine ang mabilis na nagtungo talaga sa passenger seat. Sa likod naman sina Shaina at Carla. Ilang saglit lang, pinaandar na papalayo ni Leo ang kaniyang kotse. Binaybay niya ang main road.Sa ilang segundong lumilipas, hindi mapigilang mafrustrate ni Jasmine lalo sa loob loob niya. Hindi niya talaga lubos maisip ang katotohanang pagkakaroon ng luxury car ni Hyacinth. Rolls Royce pa talaga na kagaya ng model kay Leo! Anong karapatan ng babae ng magdrive ng ganoong kamahal na kotse?!Kaya naman, hindi na rin naiwasan pa ni Jasmine na magtanong. "Leo... manghiram ba sa iyo
NAISIP NI HYACINTH NA SIGURO, oras na rin nga para magkaroon siya ng sariling bahay niya talaga pero naisip niya si Cassie sa dorm. Gusto niyang makabonding pa rin naman ito kahit papaano kung kailan niya gusto.Tinanggap ni Hyacinth ang kasulatan tungkol sa titulo ng bahay. Pero bigla namang may ibinato sa kaniyang susi kalaunan si Rico."Tapos ito naman para may masakyan ka," saad ng lalaki.Susi iyon ng isang sasakyan. Na para bang wala lang halaga ang mga ibinigay ni Rico sa kaniya. Na para bang laruang bahay at kotse lang ang ibinigay sa kaniya ng lalaki.Ngumiti si Hyacinth at tinanggap din naman ang susi ng kotse. "Thanks.""Ngayong divorced ka na kay Leo, kailan mo ba balak bumalik sa amin?" kyuryusong tanong ni Rico bigla. Iyon naman kasi talaga ang rason kung bakit siya pumunta ng syudad. Para maliwanagan sa magiging sagot ni Hyacinth.Medyo naghesitate pa si Hyacinth bago sumagot. "May mga kailangan pa akong dapat na asikasuhin dito. Babalik naman ako kapag ayos na lahat."
NAPACHECK SAGLIT SI HYACINTH sa kaniyang phone. Nakita niyang may mensahe sa kaniya si Rico.Kuya Rico: ['Hya, nakabalik ka na ba?']Agad niyang nireply'an iyon.Hyacinth: ['Opo. Nakabalik na ako.']Kuya Rico: ['Sige. Magmeet up tayo, okay lang?']Hyacinth: ['Oo, Kuya. Ayos lang. Kita na lang tayo sa Golden Roots. Ang tagal ko na ring hindi nakapunta doon, eh.']Kuya Rico: ['Kaya nga. Ikaw pa naman ang mismong founder tapos hindi ka pumapasok. Haha!']MADAMI NA ANG TAO sa Golden Roots. Syempre, puro mga empleyado at mga tao ring nag iinquire tungkol sa pinakamalaking pharmaceutical company sa bansa. Nakapasok si Leo doon dahil ginamit nito ang VIP access. Kailangan niya kasing kumuha ng gamot ni Jasmine.Simula nang makabalik sila sa Manila, tila hindi na maganda ang naging pakiramdam ni Jasmine. Lagi rin itong nakadikit lagi kay Leo kaya walang choice ang lalaki dahil baka ikasama pa iyon lalo ng pakiramdam nito. Minsan sumasama na rin sina Shaina at Carla.Si Shaina ang kumuha ng p
"SAYANG! WALA man lang masyadong info about sa kaniya! Ano namang ibig sabihin niyang 'H' na iyan?" reklamo ni Alfred at nailing na lang."Malay ko..." walang ganang sagot lang ni Leo."Ifollow mo na lang, dude!"Nagkibit balikat lang si Leo sa sinabi ni Alfred pero kalaunan ay sinunod din naman ni
HINDI MAIWASANG magulat ni Alfred sa sinabi ni Jasmine. Kasi ang totoo niyan, isa sa mga rason kung bakit inaadmire nila si Jasmine ay dahil hindi lang siya basta mukha o pisikal na anyo lang. Matalino rin ito. At sa lahat ng mga babaeng napalapit kay Leo, ito ang pinakanababagay talaga sa kaniya.
"BUMALIK KA DITO ngayon din, Hyacinth !"Natawa lang ng mapakla si Hyacinth nang marinig ang nanggagalaiting boses ni Leo. "Hinding hindi na ako babalik sa iyo, Leo--""Shut it! Wala akong pakialam sa sasabihin mo! Bumalik ka na lang dito!""Hindi, Leo. Sa tingin mo, magkakandarapa akong babalik s
WALA NG MAS sasakit pa sa katotohanang malaman na ang asawa mo ay may kabit. Mapapatanong ka sa sarili mo kung ano ba ang kulang mo? Ano ba ang meron sa iba na wala ka?Nanginginig si Hyacinth habang pinagmamasdan ang mensahe mula sa kabit ng kaniyang asawa. May picture na kalakip iyon na tila nan







