Compartilhar

AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS
AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS
Autor: YULIANNE

CHAPTER 01: Birthday

Autor: YULIANNE
last update Data de publicação: 2026-03-22 08:31:24

WALA NG MAS sasakit pa sa katotohanang malaman na ang asawa mo ay may kabit. Mapapatanong ka sa sarili mo kung ano ba ang kulang mo? Ano ba ang meron sa iba na wala ka?

Nanginginig si Hyacinth  habang pinagmamasdan ang mensahe mula sa kabit ng kaniyang asawa. May picture na kalakip iyon na tila nang aakit sa inosenteng paraan. At alam ni Hyacinth  na isa ito sa mga kahinaan ng mga lalaki, lalo na ang asawa niyang si Leo.

Message: ["Nauntog 'yung tuhod ko no'ng pinick up ko 'yung cake! Ang sakit! Pakikiss para gumaling! :'<"]

Halatang nasa kolehiyo ang babae sa larawan. Hindi man kita ang mukha nito, hakab na hakab ang suot nitong damit sa katawan, lalo na sa hinaharap nito. Mauulol talaga si Leo sa ganitong klase ng babae... bagay na kasalungat ni Hyacinth .

Masaya dapat si Hyacinth  ngayon. Kaarawan ni Leo at syempre, bilang asawa, gusto ni Hyacinth  na masurprise ito. Pero siya pa talaga ang nasurprise sa kabit nito. 

At hindi lang basta basta kabit ito. Dahil kahit hindi kita ang mukha ng babae, malakas na ang kutob ni Hyacinth  kung sino iyon. Hindi siya pwedeng magkamali. 

Walang iba kundi ang half-sister niyang si Jasmine.

Ang makinis na hita ng babae sa larawan ay bahagya pang nahagip. Sa bandang tuhod ay bahagyang namumula dahil nga sa pagkakauntog nito. Parang gusto lalong masuka ni Hyacinth . Ginawa pang rason ang tuhod para magpapansin sa asawa niya.

Humigpit ang hawak ni Hyacinth  sa phone. Nagbeep muli ang phone senyales na may panibagong mensahe. Agad niyang muling binasa iyon kahit na parang sinasaksak na ang puso niya nang paulit ulit.

Message: ["See you sa Diamond Hotel mamaya! Let's celebrate your birthday together! Can't wait! See you! Mwah!"]

Napangisi na lang si Hyacinth  ng mapakla. Ganito pala ang plano ng asawa niya sa birthday nito.  Magcecelebrate ito sa piling ng kabit niya! Samantalang siya na legal na asawa... naetsapwera.

Pero tanga na talaga siguro si Hyacinth . Dahil parang gusto niyang makita ang asawa at ang kalaguyo sa malapitan. Gusto niyang siya ang mismong makahuli sa mga ito sa akto.

Agad niyang dinampot ang bag at bumiyahe agad papuntang Diamond Hotel. Nang nakarating sa doon, hindi pa man din siya nakakapasok ay nahagip ng paningin niya ang mga magulang niya. Nagtakha si Hyacinth .

"M-Mom? Dad? Ano pong ginagawa niyo dito?" natanong na lang ni Hyacinth .

Naestatwa ang mag asawa at nagpalitan pa ng makahulugang tingin. 

"Hyacinth ," tawag ni Ronaldo, ang ama ni Hyacinth . "Nakalimutan ka naming sabihan. Your sister is finally back. Sa katunayan ay nandito rin siya ngayon."

Pakiramdam ni Hyacinth  ay binuhusan siya ng malamig na tubig. Ang kapatid niya... nakabalik na?

Alam naman niyang darating ang puntong ito dahil nagpaparamdam na rin ang kapatid niya sa kaniyang asawa pero... nangyari na.

"T-Talaga po?" paninigurado na tanong niya.

"Yes. Hindi ka ba masaya?"

"M-Masaya naman po," sagot niya kahit na tila may nakabara sa lalamunan niya.

Isa lang kasi ang magiging ibig sabihin no'n. Tuluyan na siyang mapapatalsik sa buhay ni Leo!

Agad na natanaw ni Hyacinth  ang pamilyar na bulto ng kaniyang kapatid sa clear glass na pader ng hotel. At nang nakita ang suot nito, nanlamig siya lalo.

Tama nga siya. Hindi lang naman basta basta coincidence lang.

Ang pamilyar na palda na kita sa litrato na nasend kaninang message sa phone ng asawa niya. Kagayang kagaya ng sa kapatid niya! 

Doon lang tila nagsink in lahat kay Hyacinth . May koneksyon na talaga ulit ang kapatid niya at ang asawa niya!

Maganda si Jasmine. Habulin ito ng mga kalalakihan hindi lang dahil sa angking ganda kundi dahil sa nakakaakit na katawan nito. Talagang madaming nagkakandarapa dito.

At ngayon... ginagamit nito ang kung anong meron siya para maakit ang asawa niya!

Isang mapait na halakhak ang namutawi sa labi ni Hyacinth  habang nakatingin sa parents niya.

"Ako pala ang huling nakaalam. Hindi niyo man lang ako sinabihan," saad ni Hyacinth , iniba ang usapan.

"Bakit parang masama ang loob mo? Ano, Hyacinth ? Nagbubulagbulagan ka pa rin ba? Hindi mo pa ba nakikita? Hindi ka kailanman nagustuhan ni Leo!" asik ni Ronaldo.

Hindi pa man nakakarecover doon si Hyacinth , mabilis na dinugtungan iyon ng kaniyang ina. "Alam mo, Hyacinth , madaming nagkakandarapa sa asawa mo. Tutal naman ay hindi ka niya gusto at baka mapunta lang siya sa iba, pwede namang ibigay mo na lang siya sa kapatid mo! 'Wag kang selfish!"

Napakuyom ng kamao si Hyacinth . Parents niya ba talaga itong nasa harap niya ngayon? Bakit ganito sila magsalita?

"T-Tama na po--"

"Magtigil ka, Hyacinth ! Makasarili ka, aminin mo na! Itigil mo na iyang kahibangan mo!"

Pigil ni Hyacinth  ang hikbi. "Mom, Dad... a-anak niyo rin naman ako, ah?" mapait na sabi niya. "Bakit po ganiyan kayo magsalita?"

"Masyado kang madrama, Hyacinth ! Nagsasabi lang naman kami ng totoo! Sige nga! Sagutin mo ako ngayon din! Kailanman ba ay ipinaramdam sa iyo ng asawa mo na mahal ka niya?! Ni hindi nga yata niya maatim na galawin ka!"

Sumabat pa si Ronaldo. "Noon, sina Leo at ang kapatid mo ang totoong may relasyon! Kung hindi lang naaksidente si Leo, hindi mo siya pakakasalan!"

Umismid ang ina niya. "Oo nga! At tsaka, tingnan mo nga iyang sarili mo! Napakaplain mo. Sa loob ng tatlong taon, pipitsuging housewife lang ang narating mo! Tingnan mo iyang kapatid mo. Sikat ng ballet dancer! At ikaw... ano? Ni hindi ka man lang ba nakokonsensya kapag nagtabi kayo ng asawa mo dahil sa ganiyang itsura mo? Ibigay mo na lang si Leo kay Jasmine dahil mas bagay sila!"

Ang bawat salita ay tila kutsilyong sumasaksak sa puso ni Hyacinth . Hindi na niya kinaya pa. Umalis siya doon at bumalik sa bahay nilang mag asawa.

Mag isa siya dahil ang mga maids ay naka rest day. Madilim at malungkot ang lugar. Hindi na siya nag abala pang buksan ang ilaw at hinayaan ang kadiliman ang siyang manaig sa kabahayan. Napangiti siya ng mapakla. 

Ang mga pagkaing niluto niya ay malamig na. Napatitig siya sa cake na siya mismo ang gumawa. May nakalagay na "Happy Birthday, My Husband" sa ibabaw no'n at pakiramdam niya ay nakakatawa iyon lalo na nang napabalik ang isip niya sa nakaraan.

Three years ago, golden couple kung maituring ang asawa niya at ang kapatid na si Jasmine. Pero dahil sa isang car accident, nacoma si Leo. Naglaho na lang bigla si Jasmine matapos no'n.

At si Hyacinth ... siya ang ginawang pamalit sa pwesto ng kapatid niya. Pwinersa siya ng mga magulang niyang pakasalan si Leo. Siya ang laging nasa tabi ni Leo.

Pumayag si Hyacinth  dahil... bakit naman hindi? Matagal na niyang minamahal si Leo. Minahal niya ito ng pasikreto at sa malayo. 

Kaya inalagaan din niya ito ng ilang taon nang macoma ito. Kahit pa nawawalan na siya ng oras sa sarili. Iniwan niya ang lahat para Kay Leo. 

Pero nang nagising ito, pinili pa rin nito ang kapatid niya kahit wala ito sa paligid. Hindi si Hyacinth  ang pinili na siyang nagstay sa tabi nito sa mga panahong kailangan niya ng kalinga. Si Jasmine pa rin talaga.

Kasi kailanman ay hindi siya minahal ni Leo.

Sinindihan ni Hyacinth  ang kandila sa cake. Narealized niya ang lahat. Wala palang saysay ang tatlong taon na iginugol niya sa lalaki.

Namalayan na lang niya ang panunubig ng kaniyang mga mata. At kalaunan, hinipan niya ang apoy sa kandila at muling kinain ng dilim ang kapaligiran.

"H-Happy birthday, my love..." naibulong niya sa hangin.

Ilang saglit, ang pamilyar na tunog ng sasakyan sa labas ang nagpabilis ng tibok ng puso ni Hyacinth . 

Nakabalik na ang asawa niya.

Bumukas ang main door ng bahay at iniluwa no'n ang pamilyar na bulto ni Leo. Ang presensya nito ay nagdala ng kakaibang lamig sa paligid. Kahit na galing ito sa trabaho, ang lakas pa rin ng dating nito.

"Bakit nakapatay ang ilaw?" bungad na tanong ni Leo.

Hanggang sa nakarinig ng mahinang click si Hyacinth  at bumukas ang ilaw sa kabahayan. Nakita ni Hyacinth  si Leo na seryoso habang nakatingin sa kaniya.

"B-Birthday mo ngayon..." saad ni Celestine.

Saglit na napabaling sa mesa si Leo kung saan nakahanda ang mga pagkain na luto ni Hyacinth .

"Bakit ka pa naghanda ng mga ganiyan? Hindi ako nagcecelebrate ng ganitong okasyon. Aksaya lang..." sagot ni Leo.

Napangiti ng mapakla si Hyacinth . "H-Hindi ka nagcecelebrate o... ayaw mong magcelebrate kasama ako?"

Nailing si Leo. "Isipin mo kung anong gusto mong isipin." Akmang aakyat na ito pero muling nagsalita si Hyacinth .

"M-May birthday gift ako sa iyo."

"Hindi ko kailangan iyan," malamig na sagot nito. Akmang magtutuloy tuloy na pero napatigil muli nang narinig ang sumunod na sinabi nito.

"Leo, magdivorce na tayo..."

Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App
Comentários (1)
goodnovel comment avatar
Jhoyen Domingo
ANG DAMI KO NG NABASANG STORY NA GANITO!!
VER TODOS OS COMENTÁRIOS

Último capítulo

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 225: House

    NAPACHECK SAGLIT SI HYACINTH sa kaniyang phone. Nakita niyang may mensahe sa kaniya si Rico.Kuya Rico: ['Hya, nakabalik ka na ba?']Agad niyang nireply'an iyon.Hyacinth: ['Opo. Nakabalik na ako.']Kuya Rico: ['Sige. Magmeet up tayo, okay lang?']Hyacinth: ['Oo, Kuya. Ayos lang. Kita na lang tayo sa Golden Roots. Ang tagal ko na ring hindi nakapunta doon, eh.']Kuya Rico: ['Kaya nga. Ikaw pa naman ang mismong founder tapos hindi ka pumapasok. Haha!']MADAMI NA ANG TAO sa Golden Roots. Syempre, puro mga empleyado at mga tao ring nag iinquire tungkol sa pinakamalaking pharmaceutical company sa bansa. Nakapasok si Leo doon dahil ginamit nito ang VIP access. Kailangan niya kasing kumuha ng gamot ni Jasmine.Simula nang makabalik sila sa Manila, tila hindi na maganda ang naging pakiramdam ni Jasmine. Lagi rin itong nakadikit lagi kay Leo kaya walang choice ang lalaki dahil baka ikasama pa iyon lalo ng pakiramdam nito. Minsan sumasama na rin sina Shaina at Carla.Si Shaina ang kumuha ng p

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 224: Sleepy

    "AT TSAKA... BAKIT HINDI ka agad nakaalis sa yate na iyon? Siguro... may ginawa ka kay Hyacinth, 'no?!" dagdag na pang aakusa pa ni Jasmine.Mabilis siyang nakapag isip ng kwento agad para mabaliktad si Alfred. Planado na niya lahat para magmukhang ang lalaki ang may kasalanan.Agad na umiling si Alfred. "Hindi ko magagawa iyon, Jasmine..." marahan pa ring wika niya sa babae."Oo na. Pero kailangan nating magkampihan, okay? 'Wag mong hahayaan na pumagitna sa atin iyang si Hyacinth."Samantala, si Hyacinth naman ay busy sa pag aayos ng mga gamit niya para makabalik na sila sa Manila. Nang okay na ang lahat, lumabas na siya at hindi sinasadyang magkabanggaan sila ni Jasmine.Halatang hinintay siya ni Jasmine. Hindi naman na nagtakha doon si Hyacinth at magtutuloy tuloy na sana sa paglalakad nang marinig niya ang babae."Hya, mabuti na lang at nakabalik kang safe. Sobrang nag alala ako sa iyo!" sabi ni Jasmine, halata namang peke.Ngumisi si Hyacinth. "Itigil mo na iyang arte mo na iyan,

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 223: Suspicious

    TULUYAN NG PUMASOK SI LEO. Madami na ngang pagkain ang nakahanda para sa kaniya sa hapag. Patuloy lang ang pananalita ni Soledad. Naikwento na rin niyo na mayaman nga si Leo at nagmamay ari ng malaking kompaniya kaya naman nangislap na rin ang mga mata ng ama nito.Nakaupo ang ama nila sa pinakakabisera ng hapag kainan at sa kanan nito ay si Manuel na tila nahihilo. Ang nakakapagtakha kay Manuel sa mga oras na iyon ay tila wala itong matandaan sa nangyari kagabi at masakit din ang katawan nito. Napahilot tuloy siya sa batok. "Pa, parang nabugbog ako ng sobra kagabi... pero alam mo iyon... parang maganda pa rin naman ang pakiramdam ko kasi parang nakasaksi ako ng magandang dilag...""Magandang dilag ka pang nalalaman diyan, ah?" mapanuksong saad ng ama nito. "'Wag kang mag alala. Hahanapan kita ng magandang dilag para mapangasawa mo. At itong mayaman na lalaking ito ngayon..." Sumulyap ito kay Leo. "Sisiguraduhin ko na mapupunta kay Soledad...""Papa naman! Nandito si Leo, ah!" paalala

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 222: Meet

    "'W-WAG..." BULONG NG pagproprotesta ni Hyacinth habang kunot ang kaniyang noo.Unti unting nagmulat ang kaniyang mga mata at ilang saglit na nag adjust iyon. Agad niyang nabungaran ang mukha ni Leo. Nagtakha pa siya pagkakita sa lalaki. Kasi... bakit siya nandito?Parang nablangko bigla ang isip ni Hyacinth dahil sa gulat sa presenya ni Leo. Ang mga mata ng lalaki ay seryoso at tila may kakaibang apoy doon ngayon na tila nagniningas. Ngayong nakikita na ni Leo na gising na gising na si Hyacinth at may bahid ng pagtatakha sa mukha nito, hindi niya maiwasang kabahan.Umuklo ulit si Leo at tinangkang hinalikan si Hyacinth. Ang kaso, bumaling na sa gilid ng babae upang umiwas. "A-Ano ba, Leo?! Anong ginagawa mo dito? Lumayo ka nga!" agad niyang asik sa lalaki."Paano ako lalayo at titigil kung... ganito ka?" malalim at maaligasgas ang boses na sagot nito.Kumunot ang noo ni Hyacinth. Magulo pa ang isip niya sa mga nangyari dahil sa lagnat. Natatandaan niyang trapped sila ni Alfred sa lug

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 221: Warmth

    HANGGANG SA NAPANSIN ni Leo ang tila pasa sa may bandang leeg ng babae. Agad nandilim ang kaniyang ekspresyon."Sino ang may gawa nito sa kaniya?" nakaigting ang pangang tanong ni Leo."Ang Manuel na iyon!" bulalas ni Alfred. "Mabuti na lang at nandito ka na! Halos hindi na kami makasurvive dito. Kapag hindi mo pa kami agad natagpuan baka wala ka ng aabutang buhay dito ngayon."Hinaplos ni Leo ang pisngi ni Hyacinth. Parang may kung anong paninikip sa dibdib niya ngayon habang nakatanaw sa babae. May pakiramdam siya sa loob niya na gustong protektahan na lang ito. Binuhat niya ito kalaunan sa kaniyang bisig at idinikit sa kaniyang dibdib.Binalingan ni Leo si Alfred. "Magpahinga ka muna. Aayusin natin lahat bukas," bilin niya sa kaibigan.Alam ni Leo na parehas na pagod pa rin sina Alfred at Hyacinth. Kaya kung ano man ang plano nilang umalis ngayon ay hindi epektibo. Kailangan nilang maghintay hanggang umaga.Sumang ayon naman si Alfred. Nandito na sa wakas si Leo kaya naman pakiramd

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 220: Shiver

    "MALAKAS DIN ANG PAKIRAMDAM ko. Nandiyan nga sila..." saad ni Leo habang pasimpleng iginagala ang tingin sa paligid, nagmamatyag."Pero bakit po kayo tumalikod agad? Suko na po kayo?""Hindi mo ba napansin ang pakikitungo nila sa 'tin?" tanong ni Leo sa mababang boses. "May mga nagmamasid din sa paligid. Mas marami sila kaysa sa atin. Teritoryo rin nila dito. Kung susubok tayo at ipipilit ang gusto, alam mo na kung anong mangyayari."Isa pang dahilan kung bakit tumalikod si Leo ay kung hawak nga ng mga taong ito sina Hyacinth at Alfred, baka gawan nila ang mga ito ng masama. Hostage nila ang dalawa ngayon. Hindi pwedeng irisk iyon ni Leo."Tumawag na po ako ng back up, Sir," saad ni Mila kalaunan.Tumango si Leo. "Good. Pero ngayon, kailangan nating makapasok sa teritoryo nila nang hindi gumagawa ng ingay."Bago pa man makasagot si Mila, may dumating biglang babae na sumalubong sa kanila."Sino kayo?" tanong ng babae.Iyon ay si Soledad Segundo, ang nakababatang kapatid nila Manuel at

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 05: Dropped

    NAPASIMANGOT si Hyacinth sa narinig. "Anong pinagsasabi mo? Pinaglalaruan kita?" tanong niya, halatang hindi makapaniwala.Umigting ang panga ni Leo. "Sino ba kasing may nagsabi sa'yo na magsuot ka ng ganito?""Ganito? Wala namang problema sa suot ko, Leo," sagot ni Hyacinth .Bumaba ang tingin ni

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 04: Pull

    MATAPOS ANG maghapong pagshoshopping nila Hyacinth at Annika, dumiretso na sila sa Nocturne Bar. Talagang plinano na lahat ni Annika.Ang hindi inexpect ni Hyacinth pagkarating sa bar ay ang makita si Leo kasama ang ilang mga kaibigan nito. "Nandito pala ang soon-to-exhusband mo at mga alipores

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 07: Soon

    "SAYANG! WALA man lang masyadong info about sa kaniya! Ano namang ibig sabihin niyang 'H' na iyan?" reklamo ni Alfred at nailing na lang."Malay ko..." walang ganang sagot lang ni Leo."Ifollow mo na lang, dude!"Nagkibit balikat lang si Leo sa sinabi ni Alfred pero kalaunan ay sinunod din naman ni

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 06: Initial

    HINDI MAIWASANG magulat ni Alfred sa sinabi ni Jasmine. Kasi ang totoo niyan, isa sa mga rason kung bakit inaadmire nila si Jasmine ay dahil hindi lang siya basta mukha o pisikal na anyo lang. Matalino rin ito. At sa lahat ng mga babaeng napalapit kay Leo, ito ang pinakanababagay talaga sa kaniya.

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status