Home / Mafia / AKAS / AKAS 1

Share

AKAS 1

Author: Black_Jaypei
last update Huling Na-update: 2023-10-24 07:45:14

“Magbalot-balot ka na ngayon din!” Bungad ni Manang Coring—Landlady ng apartment na tinitirahan ni Xianelle.

“Ho?”

“Anong ho? Dalawang araw ng lumipas hindi ka pa nagbabayad ng upa! Ano ka sinuswerte?!”

Kung gaano naman kahirap kumita ng pera, ganu'n naman kabilis ang magsingil ni Manang Coring sa upa.

“Manang Coring, hindi po ba pwedeng maki-usap na muna? Promise, kapag nagkapera ako. Babayaran ko kayo ng buo!”

“Kailan ka naman magkakapera, ah? Aber? Kahit maghapon kang maglako ng kung anu-ano sa kalye hindi mo ako mababayaran!”

“Manang Coring, ngayon lang po ako na huli ng bayad sa inyo. Sige na naman na ho, kahit bigyan niyo ako ng isang linggo, pangako magbabayad na ako.”

Tumaas ang kilay at namewang si Manang Coring. “Hindi! Kung hindi ka makakabayad hangang mamayang alas-singko, aba'y magbalot-balot ka na dahil marami ang gustong kumuha ng apartment mo na kayang magbayad sa oras!”

“Alam niyo naman ho ang sitwasyon ko, Manang Coring, intindihin niyo naman ako. Wala akong malilipatan, sige na naman ho.”

“Wala akong magagawa sa sitwasyon mo! Ang sa akin, intindihin mo na tatlong apo ang pinag-aaral ko sa kolehiyo at isang high school. Alam mo naman na ito lang ang hanap-buhay ko, ililibre pa kita?”

“Alam ko naman ‘yon, eh, pero sana naman intindihin niya ako.”

“Aba’y bakit kasi hindi ka pumasok sa club, maganda at paniguradong kikita ng bentemil sa isang gabi!”

Nag-init ni Xianelle sa narinig. Mas gugustuhin niya pang magdildil ng kaysa ang ibenta ang katawan.

“Hindi ho ako tulad ng apo ni'yo!”

Sa inis ni Xianelle tinalikuran niya si Manang Coring at isinara ang pinto. Sumandal siya sa nakasarang pinto at sunod-sunod na bumuntong hininga.

Kahit isang daan ay walang laman ang kaniyang bulsa. Hindi niya nga alam kung saan kumuha ng hapunan. At dahil sa nangyari sa kanila ni Manang Coring, malamang ay hindi ito papayag na sikatan pa siya ng araw sa apartment na 'to.

Kung bakit ba naman kasi napakamalas niya sa buhay! Kung kailangan, kailangang-kailangan ng pera saka naman siya walang kinita—nagka-utang pa!

°°°

“Saan na tayo pupunta ngayon, Xian-Xian?”

Nagbaba si Miscy ng tingin sa anak. Hawak-hawak niya ang kamay nito habang naglalakad sa madilim na kalye.

“Hindi ko rin alam Alas, eh.”

Huminto sila sa isang bench na gawa sa kahoy. Ibinaba niya ang mga bag na dala bago umuklo para magkapantay ang anak.

“So, are we going to sleep outside tonight?”

Awang-awa si Xianelle sa kaniyang anak. Hindi dapat magdudusa ang anak niya ng ganito, hindi dapat nito nararanasan ang matinding hirap kung may pinili ng magulang niya ang magpaka-magulang kaysa sa reputasyon ng pamilya.

“Hindi. Pupuntahan natin ang Ante Pilang mo baka pwede tayong makituloy sa kanila, kahit ngayong gabi lang.”

Mahigit isang oras na naglakad silang mag-ina papunta sa bahay ni Pilang, medyo may desensya ang bahay nito sa apartment nilang mag-ina. Kasamahan niya sa pagtitinda na naging kaibigan niya na rin.

“Napapagod ka na ba, baby? Pwede tayong magpahinga muna.”

Huminto siya sa paglalakad. Kinuha niya ang towel sa loob ng tote bag na nakasukbit sa balikat. Tagaktak na ang pawis ni Alas.

“Hindi ako napapagod Xian-Xian, malapit na tayo.” Ngumiti ng matamis si Alas.

Nadudurog ang puso niya. Kitang-kita niya sa mukha ni Alas na pagod na pagod na ito. Habol na rin ang paghinga.

“Ikaw talaga, hinihingal ka na nga, eh. Bakit kasi hindi ka nagsasabi? Baby, alam mo naman ang kalagayan mo ‘di ba?”

“Halika, bubuhatin na lang kita para hindi ka na mapagod ng husto.”

Inilagay ni Xianelle sa likod ni Alas ang towel dahil basang-basa nang pawis, bawal pa naman sa bata ang matuyuan.

“Ayaw ko, Xian-Xian. Kung pagod ako, mas pagod ka. Ayaw kitang nahihirapan kaya maglalakad na lang ako.”

Hinawakan ni Alas ang kamay ng kaniyang Mommy at hinila upang tahakin ang daan.

Ilang minuto pa, nakatayo na sila sa kalsada hindi kalayuan sa bahay ni Pilang pero agad rin silang nagkatinginan ng anak nang marinig ang ingay sa loob ng bahay at mga bagay na para bang nababasag.

Nagdadalawang-isip man ay kumatok pa rin si Xianelle. Bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Pilang na gulo-gulo ang buhok, halatang umiiyak.

“Xianelle, anong ginagawa mo dito?” Nagtatakang tanong nito.

Pinasadahan ni Pilang ng tingin ang mga dala nilang bag at si Alas na nakahawak sa kamay niya.

“Pinalayas kami sa apartment, pwede bang makituloy sa inyo kahit ngayong gabi lang?” Paki-usap ko.

Nakakaawang tingin ang itinapon sa kanila ni Pilang pero agad na napalitan ng takot ang mukha nito at umiling.

“Pasensiya ka na, Xianelle, pero hindi pwede. Lasing ang asawa ko at hindi maganda ang nangyayari kaya nakiki-usap ako umalis na kayo! Sa iba—

“Pilang?! Sino ‘yang ka usap mo?! Ang lintik na kabit mo?!” Hinablot nito ang buhok ni Pilang.

Nagulat silang mag-ina. Gusto niya mang tulungan si Pilang ay hindi maari dahil labas siya sa away mag-asawa.

“Sige na, umalis na kayo!” Pagtataboy ni Pilang bago isinara ang pinto.

Nagkatinginan silang mag-ina bago sila bagsak balikat na umalis sa harap ng bahay ni Pilang.

Nakakaawa si Pilang...

Nagpatuloy sila sa paglalakad at sa pagkakataong ito, gulong-gulo na ang kaniyang isipan at wala na siyang matatakbuhan pa.

Huminto sila sa bench kung saan sila nagpahinga kanina. Binuhat niya si Alas at inupo sa bench. Inilagay niya sa gilid ang mga bag na dala at tumabi sa anak na tahimik.

“Xian-Xian, may candy ka ba?” Umiling siya at naghalungkat sa tote bag at natagpuan ang isang bottle water.

Nadurog ang puso niya at nasasaktan siyang hindi niya matugunan ang pangangailangan ng kaniyang anak.

Hirap na hirap siyang kumita ng pera kaya may pagkakataon na tulad nitong hindi niya mapakain ang anak tatlong beses sa isang araw

“Walang candy pero may tubig si Xian-Xian.” Nanggigilid ang luha niya. “Pasensiya ka na, baby, ah? Sorry kasi ang irresponsible ni Xian-Xian. Hindi ka dapat nagugutom, bawal sa iyo ‘yon eh.”

Pinunasan niya ang isang butil ng luha na nalaglag sa pisngi. Nakangiting kinuha ni Alas ang bottle water at uminom siya ng maraming tubig.

Ayaw niyang nakikitang umiiyak at nasasaktan ang Mommy at mas lalong ayaw niya na itong mag-alala pa sa kaniya.

“Ayan, Xian-Xian. Busog na busog ako, wag ka ng mag-alala, hindi na ako nagugutom.”

Nakangiting hinaplos ni Alas ang kaniyang tiyan na napuno ng tubig. Napangiti si Xianelle ngunitisang butil ng luha na umagos sa pisngi.

This is the reason why she didn't regret all over this year for making this decision. Despite of to much pain and suffering she's still blessed because she have Alas in my life.

Humiga si Alas sa bench at ginawang unan ang hita niya. Pagod na pagod ito at alam niyang hindi mapapawi ng tubig ang gutom na nararamdaman nito, kaya itutulog na lang para hindi mag-alala si Xianelle.

Pinagmasdan niya ang gwapong mukha ng anak habang walang tigil sa paglalandas ng luha sa kaniyang pisngi.

Kahit kailan hindi niya nakita ang sarili na magpapalipas ng gabi sa kalye. Hindi niya akalain na darating ang araw na ito. Hindi siya na aawa sa sarili niya kundi sa anak niya.

He doesn't deserve this kind of suffering, he's too young for this.

Isang maliwanag ang gumuhit sa langit kasabay ang isang malakas na kulog. Walang mga bituin sa langit, hindi matatapos ang gabing ito na hindi bumabagsak ang ul—

“Xian-Xian ang lamig!”

Nagising si Alas ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Hinanap ni Xianelle ang payong sa loob ng bag pero huli na dahil basang-basa na sila ng anak dahil sa malakas na ulan.

Wala na siyang magawa kundi yakapin na lang ang anak habang ipinalibot sa katawan nito ang lumang tuwalya na meron siya.

Tumayo si Xianelle buhat-buhat ang anak at binitbit ang mga gamit nila, naghanap siya ng pwedeng masilungan na hindi mababasa sa ulan.

Hindi kalayuan sa kalsada may natatanaw siyang liwanag mula sa isang maliit na kubo sa gitna ng kagubatan.

Hindi alintana ang bigat na dala-dala. Ang tanging nasa isip niya masisilungan para sa anak. Inilapag niya ang mga bag na nakasukbit sa balikat bago ibinaba ang anak sa parte na hindi na uulanan.

Isang maliit na kubo para sa mga alagang hayop ng hindi niya kilala kung sino ang may-ari nito. Makikisilong lamang sila.

Kinuha niya ang bag at hinanap ng damit ang anak. Mabuti na lang at na iipit sa gitna ang mga damit niya kaya hindi pa ito nababasa. Pinalitan niya ng malinis na damit at sinuotan ng jacket na hindi giginawin si Alas.

“Xian-Xian, baka magkasakit ka.” Nginitian niya ang anak. “Ayos lang si Xian-Xian, ikaw ang dapat na hindi magkasakit.”

Pinahid niya ang mukha na basang-basa ng ulan dahil tanging ang sangga lang ng kahoy ang nagsisilbing pandong niya habang nasa harap si Alas na nakatayo sa harapan na nasisilungan ng kubo.

“Xian-Xian.”

“Baby ko?”

“Sorry...”

Umiling siya at sunod-sunod na tumulo ang luha ko. Matalino at maintindihin ang anak niya kaya sa sitwasyon nila. Alam niyang sinisisi nito ang sarili kung bakit sila nasa ganitong sitwasyon.

“Hindi, baby, hindi mo kasalanan...”

Kung may kasalanan man sa mga nangyayari sa kanila, wala siyang dapat na sisihin kundi ang walang hiyang lalaki na hindi kayang panindigan ang responsibilidad bilang ama at mas pinili ang buhay na hindi maiwan-iwan.

“Kasalanan ko! Kung hindi sana ako dumating sa buhay mo hindi mo mararansang maghirap. Sana hindi na lang ako na buhay para masaya ka...”

“Anak, bakit mo na sasabi ‘yan? Sa lahat ng meron ako sa buhay ikaw ang pinakamagandang blessing na dumating sa akin. Ikaw ang kaligayahan ko alam mo ba ‘yon? Makinig ka, Alas, hindi pera ang mahalaga kundi ang pamilya. Bata ka pa para maintindihan ang mga sinasabi ko...”

“Kung pamilya ang importante bakit itinakwil ka nila Lola?”

Natigilan siya sa tanong nito. Walang lumalabas na boses sa bibig niya at walang tamang salita na nabubuo sa isipan.

Kasabay ng malakas na ulan ang walang tigil na pagluha ng mata ni Xianelle. Hindi na mahalaga sa kaniya ang nakaraan, ang sa kaniya katahimikan at magandang buhay para sa anak.

Kahit ‘yon man lang maibigay niya kay Alas. Iyon dapat ang ginawa ng isang Ina ang protektahan, mabihisan at mabigyan ng tahanan ang kaniyang anak, unang iintindi at sasaklolo bagay na kailangang-kailangan mula sa kaniyang Mommy, noon.

Masaya siya na mayroong Alas sa buhay niya. Mas nakilala niya pa ang sarili at nalaman kung ano ang kayang gawin ng isang nagmamahal na Ina sa kaniyang anak. Higit sa lahat nalaman niya ang pinagkaiba ng isang nanay sa ina...

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • AKAS   PENDILTON HEIR SERIES 1

    [] ╲┏━━━━━━━━━━━━┓ ╲┃ 𝗗𝗜𝗦𝗖𝗟𝗔𝗜𝗠𝗘𝗥 ┃ ╲ ┗━━━━┳━━━━━━━┛ ╲╲╭ⓄⓄ╮┃╱╱╱╱╱╱╱ ╲╲┫╰╯┣╯╱╱╱╱╱╱╱ ┈┈╰┳┳╯┈┈┈┈┈┈┈┈ This is work of fiction. Name, characters, businesses, places, event and incident are either product of the author's imagination or are use fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or death. Events, places, businesses is entirely coincidental. 𝗪𝗔𝗥𝗡𝗜𝗡𝗚: This story contains trigger warning, sensitive contents, inappropriate and strong languages that not suitable for a young readers and may trigger some of you. Read at your own risk. This story also is contain typos errors, grammatical error, wrong spelling and whatsoever errors. ©BLACK_JAYPEI. All Rights Reserved. This book or any portion thereof may not be reproduced or use in manner whatsoever without the express written permission of the author. Any infringement of copyright is punishable by law. 𝐏𝐄𝐍𝐃𝐈𝐋𝐓𝐎𝐍 𝐇𝐄?

  • AKAS   SPECIAL CHAPTER

    ••• AKAS POINT OF VIEW ••• Nagising ako ng saktong alas singko ng umaga. Yakap-yakap ang asawa ko na mahimbing pa ring natutulog. Ginawaran ko siya ng halik sa gilid ng noo bago maingat na umalis sa tabihan niya. Pumunta ako ng banyo at naligo. Lumabaa ako ng kwarto nang nakabihis na. My lips form 'o' as I saw my sons standing outside of their room. The three of them look so cool in their outfits. Alas wearing a black shirt, Ace wearing a grey shirt, and Flint wear white shirt and the the of them wearing a black jogging pants, and wite shoes. “Good morning, sons.” Nakangiting bati ko sa kanila. “Good morning too, Papa!” “I'm still sleepy.” Reklamo ni Alas. “Hi, Dad. We're ready.” Imporma ni Ace. “You're so early, handsome. Why don't you go back to sleep huh?” Ginulo ko ang buhok ni Flint. “I want to join you for today's morning exercise, Papa.” Excited na anito. Nakasanayan ko na gumising ng maaga para sabayan si Ace sa kaniyang excise at mga training dahil hilig na talaga ni

  • AKAS   EPILOGUE

    • • • FIVE YEARS LATER • • • Spain : 5:10 AM Sa Mansion ni Ace, sa loob ng gym room kasalukuyang nagpapapawis si Klinton sa loob ng ring kasama ang anak. Kontrolado ni Klinton ang kaniyang sarili habang nakikipagpalitan ng suntok at sipa sa anak ngunit malaki ang tiwala niya dito na hindi niya matatamaan dahil mabilis ang mga kilos nito at alam na alam ang estilo kung kailan susugod at hihilag. “Show me who you are, son! Show me!” Sinasalag ni Klinton ang bawat sugod ng anak, napakalakas ng mga suntok at sipa nito. Sobrang liksi rin ng bawat galaw kaya tumama ang lakas na sipa nito sa kaniyang dibdib. “Is that all what you can son huh?” Habol ang hininga ni Klinton, naliligo siya sa kaniyang pawis ganu'n rin ang kaniyang anak dahil mahigit kalahating oras na silang naglalaro sa ring. Sunod-sunod na suntok ang pinakawalan nito kasabay ng paghawak sa braso ni Klinton kasunod ang isang sipa ngunit nasalo ni Klinton ang paa nito dahilan para hawakan ibalibag niya iyon sa malambot

  • AKAS   AKAS 115

    Paraiso De Pendilton ; The wedding day. . . The huge garden of Paraiso De Pendilton become more luxurious with the giant castle tent. At the entrance there is wedding decoration; “Welcome to Dior & Xia Wedding” The whole place has elegant decor; lavish decorations, candelabras, and fresh white flowers. At the edge there’s a multi-course meals, fine wine, and gourmet cuisine. There a live performance of the popular orchestras. There are professional photographers to captured all the beautiful moments and the whole event can watch—live in the national TV. Isa-isa nang nagdadatingan ang mga bisita wearing a formal gold attire; gowns for woman, tailors suits for man. Masayang tinatanggap ni Don Leon ang pagdating ng mga ito at sinigurado na maging komportable. The aisle is surrounded by white fresh flowers and it wasn't red carpet it was made of glass that you can see your reflection. At the end if the aisle the old priest was standing their waiting for the groom and bride. °°° Sa gr

  • AKAS   AKAS 114

    “Why are we here? First, Cyrus, brother. I want to give you what you are asking from me.” Pumito si Klinton at sumenyas kay Cesar na sumakay sa yate. “This is Cesar, my rank 1 men of honor. He prove his loyalty, capability, and his the must trusted person I had like Rodrigo and Denmark that's why I am giving him to you as your righthand-man.” Nanlaki ang mata ni Cesar. “Boss?” “Yes, Cesar! You are now a righthand-man of Cyrus Rummage!” Napakurap-kurap si Cyrus. “Seriously, brother?” “Am I laughing man? Of course, I'm serious to give you a trusted person who can work with your businesses with loyalty, capability and even entrust your life with him.” Matagal ng pinlano ni Klinton ma ibigay si Cesar kay Cyrus ngunit hindi siya nagkaroon ng pagkakataon dahil sa sunod-sunod na pangyayari. Buo ang tiwala niya kay Cesar na maglilingkod ito kay Cyrus tulad ng paglilingkod sa kaniya ni Rodrigo at Denmark. “Damn! This is what am waiting for!” Tumayo si Cyrus at hinarap si Cesar

  • AKAS   AKAS 113

    Hinanap ng mata ni Xianelle si Cesar, natagpuan niya itong kumakain. Kinawayan niya na agad namang tumango nang nakuha ang ibig sabihin ni Xianelle. Ibinigay ni Cesar ang plato niya kay Denmark. Naglakad siya papalapit kay Xianelle bitbit ang paperbag na dala-dala niya. Magalang na inabot ni Cesar ang paperbag kay Xianelle. “Madame,” Tinanggap iyon ni Xianelle at ngumiti. “Thank you, Cesar.” Nakangiti humarap si Xianelle sa kaniyang at inaabot ang kaniyang regalo kasabay ng kaniyang pagbati. “Happy birthday, Daddy! I wish you all the best, I love you.” Imbes na tanggapin iyon ni Henry ay niyakap niya ng mahigpit ang kaniyang anak at hinalikan sa ulo. “Thank you for making my birthday special, I love you so much my daughter.” Sumenyas si Henry kay Phil upang tanggapin nito ang regalo ni Xianelle. “Ingatan mo iyan, Phil.” “Yes, Sir.” Tumalikod na si Phil. “Inaantok na ang nga bata dito na kayo magpalipas ng gabi.” Mungkahi ni Henry habang pinagmamasdan si Alas at Ace.

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status