Kinabukasan,
Bago bumukas ang liwanag sinimulan na ni Xianelle ang maglakad habang mahimbing na natutulog sa bisig si Alas at bitbit ang mga bag kung na saan ang mga damit nila. Pumunta siya sa bayan para magtrabaho. Hindi na pwedeng bumalik sa paglalako ng taho. Kaya ito na siya ngayon sa bayan, nagbubuhat ng mga deliver na isda kay Aling Bebang. “Aling Bebang, ito na ho ang isda niyo!” “Tamang-tama ang dating mo!” Kumuha ito ng pera sa suot nitong apron at kinuha ang kamay niya. Nag-angat siya ng tingin dito, awang-awa ito sa sitwasyon niya dahil naikwento niya ang nangyari sa kanila ni Alas upang tanggapin lang siyang magbuhat ng mga balde-baldeng isda. “Pagpasensiyahan mo na ‘to, Hija. Ito lang ang kaya kung iabot sa iyo.” Nagbaba siya ng tingin sa pera na ibinigay ni Aling Bebang, nakangiti ang ginang na inaabot ang isang libo. “Aling Bebang, ang laki ho nito, baka malugi ang negosyo mo. Hindi ko ho, matatanggap ito.” Umiling na ipinagpilitan ni Aling Bebang kunin niya ang pera. “Sige na. Kunin mo na,” Sumulyap ito kay Alas ko naka-upo sa sulok. “Isipin mong tulong ito! Para 'yan sa gwapo mong anak, kaya tanggapin mo na.” “Maraming salamat po, Aling Bebang pero pang maintenance na ito ni Mang Uling.” Alam niya kasing may sakit na ang asawa ng Ginang at kapos rin sa buhat. “Sige na. Tanggapin mo na.” Kung sino pa ang kapwa mo kapos sa buhay sila pa ang matatakbuhan mo kapag walang-wala ka. Kahit walang-wala na silang matira sa sarili basta makatulong sa kapwa na ngangailangan. Hinding-hindi niya makakalimutan si Aling Bebang... Maghapon siyang nag-extra-extra. Sa away ng diyos kumita siya ng sapat para sa pagkain nilang mag-ina at may pamasahe na rin sila sa pagluluwas ng manila. “Xian-Xian, kain ka rin...” Iniumang ni Alas sa Mommy niya ang kutsara na may lamang kanin at fried chicken. Ang makitang nahihirapan ang kaniyang Mommy, hindi niya maiwasang magalit sa kaniyang Daddy. Kung nagpakalalaki lamang ito, hindi sana nagdudusa ang Mommy niya. At galit rin siya sa pamilya ng Mommy niya dahil pinabayaan ito! Galit na galit siya sa lahat ng dahilan ng pagdurusa ng kaniyang Mommy at lalong-lalo na sa kaniyang sarili dahil pasakit talaga siya sa mommy. “Sige na, baby, ubusin mo na ‘yan para may laman ang tiyan mo sa byahe.” Uminom si Xianelle ng tubig. Hinimay niya ang fried chicken ni habang nagdadalawang-isip na ipagpatuloy ang pagkain. “Saan po tayo pupunta?” “Luluwas tayo ng Manila.” Malapad na gumuhit ang ngiti sa labi niya upang ipakita sa mommy niya na masaya siya. “Yehey! Xian-Xian, makikita ko na ba Daddy ko?” Hindi ni Alas gugustuhin na makita ang kaniyang Daddy. Gusto niyang kapag dumating ang araw na 'yon, nakaahon na sila ng Mommy niya sa hirap at ito naman ang magdurusa. ‘Hinding-hindi kita mapapatawad, Daddy! Paghihirapan mong lahat!’ Sa isip ni Alas. °°° Pagsapit ng alas sais nasa bus na silang mag-ina. Papaalis na ng bus ng may babaeng umupo sa tabihan ni Xianelle. Balisang-balisa ito at hindi mapakali sa kaniyang kina-uupuan, sobrang ganda nito at sa tingin niya'y taga-manila ito. Halata sa itsura na may pinagtataguan at takot na takot. “Miss, ayos ka lang ba?” Tumingin ito sa unahan bago lumingon sa kaniya. Napatingin si Xianelle sa kamay nito na nakahawak sa tiyan at nakita niyang may dugo na umaagos doon. “Miss, ayos ka lang? Dumudugo ang sugat mo!” Nataranta si Xianelle ng makita ang dugo. Dinaluhan niya ito, tiningnan niya ang sugat nito at laking gulat ni Xianelle na lang na saksak ng kutsilyo ang tinamo nito. “Kailangan mong madala sa hospital, malala ang sugat mo baka maubusan ka ng dugo!” Tumayo si Xianelle para humingi ng tulong sa iba pero pinigilan siya nito. Mahigpit nitong hinawakan ang kamay niya at pinakatitigan siya Sunod-sunod na napalunok si Xianelle dahil hindi niya alam kung anong tulong ang magagawa para sa babae. May kinuha ito sa bulsa ng kaniyang suot na jacket at ibinigay sa kaniya ang isang... Flashdrive. “A-Ano ‘to?” Nagugulohang tanong niya at nakaramdam siya ng kaba. “Naging mabuti ka sa akin kahit hindi tayo magkakilala. Ibinibigay ko sa iyo ‘to bilang isang pabuya.” Kumunot ang noo niya, kahit sino naman tutulong lalo na sa sitwasyon nito! “Ingatan mo ‘yan at wag na wag mong ibibigay sa kahit na sino lalong-lalo na kay...” Nahihirapan itong huminga. “A-Akas...” Nakaramdam siya ng pagkalito nang biglang tumigil ang bus na ikinasigaw ng lahat. Agad niyang niyakap ang anak at naki-usisa sa nangyayari sa labas. “Baba na, baba na! Nasiraan ang bus!” Sigaw ng kondoktor dahilan para magmadaling bumaba ang mga pasahero para lumipat sa kasunod na bus. “Halika na...” “R-Reyna. Reyna ang pangalan ko...” Nginitian siya nito. “S-Sige na, wag mo akong alalahanin.” Tiningnan niya ito mariin, gusto niya itong alalayan palabas pero ayaw nitong sumama. Ayaw niya ring ipaalam sa iba ang kalagayan niya kaya mas lalo siyang nag-alala dito. Lutang si Xianelle buong gabi habang nasa byahe. Hindi mawala sa isip niya she Reyna maging ang hawak na flashdrive na hindi niya malaman kung ano ang dapat gawin dito. Sumapit ang umaga nasa tapat na sila ng address na ibinigay sa kaniya ni David bago ito umalis ng Quezon. “Xianelle?” Ngumiti siya kay David. Nagmamadaling lumapit ito sa kanila at pinagbuksan ang gate. “Papi!” Yumakap si Alas sa hita ni David. “Juskesh, ang gwapo-gwapo mo na! Manang-mana ka sa Ama mo, ‘di ba bakla?” Pinandilatan niya si David bago siya yumakap sa kaibigan. “David— “Divine.” Pagtatama nito. Natawa silang dalawa habang naglalakad papasok sa loob. Inasikaso sila ni David. Pinakain sila nito at binigyan ng mga laruan si Alas. Nang mapatingin si David sa gawi ni Xianelle, iniwan nito si Alas at hinila siya papunta sa maliit na harden. “Ang gwapo-gwapo niya ‘no? Manang-mana sa ama!” Napa-irap si Xianelle. Ang hilig-hilig nitong sabihin na manang-mana sa ama eh, ni anino nga ng walang hiyang ‘yon hindi nito nakita. Iyon na nga ang masakit. Siya na naghirap na dalhin ng siyam na buwan sa sinapupunan, paglabas kamukha pa ng ama! “Ang tanong kilala mo ba ang Ama?” “Hindi, pero ikaw kilala mo! Oh, siya anong nangyari at napaluwas kayo ng Manila? Ah? Bakla?” Isinalaysay niya ang buong dahilan kung bakit sila napaluwas ng Manila. “Diyos ko, day! Nang umulan ng kamalasan hindi ka man lang humilag! Awang-awa ako sa iyo, hindi ka ba na aawa sa sarili mo? Sa anak mo?” Bumuntong hininga si David at pinakatitigan siya. Alam niyang gusto nitong sabihin ang kalagayan ni Alas. Kung mayroon man ditong kawawa hindi siya ‘yon kundi ang anak niya na may malubhang sakit. “Siguro ito na rin ang tamang panahon para ipakilala mo si Alas sa ama niya, tadhana na mismo ang gumagawa ng daan para bumalik ka sa buhay na matagal mo ng ibinaon sa limot.” “Ano bang pinagsasabi mo? Divine, magkamatayan na pero hinding-hindi ko ibibigay si Alas sa Ama niya. Ako ang Mama niya at akin lang siya, itataguyod ko siya kahit na magkanda-kuba-kuba ako sa pagt-trabaho!” “Bruha!” Mahinang hinila ni David ang ilang hibla ng buhok niya dahilan para hampasin niya ito sa balikat. “Bakit ba na nabunot ka?!” “Para matauhan ka, Gaga! Paano niya naman kukunin sa iyo ang bata? Baka nakakalimutan na isinampal sa iyo ng lalaking ‘yon ang katutuhanan na hindi niya kayo gusto! Isa pa, wag mong pa iralin ‘yang pride mo haindi niyan magagamot ang sakit ni Alas!” Ang pinakarason niya kung bakit sila lumuwas ng manila, iyon ay ang mapatingnan sa magaling na doktor ang anak dahil may sakit ito sa puso. Binatukan niya ito. “Gaga ka ring bakla ka! Bakit ko pa siya ipapakilala kung ayaw niya sa amin? Ah? Aber? Para maramdaman ni Alas ‘yong sakit na ipinaramdam sa akin ng lalaking ‘yon?” Ngumiwi si David. “Malay mo sa ilang taon na lumipas nagbago na siya. Sa pagkakataong ito na sasabihin mong may anak kayo tanggapin niya ang bata lalo na sa lagay nito.” Oo, may pera nga ang ama ni Alas at kung tutuuusin ay barya lang ang ito kay Klint pero hindi siya nakasisiguro na hindi nito kukunin ang anak niya? “Ide parang sinabi mo na rin na kukunin niya sa akin si Alas!” “Sinong kukuha sa akin, Xian-Xian?” Nagkatinginan sila ni Divine. Pinandilatan niya ito na itikom ang bibig. Nilingon niya si Alas na nakatayo sa likuran niya at seryosong-seryoso ang mukha nitong nakatitig sa akin. “Xian-Xian, ibibigay mo ba ako kapag may kumuha sa akin?” Bakas sa boses nito ang lungkot. Hindi niya gustong maglihim sa anak pero bata pa ito para malaman ang lahat-lahat. Sunod-sunod siyang umiling at hinaplos ang pisngi nito. “H-Hindi. Sympre, hindi. Hindi ako papayag na magkalayo tayo.” Yumakap ito sa kaniya, kaya binuhat niya ito. “I love you, my Xian-Xian...” Salita na kay sarap pakinggan mula kay Alas. Sa tuwing bigong-bigo siya. Ito ang nagbibigay lakas sa kaniya para lumaban. Si Alas ang buhay niya at dito rin umiikot ang mundo niya. Gagawin niya ang lahat para kay Alas. Anak niya ito at sa kaniya lang siya... “I love you more, my Alas.”[] ╲┏━━━━━━━━━━━━┓ ╲┃ 𝗗𝗜𝗦𝗖𝗟𝗔𝗜𝗠𝗘𝗥 ┃ ╲ ┗━━━━┳━━━━━━━┛ ╲╲╭ⓄⓄ╮┃╱╱╱╱╱╱╱ ╲╲┫╰╯┣╯╱╱╱╱╱╱╱ ┈┈╰┳┳╯┈┈┈┈┈┈┈┈ This is work of fiction. Name, characters, businesses, places, event and incident are either product of the author's imagination or are use fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or death. Events, places, businesses is entirely coincidental. 𝗪𝗔𝗥𝗡𝗜𝗡𝗚: This story contains trigger warning, sensitive contents, inappropriate and strong languages that not suitable for a young readers and may trigger some of you. Read at your own risk. This story also is contain typos errors, grammatical error, wrong spelling and whatsoever errors. ©BLACK_JAYPEI. All Rights Reserved. This book or any portion thereof may not be reproduced or use in manner whatsoever without the express written permission of the author. Any infringement of copyright is punishable by law. 𝐏𝐄𝐍𝐃𝐈𝐋𝐓𝐎𝐍 𝐇𝐄?
••• AKAS POINT OF VIEW ••• Nagising ako ng saktong alas singko ng umaga. Yakap-yakap ang asawa ko na mahimbing pa ring natutulog. Ginawaran ko siya ng halik sa gilid ng noo bago maingat na umalis sa tabihan niya. Pumunta ako ng banyo at naligo. Lumabaa ako ng kwarto nang nakabihis na. My lips form 'o' as I saw my sons standing outside of their room. The three of them look so cool in their outfits. Alas wearing a black shirt, Ace wearing a grey shirt, and Flint wear white shirt and the the of them wearing a black jogging pants, and wite shoes. “Good morning, sons.” Nakangiting bati ko sa kanila. “Good morning too, Papa!” “I'm still sleepy.” Reklamo ni Alas. “Hi, Dad. We're ready.” Imporma ni Ace. “You're so early, handsome. Why don't you go back to sleep huh?” Ginulo ko ang buhok ni Flint. “I want to join you for today's morning exercise, Papa.” Excited na anito. Nakasanayan ko na gumising ng maaga para sabayan si Ace sa kaniyang excise at mga training dahil hilig na talaga ni
• • • FIVE YEARS LATER • • • Spain : 5:10 AM Sa Mansion ni Ace, sa loob ng gym room kasalukuyang nagpapapawis si Klinton sa loob ng ring kasama ang anak. Kontrolado ni Klinton ang kaniyang sarili habang nakikipagpalitan ng suntok at sipa sa anak ngunit malaki ang tiwala niya dito na hindi niya matatamaan dahil mabilis ang mga kilos nito at alam na alam ang estilo kung kailan susugod at hihilag. “Show me who you are, son! Show me!” Sinasalag ni Klinton ang bawat sugod ng anak, napakalakas ng mga suntok at sipa nito. Sobrang liksi rin ng bawat galaw kaya tumama ang lakas na sipa nito sa kaniyang dibdib. “Is that all what you can son huh?” Habol ang hininga ni Klinton, naliligo siya sa kaniyang pawis ganu'n rin ang kaniyang anak dahil mahigit kalahating oras na silang naglalaro sa ring. Sunod-sunod na suntok ang pinakawalan nito kasabay ng paghawak sa braso ni Klinton kasunod ang isang sipa ngunit nasalo ni Klinton ang paa nito dahilan para hawakan ibalibag niya iyon sa malambot
Paraiso De Pendilton ; The wedding day. . . The huge garden of Paraiso De Pendilton become more luxurious with the giant castle tent. At the entrance there is wedding decoration; “Welcome to Dior & Xia Wedding” The whole place has elegant decor; lavish decorations, candelabras, and fresh white flowers. At the edge there’s a multi-course meals, fine wine, and gourmet cuisine. There a live performance of the popular orchestras. There are professional photographers to captured all the beautiful moments and the whole event can watch—live in the national TV. Isa-isa nang nagdadatingan ang mga bisita wearing a formal gold attire; gowns for woman, tailors suits for man. Masayang tinatanggap ni Don Leon ang pagdating ng mga ito at sinigurado na maging komportable. The aisle is surrounded by white fresh flowers and it wasn't red carpet it was made of glass that you can see your reflection. At the end if the aisle the old priest was standing their waiting for the groom and bride. °°° Sa gr
“Why are we here? First, Cyrus, brother. I want to give you what you are asking from me.” Pumito si Klinton at sumenyas kay Cesar na sumakay sa yate. “This is Cesar, my rank 1 men of honor. He prove his loyalty, capability, and his the must trusted person I had like Rodrigo and Denmark that's why I am giving him to you as your righthand-man.” Nanlaki ang mata ni Cesar. “Boss?” “Yes, Cesar! You are now a righthand-man of Cyrus Rummage!” Napakurap-kurap si Cyrus. “Seriously, brother?” “Am I laughing man? Of course, I'm serious to give you a trusted person who can work with your businesses with loyalty, capability and even entrust your life with him.” Matagal ng pinlano ni Klinton ma ibigay si Cesar kay Cyrus ngunit hindi siya nagkaroon ng pagkakataon dahil sa sunod-sunod na pangyayari. Buo ang tiwala niya kay Cesar na maglilingkod ito kay Cyrus tulad ng paglilingkod sa kaniya ni Rodrigo at Denmark. “Damn! This is what am waiting for!” Tumayo si Cyrus at hinarap si Cesar
Hinanap ng mata ni Xianelle si Cesar, natagpuan niya itong kumakain. Kinawayan niya na agad namang tumango nang nakuha ang ibig sabihin ni Xianelle. Ibinigay ni Cesar ang plato niya kay Denmark. Naglakad siya papalapit kay Xianelle bitbit ang paperbag na dala-dala niya. Magalang na inabot ni Cesar ang paperbag kay Xianelle. “Madame,” Tinanggap iyon ni Xianelle at ngumiti. “Thank you, Cesar.” Nakangiti humarap si Xianelle sa kaniyang at inaabot ang kaniyang regalo kasabay ng kaniyang pagbati. “Happy birthday, Daddy! I wish you all the best, I love you.” Imbes na tanggapin iyon ni Henry ay niyakap niya ng mahigpit ang kaniyang anak at hinalikan sa ulo. “Thank you for making my birthday special, I love you so much my daughter.” Sumenyas si Henry kay Phil upang tanggapin nito ang regalo ni Xianelle. “Ingatan mo iyan, Phil.” “Yes, Sir.” Tumalikod na si Phil. “Inaantok na ang nga bata dito na kayo magpalipas ng gabi.” Mungkahi ni Henry habang pinagmamasdan si Alas at Ace.