Share

Chapter Fifty-Four

Muling pinasibad ni Alexander ang Ducati nito pagkatapos ng ilang saglit.

Hindi alintana ng lalaki ang rumaragasang ulan. Nagpatuloy ito at mas lalo pang binilisan ang pagpapatakbo.

Hindi naman magkamayaw sa pag-aalala si Rose. Dahil basang-basa na ang asawa. At ang buhos ng ulan ay tila nakikipaggirian sa lakas ng bayo.

Kay bilis rin ng takbo nila. At sa dilim na bumabalot sa paligid ay duda siyang naaaninag pa ng asawa ang kalsada. Subalit tila gamay na gamay ni Alexander ang dinaraanan. Mariin na lamang syang pumikit at mahigpit na yumakap sa lalaki.

Sa kabila naman ng pangamba ay gising na gising ang mga pandama niya sa init na hatid ng pagkakalapit muli ng kanilang mga katawan.

Nakailang bitiw siya ng malalim na paghinga. Nakakaloka ang senses niya at gusto pa ata siyang ipahiya.

"We're here," bulong ni Alexander na nagpa-igtad sa kanya. Paglinga niya ay unang tumambad sa paningin niya ang bakod ng kanilang bahay na yari sa bakal. Namamanghang napatitig siya sa la
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status