Share

Chapter Fifty-Two

Eksaktong ika-walo ng gabi nang marating nila ang Plaza Hotel.

Iginiya sila ng usherette na sumalubong sa kanila pagpasok pa lamang sa bulwagan. Habang naglalakad ay ramdam ni Rose ang mga matang nakamasid.

Mula pa kanina sa entrance ay takaw-pansin na ang pagdating nila ng alkalde. Mayroong kababakasan ng paghanga; may tinging nang-iintriga; at mayroon ding nakaarko ang mga kilay.

Ipinakilala siya ni Dusan sa mga kaalyado nito. May tuksuhan subalit tinapos ng kaibigan sa salitang magkaibigan lamang sila.

Ilang dating katrabaho sa larangan ng media ang natanaw niya sa 'di kalayuan. Kuntodo kaway ang mga ito kaya't saglit siyang nagpaalam kay Dusan na nagpaunlak naman.

"OMG! Are you dating the elusive Mayor Dusan Aguirre?"Salubong ni Karla, na namimilog ang mga mata. Dati niya itong nakasama sa isang malaking network as anchor. Nakipag-beso ang babae.

"We're just friends," Rose simply responded.

"Then you've got everybody fooled here, darling." sambit ni Karla, na h
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status