共有

Chapter Ten

作者: Re-Ya
last update 公開日: 2024-01-22 08:20:27
Tunog ng humintong motorsiklo sa labas ang marahas na nagpalingon kay Rose sa pintuan.

Agad siyang napatayo, kilala niya ang ingay na iyon ng sasakyan. Kumabog ang dibdib ng dalaga.

Saglit pa at bumukas ang dahon ng pinto, iniluwa ang lalaki.

Pakiramdam ni Rose ay tumalon ang puso niya nang tuluyang masilayan si Dimitri. Nabuhayan siya ng loob at dagling naparam ang kanina'y bumangong takot.

Tinakbo niya ang lalaki at sinalubong ng yakap, ang luhang nagsimulang bumukal ay mabilis na duma
この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード
ロックされたチャプター

最新チャプター

  • ALEXANDER ZAAVEDRA, Brutal at Walang Kinatatakutan   Chapter Sixty ( Ang Katapusan)

    Rose was stunned. Her eyes still went wide. Tama ba ang narinig niya? "Na… naaaalala mo?" atubiling tanong niya na halos pabulong. "Yes, I remembered everything, particularly…us," malambing na sagot ni Alexander, habang nakatunghay sa maliit niyang mukha. Sa nanlalaking mga mata ay muling umawang ang mga labi niya. Hindi agad siya nakapagsalita. Pilit inaaabot ng isip ang mga salitang nagmula sa lalaki. Baka kasi dinadaya lamang siya ng pandinig. "P...pero sabi ni Lance..." "Ni Lance? Putol ni Alexander na may pagkunot ng noo. "Yes, he said you did not remem...," she paused. "Oh that bastard, he tricked me!" She hissed. Sukat humalakhak si Alexander. "You two have the same feathers," sabi ni Rose, na kinakitaan ng pagkapikon. "So devastating that you may remember parts of the memory but not all of it," dagdag niya. "You're the most beautiful part of it," Alexander said softly, while gently caressing her shoulder. "But you set me up. You haven't told me. The me

  • ALEXANDER ZAAVEDRA, Brutal at Walang Kinatatakutan   Chapter Fifty-Nine

    Abala man sa ginagawa ay hindi magkamayaw si Rose sa katatanaw kay Alexander. Tinutulungan niya sa paghahanda ng pagkain si Tiyang Linda niya. Kanina ay pinilit niyang magpakaswal habang kaharap si Alexander. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga natuklasan ngayong araw. Gimbal pa rin siya at hindi agad-agad makabawi sa naging pag-uusap nila ni Lancelot. Hindi rin niya matiyak sa sarili kung ano ba ang nararapat niyang maramdaman sa mga sandaling ito. Ang kaalamang buhay si Dmitri ay labis na nagpagalak ng kanyang puso. Subalit ang katotohanang burado siya sa mga alaala nito ay nagdudulot ng 'di matawarang hapdi at kirot sa kanyang damdamin. Ibang klase magbiro ang tadhana. Dumarating sa mga panahong hindi mo inaasahan at hindi ka handa. Huminga siya nang ubod ng lalim nang makaramdam ng pagbigat sa dibdib. Hinagod niya iyon gamit ang kamay dahil sa pakiramdam ng paninikip. Pinuno niya ng hangin ang kanyang busto. Muli niyang sinulyapan si Alexander. Puno ng kasiy

  • ALEXANDER ZAAVEDRA, Brutal at Walang Kinatatakutan   Chapter Fifty-Eight

    “Kung ganoon ay saan dinala ni Alexander ang anak ko?" aniyang pilit na ginagawang pormal ang tinig. Napaupo siya sa katapat na silya ng lalaki. Larawan ng kalituhan at kawalan ng magawa. Punong-puno siya ng pangamba para sa anak. Nakakahiya man, nawawala ang composure niya sa harap ng abogado. Mistulang balisa at tuliro sa itinatakbo ng mga pangyayari. Kagabi lamang ay talo pa ni Alexander ang totoong mangingibig sa pagpapadama ng pagmamahal. Sadyang ginugulo ng lalaki ang isip at damdamin niya. Sa isang pitik lamang ay dagli nitong naparupok ang kanyang depensa bilang babae. Paano kung ang lahat ng ipinakita nitong pagsuyo ay pawang balatkayo lamang upang makuha ang kanyang loob at pagtitiwala? Saan hahantong ang lahat? Isa ba sa mga istratehiya nito ang magpanggap upang mapagbayad siya sa isang pagkakamali na hindi niya mahanapan ng sagot? Spare my daughter, Alexander, "she mouthed." Oh God. Handa siyang harapin ang anumang kaso na maaaring ipataw ng asawa. Kung

  • ALEXANDER ZAAVEDRA, Brutal at Walang Kinatatakutan   Chapter Fifty-Seven

    Nag-alala si Tiyang Linda para kay Rose na noo'y nagdadalaga pa lamang. Sa wari niya ay sinasamantala ni Don Manolo ang kanilang pangangailangan dala ng kahirapan. Ilang beses niyang pinayuhan ang pamangkin na pag-isipan o pagnilayang mabuti ang mga proposisyon ng Don. Subalit hindi nagpapigil si Rose at agad na pumirma sa kontrata. Nabahala si Tiya Linda noong una sa pag-aakalang hindi maganda ang hangarin ni Don Manolo sa pagtulong. Kalaunan ay nakita niya ang kabutihang-loob ng matanda, lalo na at malaki ang nagawa nito upang maging maayos ang kanilang buhay. At aminado siya sa bagay na iyon. Pagkat nagkaroon ng magandang kinabukasan ang pamangkin at siya naman ay nagkaroon ng maayos na hanapbuhay. Nakapagtapos si Rose ng pag-aaral sa isang de-kalidad na unibersidad at nakapagtrabaho sa radyo't telebisyon maging sa kilalang pahayagan. Naging kilala itong magaling na mamamahayag at kalaunan ay naging komentarista. Kasabay noon ay nakakatanggap si Rose ng iba't ibang

  • ALEXANDER ZAAVEDRA, Brutal at Walang Kinatatakutan   Chapter Fifty-Six

    Nagising kinabukasan si Rose na mag-Isa na lamang sa kanyang silid. Nang kapain niya ang bahagi ng kama ay bakante na iyon at wala ni anino ni Alexander. Tuluyang nagising ang kanyang diwa at iginala ang tingin sa kabuuan ng kwarto. Subalit ay walang palatandaan ng lalaki. Nagmamadaling inabot ni Rose ang roba sa tabi. Mabilis na isinuot upang mapagtakpan ang kahubaran. Saglit na nag-init ang kanyang mukha sa pag-alaala sa nangyari noong nagdaang gabi. Pinakiramdaman niya ang banyo, baka sakaling naroon lamang ang asawa. Nang hindi makuntento, sinubukan niyang kumatok nang mahina. Subalit walang senyales na may tao sa loob. Ni wala siyang ingay o kaluskos man lamang na maririnig. Agad siyang nag-ayos ng sarili at nagbihis nang mapagtanto niyang baka nauna nang lumabas ang asawa. Sa kusina ay nabungaran niya ang tiyahin na abala sa pagluluto. Tinapunan siya ng tingin ni Tiya Linda nang may kahulikap na ngiti. "O, mabuti at nagising ka na, aba'y umalis ang asawa mo," impor

  • ALEXANDER ZAAVEDRA, Brutal at Walang Kinatatakutan   Chapter Fifty-Five

    Hesusmaryosep! Ang tiya Linda na napaantada ay larawan ito ng pagkagulat sa natunghayan sa kusina. "Tiyang!" lingon dito ni Rose. Mabilis siyang kumawala kay Alexander. Kinapa ang nahubad na blusa at mabilis na sinuot, pagkatapos ay tumayo upang ayusin ang sarili. Nahihiyang napatitig siya sa tiyahing mulagat. A…Alexander?" sambit ng tiyahin, hindi makapaniwala ang babae na mabubungaran sa kusina ang lalaki kasama ang pamangkin sa isang mainit na tagpo. "Magandang gabi po, Tiyang Linda." Seryosong bati rito ni Alexander. Noon naman ay naisiper na nito ang pantalon. Agad na nagmano ang lalaki sa matanda na bagama't nagpaunlak ay larawan ng kalituhan. Sinulyapan ni Tiya Linda si Rose na hindi malaman kung paano magpapaliwanag at hindi rin makatingin nang diretso sa kanya. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa dalawa na puno ng pagdududa. Aktong magpapaliwanag na sana si Alexander nang unahan ito ni Rose. "N... Nagkita po kami sa event." aniya sa tiyahin. "Hinatid niya

  • ALEXANDER ZAAVEDRA, Brutal at Walang Kinatatakutan   Chapter Four

    Malalim na ang gabi nang maalimpungatan si Rose. May kung anong magaspang na bagay na dumadama sa leeg niya. Pinilit niyang idilat ang nakapinid na mga mata para lamang manlaki nang mapagsino ang pangahas na nilalang sa tabi niya at tila demonyo sa pagkakangisi. At bago pa man siya makapiyok ay

  • ALEXANDER ZAAVEDRA, Brutal at Walang Kinatatakutan   Chapter Three

    Masukal ang kagubatan. Duda si Rose kung makakalabas pa siya ng buhay. Ni wala siyang palatandaan palabas para makarating man lang sa pinakamalapit na bayan. Hindi na nga niya alam kung saang panig na siya sa Cotabato. Fighter siya at hindi basta-basta sumusuko, pero sa pagkakataong ito ay h

  • ALEXANDER ZAAVEDRA, Brutal at Walang Kinatatakutan   Chapter Two

    Masakit na ang mga paa niya sa walang habas nilang kalalakad na tila wala nang katapusan sa madawag na kagubatan. Muling nagmakaawa ang dalaga sa mga taong bumitbit sa kanya. Subalit mistulang bingi ang mga ito sa kanyang pakiusap. Bagkus ay siyang-siya pa ang mga bruho habang pinagmamasdan s

  • ALEXANDER ZAAVEDRA, Brutal at Walang Kinatatakutan   Chapter One

    Malamig na sa balat ang hanging pumapasok sa bukas na bintana ng kanyang sinasakyang bus. Sinilip ni Rose ang oras mula sa relong suot. Kulang sampung minuto ay mag-iika-anim na ng gabi. Kagat na ang dilim, ngunit hindi iyon naging hadlang upang hindi niya mamalas ang kagandahan ng paligid.

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status