LOGIN“Uy… relax lang… hinga ka muna…” agad na sabi ni Cris nang makita si Dianne na halos hingalin sa pagdating sa karinderya. “Naku… wait lang…” hingal na sagot ni Dianne habang hawak ang dibdib niya, saka sumandal sa dingding. “Anong meron… may hinahabol ka ba o may humahabol sa’yo…” biro ni Cris pero halatang nag-aalala ang tono. “Bakit naparito ka, may naiwan ka sa van?” Umiling si Dianne at tumingin diretso sa kanya. “Si Sol…” Napahinto si Cris sa ginagawa. “Anong nangyari kay Sol…” Huminga muna ng malalim si Dianne bago nagsalita. “Hindi na siya makakapasok simula bukas…” “Ha… bakit…” agad na tanong ni Cris, napakunot ang noo. “Sinundo na siya ng dad niya pagtalikod lang ninyo, dumating ang daddy niya… pinauwi na siya sa kanila…” Parang biglang huminto ang oras. Napatitig si Cris sa sahig bago siya napangiti ng pilit. “Ganun ba… hindi niya rin siguro in-expect na masusundan siya dito
Nag hahanda na sila umuwi.. Before they left the resort, namili muna sila sa souvenir shop. Habang abala ang lahat sa pamimili ng mga souvenir items, pasimpleng lumapit si Cris kay Sol. Tahimik niyang hinila palabas, pumunta sila sa likod ng shop. “Bakit ba… ano ginagawa natin dito..?” tanong ni Sol habang kinakabahan, pasulyap-sulyap sa paligid habang hawak pa siya ni Cris sa kanyang kamay. “So ano na?” tanong ni Cris habang huminto sila sa likod ng shop. “Ang alin?” sagot ni Sol. Napahawak si Cris sa batok niya. “Yung about kagabi…” Namula ang pisngi ni Sol. “Ha… kasi…” napakagat siya sa labi niya. “So… tayo na ba?” “Hala.. ang bilis naman… hindi ka naman nanligaw ah.” pabebeng sagot ni Sol habang napangatngat sa kanyang kuko sa hinlalaki. “Kailangan pa ba yun.. naghalikan na tayo, diba..” “Hoy… ano ka ba… baka may makarinig sa’yo.” Napangiti si Cris.
“ Oh… saan ka galing… bakit ang tagal mo nakabalik? ” nagtatakang tanong ni Dianne. “ Sorry… biglang sumama kasi ang tiyan ko… ” Bago pa siya makaupo, nasulyapan niya si Cris na papalapit na rin sa table… bigla siyang nagpaalam. “ Guys… masama pa rin talaga… ” “ Baka nausog ka, ija… ” singit ni Nanay Delia. “ Ewan ko po, Nay… baka po… ” “ Mas mabuti siguro magpahinga ka muna, Sol… ” dugtong ni Manang Hilda. “ Pagod lang din ako siguro… mabuti siguro mauna na lang ako sa inyo… pero stay lang kayo dito, enjoy lang kayo, huwag ninyo akong isipin… ” “ Sige na… mabuti pa nga ipahinga mo muna ‘yan… nanibago ka siguro… ” dugtong ni Dianne. “ Ate, samahan na kita… medyo masakit na rin ulo ko… ” dagdag ni Bella. Saka dumating si Cris sa mesa. “ Oh… ikaw naman, saan ka galing? ” biglang tanong ni Dianne kay Cris. Saglit nagkasalubong muli ang tingin nila ni Sol… sabay din silang umiwas agad. “ Nag-CR lang… bakit ba? ” “ Wala lang… ” “ Kuya, mauna na muna kami ni Ate Sol, balik sa
“Bossing, iwan muna kita dito ha… hindi ko na kaya, ang saya nila oh…” sabi ni Nilo habang nakatayo na at nakatanaw sa grupo sa dagat, tila hinihila na siya ng ingay at tawanan papalayo. “Go… bahala ka,” tipid na sagot ni Cris, hindi man lang lumingon, nakapako ang tingin sa alon na paulit-ulit sumasayaw sa dalampasigan. Hindi na nagdalawang isip si Nilo, tumakbo siya papunta sa tubig at agad sinalubong ng sigawan at asaran ng grupo, habang si Cris ay nanatiling nakaupo sa buhangin, mag-isa, tahimik, parang may sariling mundo sa gitna ng ingay. “Hi…” Naputol ang pag-iisip niya. Paglingon niya, si Grace ang nakita niya. Hindi ito nagpaalam, umupo agad sa tabi niya, halos magkadikit ang balikat nila, kaya bahagyang dumistansya si Cris, sapat lang para iparamdam na hindi siya komportable. “Ang tagal na rin… no?” sabi ni Grace, parang walang bakas ng nakaraan sa tono niya. “Hmm…” sagot ni Cris, maikli, walang gana, hindi man lang siya tumingin dito, pero hindi rin siya naging bastos
“Ang aga naman natin… sino bang excited dito ha…” “Tingnan mo sarili mo, Bella… ikaw yung pinakamadaldal simula kanina…” natatawang sagot ni Dianne habang inaayos ang buhok. Maaga pa lang pero puno na agad ng ingay at tawanan ang loob ng van. Halo-halo ang kwentuhan, kantahan, at asaran na parang walang pakialam sa mahabang biyahe. Sa unahan, tahimik lang si Cris sa passenger seat, nakatanaw sa daan, pero paminsan-minsang sumisilip sa salamin, tila nakikinig din sa kasiyahan sa likod. Sa likod niya, sa may bintana, si Sol… katabi si Dianne. “Ang ganda ng view…” bulong ni Sol habang sinusundan ng tingin ang mga punong nadadaanan. “Mas maganda ka…” pabirong sagot ni Dianne sabay tawa. “Loko ka talaga…” sagot ni Sol pero napangiti rin. Sa kabilang side, likod ng driver, ang kambal na abala sa sariling mundo at nag-aagawan ng chichirya. Sa pinakadulo, magkakatabi sina Nanay Delia, Manang Hilda, Gemma, at Nilo, habang si Brownie ay tahimik sa loob ng cage. “Ang kukulit ninyo…” rek
“Okay… makinig muna kayo lahat…” Maaga pa lang pero buo na ang presensya ni Cris sa gitna ng karinderya habang tinipon niya sa harap niya ang mga tauhan. Magaan ang galaw niya ngayon, parang walang bakas ng awkward na nangyari kahapon. Saktong pagpasok ni Sol… siya ang huling dumating. “Sorry… late na ba ako…” sabi niya, bahagyang hingal. “Okay lang… timing lang dating mo,” sagot ni Cris, mabilis na ibinalik ang focus sa topic. “Magre-reshuffle tayo ngayon…” Napatingin ang lahat. “Gemma… ikaw muna sa cashier. Nilo… ikaw mag-aasikaso ng customers. Manang… sa kusina ka pa rin…” Saglit siyang tumigil… saka tumingin kay Sol. “Ikaw… sa kusina rin… kasama ko.” Sandaling katahimikan ang sumunod. Sa likod ng counter, si Anton abala sa tuta, inilalagay ito sa cage. “Behave ka muna dito, Brownie ha… uuwi kami ng maaga…” bulong niya habang sinisigurong nakasara. Kasabay nito, pababa ng hagdan si Bella… at naabutan ang huling sinabi ni Cris. “Si ate Sol… sa kusina?” sabay taas ng kil







