“Grabe ka, gurl! Ikaw na! Ikaw na talaga ang swerte sa buhay.” Napapanguso pang sabi ni Lyka habang nakasunod kay Roxane, sabay sulyap sa mga pagkaing nakahain sa mahabang mesa para sa selebrasyon ng pagbubuntis nito. Kumukutitap ang mga ilaw sa paligid, ramdam ang kasiyahan ng lahat, ngunit tila may mabigat na iniisip si Roxane. “Ui, Best!” dagdag pa ni Lyka, magsalita ka naman jan,” sabay tapik sa braso ng kaibigan. “Anong problema? Bakit parang malungkot ka? Diba dapat masaya ka na kambal agad ang baby niyo? Uhmmm’ Eh kung ayaw mo, bigay mo na lang kaya sa akin yung isa.” Sabay pikit-pikit pa ito ng mata na halatang nagbibiro. “Uhmmmm…”tikhim lang ni Roxane. Sandaling tumigil si Roxane sa paglalakad, saka marahang humarap sa kaibigan. Kita sa mukha niya ang ngiti ngunit may halong pangungulila ang kanyang mga mata. “Alam mo, bestfriend, masayang-masaya ako kasi kambal ang magiging anak namin.” Bahagya siyang napabuntong-hininga. “Ahmmm…pero, ang hindi ko lang nagustuh
“Inay!” masayang tawag ni Roxane habang papasok sa private house ni Dark. Halos mapatalon pa siya sa tuwa. Tiyak na matutuwa si inay kapag nalaman niyang kambal agad ang magiging apo niya, bulong niya sa isip. “Honey, naman! Dahan-dahan naman sa paglalakad!” sigaw ni Dark, humahabol habang pawis na pawis at bitbit ang isang plastik na punô ng isaw at balot. Para siyang delivery boy na nagmamadali. “Baka madapa ka pa, tapos ang ending—ako ang mapapagalitan ng biyenan ko!” dagdag pa niya, habol-hininga.” ngunit sabi lang niya iyon dahil alam niyang wala na si aling Beth sa private house niya. Paglapit niya kay Roxane, idinikit nito ang labi sa tenga ng babae at bumulong, halatang tuwang-tuwa: “Hindi ako makapaniwalang kambal agad ang magiging anak natin, Honey…” Napangiwi si Roxane sabay kindat, halata ang kaba at tuwa sa halong emosyon. “Oo nga eh… ang galing mo! Para kang instant sperm—three minutes lang, doble agad!” biro niya, sabay hagikhik. Napakamot si Dark, napa
Sa Lawa “T-tulungan niyo akoooo… ahhh! Tulungan niyo akooo!”paulit-ulit na sigaw ni Beth sa gitna ng lawa. Pilit siyang kumakampay, bawat iglap ng braso’y puno ng desperasyon, nagbabakasakaling may makarinig at makapitan siya upang makaalis sa mapanganib sa lawang pinagdalhan sa kanya. Ngunit wala, kahit isa ay walang naglakas-loob o nagkataong mapadpad sa lawa upang tulungan siya. Tahimik ang paligid, tanging malamlam na pagkislot ng tubig ang gumagalaw, waring nakikisama sa kanyang paghihirap. Hanggang sa tuluyan na siyang nanghina—ang mga braso niyang may tama ng bar*l ay halos wala nang silbi. Bawat pilit na kampay ay nagdudulot lang ng hapdi at bigat na parang hinihigop siya ng malamig na lawa. “Oh Dyos ko, Lord… kayo na po ang bahala sa kanila… mukhang hanggang dito na lang ang buhay ko!” umiiyak na sabi ni Beth, nanginginig ang tinig at nangingilid ang luha habang nilulunod siya ng kawalan ng pag-asa. Sa huling pagkakataon, dumaan sa kanyang isipan ang mga mahal niya sa bu
“Anong nangyayari diyan?! Anong putok iyon?!” sigaw ni Master A, halatang may kaba at inis ang kanyang boses. “Sh*t! Nabaril nila ang matanda! Sir… anong gagawin natin?” tanong ng isa, nanginginig ang boses habang tulo ang pawis dala ng nerbyos. “Huh"?Aaaayyyy’, Bwisit! Bakit niyo binaril ang matanda?!” sigaw ni Master A, halos mabasag ang pandinig ng lalaki. Mariin niyang pinagsisigawan ang mga tauhan niya, nanginginig ang panga sa sobrang inis. “Itapon niyo na siya kahit saan! Siguraduhin niyong walang makakakita sa inyo, kung hindi pati kayo, pagbabayaran n’yo sa akin ito!” “Opo, Master A…” mahina at nanginginig ang tugon ng tauhan ng lalaking mag hawak sa telepono, pilit itinatago ang matinding takot sa dibdib. “Oh,Diyos ko… baka pati kami madamay sa ginawa mo! sigaw ng Driver. Sabay pinaharurut ang sasakyan. Alam ko kung saan natin siya itatapon! “Kailangan natin siyang itapon sa lalong madaling panahon!” saad ng pangalawa, halos hindi maitago ang kaba sa tinig.
“Hindi ko matiis na hindi ko makita ang asawa ko. Pupuntahan ko siya,” bulong ni Dark, ramdam ang bigat sa dibdib at bahagyang pag-aalala sa kanyang tinig. Paglabas niya ng silid, nakita niya si Levie at si Mrs. Sebastian. Nakatayo sila—kausap si Vellama. Nasa tabi rin nila ang malalaking bagahi na dala nila nung dumating sila. “Aalis na siguro sila. Mabuti na rin iyon, kasya umasa siya sa akin,” bulong ni Dark, at tuloy-tuloy siyang naglakad palabas. “Dark Nathaniel! Saan ka pupunta? Hindi ka naman ba sasaglit dito para magpaalam sa kanila?” tawag ni Vellama sa anak. “Kainis,” sagot ni Dark, napapailing. “Uunahin ko pa ba sila kesa sa asawa kong kagabi ko pa namimiss!” “Fine… huling araw na rin naman nila ito. Aa, nga pala, Drick, ihanda mo yung kotse at aalis kami ni Roxane. Araw kasi ngayon ng OB checkup niya,” utos ni Dark sa kanyang alalay bago siya lumapit sa kanyang ina. Sabay baling sa pamilyang Sebastian. “Aalis na po ba kayo ngayon?” tanong ni Dark, kunwaring m
Inay… sana hindi na matapos ang araw na ito. Ewan ko ba jan kay Dark, may pa-surpresa pa siyang nalalaman. Nakangiting sabi ni Roxane habang kumakain, kita ang kislap sa kanyang mga mata. Tulala naman si Beth na nakatitig lamang sa anyo ni Roxane. Masaya siya? Dapat ba kitilin ko ang kasiyahang nararamdaman niya? Naramdaman niya ang bigat sa dibdib, ang takot na baka magaya si Roxane sa naging kapalaran ng ina nito. Tahimik na bulong niya sa sarili, habang pilit na ikinukubli ang pangamba. “Nay… tulala kayo, kanina pa ako salita nang salita e.” Pagmamaktol ni Roxane, sabay pout ng labi. "huh“Haha… sorry naman, anak.” Sagot ni Beth, pilit na ipinapakita ang ngiti. “Mahal mo ba talaga si Dark? Akala ko ba e wala sa bokabularyo mo ang pag-aasawa? Bakit naman biglaan at wala pa talaga ako sa mismong wedding niyo?” Pagtatampo kunwari ni Beth, ngunit sa loob-loob niya’y may kirot na hindi kayang ipakita. “Ay, ’yun nga po, Inay. Si Dark kasi… siya ang may kasalanan kung bakit kami nag