“Lumipas ang dalawang araw. Sa bawat oras na lumilipas, lalo pang tumitibay ang ugnayan ni Calvez at Carolina—hindi lamang bilang magkaibigan kundi tila ba may hindi maipaliwanag na tiwala at pag-unawa sa isa’t isa. Ang bawat tawa, ang bawat sulyap, ay unti-unting nagiging dahilan upang maging panatag si Ama Clinthon. Naniniwala siya na walang panganib na darating hangga’t nasa tabi nila si Calvez, ang tanging taong pinili niyang pagkatiwalaan. Ngunit sa isang tahimik na sandali, sa loob ng lumang bulwagan ng kanilang angkan, lumapit si Roxane sa kanyang lolo. Mabilis ang pintig ng kanyang dibdib—may kaba, may pag-aalinlangan, ngunit higit sa lahat, may matinding pagnanais na makuha ang tiwala ng matanda. “Lolo…” mahina niyang bungad, halos pabulong, ngunit sapat upang mapalingon ang nakakatanda. “Nag-usap na kami ni Calvez. Itutuloy namin ang kasunduan namin. Alang-alang ito sa ating angkan… sa angkan mo, Lolo.” Sandaling natigilan si Roxane, mariing pumikit upang itago ang pangin
"Ang tunay na pagkatao ni Mr Gravon Calvez “Ang dali-dali lang pala niyang maniwala! I like you, Carolina… gagawin ko ang lahat, mapa sa akin ka lang!” bulong ni Mr. Calvez sa sarili, mahigpit ang pagkakakuyom ng kamao at may nanlilisik na ningning sa kanyang mga mata. Ramdam niya ang mabilis na pintig ng puso, tila ba bawat tibok ay may kasamang matinding pagnanasa at determinasyon. Habang nakatitig kay Carolina, hindi niya maiwasang mapansin ang kislap sa mga mata nito at ang masayang hagikhik na umaalingawngaw sa paligid. Abala pa rin si Carolina sa pagtawa, walang kamalay-malay sa tunay na damdamin at balak ng kaharap niya, dahil ang buong akala ni Carolina ay pusong babae lamang ang nasa harapan niya. “Hey… gurl, tawa ka nang tawa d’yan,” biglang singit ni Calvez, may bahid ng kaba ang tinig. “Baka naman gusto mong sabihin kung ano na ang plano natin… para hindi ako maparusahan ng mga magulang ko. I’m sure… palalayasin ako sa angkan namin kapag nalaman nilang I’m a gay!”
‘Oh, narito na pala si Mr. Calvez!’ biglang wika ni Ama Clinthon sa bungad ng pinto, bakas sa tinig ang paggalang at bahagyang pagkabigla. Saglit na katahimikan ang bumalot sa paligid. Ang lahat ay napako ang tingin kay Mr. Calvez na ngayon ay nakatayo sa pintuan, animo’y isang anino na nagbigay bigat at karisma sa silid. Ang tikas ng kanyang tindig ay tila umaangkin sa buong espasyo. Maging si Roxane ay napalingon, at sa mismong sandaling iyon ay hindi niya napigilan ang mapamulagat. “Wow… iba siya!” biglang sambit ni Roxane, may halong paghanga at hindi sinasadyang kislap ng damdamin sa kanyang mga mata. Narinig naman iyon ni Dark. Bahagyang kumunot ang kanyang noo, wari’y may kirot na kumislot sa kanyang dibdib, ngunit pinanatili pa rin niyang kalmado ang anyo. Nakatago ang kanyang nararamdaman sa likod ng malamig na titig. “Grabe… ang tangkad, ang macho, at nakakaakit ang mga mata niya.” Huminga nang malalim si Roxane, saka pa nagbitiw ng pabirong ngiti. “Pwede na rin…”
“Grabeee! Ang sikip ng damit na ‘to, parang sinakal na ako mula leeg hanggang bewang!” reklamo ni Roxane habang pilit na hinihila pababa ang tela. “Hindi na ako makahinga sa suot ko! Seryoso ba kayo na ito talaga ang pinili n’yong ipasuot sa akin?!” Naka-fitted siyang kulay emerald green na dress na parang gawa para sa mannequin at hindi para sa taong marunong huminga. Sa sobrang dikit sa balat, halos lumabas na ang kurba ng kanyang katawan. Ang tela ay makintab na parang satin, may pahabaan ang hiwa sa gilid na halos magpabalandra ng hita. Idagdag pa ang mahabang manggas na parang kumakapit sa braso niya na mistulang braso ng python na ayaw bumitaw. “Dyos ko po… baka kapusin na ako ng hininga bago pa ako makarating sa silid ng lolo ko!” hinahabol niyang sabi habang kumak@dyot-k@dyot pa para lang makagalaw. Pinagmasdan naman siya ng mga kasambahay na pilit pinipigilang matawa. Isa pa sa kanila ang nag-abot ng maliit na clutch bag. “Ma’am Roxane, bagay na bagay po sa inyo… classy a
Pero hindi pa rin pinansin ni Yaya Meme at yaya Rhia ang salita ni Benjie , hanggang sa umalis nalang ito. “Bakit ba? Mas nasusunod pa yata ang mga yaya na iyon kisa sa utos ko?! Bakit mas priority pa nilang bantayan nang todo ang kambal kaysa sundin ako?! Saan ba nakuha ni Ama Clinthon ang mga tauhan niya—at pati ako, hindi nila magawang sundin.” Mga bulong at inis na isipin ni 3rd Clark Renoval habang pinagmamasdan sina Yaya Meme at Yaya Rhia na abalang-abala pa rin sa pag-aalaga ng kambal. Ngunit imbes na matakot o sumunod ang mga yaya, nagkatinginan pa ang dalawang yaya at sabay na ngumisi—iyong tipong ngiting tagumpay na parang sila ang tunay na panalo sa laban. “Si Yaya Meme…” mariing bulong niya. “Ano’ng akala mo sa amin? Mapapasunod mo kami sa gusto mo?” sagot ni Yaya Meme, habang bahagyang nakataas ang kilay at may halong biro sa tinig. “Hahaha! Puwes, hindi mo kami mapapasunod, kasi sabi mismo ni Ama Clinthon—nasa amin ang desisyon. Kami ang nag-aalaga sa kam
Napatingin si Ama Clinthon sa orasan. Halos dalawang oras na ang lumipas mula nang umalis si Carolina at si Mr. Drillion, ngunit ni anino nila ay hindi pa bumabalik. Kumunot ang kanyang noo, ang mga mata niya’y may bahid ng pagtataka at bahagyang pag-aalala—ramdam niya ang bigat ng oras sa paligid, na para bang bawat segundo ay may dalang senyales ng panganib. “Guard Drick…” tawag niya, medyo mababa ang tinig ngunit puno ng bigat at kahulugan. “Yes, Master,” mabilis na tugon ni Drick, agad na lumapit, ramdam ang pagka-alerto sa bawat kilos niya. “Sundan mo ang apo ko… lalo na si Mr. Drillion. Baka naligaw na siya, o baka may nangyaring hindi natin alam,” mariing saad ni Ama Clinthon, tila may hindi maipaliwanag na pangamba na bumabalot sa silid. Hindi pa man nakakasagot si Drick, biglang bumukas ang pinto. “I’m sorry, Master Ama Clinthon… natagalan ako,” humahangos na sabi ng isang pamilyar na tinig. “Mr. Drillion… mukhang nahirapan ka sa paghahanap kung nasaan kami. Bas