MasukTumikhim ang ilan. Ang iba’y napapikit. Ang pangalan pa lang ay parang may sariling bigat—Clinthon Villamonte Empire. At kasabay ng bigat na iyon, ang takot at pananabik ay sabay na bumalot sa buong Quman Hospital. Hindi na nagtagal ang pagpupulong. Isang kumpas lang ng kamay ni Korason, at parang hinipan ng malakas na hangin ang lugar—biglang gumalaw ang lahat. Nagkanya-kanya ng direksyon ang mga tauhan. Sa laundry area, agad nagsimula ang kaguluhan. “Bilisan niyo! Ihiwalay ang puti sa de-kulay!” sigaw ng isang senior laundry woman habang hinahampas ang mesa. “’Yung mga bedsheet ng VIP floor, unahin niyo!” dagdag pa ng isa. Humuhuni ang mga washing machine, nagbabanggaan ang mga kariton ng labahan, at nagliparan ang singaw ng mainit na tubig at sabon. Sa gitna ng lahat ng iyon, abala si Drick—nakatupi ang manggas, pawis ang noo, pero maayos at mabilis ang kilos. At doon na nagsimula ang mga tingin. “Uy, Drick… ang lakas mo naman,” pabirong sabi ng isang laundry woma
Tumunog ang matinis at paulit-ulit na huni ng Quman Hospital—isang tunog na agad kinikilabutan at kinikilala ng lahat. Senyales iyon ng isang mahalagang anunsiyo. Mula sa pinakamataas na opisina hanggang sa pinakailalim ng gusali, napahinto ang bawat isa sa kanilang ginagawa. Mga doktor na may hawak pang chart, mga nurse na nasa gitna ng rounds, mga orderly, guwardiya, at maging ang mga labandera sa likod ng ospital—lahat ay inatasang magtipon. Walang tanong, walang reklamo. Dahil sa Quman Hospital, kapag tumunog ang huni, iisa lang ang ibig sabihin: may desisyong babago sa takbo ng buong institusyon. Anong nangyayari?!” halos sabay-sabay na tanong ni Lyka, kasabay nina Drick at ng iba pang mga tauhan. May halong kaba at inis ang kanilang mga tinig habang napahinto sila sa ginagawa. Biglang bumukas ang pinto nang may kalabog, sinabayan ng sunod-sunod na katok na tila nananadya—katok na nag-utos ng katahimikan. “Makinig kayo!” matalas na sigaw ng babae. “Hindi ito tsismisan!”
Habang papalayo sina Drick at Lyka, hindi nila namalayang ang simpleng eksenang iyon ay parang batong inihagis sa tahimik na lawa—patuloy ang alon, palawak nang palawak ang epekto. Sa loob ng laundry room, nagkumpulan ang mga kasamahan ni Lyka. May mga napapailing, may mga naiinggit, at may mga pilit binabago ang kuwento para mailigtas ang sarili sa kahihiyan. “Eh di… maaga lang pala nag-asawa,” pilit na katwiran ng isa. “Oo nga, hindi naman pala kabit,” sabat ng isa pa, pero may bahid ng pagkainis sa tinig. Ngunit walang makatingin nang diretso kay Aling Poring. Nanatili siyang nakatayo roon, nanginginig sa galit. Hindi lamang siya napahiya—nasira ang imaheng matagal niyang ipinagmamalaki. Sa unang pagkakataon, wala siyang naisagot. Dahil paano mo lalapastanganin ang isang babaeng may legal na asawa, may mga anak, at may lalaking handang humarap sa mundo para sa kanya? Sa kabila
Sa kabilang dulo ng ospital, tahimik na itinulak ni Lyka ang laundry cart, walang kaalam-alam sa lasong unti-unting gumagapang sa paligid niya. Abala ang isip niya sa kambal—kung gising na ba, kung sapat pa ang gatas, kung may bukas pa silang ulam mamaya. Hindi niya napansin ang mga matang sumusunod, ang mga bulung-bulungan na mas lalong umiinit. Samantala, kumalat na ang tsismis na parang apoy sa tuyong damo—may halong imbento, may halong malisya. At sa gitna ng lahat, isang ngiti ang lihim na sumisibol… ngiting nagbabadya ng panganib na hindi pa niya nakikita. Haynaku, nariyan na ang babaeng haliparot!” matinis at puno ng lason ang sigaw ni Aling Poring, dahilan para mapatingin ang ilang staff sa hallway. Agad niyang hinarangan si Lyka, nakapamaywang, nanlilisik ang mga mata. “Hoy babae! Bakit kayo nag-uusap ni Doc?! Hindi mo ba alam na nobyo na ’yon ng anak ko?!” Napakurap si Lyka, pero hindi siya umatras. Sa halip, mariin ang tinig niyang sumagot, may dignidad at tapang. “Uh
Habang abala ang mga shismosa sa kani-kanilang mga pansariling iniisip—may mga matang mapanuri, may mga isipang punô ng hinala at tungkol pa rin yon kay Lyka at sa Doctor , habang,” Nasa isang silid na siya ng ospital, tahimik na kumukuha ng mga bedsheet na kailangang labhan. Isa-isa niyang tinutupi ang mga ito, sanay na sanay ang kilos. Ganito ang araw-araw niyang trabaho—ang maglibot sa bawat silid ng hospital, magpalit ng maruruming bedsheet, at siguraduhing malinis at maayos ang lahat para sa mga pasyente. Huminga siya nang bahagya bago marahang ngumiti. “Magandang araw po,” magalang niyang bati habang inaayos ang bagong bedsheet sa kama. “Papalitan lang po natin ng bago ang mga bedsheet n’yo.” Hindi niya inaasahan na may ibang taong naroon sa silid. Napalingon siya—at doon niya nakita ang Doctor na matagal nang pinag-uusapan ni Aling Poring. “Good morning, Lyka,” bati nito, may malambot na ngiti sa labi at kakaibang lambing sa tinig. “Kumusta ang kambal?” Bahagyang
Hindi pa man tuluyang nakakabawi si Lyka sa bigat ng nangyari, muli na namang bumukas ang pinto ng supply room na nililinis niya. “Hoy! Lyka!” Mabilis niyang nakilala ang boses—si Aling Poring na naman, kasunod ang dalawang kasamahan nitong janitress na halatang aliw na aliw sa eksena. “Akala ko ba sinabihan ka na?” pataray na bungad ni Aling Poring. “Bakit parang wala ka pa ring pakialam? Aba, kung ayaw mo na talagang magtrabaho, sabihin mo na lang!” Huminto si Lyka sa pagwawalis. Dahan-dahan niyang ibinaba ang hawak na mop. Huminga siya nang malalim—isang hinga na parang inilalabas ang lahat ng takot, hiya, at pagtitimpi na matagal niyang kinimkim. Pagharap niya kay Aling Poring, iba na ang tingin niya. “Aling Poring,” mariin niyang sabi, tuwid ang likod, “ginagawa ko ang trabaho ko. Hindi ako umiiwas sa trabaho at, wala akong nilalabag sa rules.” “Sumasagot ka na ngayon?” nakataas ang kilay ng matanda. “Aba, talagang lumalabas na ang sungay mo!” “Sumasagot po ako ka







