Mag-log in✨ Mensahe para sa Reader's kung Mahal ✨ Maraming salamat sa pagbabasa! 💖 Sana ay nag-enjoy ka sa kwento. Huwag kalimutang i-rate ng ⭐⭐⭐⭐⭐ at mag-iwan ng maikling komento — malaking tulong ito para mas lalo akong ganahang magsulat at maabot ng kwento ang mas maraming readers. 🥰 Ang bawat rating at comment mula sa inyo ay inspirasyon ko para ipagpatuloy ang mas nakakakilig, mas madamdamin, at mas kapana-panabik na mga kabanata. 🌹
Patuloy na pumapasok ang tubig sa ilalim ng barko. Sa bawat hampas ng alon, lalo itong bumibigat. Unti-unting lumulubog ang unahan. Basang-basa na si Lyka at ang kambal, magkakayakap sa sulok ng kubyerta, nanginginig sa lamig at takot. “Pa…” halos wala nang boses si Roxiel. “Lulubog na po ba tayo…?” Napatingin si Drick sa paligid. Madilim. Walang buwan. Walang bituin. Tanging galit na dagat at kulog ang nasa paligid nila. Sa isip niya, isang dasal na lang ang natitira. Panginoon… kahit ako na lang… iligtas mo lang ang pamilya ko… Biglang… Isang mahinang tunog ang sumingit sa gitna ng ingay ng bagyo. Isang malalim na ugong. Parang makina. Napahinto si Drick. Napatayo siya kahit nanginginig ang tuhod. “Sandali…” bulong niya. “May naririnig ako…” Muling umalingawngaw ang tunog. Mas malakas na ngayon. Mas malinaw. Hindi iyon alon. Hindi rin hangin. Isang barko. “Lyka…” halos hindi makapaniwala ang boses niya. “May paparating…” Napatingin
Sa mga sumunod na araw, mas lalo nilang naramdaman ang katahimikan ng Isla Molave. Walang ibang yapak sa buhangin kundi sa kanila lang. Walang ingay ng tawanan ng kapitbahay. Walang sigaw ng mga mangingisda sa umaga. Tanging hampas lang ng alon at huni ng hangin sa mga puno ng niyog ang maririnig. Totoo nga… Sila lang ang tao sa buong isla. Walang makakatulong. Walang mahihingan ng pako. Walang marunong mag-ayos ng makina. Sina Drick, Lyka, Roxiel at Clairox lang ang magtutulungan. Sa likod ng kubo, nandoon pa rin ang lumang barkong minsang sinakyan nila. Mas lalo itong mukhang kawawa sa liwanag ng araw. Butas ang ilang bahagi ng ilalim. Kalawangin ang makina. At ang layag, halos hibla na lang ang natira. Tahimik na napalunok si Lyka habang tinititigan iyon. “Kung ito lang ang pag-asa natin…” mahina niyang bulong. Lumapit si Drick, hinawakan ang kanyang balikat. “Ito na lang ang natitira sa atin,” sagot niya. “At kahit ito pa lang… gagawin ko ang
Sa isipan ni Drick, unti-unting bumibigat ang katotohanang kahit anong pilit at kahit anong sakripisyo pa ang gawin niya, maaaring hindi na niya muling makita ang anak nila ni Lyka—ang munting sanggol na ngayon ay kilala na bilang Aleah Integrio. Sa bawat bayang puntahan niya, sa bawat pantalan na tanungin niya, iisa lamang ang sagot na paulit-ulit niyang naririnig: “Dinala na po sa Amerika ang bata.” “Sa USA na po siya lumaki.” “Pag-aari na po siya ng pamilyang Integrio.” Parang paulit-ulit na hinihiwa ang kanyang dibdib sa bawat salitang iyon. Nang tuluyan niyang matuklasan ang buong katotohanan—na dinala si Aleah sa USA upang ipagkasundo sa pamilyang Wulkman—parang gumuho ang mundo niya. Isang sanggol. Isang inosenteng bata. Ipinagpalit sa isang kasunduang hindi man lang nito naintindihan. Sa mga gabing nag-iisa siya sa mumurahing silid sa mga pantalan, hawak ang lumang panyo ni Lyka at ang munting kumot na minsang binalot kay Aleah, paulit-ulit niyang tinatanon
Makalipas pa ang ilang taon, tuluyan nang lumaki sina Roxiel at Clairox na may sapat nang kaalaman sa mundo. Hindi kailanman nagkulang si Lyka sa pag-aaruga sa kambal. Sa edad na sampu, sanay na silang gumawa ng halos lahat ng gawain sa isla. Si Roxiel ay likas na maliksi—ang bawat galaw ay tila isang batang sundalo na sinanay sa disiplina at bilis. Samantalang si Clairox naman ay tahimik at mapagmatyag; kapag ayaw niyang magpakita, para siyang aninong bigla na lamang nawawala sa paningin. Isang hapon, habang naglalaro sila sa tabing-ilog, may napansin silang maliit na bangkang palutang-lutang, unti-unting tinatangay ng mahinang agos. “MAMA!” malakas na sigaw ni Roxiel, sabay takbong nilapitan ang bangka. Paglapit niya, nanlaki ang mga mata niya sa nakita. May isang lalaking nakahandusay sa loob ng bangka—duguan ang balikat, basang-basa ang damit, at walang malay. “Papa…” mahinang bulong niya, saka biglang napasigaw, “PAPA!” Si Drick nga ang nasa bangkang pandagat. Agad
“Mama!” sabay na sigaw nina Roxiel at Clairox habang humahagibis ang kanilang maliliit na paa sa buhanginan. Limang taong gulang na ang kambal. Payat ang kanilang mga braso at binti, bakas ang hirap ng buhay sa isla. Mula nang dalhin sila roon ng barko ni Don Integrio, doon na sila lumaki—sa Isla Molave, malayo sa sibilisasyon. Ang suot nila’y mga lumang damit na paulit-ulit nang tinahi ni Lyka, at kung minsan, kapag wala nang masuot, mga dahong pinagdikit-dikit na lamang. “Mama! Mama!” hingal na hingal na tawag ni Roxiel. “May nakita kaming puno ng niyog sa banda ro’n!” dagdag ni Clairox, kumikinang ang mga mata sa tuwa. Agad na iniwan ni Lyka ang hinahawakan niyang lambat at mabilis na lumapit sa mga anak. Lumuhod siya at mahigpit silang niyakap, wari’y takot na takot pa ring mawala ang mga ito sa kanyang paningin. “Talaga ba?” mahinang tanong niya, pilit na ngumingiti kahit punô ng pag-aalala ang dibdib. “Ingat kayo sa paglalakad, ha? Huwag lalayo nang hindi ako kasama.”
Nagpatuloy ang paglalakad ni Drick sa makipot na kalsada ng D’Bridge, bitbit ang mabigat na sako sa kanyang balikat. Sa bayan na ito, kilala siya bilang si Bryan—isang tahimik na kargador sa pantalan, walang pamilya, walang nakaraan, walang tanong. Sa bawat hakbang, kasabay ng bigat ng kargamento ang bigat ng kanyang konsensya. Sa pantalan, abala ang mga tao. May mga barkong dumarating at umaalis, may sigawan ng mga tindero, may halakhakan ng mga mandaragat. Ngunit para kay Drick, tila napakalayo ng lahat. Para siyang multo sa gitna ng mga buhay—naroroon, ngunit walang tunay na umiiral. “Hoy, Bryan! Dito muna!” sigaw ng matandang tagapangasiwa. Tumigil siya at agad lumapit, ibinaba ang sako sa tabi ng mga kahon ng isda. “Dalhin mo ’to sa bodega sa dulo. Bilisan mo, parating na ang susunod na kargamento,” utos nito. “Opo,” maikli niyang sagot. Muli niyang inangat ang sako. Kumirot ang balikat at likod niya, ngunit hindi siya umimik. Mas sanay na siya sa sakit—pero mas mas







