Share

54.

Author: Batino
last update Last Updated: 2025-08-02 02:35:14

“Pero inay…” mahinang sambit ni Roxane habang lumingon sa kanyang ama’t bunsong kapatid na tahimik lamang sa isang sulok ng maluwag at mamahaling silid ng D.N Hotel. Ang marmol na sahig, malalambot na sofa, at malamlam na ilaw ay tila hindi sapat para patahimikin ang gumugulong na tensyon sa kanilang pagitan.

Muling nagsalita si Roxane, pilit pinipigil ang halatang pag-aalala sa kanyang tinig.

“Saan naman po tayo pupunta? Akala ko po ba wala kayong kakilala rito… o kahit saan man? Di ba po sa Visayas lang kayo may koneksyon?”

Bahagya siyang napayuko, saka muling tumingin sa kanyang ina.

“Uuwi po ba tayo ro’n? Pero Nay… saan po tayo kukuha ng pera? Hindi pa po ako sumasahod… anim na araw pa lang po ako rito sa Villamonte.” Kalmado ang tono niya, pero ang mga mata'y puno ng tanong at hindi maipaliwanag na kaba.

Napatingin si Aleng Beth sa bintana ng hotel, kung saan makikita ang mga ilaw ng siyudad na tila kumikislap sa gitna ng dilim. Hawak niya ang kanyang bag na parang ito ang t
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (6)
goodnovel comment avatar
Batino
Si Charles ? Wala pa po siyang role haha ,pa ep*l lang po muna Siya .Standby kumbaga po hihihih
goodnovel comment avatar
Batino
hahaha baka manliligaw Niya po.. hihihi
goodnovel comment avatar
Batino
updated na po
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   56. Everyone VIP!

    Sila na ba ang mag-asawang VIP na hinihintay natin?" tanong ng isang staff sa D.N. Hotel, may halong kaba at excitement sa tinig. Tumango lamang ang pinakamataas sa kanila at agad ipinakilala ang bago nilang VIP customer. Si Chairman Rowen Clifford ay itinuturing na pinakamakapangyarihang tao sa buong Pilipinas. Bagamat may nakaupong presidente, siya ang tunay na nasa likod ng lahat ng desisyon sa gobyerno. Walang batas na naipapasa, walang proyekto na naipapatupad, at walang opisyal na naitatalaga kung hindi dumadaan sa kanyang basbas. Hindi siya madalas makita sa publiko—wala sa telebisyon, wala sa social media—pero ramdam ng lahat ang kanyang presensya. Isang presensyang tila nagpapabigat ng hangin sa tuwing siya'y dumarating. Tahimik ang kanyang kilos, pero lahat ng makapangyarihan ay yumuyuko sa kanya: mga senador, heneral, negosyante, at maging ang media. May mga nagsasabing siya ang dahilan kung bakit nananatiling tahimik ang bansa—hindi dahil sa kapayapaan, kundi sa ta

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   55.Mag asawang Clifford

    Hindi namamalayan ni Roxane, narating na pala niya ang labas at ngayon ay nasa harapan na siya mismo ng sasakyan ni Dark Nathaniel. Tahimik. Walang lumalabas mula sa loob. “Bakit parang ang tahimik?” tanong niya sa sarili, habang nakatitig sa tinted na salamin ng sasakyan. Maya-maya, klik! — bumukas ang pinto sa likuran. Walang salita, walang boses — parang tahimik na paanyaya lang na nagsasabing: "Pumasok ka na." Napalunok si Roxane. "Ito na naman… ‘yung pakiramdam na parang hinihila ako ng sitwasyon sa bagay na hindi ko pa rin maintindihan." Napatingin siya sa paligid, tila may inaasahang sagot mula sa hangin. Pero ang mas malakas ay ang ingay ng kanyang isipan — magulo, magulo. "Anong gagawin ko?!" sigaw ng utak niya. "Si Drick… ‘yung bodyguard ni Dark… siya ba? Siya ba talaga ‘yung lalaking napanaginipan ko? ‘Yung—‘yung kumuha sa pagkababae ko?!" Nanlaki ang mga mata niya. "Tapos ikinasal ako kay Dark — na parang isang trap na hindi ko mahanapan ng labasan! At

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   54.

    “Pero inay…” mahinang sambit ni Roxane habang lumingon sa kanyang ama’t bunsong kapatid na tahimik lamang sa isang sulok ng maluwag at mamahaling silid ng D.N Hotel. Ang marmol na sahig, malalambot na sofa, at malamlam na ilaw ay tila hindi sapat para patahimikin ang gumugulong na tensyon sa kanilang pagitan. Muling nagsalita si Roxane, pilit pinipigil ang halatang pag-aalala sa kanyang tinig. “Saan naman po tayo pupunta? Akala ko po ba wala kayong kakilala rito… o kahit saan man? Di ba po sa Visayas lang kayo may koneksyon?” Bahagya siyang napayuko, saka muling tumingin sa kanyang ina. “Uuwi po ba tayo ro’n? Pero Nay… saan po tayo kukuha ng pera? Hindi pa po ako sumasahod… anim na araw pa lang po ako rito sa Villamonte.” Kalmado ang tono niya, pero ang mga mata'y puno ng tanong at hindi maipaliwanag na kaba. Napatingin si Aleng Beth sa bintana ng hotel, kung saan makikita ang mga ilaw ng siyudad na tila kumikislap sa gitna ng dilim. Hawak niya ang kanyang bag na parang ito ang t

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   53. Charles Ramirez

    “How dare you!” Gigil na gigil ang sigaw ni Levie, tila sasabog na sa galit habang nilalapitan si Roxane. “Ang lakas ng loob mong dumaan dito—at bastusin ang nag-iisang anak ng mga Sebastian?!” Bahagyang napailing si Roxane, may ngiting puno ng pangungutya habang tinitigan si Levie mula ulo hanggang paa. Hindi siya umatras—mas lalo pa siyang humarap. “Ay wow…” aniyang may diin. “So ikaw na ngayon ang nag-iisang anak? Good for you. Pero ako? Ako ang panganay na anak ng mga magulang ko. At kahit hindi kami mayaman gaya mo—mahal ako at pinalaki akong may dangal.” Parang tinusok ng karayom si Levie, kaya’t mas lalong namula ang kanyang mukha sa inis. “Wala akong pakialam sa’yo!” singhal niya, mas malakas, mas mapanlait. Ngunit nanatiling kalmado si Roxane. Walang patid ang tingin niya kay Levie—matalim, buo, at hindi nagpapaapi. “Ayan nga ang punto ko,” sagot niya nang madiin, “Wala ka namang pakialam sa akin—so bakit ka andito? Bakit mo ako sinusundan? Kung saan man ako pumunta

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   52. Your Nothing but a maid!"

    “Seryoso? Akin ba ang lahat ng ito?!” gulat na gulat si Roxane habang paikot-ikot sa silid, tila hindi makapaniwala sa dami ng mga mamahaling gamit—mga designer dress, bagong heels, signature perfume, pati na rin ang lacey underwear na mukhang galing pa sa ibang bansa. “Ano ‘to? Suhol para maging mabuti akong asawa mo?!” singhal niya, hawak ang isang pink na bra na halatang sinukat ayon sa eksaktong sukat niya. Tahimik si Dark Nathaniel sa umpisa, nanatiling kalmado habang nakasandal sa pader, naka-cross arm at may mapanuksong ngiti sa labi. Umangat ang isang kilay niya at dahan-dahang nagsalita. “No, honey… Asawa na kita. Simula pa nung araw na ‘yon.” “What?!” Napaatras si Roxane. “Anong araw?! Anong pinagsasabi mo kunit noo niyang tanong?” Pero hindi sumagot si Dark. Umiling lang ito at tinapik ang dibdib niya. “Just trust me. Lahat ng ‘yan, para sa’yo. Dahil ikaw ang asawa ko.” Nanlaki ang mata ni Roxane. Hindi niya alam kung tinutukso lang ba siya nito, o kung seryoso. Pero

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   51.

    "Honey... let me explain. Sasabihin ko sa’yo ang lahat..." anas ni Dark, habang unti-unting lumalapit kay Roxane. Halatang nanginginig ang boses niya—takot, kaba, ang bumabalot sa bawat salitang kanyang binibigkas ikaw ba naman ang gulpihin ng asawa. "Sabihin mo na ngayon habang mahinahon pa ako!" mariing sabi ni Roxane, pinipigilan ang pag-angat ng kanyang boses habang patuloy sa paglapit sa kanya. Nangingilid ang luha sa mga mata niya pero pinipilit pa ring maging matatag. Ang dibdib niya ay parang sasabog sa bigat ng emosyon. "Ganito kasi ‘yun..." bumuntong-hininga si Dark, hindi alam kung saan magsisimula. "I love you... mahal talaga kita. Kaya ko nagawa ‘yun... wala nang iba. Ikaw lang sapat na." Napailing si Roxane, pilit ngumiti ngunit puno ng pait ang bawat ngiti. "Uhmmm... pero ano ang totoo?!" halos pabulong pero punung-puno ng sakit ang tanong niya. "Alam mo bang... namimiss ko na ang pamilya ko? Gusto ko na silang makita... akala ko... akala ko huling araw ko na ri

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status