Share

Chapter 3

Author: SKYGOODNOVEL
last update publish date: 2026-06-02 14:04:09

Chapter 3

"Lorenzo... magsalita ka!"

Hindi na napigilan ni Veronica ang sarili.

Halata ang pagkataranta sa kanyang mukha habang paulit-ulit na tumitingin sa aking ama.

Parang umaasa siyang may sasabihin itong pabor sa kanila.

Parang umaasa siyang muli niya akong isasantabi.

Ngunit sa pagkakataong ito...

Hindi na ako iyong dating Althea.

"Althea..." mahinang tawag ni Dad.

"Althea, hindi mo pwedeng gawin ito."

Napatawa ako.

Ngunit walang saya sa tawang iyon.

Puro pait lamang.

Puro sama ng loob.

"Why, Dad?"

Tahimik siya.

"Kasi ba mas mahal mo sila kaysa sa akin?"

Nakita kong nanikip ang kanyang panga.

Ngunit hindi ako tumigil.

Hindi matapos ang lahat ng taon na pinabayaan niya ako.

"Hindi ba ako ang tunay mong anak?"

Muling bumagsak ang katahimikan sa buong sala.

"Mas matimbang ba sa'yo ang dalawang iyan na wala namang dugong dumadaloy sa kanilang mga ugat?"

"Althea!" saway ni Veronica.

Ngunit agad ko siyang tiningnan. At sa isang tingin pa lamang ay natahimik siya.

"So pathetic..." Mapait akong napailing. "Alam mo, Dad?"

Tumulo ang isang luha sa aking pisngi. Hindi dahil mahina ako. Kundi dahil nasasaktan pa rin ako. Sa kabila ng lahat. Anak pa rin niya ako. "Buong buhay ko, akala ko kulang lang ako." Napayuko ako sandali. "Akala ko may mali sa akin."

Naramdaman kong bumigat ang dibdib ko habang isa-isang bumabalik ang mga alaala.

Mga kaarawan na hindi niya nadaluhan. Mga recognition day na wala siya. Mga gabing hinihintay ko siyang umuwi. Mga panahong mas pinili niyang samahan ang bagong pamilya niya kaysa ang sarili niyang anak.

"Pero ngayon naiintindihan ko na." Napatingin ako sa kanya. "Never akong naging problema." Nanlaki ang kanyang mga mata.

"Dad..." Napangiti ako nang mapait. "Ikaw."

Parang may kung anong bumagsak sa pagitan naming mag-ama. Isang pader na hindi na kayang sirain.

"Althea, hindi ganoon ang nangyari."

"Talaga ba?" Mabilis kong tanong. "Dahil sa nakikita ko, ganoon na ganoon ang nangyari."

Napahawak siya sa noo niya. Mukhang nahihirapan. Ngunit wala na akong pakialam. Tatlong taon akong nasaktan. Panahon naman para marinig niya ang katotohanan.

"Sabihin mo nga sa akin, Dad." Diretso akong tumingin sa kanyang mga mata. "Noong umalis ako rito..." Humugot ako ng malalim na hininga. "...sinubukan mo ba akong hanapin?" hindi ito sumagot. "Noong umiiyak ako mag-isa..." Tahimik pa rin. "Noong kailangan kita bilang ama..." Wala pa ring sagot. Dahan-dahan akong tumango.

Naramdaman kong lalong sumikip ang dibdib niya. Ngunit hindi na ako umurong. Hindi na ngayon.

"Dahil ang katahimikan mo ang sagot."

"Althea..." basag ang boses niya.

Pero huli na. Masyado nang huli. Biglang tumayo si Bianca.

"Enough!"

Napalingon kaming lahat sa kanya. Galit na galit ang mukha niya.

"Akala mo ba ikaw lang ang nasaktan?!"

Napataas ang kilay ko. "Excuse me?"

"Oo!" Nanginginig ang boses niya. "Pinaghirapan namin ang lahat ng mayroon kami rito!"

Napatawa ako. At sa pagkakataong iyon, hindi ko na itinago ang pangungutya sa aking mukha.

"Talaga?" Humakbang ako palapit sa kanya. "Pinaghirapan?" Nakita kong napalunok siya. "Sabihin mo nga sa akin, Bianca." Tinuro ko ang paligid. "Kaninong pera ba ang nagpatayo ng mansyong ito?"

Tahimik siya. "Kaninong pamilya ang nagtatag ng kumpanyang tinatamasa ninyo ngayon?" Wala pa ring sagot. "At kaninong mana ang ginagamit ninyo sa loob ng maraming taon?"

Namula ang kanyang mukha. Dahil alam niyang tama ako. At alam kong alam niya iyon.

"Everything you have..." Malamig akong ngumiti. "...came from my mother."

Parang binuhusan ng malamig na tubig ang buong sala. At sa unang pagkakataon. Wala ni isa sa kanila ang nakasagot. Dahil ang katotohanan ay isang bagay na hindi nila kayang takasan. At ngayong nakabalik na ako. Sisiguraduhin kong haharapin nila ang bawat kasinungalingang itinayo nila sa loob ng maraming taon.

"Manong, pakiakyat ang gamit ko sa aking silid."

Agad na tumango si Mang Roberto. "Yes, Miss Althea."

Ngunit bago pa man siya makaalis ay biglang sumingit si Bianca.

"No!"

Malakas ang kanyang boses. Lalo pa siyang nagmukhang galit nang makita niyang sinusunod ako ng mga katulong.

"Silid ko na iyon!"

Napalingon ako sa kanya. At saka malamig na ngumiti. "Silid mo?" Napatawa ako nang mahina. "Yes, in the first place, silid ko iyon." Tumigas ang kanyang mukha. "At ikaw ang umagaw niyon sa akin."

"Althea!" sigaw niya.

Ngunit hindi ako natinag. Sa halip ay tumingin ako sa mga katulong na tila hindi malaman kung sino ang susundin.

"Narinig n'yo ang sinabi ko." Tumango ang ilan sa kanila. "Ang lahat ng gamit sa loob ng silid ay tanggalin."

Nanlaki ang mga mata ni Bianca. "Ano?!"

"At palitan ng bago."

"How dare you!"

Mabilis siyang lumapit sa akin. Ngunit hindi ako umatras. Hindi tulad noon. Hindi na ako iyong batang tahimik na inaapi. Hindi na ako iyong batang umiiyak sa sulok habang inaagaw nila ang lahat ng para sa akin.

"How dare me?" ulit ko. Malamig akong tumawa. "Mas magandang itanong mo iyan sa sarili mo." Nakita kong namula ang kanyang mukha sa galit. "Three years akong wala rito." Humakbang ako palapit sa kanya. "Three years mong ginamit ang silid ko."

Isa pang hakbang. "Three years mong inangkin ang mga bagay na hindi naman para sa'yo."

Isa pang hakbang. Hanggang sa tuluyan siyang mapaatras. "Kaya huwag mo akong tanungin kung paano ako nagkaroon ng lakas ng loob." Nanlaki ang kanyang mga mata. "Dahil ang tanong ay..." Malamig akong ngumiti. "...paano mo nagawang angkinin ang hindi naman sa'yo?"

"Mom!" galit niyang tawag kay Veronica.

Agad naman itong lumapit. "Althea, sobra ka na."

Napalingon ako sa kanya. "Sobra?" Tumawa ako. "Sobra na ba agad kapag kinukuha ko ang sarili kong pag-aari?" Hindi siya agad nakasagot. "Dahil sa pagkakaalam ko, kayo ang sumobra."

Tahimik silang dalawa. At doon ko nakita ang galit sa kanilang mga mata. Pero wala na akong pakialam. Hindi na ako natatakot sa kanila. Hindi na matapos kong malaman kung gaano sila kadaling talikuran ang katotohanan para sa sariling kapakanan.

"Mang Roberto."

"Yes, Miss?"

"Simulan na ninyo."

Nagkatinginan ang mga katulong. Pagkatapos ay sabay-sabay silang tumango.

"Yes, Miss Althea."

"Ano?!"

Halos mapasigaw si Bianca nang makitang nagsimula nang umakyat ang mga katulong sa ikalawang palapag.

"Huwag kayong gagalaw!"

Ngunit walang sinuman ang sumunod sa kanya. Dahil alam nilang lahat kung sino ang tunay na may-ari ng silid na iyon.

At marahil kung sino rin ang tunay na tagapagmana ng pamilyang Monteverde. Nakita kong namumula sa galit si Bianca habang isa-isang umaakyat ang mga katulong.

Samantalang si Veronica naman ay halos hindi makapaniwala sa nangyayari.

At si Dad? Tahimik lamang siyang nakatayo. Pinagmamasdan ang lahat. Parang ngayon lang niya napagtatanto kung gaano karaming bagay ang hinayaan niyang mangyari habang nakapikit siya sa katotohanan.

"At isa pa pala."

Napalingon silang lahat sa akin. Malamig kong inilapag ang aking bag sa sofa.

"Mula bukas, gusto kong makita ang lahat ng financial reports ng Monteverde Group."

Nanlaki ang mga mata ni Veronica. "Ano'ng kinalaman niyan dito?"

Napangisi ako. "Malalaman mo bukas."

At sa unang pagkakataon mula nang makabalik ako sa mansyong ito. Nakita ko ang takot sa kanilang mga mukha. Takot na baka mabunyag ang lahat ng sikreto nilang matagal nang nakatago. At sisiguraduhin kong mangyayari iyon. Dahil ang pagbawi ko sa aking silid. Simula pa lamang ng lahat.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Falling for the Billionaire Daddy   Special Chapter

    Special ChapterLuna POV"Hello, sis! Kinuhaan na kita ng marriage certificate!"Napahinto ako sa ginagawa ko nang marinig ang boses ng kakambal ko sa kabilang linya."What?!"Napapikit ako at napahawak sa noo ko."Hindi porket magkamukha tayo ay nagpakasal ka sa isang lalaki at ang pangalan ko ang ginamit mo!"Mababa at mahinahon ang boses ko, pero sa totoo lang, kumukulo na ang dugo ko.Sa kabilang linya, narinig ko ang mahinang pagtawa ni Lia."Relax, sis!""Relax?!"Napatingin ako sa paligid ng opisina.Hindi ako nagtatrabaho sa sarili naming company dahil ayaw kong magkaroon ng special treatment.Gusto kong maranasan kung paano maging ordinaryong empleyado.Kaya ngayon, nasa isang malaking company ako rito sa Korea, nagtatrabaho nang normal tulad ng ibang empleyado.Yes, dito na kami nakatira.May sarili kaming malaking mansion dito sa Korea at resident na rin kami.Mas gusto ko ang tahimik na buhay rito kaysa sa Pilipinas.Pero dahil kay Lia...Mukhang kahit saan ako pumunta, ma

  • Falling for the Billionaire Daddy   Chapter 145

    Chapter 145Third POVKinabukasan, habang nasa hospital pa sina Althea, Cyrus, Caleb, at ang dalawang bagong silang na sina Luna at Lia, abala naman ang buong pamilya sa mansion.Maagang gumising sina Mommy at Dad ni Althea upang ihanda ang lahat para sa kanilang welcome home celebration.Samantala, dumating din ang mommy ni Cyrus at Princess upang tumulong."Princess, ilagay natin dito ang mga decorations," wika sa Mommy nito habang itinuturo ang malaking bahagi ng living room."Okay, Mom!"Agad namang kumilos si Princess. Sa kabilang bahagi naman ng mansion, abala si Don Zetro sa pag-aayos ng mga pagkain."Gusto kong kumpleto ang lahat," seryoso niyang sambit sa mga kasambahay. "Pag-uwi ng anak ko at ng dalawang apo ko, dapat maayos ang buong bahay."Ngumiti ang isa sa mga kasambahay."Yes, Don."Samantala, ang Mom ni Althea ay abala sa pag-aayos ng dalawang maliit na crib na inilagay sa nursery."These are for Luna and Lia."Hinaplos niya ang maliliit na kumot na inihanda para sa d

  • Falling for the Billionaire Daddy   Chapter 144

    Chapter 144"Mr. Del Monte, may I have the names of the babies?" tanong ng nurse habang ang isa naman ay naghahanda ng form para isulat ang kanilang pangalan.Bago pa ako makasagot, biglang sumingit si Caleb."Me, me, me! I give the name of my two siblings!"Excited na excited niyang sambit habang halos tumalon sa tuwa.Napatawa ako."Sure, buddy."Agad na napatingin sa akin ang nurse."Okay, sir.""Let him."Lumapit si Caleb sa dalawang bassinet at pinagmamasdan ang kanyang mga baby sisters."Okay..."Nag-isip siya nang mabuti habang nakalagay ang isang daliri sa kanyang baba."First, I want to name her..."Itinuro niya ang unang baby."Luna."Napangiti ako."Luna?"Tumango siya."Yes, Daddy. She's my little Luna."Napatingin naman siya sa pangalawang baby."And her..."Sandali siyang natahimik.Then his face suddenly lit up."Lia!""Luna and Lia!"Napangiti ako habang nakatingin sa dalawang anak namin."Luna and Lia..."Inulit ko ang kanilang mga pangalan.Napakaganda.Maya-maya, lu

  • Falling for the Billionaire Daddy   Chapter 143

    Chapter 143"Congratulations!"Masayang bati ng doktor habang nakangiti sa akin."Congratulations, Mr. Del Monte. You are now the father of two beautiful baby girls."Hindi ko napigilan ang mapangiti."Thank you, Doc."Pakiramdam ko ay gusto kong tumalon sa sobrang saya.Ngunit nang tingnan ko si Althea, agad akong lumapit sa kanyang tabi."Hon..."Mahina siyang ngumiti sa akin, pagod ngunit halatang masaya."How are the babies?""They're doing well," sagot ng doktor. "We'll clean them first and check them properly."Tumango ako."Okay."Maya-maya, sinabi ng doktor,"You can go outside now, Mr. Del Monte. Hintayin mo na lamang ang iyong wife sa private room. Lilinisin muna namin siya, pati na rin ang dalawang babies."Napatingin ako kay Althea."Okay, love. I'll be waiting for you."Marahan kong hinalikan ang kanyang noo."I love you.""I love you too," mahina niyang sagot.Bago ako lumabas, muli kong nilingon ang dalawang baby girls namin.Napangiti ako habang pinagmamasdan silang in

  • Falling for the Billionaire Daddy   Chapter 142

    Chapter 142Sumakay din ang dalawa kong biyenan sa sasakyan habang may kausap si Mom sa cellphone.Hindi ko gaanong narinig ang kanilang pinag-uusapan, ngunit isang salita ang malinaw na umabot sa aking pandinig."Balae..."Napatingin ako kay Althea.Mukhang narinig niya rin iyon.Maya-maya, ibinaba ng kanyang ina ang tawag at ngumiti."Yes, balae. Kaya sumunod na kayo ni Princess sa hospital!"Napatingin si Althea sa kanyang ina."Mom, sino 'yon?""Your mother-in-law."Napangiti si Mom."Tinawagan ko siya para ipaalam na papunta na tayo sa hospital."Tumango ako."Good. Mas mabuti nang alam din nila."Agad kong hinawakan ang kamay ni Althea."Hon, okay ka lang?"Huminga siya nang malalim bago tumango."I'm okay."Ngunit ramdam kong kinakabahan siya.Marahan kong hinaplos ang kanyang kamay."Don't worry. We're all here."Ngumiti siya sa akin."I know."Sa kabilang bahagi, excited na si Caleb."Grandma and Grandpa are coming too?""Yes," sagot ni Mom."Then everyone will be there when

  • Falling for the Billionaire Daddy   Chapter 141

    Chapter 141Fast forward a few months...Hindi ko namalayang ang bilis ng panahon.Mula nang ikasal kami ni Althea, mas naging tahimik at masaya ang buhay namin. Ngunit nitong mga nakaraang buwan, halos hindi na ako mapakali dahil malapit na siyang manganak.Twins.Yes, dalawang baby girls ang nasa tiyan ng asawa ko.At dahil malapit na siyang manganak, halos lahat ng oras ko ay nakalaan sa kanya.Hindi na rin muna ako pumapasok sa company. Kahit may mga meeting at importanteng documents, ipinapadala na lamang sa akin ng secretary ko at ginagawa ko sa bahay.Mas gusto kong nandito ako sa tabi ni Althea.Ayokong may mangyari sa kanya habang wala ako.Nang araw na iyon, nakaupo siya sa sofa habang nakahawak sa kanyang malaking tiyan.Ako naman ay nasa kusina at naghahanda ng tubig nang marinig ko ang kanyang boses."Hon..."Agad akong napalingon."Yes, love?""Sumasakit ang baywang ko."Mabilis akong lumapit sa kanya."Again?"Tumango siya."Medyo masakit."Umupo ako sa tabi niya at mar

  • Falling for the Billionaire Daddy   Chapter 4

    Chapter 4 Tahimik na naghari ang buong sala matapos kong sabihin ang tungkol sa financial reports. Ngunit kitang-kita ko ang takot na mabilis na dumaan sa mukha nina Veronica at Bianca. At doon ko lalong natiyak. May tinatago sila. At mukhang malaki ang tinatago nila. "Financial reports?" pilit

  • Falling for the Billionaire Daddy   Chapter 2

    Chapter 2 Kasabay ng paglayo ko sa kanya ay pakiramdam ko ring unti-unti kong iniiwan ang lahat ng alaalang binuo namin. "Althea, please!" habol niya habang sumusunod ng ilang hakbang. Ngunit agad akong huminto. At sa huling pagkakataon ay nilingon ko siya. Ang mga matang minsang puno ng pagm

  • Falling for the Billionaire Daddy   Chapter 1

    Chapter 1 Althea POV "Bestie, walang hiya talaga iyang Cyrus na iyan!" galit na galit na sabi ni Joan sa kabilang linya. Napakunot ang noo ko habang nakaupo sa waiting area sa labas ng ospital. Kadarating ko lang mula sa check-up dahil ilang araw na akong nakararanas ng pagkahilo at pagsusuka

  • Falling for the Billionaire Daddy   Chapter 5

    Chapter 5Pagkapasok ko sa guest room ay agad kong isinara ang pinto.At sa unang pagkakataon mula nang bumalik ako sa mansyong ito...Nawala ang matigas na maskarang suot ko.Napagod ako.Hindi sa pakikipagtalo.Kundi sa pag-alala.Sa bawat sulok ng bahay na ito ay may alaala ng aking ina.Mga ala

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status